Chapter Eighteen
MEETING
----------------------------------------------------
Nang makalabas na sila Asja mula sa silid, namangha siya nang marating na ang dining room. Sloven had already arranged the table-- from its intricately designed white and silver tablecloth, to a small selection of meals. Tipid na ngiti lang ang namutawi sa kanyyang mga labi habang iniisa-isa ng tingin ang mga pagkain-- mula sa simpleng cabbage rolls hanggang sa bote ng vodka at dalawang maliit na botelya ng primera klaseng brand ng caviar.
Sloven pulled a chair for her and made sure she was seated before he took his place beside her.
Napasinghap siya nang maamoy ang pabango ng binata. He definitely smelled fresh from the bath-- icy cold with a touch of sweet mint.
Tumaas ang sulok ng labi nito.
"I hope you don't mind, kung light lang ang lunch natin ngayon," panimula ng binata habang nilalatag na sa kandungan nito ang table napkin.
Asja sat in a very lady-like posture as she placed the table napkin on her lap as well. Nasa mga pagkain lang ang kanyang paningin.
"Ayos lang. I don't eat heavy."
"So, my cock is not heavy for you, hmm?" may himig ng panunukso sa tinuran ng binata kahit na tila seryoso ang tono nito.
Pinili na lang niya na huminga ng malalim at huwag na lang pansinin ang mga sinabi nito na may pagpapatungkol sa mga nangyari kagabi. Sloven served her a portion of cabbage rolls and poured vodka in her glass with ice cubes in it. May kalapit iyon na tall glass ng tubig at maingat nitong binuksan ang botelya ng caviar para sa kanya.
"Hindi mo kailangang umupo sa tabi ko," ani Asja nang damputin na ang mga kubyertos. "Marunong ako ng magandang asal, laging makikita sa hapag ang mga kamay ko kaya wala akong makukubli sa iyo."
Tumaas lang ang sulok ng labi ng lalaki na sinasalinan na ang sarili ng vodka.
"Gusto ko'ng umupo sa tabi mo para madali kitang mapagsilbihan."
At nagsimula na silang kumain. Sloven took a few bite before breaking their silence.
"So, Asja, kilala mo pala si Risha. Kumalat ba sa buong Russia ang involvement niya sa akin?"
Pinakiramdaman niya ang tono ng binata. Tila kaswal lang para rito ang pagtatanong ngunit, kailangan pa rin niyang maging maingat lalo na at mahirap basahin ang tunay na mga motibo ng bawat galaw ni Sloven.
"Itinago sa publiko ang insidenteng iyon," sagot niya habang humihiwa. "Iyon ay pag-iingat lang sa parte ng gobyerno dahil ayaw nilang mawalan ng tiwala o kumpiyansa ang mga mamamayan sa gobyerno at mga ahensya ng intelligence ng Russia."
"Palagay ko, naging matagumpay ang paglilihim nila tungkol sa naging isyu ng RSF at sa kaso ko."
Tininidor na niya ang nahiwang piraso ng cabbage rolls at nilapit iyon sa kanyang mga labi.
"Oo. Pero internally, minamata na ng ibang mga ahensya at departamento sa gobyerno ang GRU. Dahil sa iyo."
At sinubo na niya ang pagkain.
"Kung ako naman pala ang nagpapangit sa GRU sa mga mata nila, bakit gugustuhin ni Sir Gregori na ibalik ako?"
Natigilan siya roon.
"Come on, Asja, alam ko ang katotohanan kaya tigilan mo na ang pagpapalapas na pinahuhuli ako ng GRU para malitis sa Russia."
"Paano mo nalaman?" malumanay niyang tanong pagkababa ng tinidor.
"You haven't answered my question yet."
Naramdaman niya ang pagtitig ng asul na mga mata ni Sloven. She slightly turned her head to him and saw that he did not even move an inch to look away. Nagtama ang mga mata nila, parehong nananantya, parehong nagsusubukan kung sino ang unang susuko at magbibigay ng sagot sa tanong ng isa.
At siyempre, hindi magpapatalo si Asja. She returned her eyes on the food.
Mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki. "Alam ko dahil tulad nga ng sinabi ko sa iyo noong nahuli ka naming tumatakas, nakausap ko na si Gregori tungkol sa pagbabalik ko sa GRU. He offered to help me with my case. He assured that I will regain my previous position in GRU."
"Pero hindi mo tinanggap," hiwa niya ulit ng pagkain. "Hindi ka bumalik ng Russia."
