Chapter Ten


CALCULATIONS

----------------------------------------------------

Asja swallowed all the awkwardness as Sloven guided her to the bathroom. She walked stark naked and the man seemed to never mind it at all.

Kailangan niyang lunukin ang hiya dahil kahit papaano ay may pride pa naman siya. Isa pa, wala namang nakakahiya sa pigura ng katawan niya. She was well-maintained and sexy with curves at the right places. At kung sa tingin nito ay maaasiwa siya at mao-off-guard sa kasinungalingan na sinabi sa kanya para lang hulihin siya, doon nagkakamali ang lalaki.

She knew how to handle things well.

Kaya naman taas noo siyang pumasok sa banyo nang pagbuksan ng lalaki ng pinto. Pagkapasok, huminto siya sa paglakad at nilingon ang lalaki. She gave him a gaze then shifted her eyes on her cuffed hand. Siguro naman ay makukuha nito ang pakahulugan niya na tanggalin na ang pagkakaposas sa kanya.

Sloven slowly shook his head and stepped in.

Pinihit siya nito at giniya sa bathtub.

Bakit hanggang dito nakasunod pa siya? Huwag niya sabihin na panonoorin pa niya ako sa paliligo?

"Ako na ang maghahanda ng pampaligo mo," mahina nitong usal at nagsimula nang kumilos.

Pinanood lang niya ang lalaki at sinabayan ang kilos nito dahil nakaposas sila sa isa't isa. Pinuno nito ng maligamgam na tubig ang kanyang papaliguan. Then, he tossed a white bath bomb with blue glitters on top in the tub. She watched the as the soap began bubbling and deforming. Kumunot ang noo niya dahil bakit may ganoong klase ng stock ng bath bombs ang lalaki? Nasilip niya kasi ang kabinet na pinagkuhanan nito ng bath bomb. May mga bath bomb pa na naroroon na kulay pink, blue at marami pang kulay.

Sinayad ng lalaki ang kamay nito sa tubig at kinalat pa ang bula mula sa bathbomb bago siya nito nilingon. The sweet natural scent of jasmine diffused inside the room-- it was mild, sweet, fragrant and inviting. He reached for her hand and carefully assisted her in it. Dahan-dahan siyang umupo, maingat na nagnakaw ng tingin kay Sloven.

So, sa ganito niya nakuha ang loob ni Klavdiya? Day one pa lang, special treatment na agad ang binibigay niya sa kanyang bisita?

Napadpad ang kanyang paningin sa katawan at napansin na hanggang bewang lang niya pala ang tubig.

"Bakit--"

"Mababasa kasi ang benda mo," mabilis nitong paliwanag nung tatanungin na niya ang tungkol sa dami ng tubig. "Hindi pa pwedeng mabasa iyang sugat mo."

May punto siya,  titig lang niya sa lalaki. Pero ayaw lang din niya na makita ko ang sugat ko dahil alam niya na hindi iyon likha ng pagkakabangga sa mga bato sa dagat.

Nilingon ni Asja ang kanyang balikat.

Damang-dama ko naman ang tinamaang parte ng balikat ko ng baril. Masakit pero parang hindi naman tumama sa buto ko.

"Nabangga lang naman ako sa bato, hindi ba? Hindi naman siguro ganoon ito kadelikado," nanunubok niyang tanong sa lalaki.

Hindi na ito sumagot, nagsalok na lang ito ng tubig at balak pa yatang idampi iyon sa kanyang dibdib nang magpakawala siya ng pagsinghap. Napahinto ito, nagtatanong ang mga mata na nakatingin sa kanya

"Pwede ba na ako na lang ang magpaligo sa sarili ko?"

He just stared at her, obviously protesting with her suggestion.

"Wala akong maalalang kahit ano," giit niya. "At kahit na totoong asawa kita--" Asja lowered her head, "--nasa sitwasyon ako na hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan. Magulo pa rin ang lahat sa akin, kung pwede lang hayaan mo muna akong mapag-isa."

Hindi na nito tinuloy ang tangka na pagpapaligo sa kanya. Dinukot nito ang susi sa bulsa at tinanggal na ang posas sa kanyang pulsuhan.

