Chapter Thirty

HELL MADE OF ICE

----------------------------------------------------

Mahaba ang naging paglalakbay nila Sloven lulan ang military jeep mula sa sa cabin na kanilang tinataguan pabalik sa Krasnoyarsk. Iyon ay dahil nung tawagan ni Boris ang prison camp na target nila para ipaalam sa komander nito na bibisita si Lieutenant Sokolov, nagpresenta ito na magpapadala ng mga tauhan para sunduin ito sa bukana ng mismong kagubatan para ihatid sa prison camp.

Gabi na nang marating nila ang siyudad at dahil alas-sais ng umaga ang naging usapan na pagkikita, halos ilang oras lang ang itulog nilang lahat. Maagang gumising si Sloven at Asja. Sinuot na ng lalaki ang malinis na isa pa nitong uniporme at siya naman ay nagsuot ng itim na catsuit at pinatungan iyon ng makapal na brown na coat na mabalahibo ang kwelyo. Mataas ang pagkaka-ponytail ni Asja sa kanyang buhok at mas pinapula niya ang mga labi.

Sa kanyang pananalamin sa hotel kung saan kasalukuyang nanunuluyan si Bruno, nakita niya ang repleksyon ni Sloven na nakatingin sa hitsura niya sa salamin. Tumaas ang sulok ng labi nito, ngisi na hindi umabot sa mga mata. She just remained in her bent down position, a hand on top of the dresser table as she checked her look in the mirror for the last time. Nauunawaan naman niya na dahil araw na ng pagsasakatuparan nila sa misyong gagawin, kaya seryoso na ito. Nahihiyang napayuko na lang siya at sinara ang cap ng lipstick. As she put it down, she felt his hand press against the fullness of her ass. Humagod ang kamay nito pataas at pababa patungo sa likod ng kanyang mga hita bago ito yumuko para sundan ang pagkakaporma ng kanyang katawan. He placed a hand against the table and murmured as his face drew close on her right cheek.

"Just stay on my back later when we reached the prison camp," he murmured. "This ass will totally distract me."

"As if," ganti niya sa ngisi ng binata nang inangat ang mga mata para titigan ito. "Alam ko naman na kapag focused ka na sa misyon, wala nang makakapigil sa iyo."

"This delicious ass will," he squeezed, making her gasp, then bite her lower lip to control that sexually suggestive parting of her lips. Ayaw niyang i-turn on ang lalaki lalo na at paalis na sila sa hotel na iyon. "I really have to be extra careful."

Siya namang bukas ng pinto. Sumilip si Bruno at tinapunan sila ng nawiwirduhang ngiti bago tinuon ang pansin kay Sloven. Bruno wore layers of jackets and a cap.

"Boss, nandito na 'yung sasakyan," anito. "Dinaan na lang naman sa maperang usapan 'yung rental kaya kahit hindi pa sila nagbubukas, eh, pinahiram nila 'yung kotse."

Tumayo na sila ng tuwid. Hinarap na ni Sloven ang lalaki. "Good, buhayin niyo na ang makina. Susunod na kami ni Asja."

"Yes, Boss," anito at sinara na ang pinto.

Naging abala na si Asja sa paghahanda ng mga armas na gagamitin. All she needed was a hand gun that she fully loaded with bullets. Binuksan niya ang suot na coat at balak na isuksok sa inside pocket nito ang armas nang pigilan siya ng lalaki.

He took her gun. "Hindi pa tayo mapapasabak sa aksyon," matiim nitong titig sabay dahan-dahang kuha sa baril na kanyang hawak.

"Paano kung mabuking nila itong paga-undercover natin?" aniya. "We need protection to make sure, okay?"

"Bibisitahin lang natin si Sir Gregori, okay? Magiging mabilis lang ito."

Hinigit niya ang paghinga. "Wala tayong magiging laban kung sakali--"

He laughed. "Asja," haplos nito sa pisngi niya. "Ang daming sundalo sa kampo na iyon, at lahat sila may baril. We can easily steal their guns when the situation demands it."

