Chapter Forty
THE ACE
----------------------------------------------------
Naabutan nila Asja at President Liev si Inessa sa hallway at tila pabalik na sa bulwagan. Doon na humawak si Asja sa kanyang noo at nagkunwaring nahihilo.
"Buti at naabutan ka pa namin dito," hawak ni Liev sa braso ng asawa nito. "Nakaramdam kasi ng pagkahilo itong si Asja at wala akong makita na pwedeng mag-assist sa kanya."
"Oh," nag-aalalang lingon ng babae sa kanya sabay lapat ng kamay sa kanyang leeg.
"I am fine," layo niya rito para hindi na siya sipatin pa. "I mean, nahihilo lang talaga ako, wala naman akong lagnat o anumang sakit."
Nilipat nito ang mga mata sa lalaki bago binalik sa kanya. "Halika at ihahatid na kita sa private suite. Doon ka na muna magpahinga, baka lalo ka lang kasi mahilo sa dami ng naninigarilyo sa isa pang silid para sa mga guests."
She weakly smiled.
"Hahanapin ko lang si Aleksandrovich," talikod ng ginoo.
"Oh, please, no," anito. "Samahan mo muna ako sa paghatid dito kay Asja sa private suite, please? Baka kasi bigla itong himatayin. I need a strong man like you, my love, to carry her."
Tumaas ang sulok ng labi ni Liev, tila ba na-flatter sa winika nito kaya sumabay na ito sa kanila sa paglakad patungo sa private suite.
The chandeliers along the hallway were yellow and dim-lighted, creating a shadowy vibe along the hallways with walls furnished in cream-colored paint with intricate details, a polished wooden flooring and classical frame-designs for the balconies. Their shoes tapped against the floor as they walked toward the private suite.
Samantala, nanatili si Sloven sa posisyon nito, maingat dahil baka mabaril siya ni Dmitry. Pero alam niya sa sarili na kailangan nang kumilos kaagad kaya mabilis na bumagsak siya sa tabi nito at gumulong. Sakto namang putok nito ng baril.
"Ang tanga mo!" angil niya sa lalaki sabay bato sa kanyang kutsilyo.
Sa anggulong iyon ay bumagsak siya ng patihaya kaya bumuwelo ang kanyang kamay mula sa taas bago iyon binaba at tinira ang kutsilyo pasaksak sa balikat ng ginoo. Halos umabot sa hilt ang pagkakabaon niyon.
"Aaaaaaahhhh!"
Yet, that did not satisfy Sloven. Naka-coat kasi ito kaya malamang na hindi baon na baon ang kutsilyo niya. Pero dahil pausli ang dulo ng talim niyon, sa palagay niya ay bumuka iyon ng malaki-laking sugat na nagsanhi ng malapot at mapulang pagdurugo na bumasa sa sleeve ng coat nito.
Dumadaing na nabitawan nito ang baril at marahas na hinawakan ang kutsilyong nakabaon na sa nagdurugo nitong sugat. Dahil sa ingay sa loob ng mansyon at pagiging sarado ng mga bintana niyon, tila wala namang nakarinig dito.
Pinilit ni Dmitry na hugutin ang kutsilyo niya pero arogante lang na bumangon na si Sloven, nagpagpag ng kaunti at dinampot ang baril nito. He stood on top of Dmitry, legs parted on his either sides as he pointed down the gun to him.
"Huwag mong hugutin iyan."
He hissed and watched the moron still trying to pull it out, wailing in his own pain, face distorted in torture. Pinindot ni Sloven ang naka-conceal sa panyo na nasa chest pocket ang mouthpiece.
"Bruno, may basura ang presidente sa hardin. Kailangan ng maglilinis dito."
Copy, Boss, sagot nito na narinig niya sa suot sa tainga na earpiece.
Hinigpitan ni Sloven ang pagkakapulupot ng kadena sa katawan ng namimilipit sa sakit na si Dmitry bago ito iniwanan doon.
Pagkabalik sa party ay bumungad na sa kanya ang pagkanta ni Vitas ng Lucia Di Lammermoor -- a song based on Il Dolce Suono that is used in a drama opera inspired by the novel The Bride of Lameermoor. It is a song about a woman who was driven crazy with hallucinations of the man she loves...
... right after she killed her husband.
Natigilan si Sloven sa realization na iyon.
Inessa set up the party to surprise her husband. Siya ang namigay ng mga ticket. Siya ang nag-asikaso ng mga preparations.
At sumulyap siya kay Vitas na sumasayaw ang boses sa saliw ng tunog ng violin.
Damn.
Wala na siyang pakialam sa mga taong mababangga sa kanyang pagtakbo para hanapin ang mga ito. Nang matanaw ang mesa ng pangulo ay wala na ito roon, wala rin ang asawa nito sa paligid at ganoon din si Asja. Sinimulan na niya ang pagtatanong-tanong. He even fiddled on his second mouthpiece and tried to contact Asja. Hindi niya alam kung naririnig siya nito, pero walang sinasagot ang dalaga sa pagtatangka niya na makipag-communicate dito.
Frustrated na nasuklay niya pataas ang buhok. Bakit hindi ka sumasagot, Asja? Nasaan na kayo?
Maingat na binuksan ni Inessa ang pinto at giniya si Asja papasok sa private suite.