"Nauunawaan ko," anito at sumulyap saglit ng tila nagdududang tingin sa kanya. "Basta siguraduhin mo lang na hindi mo gagalawin iyang benda mo at huwag mong babasain iyang sugat mo."

Tumango lang siya at pinanood ang pagtayo nito.

"Ihahanda ko ang bihisan mo at bath robe. I'll be back in ten minutes or so, to check if you're done. Hintayin mo ako bago ka umahon," detalyadong instruksyon nito bago umalis at sinara na ang pinto.

Sinandal na lang ni Asja ang sarili sa napatingala na lang.

Haaay, Sloven. Always so direct.

Mabilis na binasa niya ng isang kamay ang katawan at nagkuskos. Nang matapos ay dahan-dahan siyang umahon mula sa bath tub at tumuntong sa rug. Sa bawat hakbang ng isa niyang paa ay hinahakbang rin niya ang paang nakaapak sa rug para masigurado na walang magkakalat na patak ng tubig.

Asja began rummaging around the bathroom. Muli niyang nakita ang set ng mga bath bombs at mga shampoo na pambabae. Inihilig niya ang ulo, nagtataka kung bakit walang kahit anong toiletries sa banyo na iyon na para sa lalaking tulad ni Sloven.

Ine-expect na ba niya na may babaeng bibisita sa kanya rito kaya nakahanda na ang mga ganitong toiletries?

Kumpleto lahat, mula sa shampoo hanggang sa feminine wash.

Kumunot ang noo niya. Anya? Gamit ba ni Anya ang mga ito?

Of course, she knew Anya. Usap-usapan kasi noon sa GRU ang pagkabaliw ng nakababatang kapatid ni Sloven noong nag-Bagong Taon. At oo, nakita na niya si Anya sa mismong party na iyon sa yate kasama ang ilan sa mga opisyal ng Russian army mga tatlo o apat na taon na ang nakalilipas.

Napailing na lang siya.

Ayoko nang alalahanin pa ang gabing iyon.

Kinapa niya ang mga kabinet, sinisipat kung may mga naka-conceal na spy camera roon o di kaya ay buton na magbubukas ng secret compartment pero wala siyang nakita na kakaiba. Sinilip niya ang shower stall at kumapa sa tiled na pader niyon. Hindi na niya tinangka pa na pihitin ang mga handle doon at baka marinig ni Sloven ang pagbuhos ng tubig.

Sinunod ni Asja ang lababo. Sinipat niya iyon at maging ang salamin ay ininspeksyon niya. She placed a finger against the mirror and confirmed that it was not one of those two-way mirrors.

Nang matapos ay bumalik na agad si Asja sa bath tub at sumandal ulit. Binasa-basa ni Asja muli ang sariling katawan habang nag-iisip kung bakit parang wala man lang surveillance system sa silid na iyon.

Marahil nasa bedroom.

Siya namang pasok ni Sloven dala ang puting bath robe. Sinabit lang iyon ng lalaki sa may hook malapit sa bath tub at hinatak na nito ang detachable na shower head. Pinaderetso siya nito ng upo at pinatingala bago binasa ang kanyang buhok, maingat na hindi mababasa ang kanyang benda.

She felt his fingers through her hair, gentle and stroking precisely before he shampooed it.

Nang mabanlawan, tumayo na ito.

"Suotin mo na lang 'yung bathrobe at bumalik ka na sa kwarto," punas nito ng mga kamay sa gilid ng suot nitong jogging pants. "Kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako."

She answered him with a nod before she was left alone again.

Aminado ako na... mahirap basahin ang mga galaw niya. Pero sigurado ako sa isang bagay, nagiging maingat lang siya kaya ganito niya ako tratuhin. Nagdadalawang-isip na kaya siya kung totoo nga na nagka-amnesia ako o hindi?

Dahan-dahan siyang umahon mula sa tub, humawak si Asja malapit sa kanyang balikat nang maramdaman ang pagkirot niyon.

For telling those lies earlier, sa tingin ko hindi siya naniniwala, kaya sinubok niya ako. Marahil hindi niya inasahan ang pagiging composed ko kaya maingat pa rin siya.

Inabot na niya ang bath robe at sinuot iyon. She let out a soft yelp as she moved her shoulder. Nakagat na lang niya ang pang ibabang labi habang tinatapos ang pagsusuot ng bath robe. Nang maitali iyon sa kanyang bewang, lumabas na si Asja.

