Thirteen
“Saan ka naman nagpunta?”
Kusang napahinto si Anya nang marinig ang boses ni Arturo. Pinatay din nito ang TV at lumapit agad sa kanya.
“Sinabi ko sa'yo na susunduin kita. May ginawa lang kami sa school pero hindi ka naman nakapaghintay. Paano na lang kung may nangyari na naman sa'yo ate?” Bakas ang himig ng panenermon at pag-aalala ng kanyang kapatid.
“Pinuntahan ko si Shantel. kinumusta ko,” sagot pa ni Anya. “Iniisip mo ba na may kikidnap sa'kin? Kung mayro'n man, hayaan n'yo na lang ako, huwag n'yo na akong tutubusin pa.”
“Ang drama. Parang inaalala lang, eh. Masama ba ‘yon?” Arturo pouted and guided her to the dining area.
“Kakain na tayo.”
Naghihintay din pala sa hapag kainan ang nanay nilang tila may gustong sabihin. Parang malalagay siya sa hotseat kung nakadepende sila sa mood ng paligid. It was gloomy and filled with silence.
“Mama? Bakit po?”
Parang may pinaglalamayan. Parang may hindi tamang nangyari.
“Hihinto na ako sa next sem. Final na ‘yon. Matagal ko na rin siyang pinag-isipan.”
Kumunot ang noo ni Anya sa isiniwalat ni Arturo. Mas lalo siyang naguluhan dahil walang reaksyon si Irenea. All this time, parang siya na lang ang walang nalalaman sa sitwasyon.
“Ang bunso nating si Mimi, susundan ko na sa province. Magtatrabaho ako doon. Para naman hindi na nakakahiya sa tita ninyo. Ako na ang mag-aalaga sa kanya.” May bigat ang bawat salita ni Irenea. It seems like she's carrying a heavy burden that no one wants to shoulder too.
“Ano po ba talagang nangyayari? Bakit biglaan ang mga desisyon ninyo? Ikaw kanina Arturo, nag-e-eskwela ka pa, eh. Anong sinasabi mo na hihinto ka na? Saka parang noong nakaraan lang, okay pa. Sinasabihan n'yo nga ako na mag-aral ulit,” nababahalang tanong ni Anya.
“Kasi…” Huminga nang malalim si Arturo at sumimangot. “Lilipat na ako ng university. Pero hindi ako mag-iiba ng course. Kailangan, eh.”
“Pero bakit nga?”
“Kasi may lupa na tayo sa probinsya at may trabaho nang nakalaan doon si mama dahil magiging caretaker na siya isa pang property ng kumare niya!” masayang pagbabalita ni Arturo.
“Hinuhuli lang namin kung anong magiging reaksyon mo, ate! Parang na ‘it’s a prank’ ka namin nang wala sa oras! Isasama ka na namin doon, ate. Hindi mo na kailangang magpakahirap sa business mo na ‘yan.”
Tumatawa lang din si Irenea. At si Anya naman, nakaramdam ng inis, sa halip na tuwa dahil magandang balita nga naman na mayro'n na silang pag-aari sa probinsya. Dati pa naman nilang pinangarap iyon but despite all that, parang hindi siya masaya sa posibilidad na lalayo siya at maiiwan si Shantel. Isa pa, hindi niya rin kayang i-give up ang Playful Dreams nang dahil lang sa isang insidente. The timing isn't right.
“Huwag ka nang sad, ate. Ginu-goodtime ka lang naman namin, eh,” panunudyo ni Arturo at iniabot ang isang mansanas kay Anya.
Pagkatingin pa lang ni Anya sa mansanas, naduwal agad siya. Naalala lang niya ang bulok st inuuod na mansanas na itinapon niya noong nakaraan. Bigla rin siyang napa-walk out at dumiretso sa kanilang CR.
“Anong nangyari do’n? May sakit ba si ate?” tanong ni Arturo. “Hindi naman siya mainit kanina. Mukhang pagod lang.”
Umiling-iling si Irenea. “Baka nga may sakit. Pero kailangan ko muna siyang matanong.”
***
Samantala, malalim na ang gabi at malalim din ang iniisip ni Anya. Hindi siya pabor sa ideya na sasama siya sa kanyang pamilya at maiiwan niya ang pinaghirapan niyang negosyo. Ang gusto niya lang, isara ito nang pansamantala dahil sa gulo noong nakaraan. Iniisip din niya kung paano si Shantel sa mga oras na umalis siya.
