Chapter Forty-Three

THE CONCLUSION

----------------------------------------------------

Ang Pro-Militia ay isang samahan na kumalaban sa gobyerno ng palihim. Ang kanilang misyon ay ang palitan ito ng militar na pamamaraan ng pamamalakad kung saan ang mamumuno ay si Heneral Anton Morozov. Sa ginoo nagmula ang usapang iyon noong kainuman sa isang tahimik na bar ang Lieutenant-General pa noon na si Ivanov Kvachkov, at iba pang mga mababang ranggo na opisyal sa militar na si Dmitry Sergun, Vitaliy Belinsky at isang handler noon sa GRU na si Feliks Guchkov.

Sa kanilang pagpupulong, may nabuo na silang plano kung paano iyon maisasakatuparan. Balak ng grupo na kolektahin ang mga datos sa database ng military headquarters ng Russia para ibenta sa ibang bansa. Pili-piling mga datos lamang ang kanilang ilalabas siyempre, pero sisiguraduhin na magsasanhi iyon ng pagnanais ng nakabili na magpasimula ng giyera laban sa kanilang bansa.

Kaya lang, nagbago ang administrasyon, naluklok sa pagka-pangulo si Liev Rutskoy at bahagyang nag-iba ang pamamalakad sa pamahalaan na nagresulta ng maganda, dahilan para iurong ni General Anton Morozov ang balak na pabagsakin ito.

Ngunit hindi si Ivanov Kvachkov na sadyang nasilaw sa ambisyon na mamumuno ang hukbong militar sa bansa, ngunit hangga't nasa posisyon pa noon si Morozov, hindi makakilos ang Pro-Militia. Pansamantalang nagpahinga ang grupo, ngunit palihim na nagpupulong kung paano matutuloy ang plano, at kung paano na rin masisigurado na mananahimik ang heneral tungkol sa kanilang agenda.

Naging labas na sa kanilang mga plano si Morozov, gumawa ng sariling plano at dahil alam ng heneral na may balak na ituloy ng Pro-Militia ang maitim na balak sa oras na magretiro ito, nagpa-system update at upgrade ito.

Iyon ay para magkaroon ng dahilan para ilipat ang lahat ng mahahalagang datos ng militar sa isang customized na memory card-- ang RSF o Russian Secret File.

At pinatabi iyon ni Heneral Morozov kay Heneral Heinz ng Germany, iyon ay para mas mahirapan sila Ivanov sa pagkuha niyon agad-agad. 

Iyon ang paraan na pinili ng Retired General, dahil kung isasa-publiko pa iyon para malitis ang Pro-Militia, tiyak na malaking eskandalo iyon. Lalo na at malaki ang tsansa na malantad na si Morozov ang pinagmulan ng ideya na pabagsakin ang gobyerno at isailalim sa batas-militar.

Samantala, bago naluklok si Ivanov sa pwesto, alam na nito ang tungkol sa RSF. Nagkaroon ang Pro-Militia ng pagpupulong sa isang yate na binagtas ang ilog ng Moskva sa araw ng New Year's Eve. Inabutan ni Ivanov ng stick ng sigarilyo ang mga ito na may nakapulupot sa katawan niyon na puting papel na may note kung saang cabin sila mag-uusap-usap. Sa selebrasyon na iyon, magkakasamang nagpulong sa yate sila Ivanov, Dmitry, Vitaliy, Feliks at isa sa mga opisyal pa lang noon sa gobyerno na si Michal Petrov na kasama noon ang tauhan nito na hindi man kasama sa grupo ay witness sa naganap sa cabin na iyon at isa rin sa mga gumahasa kay Anya.

Ilang taon nang sinadya ni Ivanov na ilapit ang sarili kay Anya, iyon ay para makuha ang kooperasyon nito (na nauwi sa isang pinagbabawal na sekswal na relasyon) na makumbinsi ang kapatid na si Sloven-- na baguhan na nung panahong iyon sa GRU ngunit may reputasyon na bilang isang matinik na secret agent-- na gawin ang isang misyon para sa grupo.

