Chapter Nineteen


SLIPPING THROUGH HIS FINGERS

----------------------------------------------------

LOCATION: Moscow, Russia_


Nakatayo ang lalaking naka-coat sa waiting shed ng isang bus stop sa Grizodubovoy street ng Moscow nang may humintong kotse sa tapat niyon. The man looked around, pulling the windbreaker of his brown coat closer to his face as he stepped by the side of the car.

Bumaba ang bintana ng itim na Bentley at inabutan siya ng lulan niyon ng rolyo-rolyong mga diyaryo. Inabot iyon ng lalaking naka-brown na coat at walang imik na bumalik sa waiting shed.

Nang makaupo na roon, inipit ng lalaki ang ibang mga diyaryo sa ilalim ng kanyang braso at pinuklat ang isa. Binasa nito ang nilalaman ng diyaryo hanggang sa huminto ang isang bus at pagbuksan ito ng pinto.

The man was Sloven Markov. He immediately stood up and got inside the bus.



  ----------------------------------------------------  

Location: Pulau, Sapi, Sabah, Malaysia_


Tinanaw ni Asja ang bintana mula sa silid nila ni Sloven.

Setyembre na at nagsimula na ang pagpapapalit-palit ng panahon sa islang iyon. Minsan ay maaraw at minsan naman ay maulan. Ikatlo na ng Setyembre at unang beses sa buwan na iyon na bumuhos ang malakas na ulan kaya naman napili niyang magkulong sa kwarto.

Para kay Asja, madaling takasan si Bruno at ang asawa nito kung kanyang gugustuhin. Pero pinasya niyang hintayin ang pagbabalik ni Sloven. Kung tatakas kasi siya, gusto niya na may kaunti siyang insight kung ano ang dapat asahan sa pagbabalik niya sa Russia. Kung may ginawa ba ang binata na dapat niyang ikabahala, o makakaapekto sa napurnada nilang misyon ni Feliks.

Pero ang isang linggo nitong pagkawala ay inabot na ng tatlo.

At sa dahil tila hindi nagpapakita ng pagkabahala si Bruno, alam ni Asja na ayos lang si Sloven kung nasaan man ito.

"Nami-miss mo?" narinig niyang tanong ng asawa ni Bruno na si Siti.

Kapansin-pansin na mas bata kung titingnan si Siti. Tantya niya ay mga lima o pitong taon na mas bata ang babae kaysa sa asawa nitong si Bruno na nasa mga late forties na nito. Itim ang buhok nitong alon-alon at maganda ang pagkaka-morena ng balat.

At siyempre naman, bago pa siya napadpad sa Pulau Sapi ay pinag-aralan na niya ang mga lengguwahe ng taga-roon kaya nagkakaintindihan sila nito.

"Sino? Si Sloven? Bakit ko mami-miss ang nagkulong sa akin dito?"

Inihilig nito ang ulo. "Nakakapagtaka kasi na hanggang ngayon nandito ka pa. Ang kwento sa akin ng asawa ko," patuloy nito sa pagtitiklop ng damit, "magaling ka raw na agent ng GRU."

Asja let out a scoff. "Wala kang makukuhang sagot sa akin kung iyan ang inaakala mo."

Siti just shrugged her shoulders as Asja turned to face her. Sinandal niya ang sarili sa salaming pader kung saan panay ang dausdos ng mga patak ng tubig at natatanaw ang kagubatan na naliligo sa bumubuhos na ulan.

"Ang sabi ni Bruno ay pauwi na raw si Sloven," patuloy nito. Saktong tapos na rin ito sa pagtitiklop kaya binitbit na ni Siti ang mga damit para ilagay sa kanyang kabinet.

Oo, nitong nakaraan kasi ay nilipat na ni Bruno ang kabinet ni Anya sa silid ni Sloven para hindi na raw siya palipat-lipat ng kwarto. Mukhang nagsususpetsa ang kanang-kamay ng binata sa ginagawa niya tuwing nasa silid na iyon kaya pinagbawalan na siyang gamitin iyon.

Buti na lang din at nailagay niya sa kabinet na iyon ang diary ni Sloven na hindi niya na rin mabasa dahil sa higpit ng pagbabantay sa kanya ng mag-asawa. Kadalasan ay si Siti ang kanyang kasama, dahil kahit sa banyo ay nasusubaybayan siya nito.

