Chapter Seventeen
ROULETTE: FIRST CYLINDER TURNED
----------------------------------------------------
Asja felt a hand on her cheek, making her slowly open her eyes. Tumama ang kanyang mga mata kay Sloven na bahagyang nakayuko sa tabi ng tub. His finger gently caressed her face and lowered to her shoulder. Dahan-dahan nitong inangat ang kanyang nakatapal na gauze para ilantad ang kanyang sugat.
Nang makita na hindi ganoon kalaki ang dinulot na sugat ng balang tumama sa kanya, napagtanto ni Asja na maliit lang ang calibre ng baril na ginamit sa kanya. Napatingin tuloy siya sa lalaki-- kung ganoon ay sinadya nga nito na hayaan siyang mabuhay. Para sa anong dahilan? Hindi niya alam. Paano pa siya mapapakinabangan ni Sloven? Ano ang mga plano nito?
His blue eyes gazed upon her. "Buti hindi mo nalublob itong sugat mo."
Matamlay na tumango lang siya. Matamlay dahil kahit nakatulog, damang-dama pa rin niya ang pananakit ng buong katawan.
Sloven held her chin and tilted it upward. Mapanuring mga mata ang tumitig sa kanyang mga labi bago ito napa-tsk tsk.
"I shouldn't have overworked you last night. Ayoko maghintay ng matagal..." pailalim na titig ng mga mata nito sa kanya nang magpasaring na may plano pa ang lalaki na ulit-ulitin ang kanilang pagniniig.
She felt her cheeks blush at the thought of that.
Tumayo na ito at doon na lang niya nakita na may hawak itong bote ng vodka na paubos na ang laman. Kaya naman pala parang humahalo ang amoy niyon sa sumabog na citrus fragrance mula sa bath bomb na ginamit niya.
"Binilhan kita ng mga damit kahapon. Tapusin mo na ang pagligo diyan, kukunin ko lang saglit 'yung mga damit at dadalhin dito sa kwarto." At lumagok ito ng kaunting alak. "Alam ko naman na medyo hapit sa katawan mo ang mga damit ni Anya dahil magkaiba kayo ng size."
When he turned, Asja could not help calling him back.
Huminto lang ang lalaki pero hindi siya nilingon.
"Sloven, nasaan na nga pala si Anya?"
Nanatili lang itong tahimik, hindi niya malaman kung ano ang naging reaksyon nito dahil nakatalikod lang ang lalaki at prenteng nakatayo. Pagkatapos ay lumabas na ito.
Pagkaahon ni Asja mula sa tub, pinagmasdan niya ang sugat sa kanyang balikat. She winced a bit upon touching the skin too close to it. Mapula-pula pa iyon ngunit hindi na nagdurugo.
Dinampot niya ang malapit na tuwalya at nagtapis. Paglabas ng banyo, nasa kwarto na si Sloven at nakaabang sa kanya. He gazed at her from head to toe, looking quite irritated. She could see the irritation in the way his eyebrows furrowed and from the way his eyes soldered her with a stare.
Nakapatong sa kama ang iba't ibang mga shopping bags mula sa mga branded na boutique. Sloven was really a natural Russian-- always expecting the best, the priciest and the highest quality in women-- from clothing to manners to attitude.
Some things that Asja did not aspire or wanted to have. May arte siya sa katawan at naiimpress sa magagandang mga damit, cosmetics at alahas pero hindi siya umabot sa punto na naging obsessed doon.
Humakban na siya malapit sa kama nang gumalaw na ang binata palapit doon. Nilabas nito lahat ng mga damit bago dumampot ng isa at tinapat iyon sa kanya. Tumaas ang isa nitong kilay habang tila palihim na ine-evaluate kung papasa ba sa panlasa nito ang damit kapat sinuot niya. He shook his head, putting the dress back on the bed.
So, it means no, basa niya sa galaw ng binata na namimili na naman ng damit para sa kanya.
Tinapat na niya iyon sa kanya at tumaas ang sulok ng labi nito.
It was a red off-shoulder skater dress. Pinahawak iyon sa kanya ng binata, senyales na napili na ang dress para sa kanya. May nilabas itong ilang mga kahon ng sapatos at binuksan ang isa. She saw him fish out a pair of black, strap-on high heels.
Fuck him. I have this weakness for good shoes! panlalaki ng mga mata niya nang makita iyon.