Ang misyon na iyon ay nakawin sa mga German ang RSF para palabasin na may posibilidad na tinago iyon ng kanilang hukbo dahil may balak na sugurin sila at magsimula ng giyera. Sa ganoong paraan, habang tago-tago nila Ivanov ang RSF, magkakaroon naman ng lamat ang dalawang bansa at maisasakatuparan ang gusto ng Pro-Militia na magkaroon ng dahilan ang gobyerno ng Russia para ibigay sa kamay ng militar ang proteksyon at pamamahala sa bansa.

Nang malaman ni Anya kung ano ang plano ng Pro-Militia sa kapatid hindi ito pumayag at tinangka na umatras na mula sa grupo, kaya ginahasa ito ng mga lalaking naroon bilang banta na sa oras na tumutol siyang muli ay makakaranas ng ganoon at mapapahamak ang kapatid nito. Si Ivanov naman ay lumabas lang at nagbantay sa pinto para makasigurado na walang makakapasok sa cabin na iyon. Sinadya rin iyon ni Ivanov, para hindi makapaghabol dito si Anya na ilang linggo bago ang pagpupulong na iyon ay kinukulit ang ginoo na iwanan ang pamilya at pakasalan ito dahil nagdadalang-tao raw, para magkaroon ang lalaki ng dahilan para itanggi kung totoo nga ang pagbubuntis nito.

Napatunayan na hindi totoo ang pagdadalang-tao ni Anya.

At nabaliw ito-- o marahil ay nagpanggap lamang-- para maitago sa isang mental institution kung saan hindi ito basta-basta magagalaw ng Pro-Militia. Pero ayon sa mga staff ng mental institution ay nabibisita pa ito noon ni Ivanov at nakakausap ng pribado. Isang haka-haka na mas pinili na lang ni Anya na sundin ang plano ng Pro-Militia para hindi mapahamak ang kapatid na si Sloven. Walang makapagpatibay niyon dahil namatay na ang dalaga at wala naman itong pinagsabihan na kahit sino, gayundin si Ivanov na tanging miyembro lang ng grupo na bumibisita noon sa dalaga. Ayon nga kay Sloven, nagpakamatay ito nang malamang namatay na si Ivanov.

Nung ini-turn over na ni Morozov ang posisyon kay Ivanov, maagap nitong inutos sa mga tauhan na kontakin ang hukbong militar ng Germany para ibalik ang RSF. 

Samantala, si Morozov na retirado na noong mga panahong iyon ay tinimbrehan na si Sir Gregori-- ang kasalukuyang hepe ng GRU-- tungkol sa Pro-Militia at inabisuhan ito na protektahan mula sa mga ito ang RSF. Dahil si Sloven ang pinagkakatiwalaan ng ginoo-- na nagmula sa army force bilang Lieutenant at na-recruit na agent sa GRU dahil nadiskubre noon sa naging performance nito sa Russo-Gregorian War-- kay Sloven in-assign ni Sir Gregori ang misyon para roon. Isa iyong confidential na misyon na hindi awtorisado dahil malalaman ni Ivanov iyon na siyang namumuno na nung mga panahong iyon sa Pro-Militia.

Nung sinasagawa na ni Sloven ang misyon na binigay ni Sir Gregori, ginamit ni Ivanov ang kapatid nitong si Anya para sa huli ay makumbinsi ito na pumanig sa Pro-Militia. Bulag noon si Sloven sa kung sino ang mga miyembro ng Pro-Militia at ikinagalit ng binata ang pag-iwan ni Ivanov dito sa ere nang makita na tila nagkaroon ng komplikasyon sa parte niya ng misyon. Iyon ay dahil naipuslit ni Misha mula sa Private Eye sa Germany ang RSF at nadala sa Pilipinas.

Noong unang bahagi ng misyon ay ginamit ni Sloven si Misha para mailayo ang RSF bago iyon kunin sa babae at ibalik kay Gregori. Pero dahil nga sa nabulag ito ni Ivanov sa pangako na tutulungan siya na matunton at mapaparusahan ng malubha ang sinumang bumaliw kay Anya sa yate sa oras na matatag ang batas militar, isinantabi na iyon ni Sloven at minanmanan ang may hawak noon ng RSF sa locket nito-- si Risha Guinto. Naging kakumpitensya ni Sloven sa pagtatangka na makuha iyon ang Major mula sa German army na si Lukas Verlin Mikhail.

