Chapter One
I CAME
----------------------------------------------------
LOCATION: KOTA KINABALU, MALAYSIA_
----------
Napapikit na lamang si Stepha dahil sa simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Asul ang tubig, malinaw at kumikislap dahil sa pagtama ng sinag ng araw dito. Abot-tanaw ang berdeng mga puno at ang mga mababatong bahagi ng malapit na bundok sa islang kanilang pupuntahan Inuugoy-ugoy siya ng bangkang de-motor na sinasakyan patungo sa isla ng Pulau Sapi sa Sabah, Malaysia.
Stepha Pavlov has a straight, brunette hair. Lagpas iyon ng kaunti sa kanyang mga balikat. Ang kanyang mga mata ay natural na may kaunting tamlay sa mga ito at manipis ang kanyang mga labi. Looking at her was like looking at a beautiful, yet lonesome face. May pagkamaputla rin ang balat ng dalaga na may suot ngayong dilaw na life vest sa ibabaw ng kanyang tank top.
"What about you, Ma'am? What brings you in this island?" tanong sa kanya ng guide nila na sumalubong at nag-assist sa kanila bago sumakay sa bangka sa Kota Kinabalu.
Sa lahat ng mga turista na sakay nito, siya lang ang walang kasama. Ang mga kasabayan naman niya ay puro pagbabakasyon ang dahilan. May magse-celebrate ng wedding anniversary, meron namang magkarelasyon na gusto lang mamasyal sa beach sa Borneo at mayroon namang isang pamilya na gusto lang mag-bonding. May mga magkaka-barkada rin. Karamihan sa mga ito ay mga Malaysian, may ilang foreigner na katulad niya.
Hindi siya palangiti pero kailangan niyang pilitin para lamang masakyan ang mood ng mga ito.
"I came here because..." natigilan siya. "Because I just want some time alone."
At binaling na niya pabalik sa dagat ang paningin.
"Broken-hearted?" usisa ng isa sa mga kasamahan niya. Nagmula ang tanong na iyon sa babae na ang boyfriend ay nakapulupot ang isang braso sa bewang nito.
She faked a smile. Hindi niya inasahan ang ganoong klaseng tanong.
"I am Stepha Pavlov," pakilala niya.
Kumunot lang ang noo ng mga ito.
"See? You don't recognize me. That's why you don't know that I have a published novel. I won't tell the title because it's a flop," she rolled her eyes and turned her back on them.
***
LOCATION: PULAU SAPI, SABAH, MALAYSIA_
----------
Nang marating ang beach, inalalayan sila ng bangkero sa pagbaba sa dalampasigan. Nang sumayad na roon ang mga paa ni Stepha, walang lingon na tinungo niya ang hotel kung saan siya nagpa-reservation. Gawa ang mga pader ng hotel sa kawayan kaya presko roon nung pumasok siya at nilapitan ang receptionist. Nakangiting binati siya nito na hindi na niya natugunan pa ng isang ngiti. Pagod na kasi siya sa byahe at gusto nang magpahinga.
Hinatid siya sa kanyang silid ng isa sa mga staff ng hotel. Her room faced the ocean and she chose that because of the view. Kitang-kita sa bukas na bintana ang malinis na tubig mula sa dagat na humahampas sa dalampasigan, ang nakalatag na puting buhangin at ang asul na langit. Lagpas tanghalian na noon at katindihan ng sikat ng araw kaya medyo maalinsangan. She closed the windows and turned on the air-conditioner before unpacking her things.
Maingat niyang nilabas ang mga gamit. May baon din siyang alarm clock at pinatong iyon sa drawer malapit sa bintana. Her eyes seemed to calculate something from outside the window before slightly adjusting the alarm clock's position. Pagkatapos, binalikan na ni Stepha ang mga gamit sa kama at nilabas ang kanyang notebook, ballpen at wallet. Pinatong niya ang mga iyon sa night table at umidlip muna ng kaunti.
Nang magising at makaramdam ng gutom, dumeretso siya sa restaurant ng resort na iyon.
It was an open restaurant that faced the shore and the ocean.
Umupo siya sa isa sa mga upuan at mesa na gawa sa kawayan na pang-dalawahang tao. Nilapitan siya ng waiter na nakabulaklaking damit. Matamis ang ngiti sa kanya ng lalaki pero hindi siya nahawa sa ekspresyon na nasa mukha nito.
"Here's our menu, Ma'am," abot nito sa dalang menu card.