"Oo," narinig niya ang pagbaba nito ng baso na may lamang vodka.
"For what reason?"
"Because I bet Sir Gregori will give me a critical mission."
Naningkit ang kanyang mga mata. "A critical mission?"
Mahina itong tumawa. "I know, Sir Gregori, Asja. Hindi siya gagawa ng anumang desisyon o hakbang na magkokompromiso sa GRU. Malaking abala sa kanyang parte ang ipaglaban ang kaso ko para lang maibalik sa serbisyo nang wala pang kasiguraduhan kung maipapanalo nga, at kahit sabihin pa na may pinagsamahan kami, hindi ganoon ka-impraktikal si Sir Gregori. Ulo ang pinaiiral niya at hindi emosyon. Alam ko na alam niyang mas makakabuti sa kaligtasan at reputasyon naming dalawa na huwag na akong bumalik sa GRU... o umapak muli sa Russia."
Naguguluhang natigilan si Asja sa paghiwa ng cabbage rolls. Huminto ang kanyang mga mata baso ng vodka kung saan tila sumasayaw sa pagkakalutang sa tubig ang mga iced cubes.
"Kaya mo ba ako binuhay? Para gamitin ako para malaman kung ano ang intensyon ni Sir Gregori sa pag-alok na ilaban ang kaso mo sa Russia at pabalikin ka sa GRU?"
Natahimik saglit ang binata. She heard a soft hum escape from his lips that made her slowly turn to look at him. Tila napatitig ito sa hawak na baso ng vodka bago sinagot ang kanyang tanong.
"Ipagpalagay mo na ganoon na nga."
Iniwas ni Asja ang tingin. "And what does sex have to do with it?"
"To tame you," mahina nitong wika.
She inhaled deeply. Wow. Ang baba nga talaga ng tingin ng binatang ito sa kanya. So, iniisip ni Sloven na kapag nasarapan siya sa pag-romansa nito ay manghihina siya at hindi na ito lalabanan o kokontrahin. He thought giving her that would put all her guards down.
Damn, he was wrong.
She had dealt with a lot of horny male customers in the past, when she used to be a prostitute. Kaya anuman ang nangyari sa kanila ni Sloven, malakas na ang apog niya para kayanin iyon. At ayaw man niyang aminin pero...
...gusto niya.
Gusto niya ang pakiramdam ng pagsasanib ng mga katawan nila. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, gustong-gusto niya ang dulot niyong hapdi at sarap.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "You can't tame me, Sloven."
"I know," he murmured. "But I am a very persistent man, Asja. I don't give up easily. I'll bring you on your knees over and over again until you admit your desires to me."
She scoffed. "Ang taas talaga ng confidence mo."
Wala sa loob na dinampot na niya ang baso na may vodka at uminom. Dinama niya ang pag guhit ng likido na pinalamig ng yelo sa kanyang mga labi... mga lalamunan. Hindi niya mawarian kung ano ba ang nakikita niyang banta sa mga sinabi nito. Kung wala naman talaga siyang pagnanasa kay Sloven Markov, dapat siyang maging confident sa sarili na hindi ito magtatagumpay.
Pero tila ba tumanim na sa kanyang isipan na si Sloven ang laging mas nakakahigit sa kanya. In the eyes of the people in GRU, she would always be second best, only next to him when it comes to skills, being cunning and sly.
Mahinang tawa ang kumawala sa mga labi ng lalaki. "Ikaw rin naman. I can't tame you, huh?"
At uminom na rin ito ng alak.
Binaba na ni Asja ang baso at dinampi sa mga labi ang table napkin bago ito hinarap. "I-settle na nga natin ito, iyon lang ba ang dahilan ng pagkulong mo sa akin rito? Para lang alamin ang motibo ni Sir Gregori sa kagustuhan niyang pabalikin ka sa GRU?"
Hindi siya nilingon ng binata. Sinalinan lang nito ang sarili ng vodka at sinubo na ang huling piraso ng cabbage rolls sa pinggan. Nilingon nito ang kanyang baso at lumunok bago nagtanong.
"Vodka?"
"No, thank you," balik niya ng tingin sa harap.
"You sure?"
She inhaled deeply. "Yes."
"So, let's go back to our very first topic, why mention Risha?"
Napangisi lang siya. "Why? Does it bother you?"
Sumandal ito. "For some reason, yes. After a long time, ngayon ko lang ulit siya naalala."
"Oh really?" hindi siya kumbinsido at bakas ang ganoon niyang impresyon sa kanyang boses.