Kompetisyon na nauwi sa pagkasawi ni Sloven. Ngunit umalis ito na nakaganti na kay Ivanov. May tama ito ng baril na sinakay ni Bruno sa isang helicopter papunta sa helipad ng gusali kung nasaan ang mental institution na naka-confine si Anya. Tumakas ang magkapatid at sa pagtakas na iyon, nalaman ni Anya na patay na si Ivanov kaya tumalon ito at tinapos na rin ang sariling buhay.

Nagtago si Sloven sa isla ng Pulau Sapi ng ilang taon, para magtago sa mga awtoridad dahil hindi man alam ng publiko, kalat naman sa bawat ahensya ng gobyerno ang ginawa nitong akto ng pagrerebelde.

Dahil sa pagkawala nito, halos bumalik sa umpisa ang Pro-Militia. Si Dmitry Sergun ang humalili kay Ivanov, bahagi ito ng samahan pero mas pinili na palalain muna ang suspisyon ng gobyerno kay Sloven. Ngunit palihim naman ang naging galaw nila, lingid sa kaalaman ng lahat na binalak ni Sergun na hintayin na mapunta sa leadership position ang mga kasabwat na sila Vitaliy at Feliks para maging mas malakas ang grupo sa oras na makausap ang pangulo at subukan na kumbinsihin ito tungkol sa batas militar. Pero nang makuha ni Petrov ang posisyon ng Prime Minister, nabago ulit ang plano. Napunta na iyon sa pagpatay sa presidente, dahil sa oras na mangyari iyon, awtomatikong mapupunta kay Petrov ang posisyon. At isang utos lang nito ay mapapasailalim na sa batas-militar ang Russia.

Para maisakatuparan ang magpatay sa pangulo na si Liev Rutskoy, na naging mahirap dahil bukod sa gwardiyado ito ay dating taga-militar din ang ginoo at maalam lumaban, inakit ni Petrov ang batang-bata pa na asawa ni President Liev na si Inessa. Nagkaroon sila ng ipinagbabawal na relasyon at nakumbinsi ng Prime Minister ang babae na para matapos na ang paghihirap nila ay tulungan ito na kitilin ang buhay ng pangulo ng Russia.

Ang balak nila Prime Minister Petrov at Inessa para sa gabing iyon ay bigyan ng pampatulog si President Liev na siyang nakahalo sa red wine na iinumin nito. Red wine ang pinili nila kahit na puro champagn lang ang pina-serve sa party para maiwasan ang pagkakamali na maibigay ang may pampatulog na inumin sa ibang tao. Sa oras na antukin ang pangulo, dadalhin ito ni Inessa sa private suite at papatayin sa pagtulog.

Ngunit dahil sa ginawa ni Asja na pagpapanggap na nahihilo, nawalan ng lugar si Inessa para patayin ang pangulo. Iyon ang dahilan kaya naisip ng babae na kailangan din nitong painumin ng may sedatives na champagne at kitilin ang buhay ni Asja, lalo na at may ideya rin ito mula kay Dmitry na isa itong GRU agent na kasama ni Sloven.

Sa oras na mapatay si Asja, itatago niya ito para madala na ang presidente sa private suite, mapatulog at mapatay na rin. May signal na binalak ang dalawa, na sa pagkanta ni Vitas ng Lucia Lammenmoor, dapat ay patay na si President Liev. Pero dahil hindi nito ininom ang alak, at nag-iba ng plano si Inessa. Naglagay ito ng tracking device sa puwitan ng pangulo, kaya noong bago nito dalhan ng inumin si Asja ay pumisil ito sa puwitan ng lalaki. The device helped Petrov easily find the president inspite of the big crowd. Alam nito na magiging abala si Inessa kay Asja kaya ang lalaki na mismo ang papatay kay Mr. President.