Naantala lang ang kanyang pagmumuni-muni dahil nag-ring ang phone niya. It was Rhadson, calling.
“Hi, Anya. I'm sorry if late na akong tumawag. Kukumustahin lang sana kita,” bungad ni Rhadson.
“Ayos naman ako. Kinakaya pa ang mga bagay bagay,” sagot ni Anya saka nagpakawala ng pilit na halakhak.
“Kung okay lang sa'yo, puntahan kita sa bahay ninyo. What do you think?”
“Huh? Naku, huwag. Huwag muna, I mean. Pasensiya na.” Anya got startled that she involuntarily got up from her bed. Hindi niya tuloy maiwasang mag-assume ng mga bagay na hindi naman dapat.
“And besides, kailangan na kitang matulungan sa business mo. Right? Kaya nga ako na lang ang pupunta.”
“Pero…”
“Nahihiya ka lang siguro sa'kin. Okay lang Anya. Basta within the week.”
“Okay.”
Bumilis ang pintig ng puso niya sa hindi malamang dahilan.
“Goodnight, Anya. Sweet dreams.”
“Go-goodnight.” Tinapos ni Anya ang tawag, habang hawak ang kanyang dibdib.
“Gusto pa rin ba ako ni Rhadson? Wala ba siyang taste?”
If only he didn't know Gelo, at kung hindi lang niya ito naging boyfriend, komportable pa sana siya sa ideyang gusto pa rin siya ni Rhadson. She might have her heart for him.
Nagtatalo tuloy ang kanyang isip. Hangga't sa kung anu-ano na ang ini-imagine niyang scenario.
***
*Gelo Vs. Rhadson*
Nasa bahay ang dalawang lalaking nagkakainteres kay Anya. Si Rhadson na ang bumasag sa katahimikan.
“Pre, back off. Matagal ko nang nakilala si Anya. Bago pa naging kayo, may koneksyon na kami,” tahasang bwelta ni Rhadson.
“Patawa ka, nasaan ka ba noong mga time na down siya? Nakilala niya ako, I took care of her. Mahal ko pa rin siya. Kaya nga ako nagri-reach out dahil kailangan kong bumawi sa kanya. This time kaya ko na siyang panindigan,” kampanteng sagot ni Gelo.
“Paano mo naman siya mapapanindigan kung hindi mo kayang i-publicize ang pagmamahal mo sa kanya? Kung i-pursue ko siya, walang magagalit. Walang trabahong masasagasaan. Kuha mo?”
“Hindi!”
“Kaya kong mag-provide para sa kanya. Kaya ko rin siyang ipagmalaki!”
Hindi matanggap ni Gelo ang remarks ni Rhadson kaya tinaliman niya ang kanyang tingin.
“Daanin na lang natin sa isang laban, pagalingan magluto!” sigaw pa ni Gelo.
“Deal! Tara sa kusina!”
Sabay silang pumunta roon at naghihintay pala si Anya, at tila nagmakaawa na huwag na silang magtalo.
“Ano ba kasing gagawin ninyo?” tanong niya sa dalawa.
“Mag-cooking showdown kami!” tugon ni Gelo. “Hindi niya ako kayang talunin dito.”
“FYI, may food business ang mom ko, I know how to cook,” sagot ni Rhadson.
“Bakit n'yo ba ‘to ginagawa?”
“Para magkaalaman na kung sinong pipiliin mo sa'min!” paglalahad ni Gelo.
“Wala! Pareho kayong childish!”
Umalis si Anya ngunit napahinto siya nang may maamoy na kakaiba.
“Wait! Amoy gas!”
Tiningnan ni Anya ang lutuan at nakumpirma niyang lumalaki na ang apoy. Nakaramdam ng takot ang tatlo at dali-daling sinubok na patayin ang apoy sa kusina.
***
Umling-iling si Anya nang mahinto ang paggawa niya ng senaryo sa kanyang utak, para siyang nanaginip nang gising at parang naging totoo lahat. Kaya, bumaba siya at nagtungo sa kusina. All seems fine. Mukhang tulog na ang lahat.
She's bored, wala siyang magawa para makatulog at naisip niyang pumunta muna sa isang convenience store para magpahangin at bumili ng snacks.
While on her way, isang pamilyar na lalaki ang nakita niya sa ‘di kalayuan.
“Kanina iniisip lang kita…”
Parang tumigil ang mundo niya at napangiti habang papalapit sa kanya si…
“Gelo!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top