Bumungad sa kanya si Sloven na nakasandal sa nakapinid na pinto ng silid. He threw her a steely stare. Nilipat ni Asja ang mga mata sa nakalatag na damit sa kama. Her lips parted at the sight of a flowery, ruffled white off-shoulder asymmetrical dress. The flowers printed on it were white and orange with dark green leaves.

Her eyes searched for a bra or panties, but found none.

Nang lingunin ang lalaki ay tumango lang ito. "Go on, get dressed. Don't mind me."

And again, she saw that playful spark in his steely blue eyes.

So, papanoorin na lang niya akong magbihis? nagtitimping isip niya.

She sucked in a deep breath. "Nasaan ang kabinet ko?"

"Bakit?" his blue eyes flickered. "Hindi mo type 'yung pinili kong damit?"

"May kulang," aniya at nilapitan ang malapit na kabinet. Binuksan niya iyon at nakita ang kumpletong set ng mga kasuotan doon.

Ang gaganda ng mga damit!

Tila nagningning ang mga mata niya sa mga naroroon. Mabango ang kabinet at nang mahawakan niya ang tela ng mga damit, halata na ni Asja na magaganda ang kalidad ng mga iyon.

She lowered her eyes on the drawer and knelt. Asja sighed in relief at the sight of the under garments.

Baka gamit na ang mga ito? natitigilan niyang tanong.

Tumaas ang sulok ng labi ni Sloven nang lingunin niya ito.

"Oh, that..." he murmured in a crooked smile as his eyes scanned her again from head to toe. "I just thought it will be better if you don't wear..." tila natatawang napailing ito. "Never mind. Just get dressed."

Bastos, paniningkit niya ng mga mata bago pumili ng bra at panty. 

The bra was too small. Doon pa lang, bulilyaso na niya ang pagsisinungaling ni Sloven na mag-asawa sila. Gayunpaman, pinili na lang ni Asja na huwag na ipaalam iyon sa lalaki dahil kailangan pa niyang magtagal sa bahay nito at pag-aralan ang mga kilos ni Sloven para mapadali na ang paghuli niya rito para dalhin sa Russia.

Bumalik na siya sa tabi ng kama at walang anu-anong hinubad ang roba sa harapan ng lalaki. He watched her in satisfaction, with a hand on his chin as she got dressed. Kung pwede nga lang na madaliin niya, minadali na niya, kaya lang dahil sa sugat niya sa balikat, kailangan ni Asja na maging maingat sa pagkilos.

Isa rin pala iyon sa mga dahilan kung bakit mas kailangan niyang mag-ingat at hindi makainitan ang lalaki. Sugatan siya at wala sa kondisyon na lumaban kung sakali na mapag-initan siya nito.

That was why she really needed to keep her cool and convince Sloven to keep her alive.

Or at least, ride along with her amnesia alibi.

Nang matapos sa pagbihis, nilapitan na siya nito at kinabitan agad ng posas. Napaawang na lang ang kanyang mga labi at pinanood ang pagsuot ng lalaki ng posas sa sarili nito.

"Let's go," anyaya nito sa kanya at hindi na hinintay ang kanyang sagot.

Sloven guided her outside that bedroom.








***








"Sloven?" kunwari ay maingat na tanong ni Asja sa lalaki habang pinapanood ito sa pagluluto.

Nakaposas pa rin kasi siya rito kaya naman kung saan ito nagpupunta, nakasunod lang siya. Sa ngayon ay nasa kusina na sila, nasa counter malapit sa lababo kung saan ito naghahanda ng mga lulutuin.

"Yes?" anito habang tutok ang mga mata sa hinihiwa.

"Ano ang pinag-awayan natin kagabi?" nanunubok niyang tanong rito.

Tingnan natin kung ano ang ia-alibi nito, tuwang-tuwa niyang isip.

"You want me to fuck you, but I am too tired."

Gusto niyang masamid sa sinabi nito. "Ganoon ba ako kababaw sa tingin mo?" hindi niya mapigilan na mabulalas iyon.

Mahinang tumawa ang lalaki. "Masyado kitang na-spoiled, kaya matanggihan ka lang ng isang beses, sumasama na ang loob mo sa akin."

