Chapter Eight
"INTRIGUED BY THAT ENIGMA, HE DUG SO DEEPLY INTO HER SENTIMENTS THAT IN SEARCH OF INTEREST HE FOUND LOVE, BECAUSE BY TRYING TO MAKE HER LOVE HIM HE ENDED UP FALLING FOR HER"
- GABRIEL GARCIA MARQUEZ, ONE HUNDRED YEARS OF SOLITUDE
----------------------------------------------------
Asja got down from the mountain, clutching her shoulder shot by Stepha earlier. Patuloy pa rin iyon sa pagdugo habang halos magkanda-dulas-dulas sa pagbaba papunta sa batuhan. Lumuhod siya sa tabi ng babae at sinipat ang leeg nito.
Napailing na lang siya dahil wala na talaga itong buhay. Galit man ang nakikita sa kanyang mukha, sa loob-loob naman ni Asja ay napakalaking dismaya ang kumakain sa kanya dahil ang taong makakatulong sa kanila at iyong gusto niya ring tulungan ay namatay nang may galit sa kanila ni Feliks.
Pinikit ni Asja ang mulat nitong mga mata bago tinungo ang mas mababang bato para sumalok ng tubig. She zipped her catsuit lower to expose her wounded shoulder. Hinugasan niya iyon at nilunok ang pagnanais na mapasigaw sa hapdi. Nang malinis ang kanyang sugat, nanghihinang bumalik siya sa tabi ni Stepha at pinunit ang dulo ng blouse nito. Binalunbon niya iyon at idiniin sa kanyang sugat na patuloy pa rin sa pagdurugo.
Huminga siya ng malalim at diniin pa ang tela sa sugat niya. Napapikit siya, damang-dama ang lamig ng bakal mula sa shell ng bala na nakabaon ngayon sa kanyang balikat.
"Feliks!" tawag niya sa lalaki gamit ang munting mouthpiece na konektado sa suot niyang earpiece.
Ayos ka pa ba diyan? Sunduin na ba kita?
"No," matigas niyang tugon. "Don't come here. Malamang parating na si Sloven. Imposible namang lumabas si Klavdiya na may dalang baril kung hindi nila inaasahan ang pagdating ko ngayong gabi rito."
Klavdiya tunay na pangalan ang babaeng binili ni Feliks sa isang club sa Moscow para mapagpanggap nila bilang Stepha Pavlov.
Parang may mali sa paghinga mo--
"May tama ako ng baril," mabilis niyang sagot. "Hindi ko inasahan na babarilin talaga ako ni Klavdiya. Pero kaya ito. Sa balikat lang ako tinamaan."
Napapalatak na lang si Feliks ng mura. Hindi ka makakalaban sa ganyang kondisyon. Pupuntahan na kita diyan.
"Huwag na," giit niya habang lumilingon sa paligid. Masyadong madilim ang bundok at walang katao-tao sa batuhan at buhanginan. "Ako ang papalit kay Klavdiya."
Mamamatay ka diyan! galit na sagot ni Feliks sa kanya. Alam mong hindi ka pwedeng makita ni Sloven! Makikilala ka niya! Pipigain ka ng lalaking iyon kung bakit nandito tayo!
Binalewala lang ni Asja ang mga sinabi nito.
"Pumunta ka rito mamayang madaling araw at itago itong katawan ni Klavdiya. Hindi na siya humihinga nung sinipat ko, pero baka... baka nagkakamali lang ako," tayo niya mula sa pagkakaupo at initsa na ang ginamit na tela.
Nagdurugo pa rin ang sugat niya sa balikat nang i-zipper ng mataas-taas ang kanyang cat suit.
Maingat na bumaba siya sa batuhang iyon, pakanan patungo sa mabuhangin na parte ng paanan ng bundok. Medyo nahihilo na siya dahil patuloy pa rin sa pagdurugo ang kanyang sugat at tila kukulangin na siya sa dugo.
"Nag-iikot-ikot si Sloven sa pampang," patuloy niya habang bumababa pa rin. "Siguro naman makikita niya ako rito."
Ano ang plano mo ngayon, Asja?
Nang makaapak siya sa buhanginan, umupo na siya at hinubad ang sapatos.
"Eh 'di gagawin ko ang trabaho ko-- ang maging isang espiya.. ang manlinlang para sa isang misyon."
Hindi na nagsalita pa ang kanyang kausap, tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Gandang-ganda si Asja sa itim niyang boots na iyon kaya naman pinagpagan pa niya ang ilang nanikit na buhangin dito bago siya naghanap ng pwedeng pagtaguan. Nang may matanaw na malapit na mga bato sa dilim, tumayo na siya.
"Magpapanggap ako na inanod dito sa islang ito. Alam ko, sobrang gasgas na nitong naisip ko na tactic, pero kailangan nating mapasok ang lunggang pinagtataguan ni Sloven at habang nasa loob ako, pag-aaralan ko kung paano siya kumilos--" aniya habang ginagala ang mga mata sa paligid. Nag-iingat lang si Asja, naniniguradong walang mga matang nakamasid sa kanya kahit parang may pakiramdam siya na may nakatingin nga.
Hindi ka nga pwedeng makita ni Sloven, 'di ba? Makikilala ka niya. Gigisahin ka niya at isang tingin pa lang sa iyo, malalaman na niya na plano natin siyang hulihin dahil ang gobyerno at militar ng Russia ang kalaban niya, at obvious naman sa kanya na ang GRU ay naglilingkod para sa Russia. Kung sino ang kalaban ng Russia, ay kalaban na rin ng GRU.