Tama ito kaya hindi na siya nakipag-argumento pa. "Okay, let's go."

At nagpatiuna siya ng lakad. Nagmamadaling inunahan siya ni Sloven para pagbuksan ng pinto bago ito sumunod ng labas sa kanya.

Isang puting kotse na may magandang modelo ang naghihintay sa kanila sa tapat ng hotel. Si Bruno ang nasa likod ng manibela at nakasuot ng pang-sundalong uniporme. May itim na kotseng nakabuntot sa kanila kung saan nakalulan si Boris at ang iba pa nitong tauhan na mga nakapang-sundalong umiporme rin. Pero malamang ay pinayari lang iyon ng mga lalaki bilang disguise.

Sloven sat beside her on the backseat in an authoritative stature. All at once, he seemed to have already channeled the behavior of an uptight, lieutenant. Deretso na ang tingin ng binata at walang imik. Hindi niya na ito mahagilapan ng anumang emosyon sa mukha.

He's really good at pretending...

Iniwas na niya ang tingin sa lalaki at sinikap na maging in-character. She would be introduced later as a representative from GRU-- one of its administrative secretaries. Kunwari ay pupuntahan nila si Sir Gregori para ma-update ang lieutenant na kababalik lang mula sa matagal at confidential na misyon kung ano ba talaga ang isyu sa GRU.

Nang marating ang bukana ng kagubatan, inihinto na ni Bruno ang sasakyan sa tapat ng nakaabang na tatlong military jeep. Nakatayo sa tabi ng mga sasakyan ang mga sundalong nakauniporme na napapatungan ng makapal na camouflage na jacket at ang commander ng prison camp na kanilang pupuntahan-- isang middle-aged na ginoo na naka-cap na kasing itim ng makapal na military jacket na suot nito.

Bumaba mula sa sasakyan si Sloven, si Boris at ang mga tauhan nito na nakauniporme. Nanatiling nakahawak sa manibela si Bruno, matindi ang atensyon na binibigay sa mga taong kanilang makakasalamuha. Bumukas na ang pinto sa tabi ni Asja at nakita ang paglalahad ni Sloven ng kamay sa kanya. Sumalubong sa kanila ang lamig ngunit mas kaaya-aya kaysa sa nagyeyelong lamig sa lokasyon ng cabin na kanilang tinuluyan ng dalawang araw. Asja placed a hand on his palm and let him help her get out of the car.

Pagkasara nito ng pinto ay inakay siya ni Sloven sa siko palapit sa naghihintay na commander. Both of them wore serious faces, showing the officers of the prison camp that they came for professional matters.

"Magandang umaga, Sir," bati ng ginoo.

Nanatiling tuwid ang tindig ni Sloven, sa baba nakatingin ang mga mata dahil mas matangkad ito kaysa sa commander.

"Magandang umaga."

"Mahaba ang byahe kaya sa sasakyan na tayo mag-usap."

"Sige," pormal nitong wika. "Siya nga pala, heto ang secretary ni Sir Feliks, si Miss Vasela'yna."

Tango ang binigay sa kanya ng commander na kanyang ginantihan.

"Magandang umaga, ako si Commander Sergeyevich."

"Salamat sa pagsalubong sa amin dito, Commander," pormal lang niyang wika, maingat ang mga mata na inoobserbahan ang mga kasama nitong gwardya sa prison camp na armado ng malalaking mga baril na nakasukbit sa likuran ng mga ito.

She returned her eyes on the middle-aged man. "Hindi personal na makakarating si Sir Feliks para samahan si Lieutenant, kaya ako ang itinalaga niya."

Matapos ang pormal na introduksyon sa isa't isa, sumakay na sila sa military jeep. Umupo ang commander katabi ng sundalong nagmamaneho at napapagitnaan si Asja at Sloven ng dalawang unipormadong lalaki na may hawak na mga baril para gwardiyahan sila.

