Chapter Forty-One

BLOOD

----------------------------------------------------

Nakasandal lang si Sloven sa kanyang kinauupuan, binabantayan ang pangulo habang si Boris ay sinusubukan na paglilibot para obserbahan ang paligid at si Bruno naman ang nag-aasikaso sa pagtago sa sugatan na si Dmitry. They needed that general alive to strengthen their testimony against the Pro-Militia. Si Asja naman ay nasa private suite at kaharap si Inessa.

Wala sa pangulo ang kanyang isip, nasa dalaga. Pilit niyang inaapuhap kung paanong si Inessa ang in-assign ng Pro-Militia na kumitil sa buhay ng pangulo. Una sa lahat ay wala ang babae sa larawan sa yateng iyon noong New Year's Eve sa Moskva river. Samakatuwid, hindi ito kasama sa naging pagpupulong ng mga miyembro ng grupo na balat pabagsakin ang gobyerno para humalili ang batas-militar at pang militar na pamamahala sa Russia.

His eyes narrowed. Kung wala siya sa meeting na iyon, kailan nakipag-coordinate sa kanya ang Pro-Militia? Malamang noong pumalpak ang una nilang plano, naging taliwas iyon sa gusto nilang mangyari.

Pero kung ganoon, sino? Sino ang pwedeng kumausap kay Inessa at kumumbinsi sa kanya na patayin ang sarili niyang asawa?

Palihim siyang tumitig kay Liev.

Maging siya ay walang kamalay-malay na balak siyang patayin ng kanyang asawa.

At tumama ang mga mata ni Sloven sa wine glass na nasa mesa nito. Ngayon lang siya nakakita ng red wine. Buong party kasi ay champagne ang sine-serve ng mga waiter sa bisita. He cocked his head to the side and picked up the glass.

He smelled nothing different. Pero nagdududa ang mga mata.

Could be something mixed with sedatives. 

Binalik niya ang mga mata kay President Liev.

Buti at hindi siya uminom.

Lumipat ang kanyang mga mata sa kakuwentuhan nito na si Prime Minister Petrov-- isang lalaki na nasa mid-forties na nito na may tinataglay pa namang kakisigan. He stood as tall as the president, has a stubble on his chin that reached the side of his face, thick black wavy hair, grey eyes and fit.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa. President Liev showed comfortable gestures as he talked, while the Prime Minister seemed uneasy. Nasa kabilang side ng bilugang mesa na iyon ang dalawang lalaki kaya hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan ng dalawa.

Sloven was tempted to use his mouthpiece to check on Asja's condition. But he chose not to.

Kailangan ako rito ng Presidente, tutok niya ng mga mata. Kahit sabihin pa na si Inessa nga ang killer nito, malamang ay naghanda ng back-up plan ang Pro-Militia kung sakaling hindi niya magawa ang trabaho.

Naging seryeso na ang mukha ng dalawang lalaki, tila malalim na ang pinag-uusapan. Siya namang lapit sa kanya ng isang may katandaang babae, ang ina ng pangulo, na nakasuot ng makintab na gintong dress na may puting mga balahibo sa lining ng off-shoulder nito.

"Magandang gabi," bati nito, lukot ang mukha ng pag-aalala, "nakita mo ba si Inessa? Hindi ba dapat nang simulan ang pag-ihip ng kandila sa cake ng celebrant?"

He stood up and kissed the back of the woman's hand. "Magandang gabi rin, Madame. Baka hindi siya mahagilap ngayon dahil inaasikaso na ang birthday cake."

"Hahanapin ko pa rin siya."

Binalik na ni Sloven ang paningin sa dalawang lalaki na tumayo sa mga upuan nito. Matapos batiin si President Liev ng nanay nito ay siya naman ang pinukulan nito ng pansin.

"May pupuntahan lang kami saglit," anito sa mahigpit na tono.

Matalim na titig ang binato niya sa seryosong si Prime Minister bago binalik ang mga mata rito.

"Saan?" He was trying to give President Liev the kind of look that he should not be out of his sight.

"Usapang lalaki," mariin nitong wika bago tumalikod at sinundan ang Prime Minister.

Napatiim-bagang na lang siya at kinuyom ang mga kamao habang pinapanood ang paglagpas ng dalawa sa kapal ng tao na nadaanan ng mga ito. Nang makita na paakyat ang mga ito ng hagdan, the realization finally struck him.

Mahina siyang napamura bago nagmamadaling hinabol ang mga ito.













Samantala, nang maisaboy ni Asja ang laman ng baso sa mukha ni Inessa ay tinabig niya agad ang kutsilyo na tinutok nito sa kanyang leeg. 

Tumili ang babae at saktong pagsaksak nito ay bumaon ang talim sa unan sa kanyang tabi. Mabilis na tinulak ni Asja ang babae sa kanyang kaliwa para makagulong patungo sa dulo  ng kama.

Dinampot niya lahat ng kahon ng regalo na nahagilap at pinagbabato rito para makabuwelo siya ng tayo. She was wearing a champagne gown, glittery and studded with little crystals with a skirt that only hugged up to the half of her thighs with a slit on it. Plus a pair of high heels. What a struggle to look gorgeous while having the convenience to fight the bitch in front of her. Galit na umangil si Inessa at hinarap ang likod para doon tumama ang mga kahon habang hablot-hablot ang kumot doon para pumasan ang sariling mukha. The woman pulled the knife out of the pillow and faced her with a smeared mascara.

