Chapter Fourteen
"THEN HE MADE ONE LAST EFFORT TO SEARCH IN HIS HEART FOR THE PLACE WHERE HIS AFFECTION HAD ROTTED AWAY, AND HE COULD NOT FIND IT."
- GABRIEL GARCIA MARQUEZ, ONE HUNDRED YEARS OF SOLITUDE
----------------------------------------------------
Habang kumakain ng almusal sa mesa sa gilid ng pool, mabilis na tinapos ni Sloven ang pagkain.
"Ikaw na ang bahala rito," seryosong sulyap nito bago tumayo. "Habang maaga pa, pupunta ako ng Kota Kinabalu para mamili ng supplies. Lalo na ng panggamot sa sugat mo."
Asja made herself appear curious. "Kota Kinabalu?"
"Yeah, mainland iyon na medyo malayo rito sa isla kaya kung gusto ko makauwi ng maaga, dapat maaga rin akong umalis," ayos ng binata sa pagkakarolyo ng dulo ng pantalon nitong kulay khaki. He wore a pair of white flipflops and a white button-down flowery shirt.
She cocked her head to the side. Marahil kampante siya na iwanan ako ngayon ng mag-isa dahil may surveillance camera dito.
"Kung nagugutom ka na, alam mo na naman kung nasaan ang kusina. The design of our house may seem confusing, kaya kung saan kita napasyal doon ka lang pumunta."
Of course, I will do the opposite, Sloven. At siguro naman, expected mo na iyon.
"And--" tuwid nito ng tayo, "--also, tell me, ano ang gusto mong ipabili? Gusto mo ng bagong mga dress? Bagong sapatos? You love black boots, don't you?"
Her eyes narrowed. "Kung nasa isla naman tayo, para saan pa na magba-black boots ako, 'di ba?"
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Ah, mukhang nakalimutan mo na rin ang hilig mo sa pagpapaganda." Humawak ito sa kanyang baba. "Sige, ako na lang ang bahala sa lahat."
"Hindi mo ba ako isasama?" aniya. "I mean... may amnesia ako. Hindi mo ba ako dadalhin sa doktor?"
Sloven sighed. "Oh, I don't think it is necessary. Wala ka namang injury sa ulo, so siguro baka nasobrahan ka lang sa vodka kaya nagka-amnesia ka," sarkastiko nitong wika.
Pinanlakihan niya ng mga mata ang lalaki na mahinang tumawa at nagpatiuna na ng lakad.
"I'll be back before sundown. Sana nakahanda na ang hapunan pagbalik ko, asawa ko," lingon pa nito bago tuluyang lumisan.
Hindi ako threatened sa mga pinagsasasabi mo. Sariling kwento mo lang naman ang basis mo para mag-assume na wala akong amnesia. Once na magpanggap ako na bumalik na ang memorya ko, maija-justify ko pa rin kung paano ako nagka-amnesia.
Nilipat na ni Asja ang paningin sa liligpiting mga pinagkainan.
----------------------------------------------------
Malayo-layo rin ang nilakad ni Sloven bago narating ang mismong daungan sa Pulau Sapi. Nakaabang na sa isa sa mga motorboat si Bruno-- ang kanyang mapagkakatiwalaang alalay.
Bahagyan tumanda na ang lalaki, ngunit matikas pa rin para sa edad nito. Nagkaroon na nga lang ang kalbong lalaki ng balbas at bigote. Nakasuot ito ng sando at simpleng shorts, isang senyales na tuluyan na nitong na-adapt ang pamumuhay ng mga taga-isla.
"Hello, Boss," bati nito sa kanya habang binibigyan siya ng daan para makasakay na sa bangka. "Akala ko hindi ka na darating eh. Late ka ng mga kalahating-oras."
"Hinintay ko pa magising ang asawa ko," nakakalokong ngisi lang niya pagkaupo roon.
"Nakadali ka na naman," mahinang tawa ng lalaki na binubuhay na ang makina ng bangka.
