Thirty Three
"Gelo?" bulong niya, tila hindi sigurado kung totoo nga ba ito o isa lamang itong panaginip. "Bakit ka nandito?"
"Ano sa tingin mo?" sagot ni Gelo na bahagyang nakangiti.
"Kailangan ba ng dahilan para iligtas ka? Hindi ka naman stuffed toy na pwedeng magpalutang lutang lang sa tubig." Sinubukan niyang gawing magaan ang sitwasyon kahit ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila.
Bigla siyang napaiwas ng tingin. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Gelo ngayon, lalo pa't may mas malalim na mga dahilan sa pagitan nila na hindi pa natutuldukan.
Muli siyang nagtanong, "Bakit ka talaga nandito, Gelo?"
Huminga nang malalim si Gelo. "Sister, can you even say thank you? Kahit simpleng thank you lang, ang bigat mo na kaya. Hindi na gaya dati na kaya kitang ilipat sa couch kapag nakakatulog ka sa cashier desk ng Playful Dreams."
"Sinasabi mo bang tumaba ako?" Anya pouted for a while. Sa loob niya, halos magsaya na siya at humiyaw dahil si Gelo nga ang nagligtas sa kanya. Kahit na nagkalayo sila noon, si Gelo pa rin ang nagsisilbing knight in shining armor na kaya talagang magbuwis ng buhay. Ang dami na niyang utang sa binatang ito.
"Hindi. Sinabi ko lang na ang bigat mo na," seryosong tugon ni Gelo. "Wala ka pa ring pinagbago, sister. Pasaway ka. Kumikilos ka nang padalos dalos kahit buhay mo na 'yong nalalagay sa alanganin. Hindi naman sa lahat ng oras, eh nandito ako para tulungan ka—kahit wala akong napapala."
A sudden guilt grew on Anya. Nag-flashback na naman sa kanya ang nakaraan, particularly that kidnapping incident from a mentally ill woman. Hindi siya nakasagot agad.
Kaya si Gelo na lang ulit ang bumasag sa katahimikan.
"Anya, nandito ako dahil gusto kitang makausap. Matagal na kitang gustong makita, matagal ko na ring gustong malaman ang totoong nangyari sa'yo, kung paano ka nag-heal. Hindi ako nagpunta dito para manggulo, pero kailangan ko ng closure."
Hindi pa rin nakahuma si Anya. Matagal na niyang iniiwasan ang usapin na ito. Sinubukan niyang maging matatag sa loob ng maraming taon, at ngayo'y humaharap siya muli sa isang yugto ng kanyang nakaraan na akala niya'y tapos na. Being with Gelo wasn't a good idea to begin with. Aware siya na nasasagasaan niya ang mga pangarap nito habang tinatago nila sa publiko ang kanilang relasyon.
"Hindi mo na kailangang bumalik, Gelo," mahinang sabi ni Anya. "Okay na ako. Masaya na ako— dito sa ginagawa ko. Saka ako dapat ang mag-sorry dahil sa inconveniences na dulot ko."
"Iyon ba talaga ang totoo, Anya?" putol ni Gelo na tila hindi kumbinsido sa nakuhang sagot. "Alam kong hindi ka masaya kahit nasa kumbento ka na. Nakikita ko 'yon sa mga mata mo, at ayokong isipin na iniwan kita sa ganitong kalagayan."
Naramdaman naman ni Anya ang bigat ng bawat salita ni Gelo. Alam niyang totoo ang sinasabi nito, ngunit handa na ba siyang muling harapin ang mga damdaming matagal na niyang kinubli? Pero ang mas nakakagulo lamang, ay ang bahagi na binanggit nito ang kumbento? Saan naman nito nakuha ang ganoong idea?
"Anong sinasabi mong kumbento? Oo pumasok na ako sa kumbento ng mga madre. Pero pumasok lang ako," paglilinaw ni Anya habang nakakunot ang noo.