"Wear this with that," abot nito sa kanya sa sapatos bago tumitig sa kanyang mga mata. "At ako naman, pupunta na rin sa kwarto ko para magbihis."
Tumalikod na ang lalaki at iniwanan siya.
Okay, Asja, you're with a traditional Russian man who stereotypically wants to be in charge with everything. Kahit sa isusuot mo.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at binaba na ang mga inabot sa kanya ni Sloven. Hinalungkat pa niya sa mga paper bag doon kung may binili ang lalaki na mga underwear para sa kanya. And she gasped upon confirming that he did. Unang-una niyang kinuha ang strapless bra at napaawang na lang ang mga labi niya nang makita na nakuha nga ng lalaki ang size na para sa kanya.
"Well, spy siya kaya hindi na ako dapat magtaka kung paano niya nalalaman ang mga bagay-bagay."
Then she checked all the bras and finally noticed that all of them have one same feature-- puro push-up bras. And the panties were all made of lace and thongs. Lalo tuloy naningkit ang mga mata niya.
Bastard.
Kumuha siya ng kulay itim at sinuot na iyon kasama ng katernong bra. Then she slipped in to the red, off-shoulder skater dress. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ganda ng tela nito na naramdaman niya nang ihagod ang kamay sa palda niyon para unatin ng kaunti. Pagkatapos, dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama para isuot ang itim na high heels.
There, angat niya sa mga paa para tingnan kung ano ang hitsura ng mga iyon sa suot niyang sapatos.
Tumayo na siya, dahan-dahan ang lakad dahil sa panlalambot pa rin ng kanyang mga binti. Kumuha siya ng suklay para ayusin na ang sariling buhok nang makita sa repleksyon ng vanity mirror ang night table. Naalala ni Asja ang tinabing diary ni Sloven. Her eyes darted upon the door. As far as she knew, banidoso at sigurista si Sloven pagdating sa pananamit. Kung pinaggayak siya nito ng ganito kaayos, malamang na mas aayusin nito ang sariling gayak kaya matatagalan sa kwarto.
Asja finished combing her hair and sat beside the bed. Kinuha niya sa drawer ang diary at pinunas pa iyon sa kama dahil medyo nabasa. Pagbukas ng pahina niyon, napunta siya sa tila kalagitnaan ng diary entry ng binata para sa araw na sinulat nito iyon. Asja didn't mind. She just read for hopes that she might be able to get something that will help her in escaping from Sloven or knowing his next moves.
"Sloven!" narinig kong tawag ng hambog na German na iyon. "You have nowhere else to go! That cliff... that cliff is too steep to climb and you know it!"
Nagkubli muna kami saglit. Isang tingin ko lang kay Bruno at alam na niya na gusto kong takpan niya ng mabuti ang bunganga ni Risha.
"Come on, Sloven, come out," tawag pa ng bwisit na German. I took a little peek and saw him looking around. Sa anggulong ito pa lang, pwedeng-pwede ko nang patayin ang animal pero siyempre, lalaki ako at hindi ako lumalaban nang nakatago. Harap-harapan ako lumaban.
"I can forgive you for trying to steal the RSF but not for taking my girl." daldal pa niya. Eh kung naghahanap kaya siya hindi iyong daldal siya ng daldal?
Dahil naririndi na ako sa ingay niya at para matapos na rin ito, lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko kahit na parang may pagtutol sa tingin na binigay sa akin si Bruno.
Paglabas ko, naramdaman ko na sumunod si Bruno sa akin. Saktong paglingon ni Lukas ay nagtama na ang paningin namin. Pasalamat siya, may kaunting awa pa ako sa kanya.
"I can forgive you for not doing your part of our deal, but not for trying to take her from me," sabi ko sa kanya.
"She's mine in the first place, Sloven," tutok niya ng baril sa akin. "You only took her so that you can get the RSF from me."
Ah, naihilig ko na lang ang ulo ko. Why state the obvious, German? Everyone knows that was my first intention.
"But I didn't get it, Major. So, the RSF is yours then, the girl is mine."
"Never," matalim na titig niya sa akin.
"Bruno," lingon ko sa aking tapat na kanang-kamay. "Take Risha to the helicopter."