"Hindi pa nga eh," hagod niya ng kamay sa baba. "Pero ayos lang, parang alak lang naman ang masarap na sex, Bruno. Kailangan mong patagalin para mas sumarap kapag tinikman mo na."
Natatawang napailing-iling na lang ito. "Namatay 'yung unang agent ah. Nagkapatayan sila ni Asja."
"Nakita ko na na-trap siya sa dulo ng bundok, pero hindi ko na nakita na namatay siya dahil lumabas na ako noon ng mansyon. I never knew, Asja would have the guts to kill her. I mean, magkakampi sila." May bigla siyang naalala kaya naging makahulugan na ang tingin mula sa asul na mga mata. "Pero kunsabagay, lahat naman gagawin ng babaeng iyon para walang humadlang sas mga gusto niyang mangyari."
"Baliwin mo ba naman 'yung una nilang agent," ngisi ni Bruno habang iniikot na ang bangka paalis sa daungan.
"I don't think she is properly trained. Hindi magsasabak sa misyon ang GRU kung ganoon pa kamangmang ang agent," masid ni Sloven sa isla habang umaandar na ang bangka papalayo roon. Tumayo na siya at pumuwesto sa tabi ni Bruno, nakahawak sa isang bakal na poste para makatindig ng maayos.
"Tulad nga ng report ko sa iyo," ani Bruno. "Dalawa silang dumating sa isla nitong nakaraan. Nauna si Asja, sumunod 'yung agent na si Stepha. Sa tingin ko, pinag-aralan na ni Asja ang pasikot-sikot sa isla bago pasabakin si Stepha."
He nodded. "At obvious naman kung bakit si Stepha ang una nilang pinasabak. Kasi alam ni Asja na makikilala ko siya at magkakaroon ako ng ideya na may balak silang hindi maganda sa akin."
"Pero kung gusto kang mahuli ng GRU, bakit si Asja, 'di ba, Boss? Alam naman siguro ng buong GRU na magkagalit kayong dalawa."
"Siya lang ang galit sa akin," pagwawasto niya sa tauhan. "Isa pa, iyan nga din ang pinagtataka ko. Unless, si Asja lang ang available para sa misyon. O marahil, dinaan na naman ni Sir Gregori sa psychology si Asja." At napangisi siya. "Alam ni Sir Gregori na gagawin ni Asja ang lahat para lang malamangan ako, para lang makaganti sa akin."
"Dahil naisahan mo siya at nalaman ng buong GRU dahil sa room mate niyang mga agent sa apartment?" nakakalokong tawa ni Bruno.
Sloven grinned, remembering the memory he reminisced last night.
----------------------------------------------------
Asja was done washing the dishes.
Ginala niya ang paningin sa paligid, kunwari ay nagwa-wonder lang sa lugar at naninibago. Kung may surveillance camera man kasi sa mansyon, kailangan niya pa rin makapag-espiya nang hindi mahahalata. Inikot niya ang kusina at dining room, hindi malaman kung paano nako-conceal ni Sloven ng mabuti ang mga camera kasi wala siyang makita.
Naghagilap siya sa mga drawer, kunwari ay may hinahanap.
Pagkatapos ay sumilip siya sa ref.
Pagkatapos, inisa-isa niya ang mga bote ng vodka. Baka may kung ano lang kasi siyang makita na mga buton o lever na magbubukas sa isang secret passageway papunta sa lihim na silid. Basta, kahit ano.
Dumako na siya sa tabi ng lababo at nakita ang basket ng mga prutas. Maayos na naka-arrange ang mga iyon. Mayroong watermelon, dalawang cherries at dragonfruit. Her eyes narrowed.
Ano'ng klaseng fruit salad naman ang magagawa niya na ito lang ang mga prutas?
Sinara na niya ang basket at kinalikot naman ang mga appliances. Magdadahilan na lang siya kay Sloven mamaya na fina-familiarize niya ang sarili sa bahay dahil wala nga siyang maalala. Ganoon na nga lang.