"Jealous?" ulit lang nito sa tanong kanina.
"Why should I be jealous?" baling niya rito. "Nagkaroon ka ba ng romantic relationship sa kanya? As far as I know, girlfriend siya nung nakatapat mo na German major."
Tila natatawang napailing-iling ito. "Ah, yes. I bet you started reading my diary already." At maingat na nag-angat ito ng tingin para bigyan siya ng pailalim na titig. His blue eyes sparked in mysterious delight as he added, "Have you read from the very beginning?"
"No," iwas niya ng tingin dito para kumutsara na ng caviar mula sa botelya niyon. The tiny black eggs of the Beluga fish shimmered like jelly-cased pearls as she spooned them out. "Wala naman akong interes sa buong talambuhay mo. I only want to read things that will help me bring you to jail."
Mahina itong tumawa. "Too bad."
Naningkit ang mga mata niya sa nahimigan na pagkadismaya sa boses nito na tila pinilit lang ng binata na pagtakpan sa pamamagitan ng pagtawa ng pagak.
"Why? Is there something else I have to know?"
Paglingon niya ay hinarap na nito ang hapag at nagkibit ng balikat. "I don't think so. So--" kutsara na rin nito sa caviar, "--ang binabasa mo lang pala sa diary ko ay 'yung tungkol sa mga nangyari nung four or three years ago, hmm?"
"Yes," sagot ni Asja nang matapos uminom ng kaunting vodka para anurin na ang kinain niyang caviar. "Gusto ko malaman kung may pag-asa nga na maipanalo ni Sir Gregori ang kaso mo."
"Kung meron, sisirain mo ang kaisa-isang ebidensya niyon, 'di ba?" mahina nitong tawa. "You'll destroy my diary. At siyempre, ililigpit mo na rin ako, para hindi na makuwento pa kay Sir Gregori ang totoong mga nangyari. You also have the option, na dalhin ako sa Russia at siguraduhin na makukulong ako kaagad para hindi na magkaroon ng pagkakataon si Sir Gregori na mamagitan.
At kung ang nakasulat sa diary naman ang magdidiin sa akin sa mga kaso ko sa Russia, dadalhin mo iyon bilang ebidensya laban sa akin."
Asja tried to keep a straight face. Ganoon nga yata siya kadaling mabasa. O marahil, iyon lang naman talaga ang logic na mayroon sa kanilang sitwasyon ngayon. Ayaw niyang aminin ang inis sa lalaki dahil pinamukha na naman nito sa kanya na kahit kailan, hindi niya mahihigitan ang galing nito.
"Bihag mo ako, alam mo na ang tunay kong mga pakay at sugatan pa rin ako," basag ni Asja sa saglit na katahimikan na namagitan sa kanila. "Pwedeng-pwede mong mahanap ang diary at maagaw iyon sa akin. Pwedeng-pwede mo akong ma-torture para lang sumunod sa gusto mo. Pwedeng-pwede mo akong alipinin para maging pabor sa iyo ang lahat. Nakakapagtaka na hindi mo ginagawa nag mga iyon."
She glanced at Sloven and saw a mellow spark in his eyes as his face darkened. Naging matiim ang pagkakatitig nito sa kawalan.
He lowered his head and murmured. "May respeto ako sa babae."
Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang pagkapahiya sa sinaad nito. Umiwas na siya ng tingin at napatitig sa sariling kandungan.
"Sa bawat babae na nakakasama ko, lagi ko'ng inaalala na may kapatid ako-- si Anya. Iniiwasan ko na tratuhin ang isang babae sa paraan na ayaw kong danasin din ni Anya... o danasin mo."
Confusion struck her, pooled with shock.
Danasin ko?
"Anya represents a woman who loves me, and you represents a woman who hates me. Anuman ang tingin ng isang babae sa akin, gusto man niya ako o kinamumuhian, dapat ko pa rin sila respetuhin sa pamamaraang nararapat."
Ahh... taas-noo niya nang klaruhin na ni Sloven ang lahat para sa kanya.
"This will be our last lunch together," punas na nito ng labi. "I will be gone for a week."
Her forehead creased. "For a week? Bakit? Sana ka pupunta?"
He muttered. "Wala ka na roon. Pero huwag kang makampante," baba nito sa table napkin bago siya matiim na tinitigan sa mga mata, "dahil papatirahin ko rito si Bruno kasama ang kanyang pamilya. Sila ang magbabantay sa iyo at alam ng asawa ni Bruno ang tunay niyang pagkatao, kaya huwag kang umasa na may mapapala kang tulong sa kanya."
