Chapter Fifteen
CAPTIVE
----------------------------------------------------
Hindi na interesado pa si Asja kung ano ang nilalaman ng diary na iyon. Sa ngayon, inanalisa niya ang sitwasyon kasama si Sloven. Kung magtatagal siya sa mansyon ng binata na halatang hindi kumbinsido sa pagkakaroon niya ng amnesia dahil dala lang daw iyon ng vodka, mas minabuti pa niya na planuhin na lang ang pagtakas.
The man was obviously toying with her-- sending a lot of sexual innuendos, being direct about it too, at ang lakas din ng loob nito na ikuwento sa kanya ang nangyari sa kanila noong birthday nito!
Damn him! Bwisit!
Hindi na siya nag-abala pa na kumula ng iba pang mga gamit doon. Ang mahalaga ay nasa kanya na ang isa sa pinakamahalagang pagma-may-ari nito-- ang diary.
Asja looked around and immediately ran out of the mansion. Malaya niyang tinakbo ang kagubatan hanggang sa marating ang desired path pababa ng bundok na iyon. She carefully looked around.
Kung sa Kota Kinabalu talaga ang punta niya, malamang pabalik na siya. Depende na rin sa dami ng binili niya.
Narating ni Asja ang pampang kung saan siya naghubad ng catsuit. Hinugot niya iyon mula sa tabi ng mga bato at pinatong kasama ang boots bago hinukay mula sa tuyong buhangin ang earpiece na may kakabit na mouthpiece. Pinagpagan niya iyon ng mabuti at pinangpunas ang dulo ng palda ng suot niyang dress bago sinuot.
"Feliks," tawag niya sa kasamahang nasa katapat lang na bundok. "Feliks, ako ito."
Asja! wika nito. Sa palagay niya ay natahimik din ang kanyang accomplice para silipin siya sa telescope nito. Nakikita kita mula rito.
"Great," she sighed in relief as she began undressing. Wala siyang pakialam dahil sa ilalim naman ng dress ay may suot siyang bra at panty. Nang mahubad iyon ay dinampot na niya ang susuoting catsuit. She pulled the zipper open.
"Pupuntahan kita riyan, ngayon din mismo. Kailangan ko'ng iwanan ang mansyon habang wala pa si Sloven. I don't think kakayanin ko pa na makasama sa isang bubong ang mayabang at bwisit na iyon." She stepped in her catsuit, stretching the pants to hug her legs. "Akala ko nga matatagalan pa ako, mabuti na lang at nakita ko itong diary niya. Now, we have something to lure him to come to us. But of course, diyan na natin pag-iisipan kung ano ang gagawin. Isa pa, may sugat ako at walang armas. If I recover, Sloven might take that as an opportunity to interrogate me and my fake amnesia--"
Sexy beast.
Natigilan siya sa pinagmulan ng mababang boses na narinig sa suot niyang earpiece.
Hindi na natapos ni Asja ang pag-zipper sa kanyang itim na catsuit pataas para takpan ang kanyang mga dibdib habang dahan-dahan siyang tumutuwid ng tayo.
"Feliks, sino iyan?" tensyonado niyang tanong.
You look sexy with your lace undies on, my Martini Asja.
Her eyes narrowed as she gritted. "Sloven."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
"Nasaan si Feliks? Ano ang ginawa mo sa kanya?" dampot niya sa itim na diary sa pinagpatungang bato.
Let's just say that I paid an old pal a visit here. I also wondered why there's a telescope here. Maganda pala ang view. You see a lot of interesting things like a woman stripping herself naked.
"You won't catch me--" at balak na niyang tumakbo para maiwasan kung sakali man na may nakatutok sa kanyang baril mula sa pwesto nila Sloven at Feliks pero natigilan siya nang mabungaran ang pagdating ng isang malaking lalaki na kalbo ngunit balbas-sarado.
Nakasando lang ito at shorts ngunit may nakahanda nang hand gun na nakatutok sa kanya.
Tanda niya ang lalaki. Ang nakita niyang larawan ni Bruno sa internet kasama ang asawa nito sa resto-bar sa website ng resort ang naging susi nila sa pagtunton kay Sloven sa isla.
If I were you, I'll behave in Bruno's presence. He's not as flexible as you but he's as hard as steele, Asja.
Nilingon niya ang dagat. Tatakbo na lang siya roon at lalangoy. Pero tila nabasa na ni Sloven ang kanyang iniisip.
Huwag mo ring susubukang tumalon sa dagat, hindi mo magugustuhan ang mangyayari kay Feliks. At mas lalong hindi mo magugustuhan kapag kinausap ko si Gregori tungkol sa plano ninyo sa akin.
