Three

“Sakay na,” kalmadong alok ni Rhadson at itinuro ang isang high end na sasakyan habang nakatanga sa likod si Anya.

“Sa’yo ‘yan? O sa boss mo?” tanong ni Anya. She actually didn't mind if Rhadson became successful, pero naku-curious siya dahil sa pagkakaalala niya, pareho lang din sila nag sitwasyon while sharing the same interest in business ventures.

“Hindi pa talaga sa'kin. Kasi hindi pa naman fully paid,” mapagpakumbabang sagot ni Rhadson.

“Kahit na ba, achievement na rin ‘yon,” natutuwang sagot naman ni Anya.

Sumakay sila sa kotse ni Rhadson at mabilis naman na nakarating sa BIR office. Tulad ng pangako ng binata, napabilis nga ang proseso ng pagpapasa ni Anya ng mga requirement. Hindi makapaniwala si Anya na ganoon kadali lang ang lahat dahil sa tulong ni Rhadson.

“Salamat talaga,” wika ni Anya matapos makumpleto ang lahat ng kailangan. "Hindi ko alam kung paano ko magagawa 'to nang mag-isa. Hindi ko alam kung red tape din ba ‘to. Kung tutuusin, maliit pa lang naman ang shop ko.”

"Always happy to help, Anya," sagot ni Rhadson. “Nasa hustong gulang na ako at natututo na sa mga bagay-bagay na hindi ko inakalang pagdadaanan ko. Pero nagpapasalamat ako sa tulong ng pamilya ko,”

“Buti ka pa.” May kaunting pait ang nilabi ni Anya, naalala na naman niya kasi na hindi naman supportive ang pamilya niya sa pagnenegosyo. Kahit pa natulungan siya ng mga ito sa pagbabayad ng utang, may nararamdaman pa rin siyang panunumbat sa mga ito dahil nagkamali siya ng desisyon.

“Ano nga palang business ang inaasikaso mo?” tanong ni Rhadson, na mukhang interesado talaga. “Iyon pa rin ano? Playful Dreams? You always told me how excited you are, habang pinaplano mo pa lang ‘yon.”

“Oo. Iyon nga,” sagot ni Anya. “Nakakapagod pero fulfilling naman.”

"Mukhang busy ka nga," sabi pa ni Rhadson. "Kailan ka huling nagkaroon ng bakasyon? Minsan yayain kita na magpunta tayo sa resthouse namin sa Bataan."

"Matagal na. Hindi ko na nga maalala," natatawang sagot ni Anya at saka nag-flashback sa kanya ang alaala tungkol sa lugar na gusto niya sanang makalimutan dahil nakaakibat lang naman doon ang una nilang pagkikita ni Gelo.

“Sige. If ever magkaroon ako ng time.” Apologetic ang ngiti ni Anya sa pagdagdag niya ng kasagutan.

Ngumiti naman si Rhadson. “Marami na talagang nagbago. Nag-invest ako sa ilang businesses at sa tulong ng mga tamang tao, unti-unti akong nakaahon. Pero kahit anong pag-unlad, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga kaibigan ko. Katulad mo. Kaya, I'm always willing to help.”

“Salamat talaga, Rhadson. Hindi ko alam na ganito ka na ngayon,” tugon pa ni Anya.

Habang papalabas na sila ng BIR office, napansin ni Anya ang isang pamilyar na mukha. Isang mukha ng taong tila dapat niyang katakutan.


***


“Nakuha ko na lahat. Salamat sa tulong ng isang kaibigan.” Unenthusiastic si Anya habang kausap ang kaibigan niyang si Shantel sa kabilang linya ng telepono. “Saka tingin mo ba, worth it ba itong pagpapakabit ko ng landline? Parang dagdag expenses lang kasi siya. Minsan pawala-wala. Ngayon nga lang nagkaroon kaya natawagan kita.”

“Okay na ‘yan. Paano kapag talagang nag-succeed ka pa nang tuloy tuloy, hindi ka naman pwedeng mag-rely lagi sa cellphone saka magastos din naman ang mobile load,” sagot naman ni Shantel.

“Halatang pagod ka sa boses mo.”

“Oo, eh. Siya nga pala. Si Rhadson, naalala mo pa? Kaibigan ko ‘yon,” pagbalita ni Anya sa topic na gusto niyang pag-usapan nila.

“Iyong akala ko ka-MU mo, hindi pala.” Bahagyang natawa si Shantel. “Pogi na ba siya?”

“Hindi naman siya pangit kahit kailan,” defensive na sagot ni Anya. “Pero successful na siya ngayon. Parang natupad na ‘yong mga pangarap na gusto niyang maabot.”

“Eh, bakit parang may something ka, parang hindi ka masaya na kinukwento mo siya?” usisa ni Shantel.

“Feeling ko kasi, hindi ko deserve ng tulong niya. Ako ‘yong pumutol sa ugnayan namin noon, eh. Noong nagka-conflict ako sa family ko.”

“Bakit ka magi-guilty? Eh, hindi naman kayo magkarelasyon, ah.”

“Kailangan niya ng support no'n. Pero hindi ko siya nadamayan.”

“Anya, hindi mo kargo ang ibang tao. Hindi mo maliligtas ang gusto mong iligtas kung ikaw din mismo, may sariling problemang dapat lutasin. Kumbaga, ikaw na lang muna ang kumuha ng life vest kapag nalulunod ka,” sentimyento naman ni Shantel.

“Bakit ako kukuha ng life vest, kung ayoko nga i-save ‘yong sarili ko?” May kaunting luha na kusang nangilid sa mga mata ni Anya. “Saka hindi ako malulunod kung wala naman ako sa tubig. Ah, basta.”

“Eh, bakit ka na-guilty kung hindi mo na-save ‘yong tao na ‘yon?” pagkwestyon ni Shantel.

“Sige na, I give up. Bukas ulit.”

“Matulog ka na, Anya. Goodnight na!” Ngumisi si Shantel bago ibaba ang phone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top