"Bitch!" she gritted.

Huhugutin na niya sana ang baril nang sumugod si Inessa. Sinalubong na lang ni Asja ang pabangon na babae ng isang sipa. "Hah!"

Bumagsak lang ito pabalik sa kama nagpakawala ng daing.

She was about to attack when Inessa reached for a box and threw it at her. 

"Ah!" salag niya.

Napaatras si Asja, kaya mabilis  itong nakabagon, hinagilap ang kutsilyo at sinugod siya ng saksak.

"Oh!" atras niya.

Puro ilag ang ginawa ni Asja, hinihilig ang katawan pakanan at pakaliwa bago tinabig ang braso ng babae at hinablot ito sa siko. 

Inessa hissed. "Ikaw ang uunahin ko! Pagkatapos, si Liev na ang susunod! At matatapos na rin sa wakas ang paghihirap ko!" 

Inessa tried to push her hand forward to drive the knife toward her, pero dahil mahigpit ang pagkaka-grip niya sa siko nito, nahirapan ang babae na maigalaw ang braso. Ginamit na nito ang isang kamay para tampalin siya, para suntukin pero gamit ni Asja ang isang kamay para salagin iyon ng paulit-ulit.

"Ang lakas ng loob mo na atakehin ang mismong presidente!" sagot niya rito.

"At ang lakas ng loob mo para kalabanin ang First Lady!" baba nito ng kamay at napasinghap na lang si Asja nang mahugot nito ang nakasuksok niyang baril sa hita.

Bago pa nito maayos ang pagkakahawak sa baril ay tinabig na niya iyon kaya bumagsak sa sahig.

"Shit!" hindi na niya napigilan ang sarili na mabulalas iyon.

Habang nagbubuno at naglalaban, napapaatras si Asja ng lakad. 

"Ano ba ang makukuha mo kapag napatay mo siya?" pitik ng kanilang mga balat nang salagin na naman niya ang tangka nito na suntukin siya sa gilid ng mukha. "Sa tingin mo, mapupunta sa iyo ang posisyon niya? Sa tingin mo ba magiging pangulo ka ng bansang ito kapag namatay si Mr. President?"

"Hindi ako kasing tanga ng iniisip mo!" At napatili ito nang ipilipit na ni Asja ang braso nito.

Umikot ito kaya nakatalikod na sa kanya bago sumipa ng patalikod. Binitawan ni Asja ang babae para saluhin ang paa nito. Napadaing lang siya nang tumusok ang takong nito sa kanyang kamay. Naitulak niya tuloy ito palayo at muntikan nang masubasob ang babae ngunit nai-steady nito ang sarili at hinarap siya.

Asja was panting, shaking her hands as she threw a stare as sharp at daggers at Inessa who already lifted up her hand, aiming the knife at her. Alam niya na hindi ito magbabakasali na ihagis ang kutsilyo para lang mapuruhan siya. That would be risky. Malamang ay nagdadalawang-isip ito dahil sa oras na hindi tumama sa kanya ang talim niyon ay wala na itong magiging advantage laban sa kanya.

"Ano?" hamon niya rito. "Lapit!"

"Wala ka nang armas," nang-aasar na ngiti ng babae bago iyon sinundan ng malalim na tawa.

"Then what are you waiting for? Tapusin mo na ako para masunod mo na si Mr. President."

"Ah!" sugod nito.

Asja lifted her leg to a high kick. Tumama sa bandang pulsuhan ni Inessa ang takong ng kanyang high heels kaya tumilapon ang hawak nitong kutsilyo at nahigit ng babae ang paghinga sabay hawak sa nanakit nitong parte ng kamay.

"Walanghiya ka!"

"Sugod ka ng sugod ng hindi nag-iisip, tapos ako ang sisisihin mo?" sugod niya rito suntok pero sinalag iyon ni Inessa.

Nagpalitan silang dalawa ng mga suntok at sipa na puro daplis lang ang tumatama sa kanila.

Kapwa nahahapo na sila at napapamura sa palitan na iyon.

Inihilig ni Asja ang katawan sa pagtatangka na sikuhin si Inessa pero bumuwelo ito ng yuko at tinukod ang mga kamay sa gilid ng kama sabay taas ng isang paa para sipain siya.

"Yaahh!" unat ng paa ni Inessa.

"Ugh!"

Sipang tumama sa ibaba ng kanyang tiyan na naghatid ng bolta-boltaheng sakit na nagpanginig sa buong kalamnan ni Asja kaya napangiwing umatras siya. Pakiramdam niya ay tila nanlambot ang kanyang mga tuhod na sinundan ng pananakit sa puson kapa napahawak siya roon.

At sinundan iyon ng pagdurugo.

Red blood trickled down from the middle of her thighs down to the length of her legs, making her shudder as she stared at it in terror.

----------------------------------------------------  

AN

Good evening everybody!

Heto na ang first UD for tonight para sa #Peak <3 <3 

May isa pang chapter na susunod, wait up, wait up!

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top