Pagkalabas ng kusina, sumara na ang pinto sa kanyang likuran at nagmukha na itong puting pader dahil sinadya na i-camouflage iyon sa hitsura ng mga pader. Then a curtain fell over it. Ang kurtina ang palatandaan ni Sloven, sa palagay niya.
Tinahak na ni Asja ang hallway at narating muli ang swimming pool.
Doon naman niya ginala ang paningin. Nang mapadpad ang paningin sa ilaw sa ilalim ng swimming pool, naningkit ang kanyang mga mata. Para kasing may nakakabit na lens ng camera malapit sa mismong ilaw niyon. Isang bilog na lens ang nasa gitna ng pabilog na bumbilya.
I saw one, note niya sa sarili bago nilingon ang mesa kung saan sila kumain kanina ni Sloven. Sa direksyon na iyon kasi nakaharap ang napansin niyang camera. She walked around the pool and found out that all of those lights have camera lenses in the middle. Pero siyempre, para sa mga ordinaryong tao, iisipin ng mga ito na parte lang iyon ng bumbilya.
Tinungo na niya ang hallway papunta sa mga silid. Habang naglalakad ay pinadulas ni Asja ang kamay sa puting pader. Baka sakali lang kasi na may maitulak siyang naka-camouflage na pinto pabukas at may mahanap siya.
Napahinto si Asja sa tapat ng kwarto kung saan siya unang pinatulog ni Sloven. She stepped in and looked all around.
Himala at hindi man lang niya ni-lock ito?
Maayos na ulit ang kama at mga gamit doon. At tila wala namang surveillance camera sa kwarto na iyon kaya malaya na siyang naghalughog. Unang pinuntirya ni Asja ang drawer sa may vanity mirror. She gasped at the complete set of colors of bottles of nail polish. May make-up set din doon at iba't ibang shade ng lipstick.
Nate-tempt na dinampot niya ang isang tube ng mamahaling lipstick.
Pero nang bumalik na siya sa focus at binalik iyon sa drawer at sinara.
Pambabae nga ang kwarto na ito.
Ang bedside drawer naman ang hinalughog niya na dalawang picture frame lang ang laman. Malungkot na inangat niya iyon. Malungkot dahil bumungad sa kanya sa unang frame ang luma at naninilaw nang litrato ng pamilya ni Sloven.
Mas patpatin noon ang binata, sungki pa ngunit malapad at masaya ang pagkakangiti. Seryoso naman ang mukha ng mga magulang nila at si Anya na nasa isa o dalawang taong gulang naman ay tila kagagaling lang sa pag-iyak.
Her fingers tenderly felt the glass cover of that picture before lifting the other.
The other photo was a solo of Anya. Maputla ang babae at payat-- malapit sa athletic ang katawan nito at medyo maliit ang dibdib. No wonder the bras were of smaller cup. Asja knew all of a sudden that this beautiful room was meant for no one else but Sloven's sister.
The girl's platinum blonde hair flower long and sleek, her lips curved into a shy smile, at tila unang araw pa lang nito sa papasukang university base sa background ng larawan. Tandang-tanda pa ni Asja noong nakita ang babae sa yate noong nakasama niya ang mga ito mag-Bagong Taon. Kung ano ito sa larawan, ganoon din sa personal-- mahinhin, bata at mahiyain.
Remembering Asja's terrible fate made her feel sad for Sloven all of a sudden. Napailing tuloy siya. She should not feel that way for the man who threatened to kill billions of lives. Binalik na niya ang mga frame sa drawer.
Pagbukas ng kabinet, naroon pa rin ang mga damit at naunawaan na ni Asja kung bakit hindi iyon ni-lock ng binata. Kumuha siya ng isang damit at mga panloob para makaligo na muna bago ituloy ang pag-iikot sa bahay.
She threw a bath bomb in the tub and waited for the sweet strawberry scent to fill the air. Naghubad na siya at nilagay muna sa lababo ang ginamit na pantulog kagabi. Pagkatapos ay minasdan ni Asja ang sarili sa salamin. Napansin niya na tila bagong palit na ang kanyang gauze sa balikat.