Nang abutin niya iyon at sipatin, inihanda na ng waiter ang maliit na notepad at ballpen nito. Her forehead creased before pointing her orders from the menu card. After the waiter took note of them, she was left alone.
May pumasok na dalawang lalaki na kapwa swimming shorts ang suot. Dumeretso ang mga ito sa bar area ng restaurant at masayang kinuwentuhan ang nakabantay doon na isang matandang babae sa lengguwaheng hindi niya maunawaan.
They let out a nervous laughter while the woman seemed to scold them. Nakisali naman sa usapan ng mga ito ang isang babae na nakaupo malapit sa kanila. The woman seemed to ask a serious question at nagkwento naman ang babae rito ng mahaba-haba.
Nagpakawala na lamang si Stepha ng isang malalim na pagbuntong-hininga.
What now? Ito naman ang gusto mo, 'di ba? Ang mapunta rito.
Nakaka-asiwa man sa pakiramdam na mag-isa lang siya at walang maunawaan sa wika ng mga taga-Malaysia, sinarili na lang niya iyon at binuklat ang kanyang notebook na maglalagpas kalahati na ang nasusulatan.
She wrote:
Pulau Sapi, Sabah, Malaysia. Warm summer sun. Cool, blue and clear waters.
I feel tensed. This is my first time to be in this place alone. A very beautiful place but...
She let out a sigh and adjusted her earpiece concealed by her hair. Nakarinig kasi siya ng static na ingay, marahil dahil sa hina ng signal. Unti-unting humina ang ingay na iyon at nangibabaw ang boses ng isang lalaki.
Hello. Tuloy ang misyon mamayang gabi.
May sinulat si Stepha sa kanyang notebook at sinadya na bahagyang itapat sa kanyang pinagsulatan ang pabilog na disenyo na nasa de-ikot na cap ng ballpen na gold-plated.
Nabasa naman iyon ng kanyang accomplice dahil sumagot ito sa sinulat niyang tanong.
It is not yet confirmed. Pero mula sa usap-usapan diyan sa islang iyan, kumpirmado na may lalaki raw na nagtatago sa dulo ng isla. Ang usap-usapan, mga tatlong taon na raw nakatira ang lalaki sa islang iyon at tinatakot ang mga nagtatangka na lumapit sa teritoryo niya.
They termed the man as love-crazed. Binaliw daw ng pag-ibig. Kung anu-ano raw ang pinagsasabi habang nananakot.
That will be for your reference, in case someone catches your attempt to sneak into that island.
Nagsulat muli si Stepha. Sa kanyang sinulat, tinanong niya ang kausap kung kukumpirmahin lang ba niya kung ang hinahanap nila ay ang lalaking tinutukoy din ba sa mga usap-usapan o kung itutuloy-tuloy na niya ang misyon.
She heard Feliks sigh before answering. Of course, you have to check if it is really him. If it's not him, abort mission. Kailangan mo mag-report. At kung siya naman iyon, alam mo na ang gagawin.
Tumango-tango na lang siya. Oo, malinaw pa rin sa kanya na napadpad siya sa islang iyon para magpanggap na isang frustrated writer. Kung si Sloven Markov man ang usap-usapan na lalaking binaliw ng pag-ibig sa islang iyon, magkukunwari siya na interesado sa love story nito at balak niyang gawing isang nobela. Siyempre, diskarte na niya kung paano masisigurado na hindi siya pagdududahan ng Sloven na iyon.
Ngayon pa lang, kumakabog na ang dibdib niya sa kaba. Isang magaling na espiya ng GRU ang kanyang makakaharap. Kahit na tatlong taon na itong wala sa serbisyo, alam niya na mas delikado kaharapin ang lalaki na pinapatawan ng kasalanan na pagtataksil para sa bayan nito.
If he could heartlessly plot to destroy the whole Russia, what more with a mere person like her? Sa oras na malaman nito ang kanyang plano, panigurado na uuwi siyang malamig na bangkay sa Russia.
Stepha shook her head. Ugh! What am I thinking?
Sinulat niya sa notebook ang pag-sang-ayon at pinakita iyon kay Feliks bago sinara. Hinintay ni Stepha na ma-serve sa kanya ang in-order na pagkain. Matapos ang kumain nagbihis na siya at naglakad-lakad sa dalampasigan.
Maraming mga naglalarong mga bata sa buhanginan at sa mababaw na parte ng beach. Sa kanyang paglalakad, sumisimple siya ng lingon sa likuran bago tumuloy sa paglalakad. Tulad nga ng sinabi ni Feliks, posibleng nasa dulo ng isla ang kanilang pakay.
