Chapter Seven
THE END
----------------------------------------------------
Napabalikwas ng bangon si Stepha nang gisingin siya ni Sloven nang gabing iyon. He handed her a hand gun.
"Alam mo ba kung paano gumamit nito?"tila nagmamadali nitong tanong.
"O-Oo... medyo tinuruan nila ako..." nag-aalalang napatitig siya sa lalaki na nakasuot lang ng grey na jogging pants. He was topless and his platinum hair were messed up.
Hinila na siya nito paalis ng kama. Nakahubad pa rin siya dahil ilang oras pa lang ang nakakalipas matapos ang kanilang pagniniig. Pinalo siya ng lalaki sa puwitan at tinulak palapit sa cabinet.
"Magbihis ka na at tumakas."
"Tumakas?" harap niya rito. "Bakit? Ano ang nangyayari?"
Nakatalikod sa direksyon niya ang lalaki, tinatali ang kadena palibot sa kamao nito hanggang sa abot-kamay na ng lalaki ang nakakabit roon na kutsilyo.
"Nandito na sila, tulad nga ng warning mo," seryoso lang nitong tugon.
"Eh paano ikaw?"
"I'll secure the place. Just run and hide. Then, come back here in the mansion in the morning."
"Ikaw ang dapat na magtago," yakap niya sa likuran ng lalaki, walang pakialam kung nakahubad pa rin siya. "Hindi nila alam na ikaw ang kasama ko rito. Ayaw lang nila maniwala kahit na hindi ko inaamin, kahit na tinatanggi ko. Pero kapag nakita ka nila, babalik-balikan lang nila tayo rito."
Humarap ito at tinulak siya palayo, nanatiling walang bahid ng anumang emosyon sa mukha nito. "Enough with that. Just get dressed and escape. Nothing matters more to me than your safety."
Natatakot na napatitig siya kay Sloven. Natatakot siya sa pwedeng mangyari rito.
"I am the best spy in GRU," mayabang nitong ngisi. "Kayang-kaya ko lahat ng kalaban."
She let out a nervous sigh before turning to get dressed in a pair of jeans and a blouse. Pagkatapos, sabay nilang nilisan ang silid na iyon. Tinahak ni Stepha ang direksyon patungo sa mas gitnang bahagi ng gubat na iyon, kung saan siya dumaan noon para mapunta sa ilog kung saan naligo si Sloven.
Pero napahinto siya nang sa ilog pa lang ay nabungaran na niya ang isang babae na naka-itim na catsuit. Dahil sa liwanag ng buwan kaya naaninigan niya ang mala-ginto nitong buhok.
Dali-daling umiwas ng daan si Stepha at tinakbuhan ito palayo. Sa bawat pagnakaw niya ng lingon, nakikita niya ang paghabol nito. Takot na umiwas siya sa mga puno at binilisan ang pagtakbo.
Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, kasabay ng pagkawala ng mahinang paghingal dahil talagang hindi siya tinatantanan ng humahabol sa kanya. Kilala niya kung sino ito. Kung ikukumpara ang kanyang kakayahan sa humahabol sa kanya, alam ni Stepha na dehado siya.
Isang magaling na espiya ang humahabol sa baguhang tulad niya.
Napatili siya nang marating ang dulo ng bundok at muntikan nang mahulog. Takot na napaatras siya at luminga-linga sa paligid bago sumulpot mula sa likuran ng mga puno ang babaeng humahabol sa kanya.
***
Sloven sat comfortably in his room. Hinahasa nito ang kutsilyong hawak at prenteng-prente sa pagkakaupo sa upuan na may asul at puting foam at puting frame na gawa sa matibay na kahoy. Pailalim na titig ang binigay nito sa malaking LCD screen na nasa kanyang harapan. Nahahati ang monitor sa maraming maliliit na kwadradong video para sa bawat lokasyon sa paligid ng isla na iyon na nilagyan niya ng surveillance camera.
Bahagyang tumaas ang kanyang kilay ng makita na ma-corner ng isang babaeng naka-cat suit si Stepha sa gilid ng bundok.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi at binalik ang paningin sa hinahasang kutsilyo.
"Sige," he murmured, his tone had a tinge of mockery, "magpatayan kayo ngayon."