----------------------------------------------------
LOCATION: Kota Kinabalu, Malaysia_
Magta-tanghali na nang makadaong sa Kota Kinabalu ang motorboat na sinasakyan nila Sloven. Inunahan na niya ang tauhan na bumaba at dumeretso na sila sa Pasar Besar Kota Kinabalu, ang pinaka-sentro nitong wet market.
"Kung may kailangan kayo sa bahay ng asawa mo, kunin mo na lang at ako na ang bahala sa bayad," ani Sloven kay Bruno.
"Huwag na, Boss. Ako na ang bahala," anito. "Bilhin mo na lang ang mga kakailanganin ninyo sa isla at hindi ka naman pwedeng umalis-alis doon lalo na ngayon na naroon na si Asja."
He nodded and kept on walking. Nasa isip na niya ang mga bibilhin kaya naghahanap na lang siya kung saan mabibili ang mga iyon.
"So, kamusta ang pamilya? Hindi naman ba malaking problema ang cultural differences?"
Nagpamilya na kasi si Bruno. He got married with one of the locals of Malaysia and worked with her at a mini resto-bar at Pulau Sapi.
"Ayos lang naman, napakapasensyosa naman kasi ng misis ko."
His lips curved to a bitter smile. "That's good."
"Boss, hindi ka ba nag-aalala na baka naglilibot-libot na si Asja sa mansyon? Pwede mo naman kasi ako pakiusapan na magbantay sa kanya kung mamimili ka ngayon."
"Hayaan mo siya," mayabang niyang tawa. "Para naman may ma-report siya kay Gregori."
"Ano ba talaga ang plano mo?" tanong ni Bruno nang huminto na siya sa tapat ng bilihan ng mga prutas. He picked a lemon and inspected it. Sloven imagined the lemon's juice moistening Asja's lips, drizzled with a little salt... that would be a Martini Asja.
All of a sudden, he craved for a Martini.
Nilingon niya si Bruno. "Hindi ka pa nasanay sa akin, nilalaro-laro ko na lang ang trabaho." Initsa niya ang lemon at sinalo iyon. Kakaibang tingin tuloy ang nakuha niya mula sa tindero.
"Baka may mahanap siyang pwedeng gamitin laban sa iyo, nag-aalala lang ako," agaw ni Bruno sa lemon at nilagay iyon sa plastic na inalok sa kanila ng tindero na paglalagyan n'un.
"Eh 'di mas maganda," buong kumpiyansang ngisi niya. "Mas challenging."
"Boss, siguro nga noon, hindi pa ganoon kagaling ang Asja na iyan. Pero ilang taon na rin ang nakakalipas, baka nga mas magaling na iyan sa iyo, eh. Baka siya na ang pinaghahanap sa iyo dahil baka siya na ang best spy ng GRU."
"And you expect me to be scared of a woman?" he scoffed.
Pinanood na lang niya si Bruno na pinagpipili siya ng mga lemon.
"Binaliw ka na ng babae noon, Boss. Una, ng kapatid mo at bilang kuya siyempre, magagalit ka sa mga dinanas niya, tapos 'yung Risha na iyon. Hindi ka pa nadadala?"
Kumupas tuloy ang mayabang na ngiti sa kanyang mga labi.
"I won't let that happen. Mauunang mabaliw sa akin si Asja, Bruno. Sisiguraduhin ko na kung hindi siya ang maunang mabaliw sa amin, siya ang magiging mas baliw kaysa sa akin."
Napakibit na lang ito ng mga balikat.
----------------------------------------------------
LOCATION: Markov Mansion, Pulau Sapi, Sabah, Malaysia_
Asja resumed her task after the bath. Bumalik siya sa kanilang kwarto at iyon naman ang hinalughog. Sinilip niya ang kabinet ni Sloven na maayos ang mga damit. Sa pinakababa niyon ay may mga drawer. She pulled each one and saw socks, briefs, handkerchiefs, neck ties and her eyes widened upon seeing jockstraps.
