Two
Nagmamadali si Anya sa designated counter kung saan siya magbabayad ng business permit. Malapit na kasi siyang maabutan ng cut off at nagloko pa ang online banking app.
“Malapit na ‘to, miss. Alam mo ba na may multa na kapag lumampas ka na sa deadline?” pagsita ng cashier.
“Medyo busy lang po. Pasensiya na, ma'am.” Ipinakita niya ang paggalang sa kaharap. 2024 na pero mas lamang pa rin ang mga ma-attitude na government employees. Hindi ba sila nao-orient sa tamang pag-approach sa mga taxpayer na pinagsisilbihan nila?
Hindi na sumagot pa ang cashier at tinanggap na lang nito ang payment. Natapos din ang transaksyon nila at nakahinga rin nang maluwag si Anya.
“Sunod naman ‘yong sa—” Nakaligtaan niya ang iba pang requirements kaya hinanap niya sa bulsa ang papel na ibinigay sa kanya ng isang staff sa city hall.
“Kailangan ko mag-file ng 0605. Paano ba ‘to? Saka 3 pm na rin. Baka magsarado na ‘yon pagdating ko,” nababahalang pakli niya sa sarili.
Kahit may agam-agam, mas minabuti ni Anya na i-push pa rin ang paglakad ng isang requirement na may kinalaman sa tax regulations. Ayaw na ayaw pa naman niyang ma-hassle sa part na ito dahil natatakot siyang magbayad ng napakalaking penalty.
Palabas na sana siya sa establishment nang may intensyonal na bumangga sa kanya na isang matipunong lalaki. Buti na lang at mahigpit ang hawak ni Anya sa mga folder at envelope kaya hindi iyon tumilapon sa sahig. Maganda rin ang balanse niya kaya hindi siya natumba nang tuluyan at bahagya lang siyang napaatras.
“Sorry,” paumanhin niya kahit hindi naman siya ang nagkamali. Iniangat niya ang tingin sa binatang nakabangga at namataan niya ang malapad nitong ngiti. He's just standing and smiling but his awra radiates the positive aspects of life. Napatanga lang si Anya at napangiti na rin nang mamukhaan ang lalaking iyon.
“Hi! Kumusta?” Hindi niya akalain na sa dami ng lugar na pwede silang magkita ng old friend niyang si Rhadson, dito pa talaga sa city hall sila nagkatagpo.
“Akala ko, makakalimutan mo na ako, eh.” Lumalalim pa ang biloy sa pisngi ni Rhadson nang sagutin ang pagbati ni Anya. “Pwede ba tayong mag-usap?”
“Sige,” sagot ni Anya, habang tumitibok nang mabilis ang puso. This new year, she didn’t expect that the past would come knocking so soon. “Hindi pa ba pag-uusap itong ginagawa natin?”
Rhadson smirked. “I mean, kailangan nating mag-usap nang mas matagal. Magkumustahan pa.”
“Ah. Okay sana ako sa gusto mo kaso kailangan ko pang pumunta sa office ng BIR. May kailangan akong habulin na requirements. Baka kasi maging busy na ako sa susunod na buwan, wala kasi akong nauutusan pagdating sa mga ganitong bagay,” nahihiyang pag-amin ni Anya.
“Tamang-tama. Doon din ang punta ko. Saka hindi mo na kailangan pang magmadali. I can make them rush things for you,” kampanteng sagot naman ni Rhadson.
Medyo nakakapanibago para kay Anya ang gestures at paraan ng pakikipag-usap ng dati niyang kaibigan. Masyado na itong pormal kung magsalita at kung manamit. Kahit sino nga yata, mapagkakamalan na isa siya sa mga head officer ng city hall o isa siyang public servant. Napakalayo na nito sa Rhadson na una niyang nakilala—na carefree, weird na trying hard magpaka-pop idol ang porma, at laging apologetic kung magsalita. The new version of him seemed to have more confidence. Nadagdagan din ang timbang nito at hindi na patpatin ang pangangatawan.
“Ayoko naman ng may pa-special treatment. Para kasing form of corruption ‘yon,” giit naman ni Anya. Kahit may yabang sa pananalita ni Rhadson, parang hindi naman offensive ang pagkaka-deliver nito. More like, he's concerned and simply flaunting a gentleman's attitude.
“Connections, not corruption,” pagtatama naman ni Rhadson.
“Pumayag ka na. Para namang wala tayong pinagsamahan,” dagdag pa niya.
“Okay.” Wala naman sigurong mawawala kung sasama si Anya. Napagkatiwalaan naman niya si Rhadson na parang bestfriend niya dati, noong kailangan niya ng tulong dahil tila pinagkaisahan ito ng mundo dati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top