At binaba na nito ang tingin sa hinahasang kutsilyo. Nilapag na ni Sloven ang bara ng panghasa sa katabing mesa at hinigpitan ang pagkakapulupot ng kadena sa kanyang kamao bago nito nilisan ang silid.
***
Tinutok ni Stepha ang baril sa babae, kasabay ng pag-angat nito sa hawak na baril para itutok iyon sa kanya.
The woman stepped out from the shadow of the trees to face her. She wore a black, sleek catsuit that hugged her curves perfectly. Bahagyang nakababa ang zipper niyon, kaya lumantad ang cleavage nito. Ang buhok nito noong nagkita sila ay kulay abo, pero ngayon ay kulay honey blonde na. Ang hitsura ng babaeng kilala niya na dati ay babaeng bayaran din tulad niya ang naging motibasyon noon kaya pumayag siya sa ganitong kadelikado na trabaho.
During that time, she aspired to be as better off as that woman-- beautiful, confident and earning enough to buy every beauty product that would maintain her beauty.
Just like this woman who was pointing a gun at her.
"Asja," kabado ngunit sinarili na lang iyon ni Stepha, "lubayan niyo na ako. Lubayan niyo na kami."
"Tapatin mo muna ako," mapanuring titig ng mailap nitong mga mata sa kanya. "Siya ba si Sloven o hindi?"
Nanahimik muna siya, tinatantya ang mga kilos ni Asja bago ito sinagot. "Kinausap ko na si Feliks, hindi ba? Bakit hindi mo na lang tinanong sa kanya? Hindi itong ganito na manggugulo ka pa."
"May pakialam ako," mariin nitong wika, "dahil ako ang nagpasok sa iyo sa misyon na ito. Kung bigla kang mawala o may mangyari sa iyong masama, pananagutan ko at responsibilidad ko na alamin kung bakit at kung magigng maayos ba ang lagay mo."
"Maayos na ako," hasik nya. "Kaya kung pwede ba? Lubayan niyo na ako ni Feliks!"
"Bakit biglaang ganito?" tila nagdaramdam nitong tanong. "Bakit biglang nagbago ang isip mo? Paano na ang misyon natin? Hindi mo man lang ba naisip na nakasalalay sa iyo ang misyon na ito? Na ikaw ang inaasahan namin? Huwag mo kalimutan na utang na loob mo kay Feliks kaya ka nakalaya sa club!"
"Utang na loob nga ba?" mapang-uyam niyang wika, bahagyang nanginig ang kamay dahil medyo nangangalay na ang kanyang kamay sa pagkakatutok ng baril kay Asja. "Pinalaya niyo nga ako sa club, dito niyo naman ako sinabak! Sa mapanganib na trabaho na hindi mo magawa dahil natatakot kang mamatay!"
"Hindi iyan ang dahilan ko!" galit na sagot sa kanya ni Asja.
In spite of looking enraged, Asja looked beautiful. She appeared as a fierce queen.
She really had a lot of reasons for envying this woman. Pareho lang naman silang bayaran noon, pero bakit under lang siya nito? At bakit nga ba nagpauto siya na kapag sumunod sa mga inuutos nito at ng GRU ay magiging katulad siya nito?
"Misyon niyo ito, 'di ba? Kaya bakit sa akin niyo pinapagawa kung hindi kayo naduduwag?" she scoffed. Akala ng mga ito hindi siya nakakahalata? "Ang baba ng tingin niyo sa akin dahil desperado akong makaalis sa club, ni hindi niyo man lang ako ini-inform tungkol sa mga tinatanong ko tulad ng kung bakit nagawa ni Sloven ang ganoong krimen... hindi niyo siguro masabi dahil baka magbago ang isip ko!"
"Ayaw naming magbigay sa iyo ng maraming impormasyon dahil nag-iingat kami! Dahil sa oras na malagay ka sa alanganin, may posibilidad na matakot ka at magsabi ng impormasyon sa kalaban! Isa kang baguhan kaya nag-iingat kami sa iyo! Mas may tsansa ka na mabuhay at hindi pansinin ng mga kalaban kung wala kang masyadong alam tungkol sa misyon!"
Nanigas ang kanyang mga binti nang humakbang na si Asja palapit sa kanya.
"Huwag kang lalapit!"
