Twenty One

Nang magising si Anya, naramdaman niya ang malamig na semento sa kanyang likuran. Nag-aadjust pa ang kanyang paningin sa madilim na paligid. Napagtanto niyang nasa isang madilim na silid siya at ang tanging liwanag ay mula sa isang maliit na bintana sa mataas na bahagi ng pader ang maaaninag niya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit napansin niyang nakatali ang kanyang mga kamay at paa.

Pilit niyang inalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang mukha ng babae at ang galit na nananalaytay sa mga mata nito ay muling bumalik sa kanyang isipan. Sino siya? At bakit sinisisi siya nito sa pagkawala ng anak?

Naramdaman niyang bumibilis ang pintig ng kanyang puso at tanging goal niya dapat ay makaalis sa lugar na ito. Sinubukan niya munang pakalmahin ang kanyang sarili at sinuri ang mga tali sa kanyang mga kamay. Mahigpit nga ang pagkakatali nito, ngunit alam niyang hindi siya dapat sumuko.

Habang pilit na sinusubukan ni Anya na makawala, narinig niya ang tunog ng mga yabag papalapit. Huminto siya sa kanyang ginagawa at nakiramdam para hindi mahalata ng salarin ang balak niyang pagtakas. Dahan dahang bumukas ang pinto at pumasok ang babae na may dala-dalang matulis na cutter.

Nagpupumiglas si Anya, ngunit wala siyang magawa. Lumapit ang babae sa kanya, at nakaupo sa gilid niya. Nakita niya ang bakas ng luha sa mukha ng babae nang buksan na nito ang ilaw.

“Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng anak?” tanong ng babae, habang tinititigan siya nang matalim. “Ang buhay ko ay nasira dahil sa iyo. Pinabayaan mo siya! At ngayon, dapat ka nang magdusa.”

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo! Hindi ko alam!" nagmakaawang tugon ni Anya, habang patuloy na sinusubukan niyang kumawala sa mga tali.

Ngunit tila bingi ang babae sa kanyang mga salita. “Sa gabing ito, matatapos na ang lahat. Matatapos na ang sakit na dulot mo.”

Biglang bumukas ang pinto, at may dumating na isang lalaki. “Tama na po!” sigaw ng lalaki habang nagmamadaling lumapit. Si Gelo iyon! Hindi makapaniwala si Anya na nakita niya ito.

Hinawakan ni Gelo ang braso ng babae at pilit itong pinigilan.

Nang marinig iyon, biglang tumigil ang babae at tinignan si Gelo. Ang poot sa kanyang mga mata ay unti-unting napalitan ng pagkalito at pagkalungkot. “Pero... siya... siya ang dahilan kung bakit nawala si Jasmine. At dahil nakialam ka, madadamay ka na rito! Magpapaalam na kayo sa mundo!”

“Hindi. Please, ‘wag ninyong gawin ‘to,” mahinang pakiusap ni Gelo habang nilalayo ang kutsilyo mula sa kamay ng babae.

Dahan-dahang bumitaw ang babae, at nanghina ito sa sahig, umiiyak. Si Gelo naman ay mabilis na kinalagan si Anya mula sa pagkakatali.

“Anya, okay ka lang ba?” tanong ni Gelo, puno ng pag-aalala.

Tumango si Anya, ngunit hindi niya maiwasang manginig sa takot at pagod. “Paano mo nalamang nandito ako?”

“Saka ko na ikukwento. Swerte na lang at nahanap kita agad dahil nakita ko siyang pumasok sa Playful Dreams kanina. Nasundan ko rin kayo rito,” sagot ni Gelo, habang dahan-dahang inakay si Anya palabas ng madilim na silid.

Habang papalabas sila, narinig nila ang patuloy na iyak ng babae, na ngayon ay tila nawalan na ng lahat ng lakas. Nang makalabas na sila sa dilim, naramdaman ni Anya ang malamig na hangin ng gabi sa kanyang mukha. Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, naroon pa rin ang tanong sa kanyang isip, na bakit nangyari ang lahat ng ito?

Naroon din ang mga pulis na handa nang arestuhin ang babae. Pero habang inaalalayan pa rin ni Gelo si Anya, palabas sa gusali, nasa likod na pala ang babae. Hinatak siya nito at sinakal.