"Mabuti naman," taas ng sulok ng kanyang labi.

Maganda iyong balita dahil mapiga lang niya ng kaunti ang lalaki tungkol sa pinagkaabalahan nito nitong nakaraan ay pwede na niyang ituloy ang planong pagtakas.

Sinara na ni Siti ang kabinet. "Na-miss mo nga siya."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata.



    ----------------------------------------------------    




Sloven took off his shirt and placed them neatly on the rocks by the riverside. Matapos magpahinga ng kaunti sa isang hotel sa Kota Kinabalu, nagpasundo na siya kay Bruno sa motor boat nito at pinadala rito ang kanyang mga bagahe.

Nang magtanong ang lalaki kung saan pa siya pupunta, sinabi na lang niya na manghuhuli lang siya ng isda.

Walang awa ang kalangitan sa pagpapabuhos nito ng ulan nang marating niya ang ilog. Nilabas ni Sloven ang nakasuksok sa bandang likuran ng kanyang sinturera na kutsilyong may kadena. Sa ganitong klase ng panahon masarap manghuli ng isda para sa kanya-- kasi challenging. At malakas din ang ragasa ng tubig kaya naman walang kontrol ang mga isda sa kung saang direksyon ang mga ito tatangayin. 

Pagkapulupot ng kadena sa kanyang kamao ay binungkal niya ang lupa malapit sa ilog kung saan may nakabaon na basket. He devised a fish trap in there and pulled out the woven basket filled with fishes. Umupo siya sa batuhan at isa-isang sinalok ang mga isda. Binalik ni Sloven ang mga maliliit at iniwan sa basket ang mga malalaki.

Well, I guess, hindi ko na kailangang magmano-mano ng huli ng isda.

Tumayo na siya at binitbit ng isang kamay ang hinubad na pang-itaas. Naglakad ang binata sa ulanan patungo sa mansyon.





Samantala, nasa salas na si Asja kasama si Siti. Binabasa ni Asja ang isa sa mga naiwang libro ni Sloven, ang One Hundred Years of Solitude nang pumasok si Bruno. Nagmamadaling iniwanan ni Siti ang kinauupuan para tulungan ang asawa sa mga bitbitin nito. Her eyes darted at the couple, then at the door. She was expecting to see Sloven walk in but... no one else was there.

Nilapag niya ang libro sa kandungan. Hindi niya alam kung bakit nabahala siya nang hindi makita ang mayabang na iyon.

"Mga gamit ba iyan ni Sloven?" tanong niya.

"Oo," sagot ni Bruno na may suot na raincoat nang iwan ang tsinelas nito sa porch ng mansyon bago hinubad ang suot at sinabit sa hook sa tabi ng pinto.

Pagkatapos ay inagaw na nito sa asawa ang bag na dala kanina. Isang malaking sports bag lang naman iyon.

"Ipaghahanda na kita ng mainit na makakain," anito. "Si Boss?"

"May dadaanan lang daw, pero uuwi rin dito pagkatapos."

That made her more curious. "Saan daw?"

Bruno smirked and replied in Russian. "Masyado kang maraming tanong tungkol kay Boss. Mabuti pa na kamustahin mo na lang siya pagkauwi rito at sa kanya mo na mismo itanong lahat ng gusto mong malaman."

Binuklat na lang niya ulit ang aklat. "At anong oras naman siya uuwi? Sabi niya, isang linggo lang siya mawawala, tapos halos mag-iisang buwan na."

Mahina lang itong tumawa. "Sa kanya mo iyan ireklamo."

At nawala na ito sa kanyang paningin, marahil patungo sa silid ni Sloven para iwan doon ang bag na dala bago magpalit ng suot nitong damit.

Nilapag ni Asja sa mesa ang libro at sumilip sa pinto na naiwanan ng mga ito na bukas. Tumanaw siya at pinanood ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng ulan.

 Because I bet Sir Gregori will give me a critical mission, naalala niyang sabi ng binata noong huli nilang pag-uusap.

Nakipag-coordinate na kaya siya kay Sir Gregori? Natagalan ba siya dahil binigyan nga siya ng kritikal na misyon?

Muling dumaan sa salas si Bruno.

"Tara na sa hapag, at magluluto ang asawa ko ng masarap," anyaya nito, nagkukumahog bago muli na namang nawala.