"Hindi ako ganoong kababaw," irap niya rito. "At hindi ba pwedeng ako na lang ang magluto? Gawaing pambabae iyan."

"Alam ko, pero may amnesia ka, baka magkamali-mali ka sa lulutuin mo."

Napalabi si Asja. "May hindi ako maalala, pero naaalala ko pa naman kung paano magluto, no?"

"O, sige, kailan ang birthday ko?" sulyap nito sa kanya.

Hindi niya malaman kung sasagutin ba ang lalaki ng totoo o kunwari ay hindi niya maalala.

She chose to lie.

"January? January 10?"

"Mali," iling nito. "Ako, alam ko ang birthday mo." At binigyan siya nito ng makahulugang tingin bago nagpatuloy. "November 7."

So, alam pala niya, mataray na umiwas na lang siya ng tingin dito.

"My birthday is November 10," anito. "At naalala ko noon sa trabaho na nainis ka kasi, mas malayo ang birthday ko, pero birthday ko lang ang naalala ng mga kasamahan natin."

Totoo ang sinabi ng lalaki. Noong nasa GRU pa sila, nangyari ang insidente na iyon. Pero hindi niya alam kung saan nakuha ng lalaki na nagdamdam siya sa ganoong kaliit na bagay. Wala naman siyang pinagsabihan niyon. Marahil nag-assume ito dahil hindi siya sumama noon sa mga ito mag-bar para i-celebrate ang birthday nito?

"So magkatrabaho pala tayo noon?" heto na naman siya sa nanunubok na tanong.

"Oo naman. That's where we first met. Second day ko pa lang sa trabaho, inamin mo na na may gusto ka sa akin," sinundan iyon ng mahina nitong pagtawa.

Tarantado talaga, paikot niya ng mga mata. Sinusubok yata talaga nito ang pasensya ko.

"At siyempre, hindi naman ako mapili kaya, sinagot na kita."

"Baka naman ikaw ang may gusto sa akin," matabang niyang sagot.

"No, ikaw talaga."

"Eh, bakit mo ako pinakasalan kung ako lang ang may gusto sa iyo?"

"Kasi nag-propose ka sa akin," sulyap nito sa kanya.

"So, meaning, one-sided lang itong relasyon natin?" aniya sa dismayadong tono.

Bakit nga pala kailangan niyang madismaya? Naglolokohan lang naman sila ng Sloven na ito? O, tama, parte lang ito ng kanyang pag-arte.

"Of course, not. Natutunan na lang kita mahalin kasi, maasikaso ka tapos, mmm, expert sa kama, expert sa pagluluto, ang dami mong expertise at ang ganda-ganda mo talaga," salin na ng lalaki ng mga hiniwa nitong sangkap sa malinis na mangkok.

Asja was not easy to flatter, so, being told that she was beautiful did not affect her so much. Lalo na at alam niyang pinaglololoko lang siya ni Sloven. Pero 'yung pagkaka-expert nito sa kanya sa kama, pigil na pigil talaga ni Asja na maikuyom sa inis ang mga palad. 

Binitbit na nito ang mangkok at hinarap siya. "Doon tayo sa kalan. Pakibuksan na rin."

Dahil mas malapit sa kanya ang direksyon papunta sa kalan, nauna na si Asja sa paglakad at sinunod ang sinabi ng lalaki. 

"Pagkatapos nating kumain, pwede mo ba akong iikot dito sa buong bahay?" lingon niya sa lalaki nang mahimasmasan na.

She saw Sloven stiffen at her request.

Sabi na nga ba.

"Kung ililibot mo ako sa bahay natin," patuloy ni Asja, "baka mabilis na bumalik ang mga alaala ko."

At mabilis rin kitang mahuhuli at madadala sa Russia.

"Sure," tila maingat nitong sagot habang binibigyan siya ng matalim at pailalim na titig nang mailapag sa tabi ng kalan ang dalang mangkok. "Pero sa isang kondisyon."

"Ano naman iyon?"

Hope made his blue eyes darken in shade. "Make love to me."

----------------------------------------------------

AN

Hindi masyadong na-check ang mga chapters na itey for typos, etc. Kasi may biglaan akong lakad today. But I hope you love the new updates tonight!

Kitakits bukas ng 8PM para sa new chapters! ;)

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top