“Gelo!” tili ni Anya na nakatawag pansin sa mga pulis. Nagagawang magpumiglas ni Gelo pero nahiwa naman ito ng talim ng cutter na tumatama sa kanyang kamay at braso.

Nang tutukan ng mga pulis ang babaeng salarin, saka ito huminto at nagtaas ng kamay.

Anya couldn't look at Gelo's wounded hands. Naiiyak siya sa sinapit ng binata para lang iligtas siya sa sandaling iyon.

“Gelo… hindi mo na ako concern. Bakit kailangan mo ‘tong gawin?” luhaang tanong ni Anya saka ito niyakap. Napansin niyang namumula ang leeg nito dahil sa pagkakasakal kanina. “Salamat. Maraming salamat.”

Gelo didn't answer, he's still struggling to breathe. But still, he managed to smile at Anya.

Si Anya ang sinisi ng babaeng si Belarmina ukol sa pagkawala ng anak nitong si Jasmine. Nakatatak pa rin ang sinabi nito nang magbigay ng statement sa mga pulis, kamakailan.

***

Sa shop ng babaeng ‘yan nagpunta ang anak ko. Bumili siya ng laruan nang mag-isa at pagkatapos, umuulan sa labas nang araw na ‘yon. Nasagasaan ng taxi ang anak ko paglabas niya. Kung concerned sana siyang store owner, sana hindi niya pinayagang umuwi ang anak ko,” pahayag ng ginang na si Belarmina, ang abductor. It turns out that she's the same woman who followed and attacked Gelo before. Ito rin ang sumusubok na sumira sa career nito. It was planned for more than a year before Belarmina executed it well. Noong una, si Anya lang sana ang target niya pero nang nalaman niyang boyfriend na nito si Gelo, nadamay na rin ito.

Napag-alaman din ng mga pulis na miyembro naman pala ng isang notorious gang sa lugar si Belarmina. Lumabas sa tests na mayro'n siyang mental health problem matapos manganak sa bunso nito. Probably, blaming Anya for her daughter’s death was just a mechanism.

“Hindi po gano'n ang naalala ko. Kahit ayaw ko sanang palabasin ang anak n'yo, siya na ang nagpumilit dahil naghihintay daw kayo sa kanya at magagalit kayo sa kanya. Kausap niya kayo sa phone noon,” Anya recalled while sobbing.

Magpapaliwanag pa sana ang babae, ngunit dumating na ang nakababata nitong kapatid at willing din palang makipag-cooperate sa mga pulis.

“Ate! Hindi ko alam na sa pagbalik mo rito, eh itutuloy mo talaga ang plano mong ‘yan. Akala ko, hindi mo na kinakausap ang mga dati mong kaibigan sa gang n'yo na ‘yan! Kung tungkol pa rin ito kay Jasmine, sorry to say, ikaw ang may kasalanan no'n. Hinayaan mo siyang mag-isa pauwi sa bahay natin dahil gusto mo siyang turuan ng leksyon at that time!” pagbubunyag ng younger sister ni Belarmina at hindi na tumigil sa pagluha sa mga sandaling iyon.

Tumagal pa nang ilang oras ang pagbibigay nila ng statement. Naunang pinaalis si Gelo at dinala sa ospital. Tuluyan namang nakulong si Belarmina at nasampahan na rin ng patong-patong na kaso.

***

Few days later, the news came out that Gelo might leave his group because of his situation. Hindi pa siya pwedeng mag-sit in sa schedules ng grupo at nagkakaroon na misunderstanding between him and the other members.

Hindi maiwasan ni Anya na sisihin ang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi siya niligtas ng binata, hindi sana magkakagano’n ang career nito, hindi sana ito maii-stalk ni Belarmina para sirain din ito. Tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin sa mga sandaling iyon.

Hangga't sa mga sumunod pang araw, nakatanggap na siya ng notice sa management ni Gelo. She's ordered to distance herself away from him, para hindi na lumala ang issues. Nakiusap siya kung pwede sanang magkaroon man lang siya ng huling pagkakataon na makausap si Gelo, but of course, she's not allowed. Kulang na lang, patawan na siya ng restraining order.

Kaya napilitan si Anya na tuluyang isara ang Playful Dreams at naging buo na ang desisyon niyang sumama kina Irenea at Arturo. Iiwan niya ang lugar na bumuo sa kanyang pagkatao, pati ang lalaking bumuo sa kanyang puso—kahit labag naman sa kanyang kalooban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top