Chapter Forty-Two

THE FALL

----------------------------------------------------


Sloven ran up the stairs.

Hanggang sa natanaw na niya ang dalawang lalaki na nagtatalo sa hallway sa ikalawang palapag. Binilisan ni Sloven ang mga hakbang para kaharapin ang mga ito nang biglang humugot ng baril si Petrov at itutok iyon sa presidente.

Tinulak niya si President Liev payuko, siya ring yuko niya kaya nung nagpaputok si Petrov ng baril ay tumama lang iyon sa isa sa mga poste sa may balkonahe ng hallway na abot-tanaw sa baba. May silencer ang baril kaya wala gaanong nakapansin, siyang angat niya at salag sa kamay ng lalaki para tumilapon ang baril nito. Ang isang kamay naman ni Sloven ay sumuntok sa mukha ni Petrov kaya napaatras na ito.

Nagsukatan sila ng tingin ng lalaki na dinampi ang mga daliri sa dugong tumulo mula sa ilong nito.

"Lucia Lammenmoor," he said in a mocking tone, cocking his head to the side. "Oh, really? What a giveaway about your plans."

"It's a signal, idiot," porma nito na tila hinahanda na ang sarili na makipaglaban sa kanya. "Dapat habang tinutugtog na ang kantang iyon ay patay na si Liev!"

"Walanghiya ka," humihingal na ngitngit ng pangulo na nasa likuran ni Sloven.

Sabay na sinugod nila Petrov at Sloven ang isa't isa. Nagpalitan ang dalawa ng suntukan habang si Liev ay tila wala pa sa wastong takbo ng pag-iisip. Nanghihinang napaupo ang lalaki, nanginginig. He cluthed on his chest with a tortured look in his eyes. Who would not be like that when a man just confessed that he was fucking his wife?

His own wife.

The woman he loved.

Napayuko ito, mariing napapikit at nagdaramdam. Liev was still overwhelmed by the tragic emotion while Sloven continued to fight Petrov.

Nagpalitan silang dalawa ng mga suntok. Nadaplisan siya ni Petrov sa bandang panga kaya sinipa niya ito ng isang paa para mailayo sa kanya. 

Sloven shook his head and released a harsh breath. Pakiramdam niya kasi ay tila nanginig na parang namamanhid ang nasuntok niyang panga at nakabaon sa buto ang hapdi niyon.

Napasandal si Petrov sa balkohe ng hallway na iyon, nasa likuran nito ang katapat niyon na hanay ng mga nagkikislapang kristal na ilaw para sa bulwagan sa baba kung saan ang mga tao ay wala pa ring kamalay-malay sa kanilang sitwasyon.

Mabilis nitong binangon ang sarili para sugurin siya. Suntok ang sinalubong niya sa lalaki kaya bumagsak ito. Sa pagbagsak ay hinila nito ang kanyang binti pero maagap na tumadyak si Sloven at napaatras, muntikan nang bumagsak. But he regained his balance. Petrov slowly stood up and he quickly grabbed on the collar of his suit. Sunod-sunod na suntok ang bumangas sa mukha ng lalaki na nagpakawala na ng sigaw at daing bago siya sinikmuraan ng paulit-ulit.

Pakiramdam ni Sloven ay maduduwal siya dahil kahit papaano ay malakas din naman ito sumuntok. Pero nilunok niya iyon at binangasan pa ito sa mukha bago tinulak palayo.

"Ah!" he clutched on his stomach, feeling his body sway.

Kita niya na nahihilo na ang lalaki pasugod na sana si Sloven para sipain ito nang matigilan siya ng pagputok ng baril.

"Aaaahhhhhh!"

His eyes widened at the sight of Petrov bending down to clutch on his bleeding leg. Bumagsak ito. His body squirmed, his face distorted in so much pain. Dahang-dahang nilingon ni Sloven si President Liev na hawak ang ballpen na niregalo nila rito. Nakaangat pa rin ang kamay ng ginoo at nakita niya ang paglitaw ng panibagong dulo ng ballpen na siyang nagsisilbi niyong bala.

Liev's eyes were teary and bloodshot as he watched Petrov's torture by the wound he got. Hindi rin kasi biro ang caliber ng bala na nasa ballpen na iyon na kayang lumikha ng malaki at malalim na sugat.

Habang patuloy si Petrov sa pagdaing at nakatitig lang dito si President Liev, sumulpot si Boris na may towel na nakasabit sa braso nito, nakatago sa ilalim niyon ang kamay nito na may hawak na baril.

Nilingon saglit ni Sloven ang mga pinto sa hallway at naalala si Asja. Then he returned his eyes on Boris.