She felt her hope slipping. Lagot na.
Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa oras na makausap ko si Gregori?
Asja just held her breath. Oo, may ideya siya kung ano ang mangyayari. Kaya nga pangungunahan na nila si Gregori dapat. Hindi nila ito titimbrehan kapag nadala na si Sloven sa Russia, nang sa gayon ay wala na itong maging palag kapag nauna nilang nadala ang binata sa korte suprema, sa mismong presidente, sa mismong hukbong militar ng Russia.
The tables will turn. Ikaw na ang magiging wanted sa ating dalawa.
Mahina siyang tumawa. "How come? Confidential itong misyon na binigay ni Sir Gregori, Sloven. Kahit gobyerno ng Russia, walang kaalam-alam."
That's right, Asja. Walang kaalam-alam ang Russia, pero dahil hindi ka sumunod sa instructions ni Gregori, sino sa tingin mo ang ilalaglag niya? Siyempre kayo nitong si Feliks. Sa palagay mo ba, gugustuhin ni Gregori na malagay siya sa alanganin? Siyempre, hindi dahil isang mali lang niyang banggit tungkol sa akin, lalabas sa buong Russia na nago-operation kayo nang walang pahintulot ng mga mas nakakataas. Ilegal iyon, hindi ba, Asja?
She swallowed hard, really, really hard. Her hands tensed at the thought of those things. All of a sudden, she was at the height of her emotions. Marahil tama nga si Sloven, si Gregori at ang mga taga-GRU ng tingin sa kanya-- isa siyang gamit na babae at walang binatbat sa galing ng mga agents doon. Mukha at katawan lang ang meron siya, wala ang diskarte at utak.
Naikuyom niya ang mga kamao. All she ever wanted was to prove something-- that she could be someone that she could be proud of. A great secret agent-- beautiful, smart and cunning. Ayaw niyang mabuhay na pokpok ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. Her insecurities gnawed her inside everyday like slow torture, biting off her comfort bit by bit.
She had no one else but herself-- her and her alone. Tapos hindi pa niya kayang pasayahin ang sarili.
Bwisit! luhod niya sabay suksok sa diary sa kanyang dibdib bago ini-zipper pataas ang kanyang catsuit.
That's right, be a good girl, my Asja. Drop on your knees and let Bruno lead you back to our home.
Minura-mura niya ang binata at tawa lang ang sinagot nito.
You can curse a lot in bed later.
At narinig na niya ang pag-distort ng signal mula roon bago tuluyang nawala ang koneksyon ng earpiece niya kay Feliks. Hinintay ni Asja ang paglapit ni Bruno sa kanya na nakatutok ang baril.
Dahil nautakan ako ni Sloven, maipapahamak ko pa si Feliks, at si Gregori na pinagkakautangan ko ng loob... Si Gregori na gusto kong maging proud sa akin. Si Gregori na ayokong pagsisihan ang pag-rescue sa akin mula sa club na iyon. She drew a deep breath, repressing the urge to let her tears drop. Kung hindi dahil kay Gregori, hindi ako makakaalis sa impyernong iyon.
But maybe I deserve this... I deserve this because I did not follow his instructions.
Her eyes closed firmly, renewing her courage. No. No. I don't deserve this.
Kung papatayin man ako ngayon ni Sloven, at least namatay ako na ginagawa ang gusto kong gawin-- at iyon ay ang patunayan sa kanilang lahat na hindi ako nagse-settle sa pangalawa lang sa galing ng bwisit na iyon. Na hindi ako hanga sa kanya. I will die with my pride and dignity in tact!
Minulat niya ang mga mata nang makita ang paghinto ni Bruno sa kanyang harapan. Tama lang ang distansya nito, tila alam na ganoon dapat ito kalayo para hindi niya ito maabot kung sakaling maisipan niyang makipag-combat dito.
"Tumayo ka na at bumalik sa mansyon. Mauna ka at nasa likuran mo lang ako," maawtoridad na wika ng malaking lalaki.
Dahan-dahan siyang tumayo at pinukulan ito ng matalim na titig. "Ano ang plano niyo ni Sloven sa akin? Ano ang ginawa niyo kay Feliks?"
Tumaas lang ang sulok ng labi nito. "Mas maganda kung siya mismo ang tatanungin mo mamaya."
Iyon ay kung magkikita pa kami mamaya. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makatakas, sinulyapan niya ang kabilang bundok. Malamang paalis na roon si Sloven para bumalik na ng mansyon.