Isasara na niya ang pinto nang matanaw na may tumatakbo mula sa kalayuan, sa pagitan ng mga puno at papunta sa mansyon. Sloven ran in his most magnificent glory, half-naked, wet blonde hair and rain water slipping sexily on his ripped torso, shoulders and back. She saw a spark of mischief in his eyes, going down to his lips, tugging a smug grin as he approached her closer.

Nilaparan na niya ang pagkakabukas ng pinto nang makahakbang na ang binata sa porch. He shook his head and threw his shoes off before throwing his clothes at her. Napaawang na lang ang kanyang mga labi nang ibagsak nito ang dalang basket at walang anu-anong hinapit siya sa bewang.

His lips quivered from the cold as it immediately found hers. She felt his kiss vibrating against her lips as he moved his head, pressing his kiss harder against her as if branding her as his own. Mas lalo pa siya nitong hinapit padiin sa katawan nito at yumakap na rin ang isa pa nitong braso sa kanya habang ang kamay ay nakadiin sa kanyang batok.

She could not help dancing along his rhythm, responding to his kiss that was undeniably scorching and demanding. His teeth slowly tugged her lips as Sloven pulled away.

"Oh, my God, Asja," tulak nito sa kanya pasandal sa hamba ng pinto at tangkang lamukusin siya ng halik nang sumulpot si Bruno sa gilid ng pool sa may hindi kalayuan at nakahanda na ang baril nang matanaw sila.

Marahil nagsuspetsa na ito kung bakit hindi siya nakasunod dito sa dining room kaya hinahanap na siya.

Mahinang tawa ang pinakawalan ni Sloven nang makita ang lalaki at napayuko, napailing-iling.

"Boss, ipagkukuha na kita ng tuwalya," anito.

"Huwag na," mahina nitong tawa bago siya hinawakan sa baba at tinitigan sa mga mata. "Ang pag-aasikaso sa akin ay gawain ng aking asawa, hindi ba, Asja?"

She just glared at him.

"What? I have documents."

"Fake documents," she hissed.

"How sure are you?" mahina nitong bulong.

Asja just rolled her eyes and pushed him off. Sa pagkakadikit kasi nito sa kanyang katawan ay lalo lang nababasa ang suot niyang long-sleeved na turtle neck na puti. Nang makaalis na si Bruno para iwanan sila ay dinampot na nito ang basket at binuksan iyon.

Sloven pulled out a wriggling fish.

"Fresh, fresh, fresh," pagmamayabang nito. "I caught these for you. I wonder when I will be able to catch your heart next, hmmm?"

"Si Sloven ka nga," talikod niya rito. "Mayabang pa rin at deboto ng sexpionage."

Sinara nito ang pinto at sinundan siya. "Mayabang pero na-miss mo. Araw-araw mong kinukulit sila Bruno kung kailan ako uuwi."

Nagpatiuna si Asja sa paglakad papunta sa kwarto ni Sloven. Maganda kasing pagkakataon na mapag-iisa lang sila ng lalaki para pasimple na niya itong mausisa kung ano ang dahilan ng matagal nitong pagkawala.

"Kinukulit ko sila dahil may plano akong takasan ka."

"Pero hindi mo magawa kasi hindi mo ako maiwanan?" panunukso na nito.

"Hindi ko magawa dahil kailangan kong malaman kung ano ang nilakad mo nitong nakaraang mga araw. Baka mamaya niyan kapag bumalik na ako ng Russia, bigla na lang ako hulihin o ipakulong."

Inunahan siya ni Sloven sa pagbukas ng pinto at nag-gesture ito na una siyang pumasok ng silid. Then he closed the door behind him.

"Asawang-asawa na talaga kita," mahina nitong tawa.

"Pwede ba?" inis niyang harap sa lalaki na walang kahihiyang naghubad na ng suot nitong pantalon.

Her eyes widened at his black jockstrap.

"Fuck!" halos maitili na niya iyon, buti na lang at kontrolado niya ang boses. "Bakit iyan pa ang suot mo?!"

"So what?" ngisi nito sabay itsa sa kanya ng pantalon nito.

At talaga nga namang siya na ang ginawa nitong taga-bitbit ng mga labahan! Asja let out a growl as she picked up the pants, folded it with Sloven's shirt that she was holding earlier and faced him.

"Ano'ng so what?"

"I am a man of action, what can I do? Jockstraps provide the best support for my penis, okay?"

She rolled her eyes. 