To lure the president to a more quiet place, he had to confess something-- his affair with Inessa. Nagtitimpi noon na tumayo ang pangulo at nakiusap na pag-usapan ang bagay na iyon sa mas pribadong lugar, na pabor naman kay Petrov dahil iyon ang kailangan ng Prime Minister para mapatay ito.

At hindi natuloy ang pagtatangka na iyon dahil sa pag-intervene ni Sloven.

Lumikha ng kontrobersya ang paglisan nila Sloven sa mansyon na iyon. Iyon ay dahil bumaba ito ng hagdan na buhat-buhat ang nagdurugong si Asja. Tumayo si Boris sa harap ng mga tao, nagpaputok ng mga baril para sindakin ang mga ito bago sinabihan na lisanin na ang lugar. Dala ng takot at panic, kumaripas na ang mga ito ng takbo.

Hindi na kinontra pa si Boris ng security dahil naunang bumaba sa palapag na iyon si President Liev para sabihan ang mga ito tungkol sa sitwasyon.

Dumating na ang mga pulis at medics sa mansyon, kasunod niyon ang media. Na-retrieve ang natirang laman ng baso ng alak sa kama sa private room na may halong sedatives. Marahil ay binalak ni Inessa na patulugin si Asja bago patayin. Ganoon din malamang kay President Liev, dahil nakuha ang baso ng red wine na naiwan sa mesa nito at nakitaan din na may halong pampatulog.

Nadiskubre din na ang laman ng kahon na niregalo kuno ni Dmitry sa presidente ay may lamang kutsilyo na may gintong hilt. Iyon mismo ang kutsilyo na tumarak sa dibdib ni Inessa na siyang kinamatay ng babae bago pa ito nadala sa ospital.

Nang mapagtagni-tagni ang mga nangyari sa loob ng ilang buwang paglilitis na naganap sa Korte Suprema ng Russia, nailitis na ng pagkabilanggo at pagkasibak sa pwesto sila Dmitry, Petrov at Vitaliy. Si Feliks naman ay nadeklara na guilty pero hindi na nakulong pa dahil sa kalagitnaan ng imbestigasyon at paglilitis ay nagpakamatay na ito-- binigti ng lalaki ang sarili at nag-iwan ng sulat na humihingi ng tawad sa pamilya nito.

Si Sir Gregori naman ay pinalaya na, ngunit dahil sa paga-assign nito ng mga misyon na hindi awtorisado ng nakatataas sa pamumuno nito sa GRU, pinasya ni President Liev na tuluyan na itong tanggalin sa pwesto bilang hepe. Natanggal man sa pwesto, nangako rito ang pangulo na hindi na guguluhin pa ang magiging kapayapaan ng buhay nito. Sir Gregori was reluctant, he loved GRU and working for the government, but no matter what the cause was, he still broke a protocol. Nagpasalamat na lang ito dahil pagkasibak lang ang inabot sa ginawang iyon imbes na ipakulong din.

A few weeks after the final hearing, Sloven and the President met at the Supreme Court's building that had a classical design and cream-colored walls, for the finalization of the papers and cases against Pro-Militia. Sabay na lumabas ang dalawang lalaki, na kung lumakad ay may pagka-dominante, may ere na kahanga-hanga sa iba at nakaka-intimidate naman sa ilan. President Liev had his dark hair neatly brushed up and wore a black, gentlemany and fit suit that was covered by a black trench coat. Meanwhile, Sloven wore a white suit that hugged his handsome physique, he got back his platinum blonde hair that shone against the sunlight like white light. Pinatungan ni Sloven ang kanyang suit ng  puting trench coat.

Sa paglabas nila mula sa pa-arkong walkway niyon, natanaw ng dalawang lalaki ang itim na Lincoln limousine ng pangulo at nakabuntot dito ang puting kotse na minamanahe naman ni Bruno. Kapwa lumabas ang mga driver sa sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto, siya namang dumog ng mga naka-coat at jacket na reporter sa kanilang dalawa na hindi matapos-tapos ang tanong tungkol sa kanilang mga opinyon tungkol sa isyu at mga balak ng pangulo para sa hinaharap ng bansa.

They just exchanged glances and grinned. 