Nagsusuot siya ng mga ganito? taas niya sa isa sa mga jockstraps na pula bago napalunok.
Nag-iinit ang pisngi na binalik niya iyon sa drawer at sinara agad.
Huwag lang talaga niya susubukan na isuot iyon na kasama ako!
At pagbukas ng set ng mga drawer sa ibaba pa niyon, naging interesting na ang lahat. A drawer was filled with magazines and guns. The second was filled with chains and handcuffs. The third one had two whips rolled neatly. The fourth one had rolled belts in it mixed with wrist watches.
Sinara na niya ang mga drawer.
Tinungo ni Asja ang vanity mirror na may mga patungan sa gilid kaya naroon ang mga suklay at lalagyan ng hair wax. Hinatak ni Asja ang drawer niyon at bumungad sa kanya ang ilang mga libro.
Dinampot niya ang isang kopya ng One Hundred Years of Solitude, at naalala ang nasabi noon sa kanya ng lalaki.
I'm a wide-reader.
"Dapat may library room siya," mahina niyang usal. "Sa loob ng ilang taon niyang pagkawala, siguro ay marami-rami na siyang librong nababasa."
I know that's a weird idea to assume but...
Iniwanan ni Asja ng maayos ang silid bago umulit ng pag-iikot sa mansyon. Nang marating ang salas, kinapa niya ang pader doon at napasinghap nang tumagos ang kanyang kamay.
Nakausli lang pala ang pader na iyon at aakalain ng kahit sino na karugtong nito ang puti rin na pader na nasa likuran lang pala ng pader na iyon. Asja peered and saw that there was a gap that served as a passageway.
Yes!
Pumasok na siya roon at narating ang isang pinto. Asja inhaled deeply and turned the doorknob.
Click!
Pagkabukas ng pinto, maingat na pinasok iyon ni Asja at bumungad sa kanya ang hinahanap na library. Abot sa kisame ang book shelf na punong-puno ng mga libro.
Ang dami! ikot ng kanyang mga mata sa paligid.
Nilapitan niya ang desk ni Sloven at naramdaman na may nasandalan kaya nilingon niya ang kinauupuang swivel chair. Nakasuksok doon ang isang may kakakapalang notebook. Kasing itim ng leather na swivel chair ang book jacket nito na gawa rin sa leather kaya hindi madaling mapansin. Nakapa lang niya iyon kaya nahugot at napagtanto na notebook pala.
She eagerly flipped its pages and arrived on something written there dated four years ago. Asja gasped upon the realization that it was Sloven's diary.
----------------------------------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** Russian men are hard drinkers. I am not sure if nalagay ko ang trivia na ito before, but here it is. Whether this is just stereotyping from the internet or legit, I am not sure. Pero sa lamig ba naman sa Russia, malaki ang possibility na hard drinker talaga sila roon. So I hope that makes you all stop wondering kung bakit may isang shelf ng vodka si fafa Slovena at nagke-crave siya sa Martini Asja-- este sa Martini lang pala XD <3
----------------------------------------------------
AN:
Hello, everyone! ;) Sorry kung hindi ko pa nachecheck ang comments section. Medyo marami lang ako kasing inaasikaso na writing stuff and minsan sa FB or Twitter na lang ako nakakarespond. Pero babalikan ko po yung mga comments ninyo and will reply if may marereply hahaha <3 <3
Kamusta naman kayo diyan? Sino sa inyo ang naka-miss kay Bruno? Eh 'di happy na tayo ngayon kasi nagparamdam na si Bruno? hahaha XD
And who likes a Martini?
I hope someday, maka-share ko kayo sa pagma-martini. 'Yung sexy drinking lang ha, ayoko nung may magwawala o bigla na lang iiyak XD HAHAHA! <3 <3 Moderate drinking lang tayo palagi. Moderate drinking is sexy drinking. ;)
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top