At uunahan ko siya sa pagkausap kay Gregori. Sisiguraduhin ko na mapapalabas ko na binabaligtad lang ni Sloven ang kwento. Kakampi ko si Feliks kaya dalawa kaming magdidiin sa bwisit na iyon.
"Dalian mo," udyok sa kanya ni Bruno kaya dinampot na ni Asja ang hinubad na dress at ang itim na boots bago nakapaang inakyat ang mga bato sa gilid ng bundok na iyon.
Nasa kagubatan na sila nang kausapin siyang muli ni Bruno. "Pag-uwi ni Sloven, gusto raw niya na magsuot ka ng sexy."
Her eyes narrowed. Ang walanghiyang iyon talaga.
"Fine," she just muttered.
Sloven always made her feel small. From being the best spy in GRU, and when he told her that she could not be the best because she could not involve sex with her work, which was right. Pwede pa siyang mang-akit, pero hinding-hindi siya magpapa-angkin ng katawan sa kung sino-sino para lamang sa isang misyon. Iyon nga ang tinakasan niyang buhay 'di ba? Kaya bakit pa niya isasabuhay sa bagong trabaho? But he made her feel small, most especially that November night.
She woke up naked beside him on the upper bed of that double deck. Pagbangon niya ay natutulog pa ang lalaki, nakadapa at bahagyang nakadagan sa kanya kaya inusog niya ito. Nagising na rin tuloy si Sloven. He smiled at her like a champion, and remembering everything that happened that night felt good, but not when she saw the shocked looks from her roommates.
Umupo na rin si Sloven at nilingon ang mga ito. He smiled proudly at them. Then Gregori stepped in. Tila pinatawag ito ng isa sa mga agents na ka-roommate niya, marahil sinumbong sila dahil bawal ang lalaki sa silid na iyon.
Gregori was upset at first, but maybe, because it was Sloven he saw, his lips lifted into a playful grin.
"Damn, animal ka talaga," tawa nito kay Sloven.
Sloven just grinned and shrugged. Gwapong-gwapo yata sa sarili ang animal.
"Walang nakakatawa!" galit na balot niya ng kumot sa sarili. Inangkin niya ang buong kumot kaya alertong tinakpan ni Sloven ang hubad nitong pang-ibaba.
Pagkapahiya ang lumukob sa kanya lalo na nang lingunin siya ng binata na may matagumpay na ngiti sa mga labi-- matagumpay na may ere ng pagmamayabang.
Mabilis na binaba niya ang hagdan ng double deck at nabangga ang ilang roommates bago narating ang banyo kung saan siya nagkulong at nagbabad sa shower. She felt so ashamed, because she gave her body to her competitor-- to Sloven Markov. Pakiramdam niya ay lalong naging malisyoso ang tingin sa kanya ng mga agents doon. Marahil hindi lahat, pero dahil naging tsismosa ang ilan sa mga roommates niya na halatang may bahid ng inggit sa katawan, kakaiba na kung tumingin ang mga ito sa kanya.
Most of the women had a shed of envy all over their faces everytime they would see her. Wala pa raw pinapatulang kapwa agent si Sloven Markov. Nadaan lang daw niya si Sloven sa pagiging babaeng bayaran niya noon. Sinamantala raw niya ang pagkalasing ng lalaki. Ang dami pang kuro-kuro na baka hindi na tumigil pa kung hindi pinagsabihan ni Gregori ang mga ito.
Kung pwede nga lang, sana sa mga ito na lang pumatol si Sloven. Hindi sa kanya na naiirita sa mayabang nitong pagmumukha na nakukuha pang ngumiti sa mga nakakasalamuha.
Napahiya siya dahil alam ng lahat na kinokompitensya niya si Sloven pero ano?
When she gave her body to him, everyone already declared that she already lost to Sloven.
At iyon ang mas lalong nagpaningas ng inis niya para rito.
Nakarating na sila Asja sa mansyon. Alertong nakatutok sa kanya ang baril ni Bruno nang ihatid siya sa kwarto ni Anya. Walang imik na sinarahan niya ito ng pinto para makapagbihis na siya.
She tried to contact Feliks through the earpiece she was wearing but there was no signal. Iritadong binato niya iyon sa kama at hinubad na ang kanyang catsuit. Nahulog ang nakasuksok doon na diary ni Sloven kaya naman pagkadampot ay sinuksok iyon ni Asja sa drawer kung nasaan ang mga picture frames.
Asja opened the cabinet and scanned the dresses.
Sige, magsusuot ako ng sexy para sa pagtakas ko.