"Isang surpresa ang pagparito mo, Sir," wika ng commander sa kalagitnaan ng biyahe. Sa tingin ni Asja ay natural lang na dumaldal ito dahil sa loob ng pitong oras ay nasa kalsada lang sila. "Wala talaga kaming alam sa presensya mo sa militar."

"Ilang taon ako nasa isang confidential na misyon, Commander," malamig na sagot ni Sloven. Nang lingunin ito ni Asja, deretso lang sa daan ang tingin ng binata.

Tinahak nila ang kalsada patungo sa prison camp na minsan ay bako-bako kaya may kaunting pag-alog sa sasakyan at napapakapit sa mga bakal ng jeep ang nakasabit na armadong sundalo. Napapagitnaan ang jeep nila, na nauuna sa dalawa pang jeep na nakabuntot sa kanila, ng mga nagtataasang puno na ang ilang mga dahon at tangkay ay may nasalong mga puting niyebe. Naghalo ang puti at itim dahil sa mga bato, lupa at nakalatang na snow.

"Ika nga ng tumawag sa amin mula sa militar," anito, paminsan-minsan ay nililingon sila ng commander na tila nasa magandang mood.

Inangat saglit ni Asja ang mga mata sa langit na puting-puti ngunit maliwanag. She returned her eyes on the road.

"Kamusta si Gregori?" tanong ni Sloven, walang kalakip na anumang emosyon.

Muntikan na siyang mag-react doon. Paano ay inatake siya bigla ng pag-aalala para kay Sir Gregori, mabuti na lang at mabilis na sumagot ang commander kaya bumalik sa misyon at pagpapanggap ang kanyang atensyon.

"Mukhang makakasanayan din niya ang pananahi," nang-uuyam nitong tawa na nagpadiin sa pagkakakuyom ng mga palad ni Asja. "Nasa isa siyang solitary cell, sa pinakasulok, tulad ng hinabilin sa amin."

"Binibigyan niyo ba ng espesyal na trato?" sunod na tanong ni Sloven.

She saw boredom in his blue eyes... Or maybe he was just acting bored. How could she know? Alam naman ni Asja na magaling si Sloven sa pagpapanggap.

All of a sudden, she felt strange. Parang hindi si Sloven ang kanyang katabi.

Parang ibang tao na.

"Bakit naman namin bibigyan ng espesyal na trato ang traydor ng Russia?" seryosong tugon ng kausap ng kanyang katabi. "Tulad ng ibang mga bilanggo sa prison camp, kinalbo siya at mahigpit na pinasusunod sa mga rutina sa loob. Kasabay niya lahat ng mga bilanggo roon sa paggising, sa pagkain at sa paglalakad-lakad sa labas ng mga selda nila. Tulad din ng ibang mga bilanggo roon, pinagta-trabaho rin naman siya. Hindi pwede ang nakatambay lang doon. Sa pagtatahi ng mga uniporme muna namin siya nilagay."

Hindi na nagsalita pa si Asja. Pinigilan na lang niya ang sarili.

"Mabuti," narinig niyang wika ni Sloven na alam niyang kaiinisan niya kung hindi lang alam ni Asja na nagpapanggap lang ang lalaki. "Hindi naman ba naging matigas ang ulo ng gagong iyon?"

She clenched her fists tighter.

"Mabait na bata ang gago kapag nakakulong pala. Kaya wala kang dapat ipag-alala."

Wala nang sinabi pa si Sloven.

Sa kasagsagan ng biyahe huminto saglit ang mga jeep para kumain saglit ang mga sundalo at umihi kung kinakailangan. Nakadalawa silang stop over kaya naman gabi na nang marating nila ang prison camp. Pumasok sila sa gate at ininspeksyon ng mga guwardiya roon. Mabuti na lang at hindi na niya giniit pa kay Sloven ang pagdadala niya ng handgun.

Sa pagkapkap ng gwardiya sa hinubad niyang coat at sa suot niyang catsuit ay matalim na titig ang pinukol ni Sloven sa kanila habang naghihintay ito sa loob ng entrance na papasukin na siya. Asja took her coat and wore it as she followed Sloven.