Nag-alok ng pakikipagkamay ang pangulo na malugod niyang tinanggap.

"Sigurado ka ba na ayaw mong pamahalaan ang GRU?" wika nito na silang dalawa lang ang nakakarinig.

Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi. "Tapos na ang trabaho ko, Sir. Sa ngayon, gusto ko na ipaubaya sa susunod na henerasyon ang pagprotekta sa Inang Russia."

The man nodded, wearing an air of confidence and pride.

"Salamat sa pagrekomenda sa akin bilang guro sa Military Engineering-Technical University," patuloy ni Sloven.

Tumapik ito sa kanyang likod at nagbitaw na sila ng kamay. 

He gave President Liev a nod. "Ah, I have to go."

Taas-noong sinuot na ni Sloven ang shades at inignora ang mga reporter para tunguhin ang naghihintay na si Bruno. Laking pasalamat niya na hindi siya pangulo ng bansa na hindi pwedeng basta-basta na lang mang-snob sa mga reporter. Tinapik niya sa balikat si Bruno kaya bumalik na ito sa driver's seat. Sloven got inside his car and closed the door in front of a reporter's face.

At dahan-dahang umatras ang puting kotse, bumubusina para paatrasin ang mga nakaharang sa dadaanan nito bago binagtas ang Povaskaya Street na kahit medyo sinisikatan na ng araw ay may mga nagkalat pa rin na snow sa paligid.

Nakangising hinatid siya ng tingin ni President Liev bago sagutin ang ilan sa mga tanong ng mga reporter. Sumagot lang ito para hintayin ang pagdating ng mga bodyguards na siyang nag-clear ng madadaanan ng ginoo pasakay sa sasakyan nito.

Nang makauwi sa tinutuluyang hotel sa siyudad ng Moscow si Sloven, sumalubong sa kanya si Asja na limang buwan nang buntis. She smiled serenely as their eyes met, making him smile wider. Humakbang siya patungo sa kinauupuan ng dalaga sa may balkonahe kung saan matatanaw ang kalsada at ang mga sasakyang nagdadaanan. Marahil doon ito pumuwesto para abangan ang pagdaan ng kotse nila ni Bruno. 

Sitting across that metal, white-framed table was Boris, reading a booklet of baby names.

He approached Asja, touched her rounded belly and stroked it gently. The thought of their baby surviving Inessa's kick that night was a miracle for Sloven. And when it comes to that word, miracle, it always reminded him of someone-- Anya.

She was also a miracle in his life. His siblings died while they were babies, some during his mother's pregnancy, then Anya came along and managed to live.

At that thought, naniwala si Sloven na totoo ang mga himala, at ang baby nila ngayon ni Asja ang mas nagpatibay niyon.

Thoughts of Anya still made him feel sad and teary, but when he shifts those thoughts to his baby with Asja, he was filled with brand new hope. An excitement that made him nervous sometimes, because there were times he was beginning to over-react about Asja's health. Kaya naman madalang ito isama ni Sloven sa hearing para sa kaso laban sa Pro-Militia. Ayaw niya na maging emosyonal ito, ang ma-stress at makaapekto sa baby nila. 

"Sinamahan ako ni Boris kanina sa pagpapa-check-up," tingala sa kanya ni Asja, mukhang matamlay dahil sa pagdadalang-tao pero nababawi naman niyon ng kinang ng saya sa mga mata nito at ngiti sa mga labi. She wore an innocently-looking white long-sleeved dress and her hair got back its original color-- honey blonde. Nakapatong lang sa mga balikat nito ang may mabalahibong collar na brown na coat.

Sloven knew that she would look beautiful once happiness filled her heart.

And he swore to never steal that happiness away from her.

"At," yuko nito para hagurin ang tiyan, "sabi ng doktor, babae raw ang magiging baby natin."

Natigilan siya sa narinig. "A girl?" hagod ng kanyang kamay sa buhok ni Asja.

She smiled and nodded.

"Kaya bumili kami ng name book," singit ni Boris na nakasimpleng blue sweater lang at puting pants. "Namimili kami ng names."