The private suite looked more than just a suite-- it was more like a royal bedroom. May magandang detalye ang bubong nito na kulay ginto na bumagay sa shade ng cream na pintura at wallpaper na may mala-ginto at makintab na disenyo ng fleur-de-lis. May chandelier ito na may gintong frame at naghalong mala-transparent na ginto at diyamante na nakapabitin. Ang kama ay may ginintuang apat na poste na nalalatagan ng puting bed sheet at mga unan na may gintong lining. Sa tabi niyon ay ang may kalakihang mesa kung saan nagpatong-patong ang kahon ng mga regalo para sa presidente. Ang ilan na masyadong malaki ay nakalapag na sa sahig.
Naramdaman niya ang maingat na pag-alalay ni Inessa sa kanya habang pinapaupo sa gilid ng kama.
"Papadalhan kita ng tubig dito, okay?" alalay pa rin nito sa kanyang paghiga sa kama.
Medyo pumikit si Asja at dinadama ang pag-arte na nahihilo. "Sige. Salamat, Miss Inessa."
Nagpalitan ng tingin ang mag-asawa bago inabot ni Liev ang kamay para patayuin na ito. Inessa left her a lingering look before hooking her arm on the president's and leaving the room with him. Pagkasara ng pinto ay bumangon na kaagad si Asja para isa-isahin ang mga regalo roon.
Pero wala na ang regalo ni Dmitry sa mga iyon.
Nabuo na ang hinuha sa kanyang isip. She fiddled with the mouthpiece button underneath the strap of her dress-- the one below the other one that was transmitted to be connected with Boris'.
"Sloven," wika niya sa mouthpiece. "Na kay Inessa ang regalo. Siya ang tauhan ng Pro-Militia."
Sa paglalakad pababa ng hagdan ay tinuro na agad ni Liev sa asawa nito ang isang waiter na papadaan. Pagkatapos ay pinahinto ito ng lalaki.
"May guest kami sa private room na nahihilo," anito. "Pwede mo ba siyang dalhan ng tubig?"
"Sige po, Mr. President," magalang nitong tango.
Nag-aalangan na bumitaw si Inessa sa braso ng asawa. "I guess, ako na lang mismo ang magdadala ng tubig para sa kanya."
Kumunot ang noo nito. "Hayaan mo na ang waiter at trabaho niya naman iyon."
Ang waiter na si Boris ay ngumiti lang sa mag-asawa.
Naniningkit ang mga mata na tinitigan ito ni Inessa bago nagpatuloy. "Please, let me, I am a woman too and I really worry about her, hmm? Ayoko namang isipin ng mga guests na hindi natin kaya maging hospitable, in a personal level, sa kanila."
Sinulyapan ni Liev si Boris na nilaparan lang ang pagkakangiti bago napatango-tango.
"Well..."
"Kumuha ka ng tubig at balikan mo ako rito," tila maawtoridad na utos ni Inessa rito. "At pagkatapos," she smiled sweetly, "you can focus on serving the guests. Make them feel welcome and also that they can have anything they need and want, okay?"
"Yes, Madame," magalang na tango ni Boris, maingat ang mga mata sa pagsulyap kay Sloven na nakatayo sa may hindi kalayuan at nakaabang sa presidente.
Nanlaki ang mga mata ni Liev nang maramdaman ang pagpisil ni Inessa sa puwitan nito. He shot her a glare.
"Not here!" he hissed.
She just smiled slyly, "I just can't help it, you look so dashing tonight."
Siyang lapit ng isang lalaki para batiin ang mag-asawa.
Babalikan ka niya riyan sa kwarto, wika ni Sloven sa earpiece na suot ni Asja.
"Then I will stay here," sagot niya.
Be careful. Kayang-kaya mo iyan.
"Thank you."
At kabadong pinukol ni Asja ang atensyon sa pag-ayos sa baril na nakasuksok sa strap sa tagiliran ng kanyang hita. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Sana pala ay kutsilyo na lang ang kanyang binaon, mas madali pa iyon kaysa kakalabit pa siya ng gatilyo para mapuruhan ang kalaban.
She let out a sigh and returned on the bed. Sa pagbalik ni Inessa, magpapanggap siyang nagpapahinga. Pinikit na ni Asja ang mga mata at ilang minuto pa ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto. The door clicked close after that, followed by tapping of heels before it stopped beside the bed.
"Asja?" malumanay na tawag sa kanya ni Inessa.
Dahan-dahang minulat niya ang mga mata at nilingon ito bago umupo pero tinutukod pa lang niya ang mga siko ay pinigilan na siya ng kutsilyo nito na nakatutok na sa kanyang leeg. That shot fear throughout her system. Inasahan na niya na ito ay kalaban pero hindi ang ganitong galaw.
Inessa smiled sweetly, showing off the golden hilt of her knife. Then she landed her a goblet.
"Heto," ngiti nito. "Pampawala ng iyong hilo."
Sinulyapan niya ang inumin na malamang ay lason ang halo.
"I am one step ahead, Asja," anito nang kunin na niya ang baso. "Sinabi na sa akin ni Dmitry ang mga bisitang dapat kong asahan sa okasyon na ito."
"Mukhang hindi ka pa rin handa," tuya niya sabay saboy ng laman ng goblet sa mukha ng babae.
----------------------------------------------------
AN
Bitin~ hahaha <3 pinagkakasya ko talaga para sumakto sa Friday 'yung ending ng #Peak hahaha! <3 <3 <3
See you tomorrow for Asja and Inessa's showdown!
Good night and sweet, sweet dreams too! ;* <3 <3 Salamat sa pagsubaybay sa updates tonight!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top