"Kunwari, nawalan ako ng memorya, okay, Feliks? Kaya tigilan mo na ang pagpa-panic!" iritable niyang sagot. Imbes kasi na tulungan siya ng kausap na makapag-isip ng tuwid, tinatakot pa siya nito.
Nagpapakatotoo lang ako, Asja. At gasgas na iyan, sa tingin mo ba, kakagatin ni Sloven iyang idadahilan mo?
"Sinabi ko nga, 'di ba? Gasgas na?" Napabuntong-hininga na lang siya sa matinding frustration at kinalma na ang sarili para mapaliwanagan si Feliks kung ano na ang magiging plano. "Heto ang plano, magpapanggap ako na inanod dito at nawalan na ng memorya. Sloven will take me wherever he's hiding and take care of me--"
Bakit naman sa tingin mo gagawin iyon ni Sloven? Baka pagkakita pa lang sa iyo, patayin ka na niya!
"He's a traditional Russian man, Feliks," sagot niya sa sarkastikong tono.
Sa wakas, nakatulong din ang pagi-stalk-stalk mo noon kay Sloven.
Parang nanakit ang ulo niya dahil sa ganitong sitwasyon pa nakuha ni Feliks na bwisitin siya.
"I was stalking him because he used to be GRU's best performing spy."
And you were once intrigued if he's a best performer in bed too.
"Kung iniisip mo na matutulad ako sa baliw na Klavdiya na iyon, nagkakamali ka, Feliks," hatak na niya sa zipper ng kanyang cat suit pababa para hubarin iyon. Mabilis na rin siyang mairita dahil medyo nahihilo na siya gawa sa pagdurugo ng kanyang sugat. "Ini-stalk ko lang siya dati dahil gusto ko siyang mahigitan. I want him to see that a woman can be better than that overconfident male specie. At curiosity na iyong iba, hindi interes. Tigilan mo na nga ako!"
Nahubad na niya ang cat suit na suot at naiwan na lang na itim na pare ng bra at panty ang suot. Nagmamadaling inirolyo na lang niya iyon.
Basta... Basta mag-iingat ka. Kokontakin ko na si Sir Gregori para makahingi ng tulong.
"Siguraduhin mo lang na hindi niya malalaman na iba ang balak nating gawin kay Sloven, maliwanag?" mahigpit niyang bilin.
Sisiguraduhin ko, Asja.
"Good. Huwag na huwag mo ring susubukan na sundan ako sa isla. Marunong akong gumawa ng paraan para makapuslit at mapuntahan ka. Mas safe kung magmo-monitor ka lang muna. Wait for my orders, okay?"
Make sure hindi ka matatagalan ng isang taon, Asja. Or I'll consider you dead.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Hindi ako pwedeng mamatay. Gusto kong ipamukha sa lahat ng nangmamata sa GRU na kung nagkaroon man tayo ng pagkukulang o nagdulot man ng sakit ng ulo, tayo rin ang makakaayos ng gulong ito. And I want to show Gregori na kahit babae ako, may kapasidad ako tulad ninyong mga lalaki pagdating sa ganitong trabaho."
Hindi na siya sinagot pa ni Feliks na mukhang abala na sa pag-contact kay Gregori, kaya hinubad na niya ang suot na bra at panty, sinama iyon sa kanyang cat suit bago binitbit ang kanyang boots at tinago ang mga iyon sa nakita niyang siwang sa pagitan ng dalawang bato na nasa ilalim ng isang mas malaking bato. Tinanggal na rin niya ang earpiece na konektado sa mouthpiece nito at binaon iyon sa buhangin.
She looked around, her heart pounding with tension as she hoped that no one could see her before she ran further by the sandy shore. Lumublob na siya sa tubig, medyo gininaw pero hindi niya niyakap ang sariling katawan na hubo't hubad kaya tumambad ang perpekto nitong kurba na alaga sa kanyang page-ehersisyo at training. Her breasts were notorious for its scandalous roundness that used to make her male clients horny when she used to work in a club. Her olive skin looked as silvery fair as the moon whose light shone against it. Bahagyang hinangin ang kanyang honey blonde na buhok na umaabot hanggang sa kanyang siko habang nilulublob niya ang sarili sa tubig.
Nilubog lang niya saglit ang ulo, mga tatlong beses para basang-basa siya bago gumapang pabalik sa dalampasigan at dumapa roon. Muli siyang napangiwi dahil pinapakati ng buhangin ang sugat niya sa balikat. Mabilis na sumalok siya ng tubig at hinugasan iyon bago bumalik sa posisyon. She pulled some strands of her hair and positioned it over her wound, iyon ay para hindi madikit sa buhangin. At sa kanyang pagkakadapa, pinikit na ni Asja ang mga mata.
Medyo nahihilo pa ako, pero sana hindi ako mawalan agad ng malay. Gusto ko maging aware kapag nakita na ako ni Sloven at dinampot.
Pero dahil sa hilo, nawalan na siya ng malay nang hindi nalalaman kung natagpuan na ba siya ni Sloven.
----------------------------------------------------
AN:
There we go, everyone! ;) Heto na lahat-lahat ng Ultimate UD at First Chapters ng #Peak! See you next week (on Monday at 8PM) for new chapters! <3 <3 <3
Love,
ANA xoxo
P.S. Quotes yung chapter title ko kasi gusto ko HAHAHA XD Peace!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top