"Well, I give that decision to you," he told Asja, bending down to gently press his lips against hers. "Doon muna ako sa kwarto."

At nakangiting iniwanan na niya ang dalawa para ipagpatuloy ang pagkukwentuhan ng mga ito. Hinubad na niya ang coat at nagpalit ng pantalon. He wore a simple grey jogging pants and his white button down polo. Bukas ang ilang butones niyon nang hagilapin niya ang laptop at ipatong iyon sa dresser. He turned it on then pulled a drawer to pull out his diary with a black-leather cover.

Sinipat niya ang pahina na nakatiklop at pinasadahan iyon ng basa. He smiled upon reading it, then his breathing paused as his eyes got further. It was as if he almost caught his breath.

Then Sloven, smiled with watery eyes. He shook his head and took a ballpen. Sinulyapan niya ang laptop na naka-display na ang desktop nito. Binaba niya ulit ang paningin sa pahina ng diary at kinahunan ang nabasang parte niyon bago sulatan ng isang patagilid na linya, senyales na hindi niya iyon isasama sa titipahin sa laptop, pero hinding-hindi niya buburahin sa diary.

Hinanap na niya ang word file at binuksan iyon. Like all typical spies, Sloven wanted to make a book about his life, a book about the life of a spy. Iyon naman talaga ang dahilan kaya gumawa-gawa siya ng diary. He was waiting for this moment, na matanggal na ang asosasyon niya sa GRU bago isulat kung paano ba ang ganoong klaseng buhay. Pero siyempre, may ilang parte ng diary na hindi niya balak na ipaalam sa publiko.

It may seem like a manipulated idea, a deception for hiding some parts of the truth-- but sometimes, it was for the best-- personally or professionally.

Pinili na ni Sloven ang susunod na titipahin sa laptop.











Iniwanan muna ni Asja si Boris para ipagtimpla ng kape si Sloven. Binitbit niya ang mug at sinilip muna ang lalaki sa silid nila, nang makita na nagtitipa ito, napangiti na lang siya. Maingay ang naging pagtakatak ng keyboards sa laptop-- mukhang nasa mood talaga ang lalaki na magsulat. Sloven told her about making a biography, having the story of his life as a spy to get published, and she was supportive about it. Tiwala naman siya na kung anuman ang isulat ng lalaki ay makaka-inspire sa mga tao na nasa kapareho nitong larangan, at the same time, it would help those unaware of the seriousness of their jobs before to understand the kind of life they have.

Tila naramdaman nito ang presensya niya sa pinto kaya napalingon sa kanya. He placed his eyes on her, then on the mug she was holding.

"Coffee," aniya.

Nakangiting tumango ito kaya nilapitan na niya ang lalaki na tinaob ang nakabuklat na diary sa ibabaw ng keyboard para ihalili sa kinapapatungan niyon na espasyo sa dresser table ang mug.

"Thank you," halik nito sa kanyang kamay.

Siya namang katok ni Boris sa nakabukas na pinto kaya napatingin sila rito.

"Boss, Asja," anito, "kailangan ko nang umalis. Importante lang talaga."

"Sige," tango niya rito, at ihahatid na sana ito pero inunahan siya ni Sloven.

"Ako na," hagod ni Sloven sa kanyang braso. "May ihahabilin din kasi ako kay Boris."

At tinanaw na lang niya ang dalawang lalaki na nag-uusap sa mababang tono habang  patungo sa pinto. Huminto muna roon ang dalawa at nag-usap pa. Tila hanggang sa pinto lang naman balak ihatid ni Sloven ang tauhan kaya umupo na lang si Asja sa harapan ng dresser.

Tila nagtalo pa ang dalawa, medyo tumagal tuloy ang usapan ng mga ito kaya inip na inangat na lang niya ang diary at nagbasa. What got her curious was the part of the diary with a stroke of line over it. She flipped a few pages back to read the part where that stroke of line started.

---------------------------------------------------- 

AN

Two chapters (ito at ang susunod) bago ang Epilogue/Finale <3 <3

Mahaba itong chappie na ito at iyong susunod :') Iyong Epilogue naman, maikli lang (I think) <3

Love,

ANA xoxo 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top