"No—" tutol ng tangang Lukas at may balak pa na barilin ako. Muntikan ko na talagang makalabit ang gatilyo ng baril kong nakaangat lang hanggang sa bewang ko na bago lang niya napansin kaya hindi na niya natuloy pa ang balak.
I met his eyes and gave him a devilish grin. "I think you already saw what's coming for you if you try to shoot me, German."
Hindi na umimik pa si Lukas. Pinanood niya ang pagkaladkad ni Bruno kay Risha paalis.
"Lukas! Iligtas mo ako!" iyak ng babae kay Lukas bago tuluyang nawala kasama si Bruno.
Pathetic.
Risha and I... we could have been a great team. Medyo nanghinayang ako sa maraming possibilities na nakikita ko kung magkakatuluyan kami. She's tough and reckless. She's wild and headstrong. She's brave too. Hindi siya madaling maintimidate at malakas ang loob. Kahit na masyado siyang may pagka-risk-taker, may ugali siya na hindi nagpapa-under. At gusto ko iyon. Gusto ko iyon sa isang babae. Mahirap makahanap ng ganoon.
Plus, the platinum blonde hair. Very As--
Natigilan na sa pagbasa si Asja dahil nasundan na iyon ng paguring na pagbura ni Sloven sa mga sinulat nito kasunod niyon. Nag-skip na siya sa karugtong ng diary entry na iyon na hindi kasama sa binura.
Pero tulad lang din siya ng kapatid niya-- mga taksil. Lolokohin ka para lang sa sarili nilang mga agenda.
In this cruel world of espionage, it was truly hard to find love. Fuck love.
Lukas asked, "What are you planning to do now, Sloven?"
"May the best man win," sabi ko na lang sabay atras para maitaas ko na ang pagkakatutok ng hawak kong baril sa kanya.
Lukas lifted his other hand to support his arm. Halatang ngalay na ang walanghiya.
"How many bullets do you have, Lukas?" I asked.
"Five," awtomatiko niyang sagot, na ewan ko ba kung totoo o niloloko lang niya ako.
"I've got eight," ngisi ko sa kanya. "This means you will definitely lose."
Naningkit lang ang mga mata niya sa sinabi ko. Patas ako lumaban, bahala siya kung maniniwala siya sa sinabi ko o hindi.
"But, I know how to play fair. And if I were to win Risha in a fight against you, I want to win her fair and square."
Iyan, sinabi ko na. Baka kasi mahina ang pick-up ni Major. Hah.
At iniharap ko sa kanan ang baril at nagpaputok ng tatlong beses. Pagkatapos ay mabilis kong tinutok iyon pabalik kay Lukas. "Now, I only have five bullets left."
"We take turns in shooting and see who's the last one with a bullet left?"
Napangisi ako. Grabe, ang tanga-tanga talaga. Palitan kami ng putok ng baril? Aba, eh 'di pinauna ko na siya. Napangisi lang ako dahil ayokong makainsulto.
"No, Lukas. We will play Russian Roulette."
Iyan, sinabi ko na para, ulit, maka-pick up na siya sa kung ano ang plano ko.
"Russian Roulette was supposed to be played using a revolver," hakbang ko pakaliwa kaya naman lumakad pakanan si Lukas. "But, with you holding a glock pistol and me, a Sig Sauer, that sounds impossible, don't you think?"
"What with the Russian Roulette?" lakad niya paikot, kasabay ng paghakbang ko. "Why don't we just get this over with?"
Whoa. Very impatient, aren't we? Don't you fucking like to buy time? Para maabutan tayo ng back-up mo at magkaroon ka ng kaunting leverage laban sa akin, Lukas? He was obviously at the brink of his emotions.
"Easy, tiger," tawa ko na lang. "We won't be able to finish this fight if we just mindlessly shoot each other."
"So what now? Because I am already itching to pull the trigger," bored niyang sagot sa akin habang hinihilig sa kaliwa at kanan ang ulo para ma-stretch ang nangangalay na niyang leeg.
"We will shoot four bullets anywhere we want," I shot him a testing stare. "And shoot one of it to one another."
"At the same time?"
I shook my head. "Nope. Anytime we want to. That's what makes this game a Russian Roulette, Major. You'll never know which bullet will be shot to you. Will it be the first bullet? The second? Or maybe it's the last."
I displayed a sinister smile and chuckled. Damn, I could see the terror lurking like a shadow on his face. I am effectively lowering down his fucking defenses.
"I am not the type who plays games."