"Bakit biglang nagbago ang isip mo? Si Sloven na nga ba ang natagpuan natin? Tinatakot ka ba niya? Minamanipula? Kami ang kakampi mo. Kami lang ang makakatulong sa iyo!"
"Si Sloven nga," pagak niyang tawa. "At gusto ko siya. Gustong-gusto at mahal ko siya."
Shock and disbelief were all over Asja's face. "Mahal?" she spat, as if she just said the nastiest word ever invented. "Two days mo lang nakasama, mahal mo na?"
"Hindi mo alam kung gaano siya kabait, Asja. Napakamaasikaso at maginoo at hindi mo matatanggihan sa kama. Hindi ko alam kung bulag ba ang isang babae kapag hindi nakita kung gaano siya kagwapo, kung gaano kaperpekto ang katawan, kung gaano kasarap humalik. Kayang-kaya niyang mamuhay ng mag-isa, Asja. Siya ang tipo ng lalaki na kailangan ko sa buhay. Siya ang lalaki na kayang tumupad sa pangarap ko na tuluyang makaalis sa impyernong buhay na meron ako. HInd tulad ninyo na isusugal muna ang buhay ko bago ibigay ang pinangako sa akin!"
"You're not in love with him! Nasisilaw ka lang sa mga pambobola ng hayop na iyon! He's a manipulator! He's a beast! Bihasa na siya sa trabaho niya kaya madali na lang sa kanya ang mambola!" mabilis nitong hakbang para lapitan siya pero mabilis na nagpaputok si Stepha ng baril.
Malakas na napadaing si Asja na tinamaan sa balikat. Napahawak ang babae sa dumudugong sugat.
Stepha let out a laugh. "Hindi mo maiintindihan, dahil hindi ka naniniwala sa pag-ibig. Kaya siguro hanggang ngayon, sunud-sunuran ka pa rin ng mga lalaking opisyal tulad ni Feliks sa GRU, dahil ayaw mo magpatali sa mga lalaking tulad ni Sloven na kaya akong bigyan ng buhay na parang sa reyna!"
Galit na titig ang binato nito sa kanya bago siya hinablot at nakipagbuno para sa baril. Naglaban sila, nagtulakan at nagsipaan para lang mapatid ang isa.
"Akin na iyan!" agaw ni Asja sa kanya.
"Hindi!" giit niya, nanlalaban sa tangka ng isa nitong kamay na gapusin siya.
Asja gritted in pain as grabbed her closer. "Nilalamon ka na ng pagiging makasarili mo! Binubulag ka ng mga ambisyon mo na guminhawa ang buhay!"
Pero nagpumilit si Stepha na lumayo, umatras at iiwas ang baril para hindi iyon maagaw ni Asja. Unti-unti nang naging malambot at madulas ang naapakan niyang bahagi ng bundok. Napalapit siya masyado sa dulo niyon kaya naman huminto na siya sa kakaatras.
"Layuan mo ako!" sigaw niya.
"Akin na! Makipag-usap ka sa akin na hindi hawak itong baril na ito!"
"Ayoko!" tili niya.
Napaatras na naman siya at wala nang maapakan kaya takot na napayakap siya kay Asja. Pero dahil sa tensyon, aksidente niyang nakalabit ang baril at napaputok iyon na siyang gumulat sa babaeng kanyang kinakapitan kaya gulat na nabitawan at naitulak siya nito!
Stepha fell!
Nagpakawala si Stepha ng isang sigaw bago tila bumagal ang ikot ng mundo. Ang tanging bumibingi ngayon sa kanya ay ang pintig ng kanyang puso at ang mga alon na humahampas sa mga bato sa paanan ng bundok na iyon.
She felt a hard blow behind her head, against her body before it was finally...
... the end...
...her ending.
----------------------------------------------------
Russian Influence:
** Russian women were pretty conscious with how they looked. They value beauty a lot and being proper every time they would go outside or meet someone. Russian men expect that as well from any woman and appreciate it a lot.
----------------------------------------------------
AN
Hanggang dito na lang muna ang Ultimate and First UD for Peak!
Who's excited for the next chapters? I hope na-enjoy ninyo ang first 7 chapters ng AOE 16 ;) <3 Oh, wait, I changed my mind! May isa pang bonus chapter hahaha! Go, go, go and read Chapter 8!!! <3
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top