Asja immediately took a drink of water. Sa oras kasi na lisanin ni Sloven ang hapag, dapat ay sumunod na rin siya.
Halos sabay silang tumayo.
"Pero pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?"
He flashed her his sexiest grin, but at that time, Asja could not appreciate or be awed with it. Puno siya ng mga katanungan at pagkalito kung ano ang susunod na hakbang ng binata.
"Let's just say, I have an important business trip to attend to."
At iniwanan na siya nito sa dining room.
----------------------------------------------------
Pumasok na si Feliks sa opisinang iyon nang pahintulutan na ito ng guwardiyang sundalo.
Si Feliks ang senior agent na kasama ni Asja sa pagmanman at pagtunton kay Sloven. Dahil hinayaan ito ng binata na makatakas, heto ngayon ang lalaki at nakabalik na sa Russia.
Sumara ang malapad na pinto sa likuran ng lalaki kaya tuluyan na itong naiwanan kasama ang nagma-may-ari ng opisinang iyon-- isang Rusong lalaki na nakapang-sundalong uniporme.
Tumayo ito mula sa kinauupuan at sumaludo nang matapos si Feliks sa pagsaludo rito. Pagkatapos ay inikot ng lalaki ang mesa para lapitan siya at kamayan ng mahigpit.
"Maupo ka," alok nito na tinanggihan ni Feliks.
Pinanood nito ang lalaki na humarap sa bintana at sumilip sa labas niyon.
Kaharap ni Feliks si Dmitry Sergun, ang kasalukuyang nasa pinakamataas na posisyon sa hukbong militar ng Russia. Ito ang humalili noon kay Heneral Ivanov Kvachkov-- ang opisyal na pinasok noon ang tahanan ng nagrebeldeng espiya ng GRU na si Sloven Markov at inatake na siyang nagresulta sa pagkabaliw nito bago nagpakamatay ilang araw lang matapos ito ma-ospital. Sinabi na nagpumiglas ang lalaki mula sa mga maglilipat dito sa isang mental institution at nagpasagasa.
Dmitry Sergun, who possessed strong, manly features, had a stray of white strands on his dark short hair. He had a tall built, thick eyebrows and stubbly. Nakasuot ito ng uniporme at tuwid ang pagkakatindig sa tapat ng bintana habang nasa likuran ang mga kamay at naka-ekis.
"Gusto ko lang linawin ang mga ni-report sa akin tungkol sa kaguluhang naganap nitong nakaraang mga araw," diretsahan na nitong saad, walang lingon-lingon. "Gusto ko magmula mismo sa iyo na nasundan niyo si Sloven Markov at natunton ang kanyang pinagtataguang lungga."
Huminga ng malalim si Feliks bago sumagot. "Yes, Sir. Natagpuan namin siya."
"At kasama niya ang isa sa mga tauhan ng GRU?"
"Si Asja ang tinutukoy ko na tauhan, Sir."
Hindi natinag ang lalaki sa pagkakatayo sa harap ng bintana. Naging madamot din ito sa pagpapahayag ng reaksyon sa mga narinig.
"At isang palpak ang misyon niyo na iligpit si Markov."
"Matinik na agent siya ng GRU. Malamang alam na niya kung paano kami kumilos dahil pareho lang kami ng pinanggalingan."
Mariin at malamig ang naging tugon ng heneral. "Hindi iyan katanggap-tanggap na dahilan, Ginoong Guchkov."
Nanatiling tuwid si Feliks sa kanyang pagkakatayo at nakatutok lang ang paningin kay Heneral Dmitry.
"Paspasan niyo na ang kilos. Magpadala ng maraming tao kung kakailanganin, maalis lang sa landas natin ang problemang iyan."
"Masusunod, Sir."
At sumaludo na ito bago iwanan ang heneral na nakatayo pa rin sa harap ng bintana.
----------------------------------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** In Russian table manners, the man closest to a woman must pour her drink. Also, bawal sila magpatong ng siko sa mesa, pero dapat laging nakikita ang kamay sa hapag.
----------------------------------------------------
AN
Hello! Sorry sa delay ng UD today. Kinailangan ko kasi kanina na i-system restore something itong laptop na gamit ko. As of now, okay na siya at babawi na lang ako bukas ng 2 chapters na UD. Hindi lang talaga kakayanin na 2 chapters ngayon. ;)
With love, as always,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top