"Ikaw muna ang bahala rito," hingal niya saka tinakbo ang private suite.

Boris bent down and placed a hand on President Liev's shoulder.

"President, I have a suggestion," anito habang nililipat-lipat ang tingin sa lalaki at kay Petrov. "You need to replace your security team."

"Just fucking get that man out of my sight," he hissed, slowly standing up. Sinabayan na rin ito ni Boris. "At baka tuluyan ko ang gagong iyan."

Nalilito na sinundan nito ng tingin si President Liev na tila papunta na sa isa sa mga silid sa pasilyong iyon.

"President, delikado riyan."

"Shut up," walang lingon nitong sagot habang patuloy ang matamlay na paglakad, mabigat ang mga yabag at nanginginig ang kamay. "Ako ang asawa, kaya ako ang dapat na kumastigo sa sarili kong asawa."

"Hindi!" takbo ni Boris para gapusin ang presidente na nagsimula nang manlaban. "Ipaubaya mo na ito sa kanila!"

He grunted. Kahit kasi mas matanda ang pangulo ay may lakas pa rin ito na tila katumbas ng sampung leon.

"As the President of this country, follow my orders and let me go!" he growled.

Pero mas malakas si Boris. Gapos ng mga braso na binuhat niya ito, siya namang dating ni Bruno. Pagkabuhat nito sa pangulo paharap sa kabilang side ng hallway ay sinalubong siya ng tila nagsususpetsang tingin ni Bruno.

"Tulungan mo nga ako rito!" bitaw nito kay President Liev sabay tulak.

"Tangina, Boris, bakit mo ginaganyan ang Presidente!"

Namumula ang mukha na umatras ito. "Ikaw na ang bahala diyan! Ako na rito kay Petrov!"

Liev froze in his place as Bruno politely pleaded him to surrender the ballpen gun. Pigil ang luha na sumunod ito at iniwanan na sila sa pasilyong iyon para tunguhin ang hagdan pababa.

Nag-squat na si Boris at tinampal ang nanlalaban pa na si Petrov na walang gatol sa kakadaing at kakamura dahil sa tinamo nitong sugat. Pagkatapos ay sinampay na ang lalaking iyon sa balikat habang si Bruno naman ay nagtutok lang ng baril dito para hindi magtangka ng hindi maganda. Pinasok nila ang isang silid doon kung saan nila kinulong kanina lamang si Dmitry na kinailangan pa nilang balumbunin ng mga bedsheet at kumot para palabasin na mga labahin lang ang buhat kanina ni Boris.

Dmitry was in that room, gagged in the mouth, tied with a chain and his stab wound was tied with a cloth. Binaba ni Boris si Petrov sa paanan ng kamang iyon at ginamit ang nakahandang kumot para igapos ito sa paanan ng kama. Nakatutok lang ang baril ni Bruno kay Petrov at minsan ay lumilipat kay Dmitry na masama lang ang tingin sa kanila.

Boris pulled out a knife from his back pocket and cut off a portion of Petrov's pants. Ginamit niya ang tela ng pantalon nito para ipantali sa sugat at nang mapigilan ang patuloy niyong pagdurugo. As he tied the cloth, the man let out a pained grunt.

Galit na napamura lang ito. "Wala kang ideya kung magkano itong tang-inang suit na pinutol mo!"

"Mas mahalaga pa ba iyan sa buhay mo?" sarkastikong ngisi ni Boris na nagpatahimik na lang dito.











Asja could not explain the fear that shot through her system. Bakit nagdurugo siya ng ganito? Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tumuwid na ng tayo si Inessa at halata na nagulat ito nang makita ang pagdurugo niya, pero napalitan din agad iyon ng isang ngiti.

What a wicked smile stretched on her red lips, her eyes pierced at her like a predator hungry for meat.

"Seems like I hit the jackpot," she began walking gracefully. Kampante na ito na talo na si Asja.

Her hips swayed confidently as she picked up the knife, checked its blade them threw her a dangerous look, her eyes sparked with sinister intent.

She slowly straightened her body and faced her.

Asja weakly clutched on her belly. She was bleeding and cramping like her. Nanginginig na pinagdikit niya ang mga hita, umaasa na mapipigilan niyon ang sariling pagdurugo.

"Come on, Asja," ngisi nito. "You'll blood a lot tonight. You and your baby, perhaps?"

Her eyes widened.

My baby...

Dumoble ang takot sa kanyang dibdib. It was Inessa who only gave her the possible answer to this inexplicable bleeding, and why it scared her like hell. Pakiramdam niya ay maluluha na siya dahil doon.