"But of course, you're complaining because it turns you on," kindat pa nito habang pinipiga ang basa nitong buhok.

"Shut up--"

Humakbang na ito palapit at inagaw ang mga basa nitong damit. He threw them on the floor and immediately carried her on the bed. Asja bounced as her back landed and Sloven immediately got on top of her.

Mataman siyang tinitigan ng asul nitong mga mata bago nagsalita. "It was still Autumn when I left Russia," dahan-dahan nitong taas sa kanyang suot na long-sleeved turtleneck.

Napasinghap na lang siyan nang maramdaman ang pagdikit ng basa at malamig nitong mga kamay sa kanyang balat. Droplets of water fell from his hair and she watched the rest roll and made his broad chest glisten. Napalunok siya nang mapadpad ang paningin sa abs nito, pababa sa puson, sa pagkakaukit ng pelvis ng binata...

He carefully slid his hand inside her shirt that shot her with a  slow, cool sensation.

"It was colorful, orange and green leaves falling everywhere, how I wished you were there. It was scented like pumpkins, it's the harvest and wedding season there, how I wished we were pumpin'."

Kumawala ang mahinang tawa mula sa kanyang mga labi. "Tumutula ka na naman ba, Sloven Markov?"

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito na napaawang nang marating na ng kamay nito ang kanyang dibdib. He invaded underneath her bra and began squeezing. Napasinghap siya sa unti-unting pagdiin ng palad nito, sa pagsakop ng mga daliri nito.

Then their eyes met. He slowly bent down to kiss her lips.

And once again, Asja felt dumbfounded.

Why was she even letting this man touch her this way? And for a numerous of times.

Why was she letting him do this to her without her having any motive for letting it be done?

When her body was calling, why was she always deaf to its words?

Because if she wasn't, she would know right from the start why her body wanted his touch, why her body wanted his lips pressed against her like what was happening already. It was as if she felt this tender passion a long, long time ago. It felt like home. It felt... familiar.

Humagod na ang mga kamay niya sa braso ng binata.

"Ano ang ipinunta mo sa Russia?" she murmured against his lips as he slowly pressed his body on top of her and moved to a grinding sensation.

"Sa tingin ko, wala tayo sa mood ngayon para pag-usapan iyon, Asja. Nararamdaman ko at nararamdaman mo na nasa mood tayo para magniig."

"Oh, Sloven," pikit niya nang maramdaman ang paglapat ng pisngi nito sa kanyang pisngi. "Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang ang tanong ko?"

"No way. Hindi ba't sabi mo nga kanina? Oras na malaman mo kung ano ang nilakad ko sa Russia, tatakasan mo na ako."

Asja jerked, feeling this fingers kneading and pulling her nipple.

"You're the best spy of GRU, do you think I'll have a chance to escape from you?"

Dahan-dahan lang nitong inangat ang mukha para muli siyang lapatan ng halik sa mga labi.

"You want answers? You have to wrestle me for that then," at dahan-dahan na nitong inangat ang katawan.

Asja sat up and saw him take off his jockstraps as he stood in front of the bed.

"Hindi ka talaga magpapatalo, ano?" naghihinanakit niyang tanong dito.

"Be fair with me, Asja," anito, matiim na nakatitig. "Bawat panalo mo sa wrestling, sasagutin ko ang isa sa mga tanong mo. At bawat panalo ko naman..."

Mischief shone in his blue eyes, his lips stretched to a grin of a champion.

Nanatili siyang tahimik at hinintay ang karugtong ng sasabihin nito.

"...I'll enter you."

"Bakit feeling ko wala akong choice kundi gawin ang mga kondisyon mo?" paghuhubad na niya sa suot na long-sleeves.

"I already gave you a choice-- wrestle with me, or just stop asking me questions and find things out on your own," panonood nito sa kanya, tutok ang mga mata sa bawat saplot na kanyang tinatanggal. "We're enemies, remember? Why should I make things easy for you, darling?"

Tinanggal na niya ang bra at initsa iyon sa kung saan.

"Fine, let's wrestle then," tanggal naman niya sa butones ng suot na pantalon.

----------------------------------------------------  

AN

Inabot na ako ng 8 sa pagsusulat hahaha! <3

May isa pa itong chapter na karugtong. I will just have dinner tapos deretso na ako sa pagsulat ng Chapter 20 ;) <3

Kitakits and happy reading!

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top