"Remember, we can only shoot one bullet to each other."
"What makes you think I will play this game with you?"
"Because if you managed to shoot me once, I will be still alive enough to call Bruno and tell him to release Risha because you won."
This time, I felt a little uncomfortable. I had a feeling that this bastard was asking me a lot of questions just to stall me.
"What makes you think that I will believe you, huh, Sloven?"
Tinawanan ko na lang siya. As if naman umaasa ako na maniniwala siya sa akin.
No matter how honest a person is, if the other looked at him as an enemy, he would see his statements as a lie.
"Because there is nothing else that you can do, Major. If I die without telling Bruno what to do, he will be left with no other choice but to kill Risha."
Yes. Sadly, that woman had to die. Unless of course, she shows a little cooperation? Damn. Bakit ba ganito ang puso ko, parang nagdadalawang-isip. Alam ko na dapat ay burahin ko na sa landas ko si Risha sa oras na matalo ko ang Major na ito... pero...
"Fuck you," he muttered.
Yes. Fuck me. I guess I am already fucked up, just knowing that I was actually feeling sorry to hurt Risha. Kahit ang isipin iyon, parang nasasaktan ako.
Shit.
"On three," panimula ko na, para hindi kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, "one, two—"
Nagsimula na silang magpaputok ng baril.
Nagpaputok ako ng baril sa ere na nakagambala sa mga ibon kaya nagsipag-liparan ang mga ito. Siya naman ay bumaril sa lupa malapit sa paanan ko. Buti na lang at nakahakbang ako pakaliwa kaya natawa na lang ako sa trying-hard na ito.
"Trying to shoot me, Major?"
"No," he answered. "I am not yet using that one bullet for you."
"One, two—" bilang ko ulit at binaril ni Lukas ang malapit na puno, ako naman, bumaril sa likuran ko.
"Having fun, Major?" hamon ko sa kanya para magulantang siya ng kaunti habang naglalakad papunta sa kanan ko. He circled the area just like me.
"You, where are you going?"
"Just looking for a comfortable spot." Habang naglalakad, nagbilang na naman ako. "One two—"
Nanlaki ang mga mata ni Lukas nang itutok ko sa kanya ang hawak kong baril at kinalabit ang gatilyo.
Gusto kong matawa, mula sa RSF, naglalaban na kami ngayon ng dahil lang sa isang hindi nag-iisip at pakialamerang babae.
Risha surely had that kind of appeal that can capture hearts so easily.
"So this Risha," Asja murmured as she stopped reading. "Siya 'yung kasama nung German na Major nung oras na iyon. Ang akala ng lahat, in-abduct iyon ni Sloven para lang sa RSF." Binalik niya ang mga mata sa pahinang iyon ng diary. "Iyon pala... in love ang animal sa babaeng iyon."
Napaisip tuloy siya.
In love pero iniisip din niya na patayin 'yung Risha.
Well, why not? Sabi nga rito sa diary niya, taksil 'yung Risha. Kakampi nung Major.
Napapitlag si Asja nang marinig ang pagpihit ng seradura ng pinto kaya nagmamadaling tinago na niya ang diary sa drawer. Sloven stepped in.
And damn, he looked so gorgeous.
He was wearing a white button-down plaid shirt with red stripes and sleeves folded to his elbows. Bahagyang nakabukas ang ilang butones niyon at tinernuhan ni Sloven ang shirt ng grey na jeans at coffee-colored na chelsea boots. His platinum hair was brushed to the side in a sexier style.
Asja sat straight. "Looking good."
Tumaas lang ang sulok ng labi nito. He was obviously flattered, making him pose in a manly stance, proud and god-like with the look of a stoked man that reached his blue eyes.
"Alam ko. Lahat ng babaeng nakasama ko, iyan ang sinasabi," lapit nito sa kanya habang nakasabit ang mga hinlalaki sa bawat bulsa ng pantalon nito.
"Like Risha?"
Natigilan ito sa paglapit sa kanya. Offense registered in his handsome face-- offense then his eyes narrowed on her.
"Jealous?" nanunukat nitong titig sa kanya.
That made her scoff.
----------------------------------------------------
AN
Good evening everyone! ;) Sumakto ito ng 8PM oh! hahaha XD
Anyways, hanggang dito muna ang UD for this week ;) <3 <3
See you on Monday for new chapters!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top