At inisa-isa niya ang mga maninipis na pantulog doon. A wicked idea came to her mind, all she just needed to do was to do it quick before Sloven arrives. Para makarating ito sa mansyon, alam niya na kakailanganin pa nitong sumakay ng bangkat at maglakad ng malayo-layo.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Asja stripped herself naked and took a white, short cotton night gown. It was sleeveless with a lacy neckline. Nang pagmasdan ni Asja ang sarili sa salamin ay nagmukha siyang inosente sa suot na iyon-- she was an image of simplicity and sweetness except for the brave look in her eyes. Kaya kinalma ni Asja ang sarili.
Sweet... sweet... be sweet... be sweet...
At unti-unti na niyang napaamo ang mga mata. She made sure that she would look natural-- moist pale pink lips, loose honey-blonde hair and a shy smile.
Nang matapos ihanda ang sarili, dahan-dahan niyang nilisan ang silid para puntahan na si Bruno.
Nadatnan niya ang lalaki na nakaupo sa sofa, alerto kaya bumagsak sa kanya ang paningin nito nang lumapit dito. Asja gave him a penetrating gaze, something that the men in the club where she used to work always fell for. Pailalim ang kanyang naging titig kasabay ng tila mahinhin na ngiti mula sa kanyang mga labi.
All she needed was to get close to Bruno and disarm him. Then she would smack him on the neck to make him unconscious for minutes. Those minutes would be enough for her to escape from this man.
As soon as his eyes locked on her, obviously surprised at how she looked, Asja purred. "Ganito ba ka-sexy ang gusto ni Sloven?"
Nagulat man sa kanyang hitsura tila nakahuma na ang lalaki at tumango. "Ayos na iyan."
She slowly walked toward him, crossing her slender legs, letting the ends of her night gown's skirt slide on her thighs, showing a bit of skin.
"Matagal pa ba siya, Bruno? Hindi kasi ako pasensyosa," dahan-dahan niyang lapit.
Sumandal ang lalaki sa kinauupuan at nakapatong lang ang braso nito sa arm rest kaya pirming nakatutok sa kanya ang baril nito.
"Mabilis lang si Boss," tila nababagot na nitong sagot. "Pwede ka nang bumalik sa kwarto mo o umupo diyan."
Mischief made her eyes sparkle. "Parang mas masarap umupo sa iyo, eh."
He scoffed and gave her a mocking grin. "Alam ko kung ano ang sinusubukan mo'ng gawin kaya babalaan na kita, Asja. Itigil mo na iyan kung ayaw mo matikman ang galit ni Boss."
"Paano ba magalit ang boss mo?" nang-aakit niyang tanong kasabay ng pagtingala ng kaunti. She was showing off her neck, as her fingers seductively slid from there to her chest and ended between her breasts.
"Malalaman mo mamaya," nang-aasar nitong tawa.
Sa loob-loob ni Asja ay naiimbyerna na siya sa tatag ni Bruno. She needed to kick it up a notch. Asja parted her legs and slowly grooved her body down. Her hips slowly swayed, dancing to a mute seductive rhythm.
"Sapat na ba ang ganitong sayaw para hindi siya magalit sa akin, Bruno?"
Sumeryoso na ito. "Bahala ka sa buhay mo."
At umiwas na ito ng tingin sa kanya. Asja needed to hurry this up. Hindi siya dapat maabutan ni Sloven. Walang anu-anong lumapit na siya kay Bruno at kumandong dito. Nagulat ang lalaki at tinutok sa kanya ang baril.
"Umalis ka riyan!"
She just rocked her hips upon him and slowly grind as her hand firmly held on his shoulder.
"You're too stiff, Bruno," pang-aakit niya, napapangiti dahil nararamdaman niya ang unti-unti nitong paninigas. Then she dropped a strap of her nightgown to show off a bit of the top of her breasts and her shoulder. Sayang nga lang at may tapal pa iyon ng gauze.
Asja bit her lower lip. Kailangan lang niya na bumigay si Bruno para iiwas na nito ang pagkakatutok ng baril sa kanya, pagkatapos, doon na niya ito patutulugin. Her other hand, lifted her skirt higher, showing off a bit of her shaved slit.
Napapalatak na ng mura si Bruno nang makarinig sila ng mabigat na mga hakbang.
Asja froze in her place.
----------------------------------------------------
AN
Good evening everyone and happy Thursday! I wonder what will be the last chapter update of #Peak for this week. :O <3 But don't worry, kasi next week, daily updates ulit.
Anyways, proceed na sa next chapteeeeer!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top