Sinamahan sila ni CommanderSergeyevich sa hallway patungo sa selda ni Sir Gregori. Madilim ang pasilyo at nakakapanlumo ang tamlay ng dilaw na bumbilya at ang lamig doon. Nanatiling nakabuntot si Asja sa dalawang lalaki habang pinagmamayabang ng commander kay Sloven ang sobrang kahigpitan nila sa prison camp na iyon.

Ang bawat selda ay doble ang lock-- bukod sa rehas ay natatakpan pa iyon ng mga bakal na pinto na may maximum na padlock, dahilan para hindi makasilip ang mga bilanggo sa kanila na dumadaan sa hallway at isa-isang nadadaanan ang pinto ng mga ito. Ang mga nasa solitary cell ay may mga larawan nila at pangalan at ilang mga detalye na nakapaskil sa pinto na para bang iyon na ang kanilang lapida sa libingang kinakukulungan.

Asja stole a deep breath, and her heart crushed at the thought of Sir Gregori's situation. Hindi pa rin niya maiwasan na isisi sa sarili ang kinahinatnan nito.

Sa paghinto ng mga binata sa paglakad, inangat na niya ang tingin at napagtanto na nasa tapat na sila ng selda ni Sir Gregori.

"Dito siya nakakulong, " ani Commander Sergeyevich. "Kung gusto niyo na magpahinga muna mula sa mahabang biyahe, pwede naman na ipagpabukas na lang ang pagkausap sa kanya."

"Hindi na maaari," mahigpit na wika ni Sloven. "Siya ang pinunta ko rito, hindi ang pagpapahinga."

The morbid threat in Sloven's tone made the man gulp. "Sige, Sir." At nilingon na nito ang gwardya na kasama nila para sabihan na buksan ang selda.

Una nitong binuksan ang maliit na bintana sa selda ni Sir Gregori. Yumuko ng kaunti ang gwardiya para silipin ito. 

"May bisita ka. Ilalabas ka namin ngayon."

At sinara na ulit nito ang maliit na bintana bago tinanggal ang pagkakapad-lock ng bakal na pinto. Humakbang sila paatras nang buksan iyon at sinunod ng gwardya ang pagbukas sa bakal na rehas. Pinasok nito si Sir Gregori at nung sumilip si Asja,  pinigilan niya ang mapasinghap sa sobrang dilim at sikip ng silid na iyon na isang maliit na kama lang ang kasya at halos didikit na iyon sa kabilang pader. Mga dalawang hakbang nga lang yata ang nilaki ng kwarto sa kama nito.

Gregori wore a black prison uniform as he placed his hands on his back and bowed so low, lower than 90 degrees. Walang anu-anong pinosasan na ito ng gwardiya bago tinapik sa likod ng balikat at nakayukong pinalabas ng selda nito.

Dahil sa posisyon ni Gregori, nakayuko ang ulo nito at hindi sila matingala. Tumabi na sila para bigyan ito ng daan sa hallway.

"Deretso!" marahas na utos ng commander dito kaya nakayukong nagpadere-deretso ng lakad ang lalaki.

Tiningala ni Asja si Sloven na nakatitig lang kay Gregori pero wala man lang bahid ng lungkot o pagkagimbal sa malamig at asul nitong mga mata. He stomped and walked ahead to follow Gregori. Sinundan na ito ng commander. Nilingon saglit ni Asja ang gwardiya na nila-lock na ulit ang selda. Her eyes shifted from the lock to the key he chose and on what direction he turned it. Nang ibulsa na iyon ng gwardiya ay tumalikod na siya at sinundan ang mga lalaki.

----------------------------------------------------  

AN

Good evening everyone! Here's tonight's update! At meron pa maya-maya lang ;)

For this scene, I used The Condemned a BBC documentary as a reference. To clarify, I only used it as a reference, dahil fictional story ito, hindi lahat ng scenes ay accurate na ganoon sa tunay na buhay, pero may reference to make them not far from reality too. XD

Okay, medyo late na ako sa sched ko. I have to type the next chapter na hahaha!

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top