"Hindi mo na kailangang mag-explain. Hindi na kita ipu-pursue, Anya. Dahil hindi na pwede. Ginagalang kita na higit na sa level ng paggalang ko sa'yo," paglilinaw din naman ni Gelo.
"Naintindihan ko na kung bakit ka pumasok doon. Baka iyon lang naman ang nakuha mong way of healing. Hindi ko hawak ang mga desisyon mo. And if only I was there with you, kung na-assure lang sana kita, hindi ko hahayaang sundin mo itong calling na 'to, Anya."
"Bawal bang pumasok sa kumbento? Kahit hindi madre?" Nakukuha na ni Anya ang gustong iparating ni Gelo at natawa tuloy siya nang malakas. "Iniisip mo na dahil lang hindi tayo nagkatuluyan, magmamadre na ako? Jino-joke lang naman kita dati. Ang dali mong naniwala."
"So, hindi totoong nagmadre ka? Ano ba kasi 'yong nakita ko sa hotel na naka-habit ka? Tapos kanina sa pool, ang haba ng suot mo. At ngayon naman, mahabang pajama pa rin at balot na balot ka pa." Nawala ang kaba sa dibdib ni Gelo, napalitan iyon ng hindi matatawarang sigla. Nalilinawan na siya. It was just a total misunderstanding.
"Disguise ko lang 'yon para hindi mo ako mapansin, kaso palpak," pagtatapat ni Anya. "Saka may event kanina for All Saints Day. Gano'n ang suot ko kasi we are dressing like saints. At ito namang suot ko, ay dahil nilalamig ako after kong muntikan na malunod. Okay na ba ang explanation ko?"
"Mas okay." Abot tainga ang ngiti ni Gelo, isang ngiti na alam niyang na-miss din naman ni Anya.
"Poging pogi ka siguro sa sarili mo dahil iniisip mo na nagmadre talaga ako dahil lang hindi tayo nagkatuluyan." Muling natawa si Anya at sinalubong ng tingin ang magagandang mata ng dati niyang nobyo. Mas lalo itong gumagwapo sa mata nitong naniningkit kapag tumatawa nang gano'n. His smiles were enough to save the day.
Ngunit kasabay ng tawang iyon, bumalik ang lahat ng alaala. Sa likod ng bawat biro at tawa, naroon pa rin ang mga sugat na iniwan ng kanilang nakaraan. Hindi iyon simpleng misunderstanding lamang. Natigilan din si Anya at bahagyang napalitan ng lungkot ang kanyang pagtawa.
"Gelo," panimula niya. "Kahit hindi ako nagmadre, hindi ibig sabihin nun na pwede pa rin tayo bumalik sa dati. May mga bagay na nasira noon... at hindi ko alam kung kayang ayusin 'yon ngayon. Nasira ko ang career mo. Lagi kang napapahamak noon."
Napaupo si Gelo sa bangko at biglang nawala ang sigla na kanyang nararamdaman. Alam niya, hindi ganoon kadali ang lahat. Pero hindi pa rin siya dapat na sumuko.
"Anya, I'm not asking for us to go back to the way we were. I just want to know... can we start again? As friends, at least?" tanong niya na puno ng pag-asa sa mata. Mahirap mag-reconcile kung nagkalayo sila sa mahabang panahon.
Tahimik na tumitig si Anya sa kanya, pinoproseso ang lahat ng sinasabi nito.
"Siguro," sagot niya sa wakas, bagama't may alinlangan.
Tumango si Gelo. Hindi niya gustong madaliin si Anya. Basta ang mahalaga, nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap, isang bagay na matagal na niyang inaasam.
"Basta nandito lang ako," sabi niya, bago tumayo at nagpaalam. "But for now, I'll give you space."
Pagkatapos noon, umalis na si Gelo, iniwan si Anya sa kanyang mga iniisip. Tahimik na tumingala si Anya sa langit, huminga nang malalim, at sa wakas, naramdaman niyang may bahagi ng puso niya na unti-unting gumagaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top