"Kaya ayokong mabuntis, eh. Malaking sagabal..." ngisi nito, pailalim ang titig sa kanya, "hindi ba, Asja?"

Nanginginig na pinagmasdan ni Asja ang sarili.

Our baby... Sloven... iyak niya sa loob-loob.

Then Sloven stormed in. Inessa stopped on her tracks, eyes widened at the sight of the man. Ngunit ang binata naman ay siya ang unang hinagilap ng paningin, tila pareho lang sila ng nadama nang makita ang kanyang pagdurugo. At namula ito sa galit na hinarap si Inessa.

Nagsukatan ang dalawa ng tingin. Sa pamimilipit ni Asja sa sakit ay ni hindi niya magawang igalaw ang sarili, dala na rin ng takot na baka sa kanyang paggalaw ay mas ikalala lang ng pagdurugo.

Sila Sloven naman ay nagpalipat-lipat ang mga paningin. They gave each other a calculated stare before shifting it to Asja, then to her gun on the floor. Nang tila nabuo na ang kanilang mga isip sa hakbang na gagawin, initsa na ni Inessa ang kutsilyo patungo sa kanya. Asja gasped and felt Sloven grab her. Pinihit siya ng lalaki at tila sinabayan nito ang direksyon ng initsa ni Inessa na kutsilyo.

Sloven grabbed the knife on its golden hilt and they kept on spinning until they were finally facing Inessa's direction.

Nakita nila ang pagtakbo ni Inessa patungo sa kinabagsakan ng kanyang baril para kunin iyon. Hawak na nito ang baril at paharap pa lang sa kanila nang maibuwelo na ni Sloven ang nahawakan nitong kutsilyo.

Nang maihagis na ng binata ang patalim sa direksyon ng First Lady ay huminto na siya sa pagpihit at naramdaman niya ang pagyakap ng braso nito sa kanyang leeg. Kasabay niyon ang pagtutok ni Inessa ng baril sa kanila.

The sight, the tension and the suspense took their breath away as the knife immediately pierce Inessa on the chest before she could even pull the trigger.

Malalim ang naging pagtarak ng kutsilyo, naghatid iyon ng impact at sakit na nagpaliyad sa babae. Nakadilat ang mga mata na nabitawan na nito ang baril at bumulagta sa sahig.

Her red dress was darkened by the blood that seeped out of her skin and through the cloth. Buhay pa ito na nakatulala sa kisame, tila pinapanood ang mabilis na pag-flash ng buhay nito sa sariling mga mata. At sinundan iyon ng paghahabol ng hininga.

Napaiyak na lang siy Asja kaya dahan-dahang bumitaw si Sloven para pumunta sa kanyang harapan. Tumingin ito sa kanyang mga hita, tila namamasa ang mga mata at naguguluhan. Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ni Asja sa sobrang panginginig ngunit sa pag-alalay ng lalaki ay naging dahan-dahan ang kanyang pagbagsak sa sahig. Kapwa sila napaupo roon, at sa pagyakap ni Sloven at paglapat ng kanyang pisngi sa dibdib nito, doon na siya lumuha ng lumuha.

Nagtagumpay nga sila sa misyon, pero parang habambuhay na magiging durog ang kanyang puso sa kaalaman na ang naging kabayaran para sa tagumpay na iyon ay ang pagkawala ng kanilang magiging anak.

Ni hindi man lang niya ito nahahawakan sa maliliit nitong mga kamay, o nagigisnan ang inosente nitong mukha. Ni wala siyang ideya kung magiging kamukha ba niya ito o ni Sloven? Ni wala pa nga itong pangalan. At hindi pa nito nararamdaman kung gaano kainit ang kanyang mga yakap at ang klase ng proteksyon at kapanatagan na kayang ibigay ng mga bisig ni Sloven.

Dahilan para manakit ang kanyang dibdib sa sobrang kalungkutan at ang pagluha ay naging isang hagulgol na para bang kinakapos siya ng hininga. Even Sloven, rubbing her back, could not soothe the aching in her heart right now.

---------------------------------------------------- 

 AN

T^T

Note: Ngayon ko lang nalagay 'yung song. The song is for  the last part of this chapter.

This is it. The end na. HAHAHA! Joke lang! Bukas pa T^T

Pero parang mami-miss ko talaga ang istorya na ito. <3 <3

Kitakits tayo bukas ha? For the finale, the conclusion and the epilogue, of course.

Hinahanda ko na ang aking damdamin T^T <3

Good night, mga dear. I love you all so much. Thank you for supporting. Ay, bukas ko na lang ieelaborate, sa AN ko hahaha <3 <3

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top