Six
Pagkalipas ng ilang minuto, si Rhadson ay nagbigay ng ilang praktikal na payo kay Anya tungkol sa business strategies at marketing tactics. May ilang bagay siyang hindi nauunawaan at nakakaramdam na rin siya ng antok. Sa wari niya, dapat patigilin na niya si Rhadson sa pagpapaliwanag ng mga bagay dahil parang hindi naman niya first time na makarinig ng mga sinasabi nito.
“Still there?” Natawa lang si Rhadson nang mahuli niya ang paghikab ni Anya.
“Huh? Oo. Pasensiya na,” paumanhin ni Anya saka ipinaling ang tingin sa notes na naisulat na ni Rhadson.
“Ituloy ko na, huh?”
“Sige, go ahead.”
“Alam mo, mahalaga ang online presence sa ganitong negosyo lalo na’t hindi naman basic needs ang product na laruan. Siguro, pwede kang mag-launch ng mini video tutorials o kaya reels tungkol sa pagkumpuni ng mga laruan na may damage. Makakatulong ‘yon para mas makilala ka pa ng mga tao,” suhestiyon ni Rhadson habang inaayos ang ilang piraso ng lego at inilagay ang isang piraso sa doll house dahil kasukat naman pala nito ang pag-aari ni Anya.
“Magandang idea nga 'yan, Rhadson. Hindi ko naisip na pwede ko palang gawin 'yun,” tugon ni Anya na tila nabuhayan ng loob. But she knows that Rhadson isn’t the first guy who suggested that kind of strategy.
“Simulan natin mamaya, may camera ako. Pwede na natin gamitin para sa unang video mo,” sabi ni Rhadson na puno ng excitement.
“Teka lang. Hindi ba pwedeng sa sunod na araw na lang? Past 6 pm na rin kasi,” biglang nasabi ni Anya. It's just that she needs proper preparation for this. She's still a shy camera. At kahit pa sabihing rehearsal muna ang gagawin, hindi pa rin siya kumportable na magpakuha ng video.
“Alright. Let's just do it in a proper place, not in here,” pagsang-ayon naman ni Rhadson.
Nagpaalam narin ito kay Anya at sinamahan niya ito palabas sa shop hangga't sa marating nila ang lugar kung saan naka-park ang kotse ni Rhadson. May kadiliman na kaya nagmadali na rin si Anya na magpaalam.
“Thank you sa tulong mo, Rhadson. Nakakahiya naman, sa paanong paraan ba ako makakapagbayad?” tanong pa ni Anya sa masiglang tinig.
“Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Basta masaya ka, masaya na rin ako. See you when I see you.” Matamis ang ngiti ni Rhadson bago siya pumasok sa sasakyan.
Umalis na rin si Anya para makabalik agad sa shop. Ngunit namataan niya sa ‘di kalayuan ang isang babae na naka-hoodie jacket at masa ang tingin na ipinupukol sa kanya. Isasawalangbahala niya sana ang presensiya ng babae pero napansin niya na tila siya ang pakay nito.
Ipinakita niyang hindi siya natatakot. Nagkunwari na lamang siya na wala siyang pakialam. Sinubukan niyang maglakad nang may tamang bilis. But things got worse when that stranger ran fast to chase her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top