Lakas-loob na binagtas ni Stepha ang dalampasigan at may nadaanang mga batuhan bago makalapit sa dulo ng islang iyon. The sight of the endless sea behind the end of the island almost took her breath away. Pakiramdam niya ay lalamunin talaga ng walang dulong tanawin ng karagatang iyon ang kung sinumang magkamali na mapadpad doon o mahulog sa bangka.
She gulped.
Ano nga ba ang mas mapanganib? Ang karagatan o itong si Sloven Markov?
Nang marating ang dulo ng isla, tiningala niya ang mga batuhan at pinilit na makahanap ng pwedeng akyatan. Sa palagay niya kasi ay nasa tuktok ng bundok niyon ang maaaring pinagtataguan ni Sloven. O kung hindi man iyon si Sloven, kundi ng lalaking binaliw ng pag-ibig.
Nang mahanap ang gilid ng bundok na tila ginawang desired path, dahil lupa na lang iyon at tila namatayan na ng mga damo, inayos ni Stepha ang kanyang sling bag kung nasaan ang kanyang ballpen at journal notebook. Maingat na inakyat niya muna ang mga bago pero nang paakyat na siya sa isa pa ay napasinghap siya sa paglipad ng kutsilyo patungo sa kanyang direksyon.
Kumawala ang kanyang impit na pagtili at napapikit siya. Pero saglit lang iyon. Kabadong nilingon niya ang kutsilyo na tumusok sa ibabaw ng bato na sasampahan niya, sa tabi mismo ng kanyang kanang kamay.
Sa pag-angat ng kanyang paningin, lumitaw mula sa tuktok ng desired path ng bundok ang isang lalaking may matipunong pangangatawan. He wore a pair of tattered denim shorts that reached his knees and he was holding the chain connected to the knife he threw at her.
Bahagyang hinangin ang buhok nito na kasingkulay ng maruming abo. Mahirap makita ang mukha ng lalaki dahil bukod sa ang gulo ng buhok nito na sumasayad sa mga balikat, balbas sarado pa ito. Nagmukha itong matanda sa kapal ng balbas pero nung bumaba na ang kanyang paningin sa katawan nito, napakamatikas. Siksik ang abs ng lalaki at kahit hindi naman kasinglaki nung sa mga wrestler ang katawan nito, siksik pa rin ang mga binti at biceps. For being fair-skinned, his hot bod glistened against the striking sunlight.
"Get out of my territory, tourist!" he growled.
He jerked his arm back, tugging the chain that caused his knife to be pulled off from the rock. Winasiwas iyon ng lalaki habang pinupulupot nito sa kamao ang kadena para mabalik ang patalim sa kamay nito.
Tama nga sila. Nananakot talaga ang lalaking ito.
She gulped. But I have to be strong.
"I am here, because I want to meet you," paliwanag niya, walang kagalaw-galaw sa kanyang pagkakasampa ng mga braso sa bato. "I am a writer. The locals here... they... they said that you are the man made crazy by love."
Tila naningkit ang mga mata ng lalaki.
Para sa isang taga-isla, nakakapagtaka na maputi ang balat nito. Marahil iyon ay dahil hindi naman naglalalabas ang lalaki sa gubat niyon. Marahil, lumalabas lang ito malapit sa dalampasigan o sa batuhan para magtaboy ng mga tao na nahihiwagaan dito.
"Why?" he lowly chuckled. "Want to know how it feels woman?"
Napatunganga siya rito.
"If you have already fallen in love, yet knew that soon it will make you crazy, would you still have the sanity to let go before that happens?"
Hindi niya malaman ang isasagot sa lalaki na bigla na lang siyang tinawanan.
Malakas ang tawa nito. Hindi lang iyon tawa kundi halakhak.
Halakhak ng isang baliw.
Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglaho na sa likuran ng mga puno.
Her chest heaved. Kailangan ko nang umakyat at sundan siya.
Stepha pushed herself up. Nang masampa ang batong iyon, tumayo na siya at humawak sa isang nakausling sanga para maalalayan ang sarili sa pag-apak sa gilid ng bundok na iyon. She climbed through that desired path and steadied herself upon reaching the flatter ground of that mountain side.
Nayakap niya ang sarili dahil malamig ang hangin na nagmumula sa loob ng gubat na iyon na pinakapal ng mga puno.
Stepha walked on.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top