Nineteen

Mula sa bintana, tinatanaw ni Anya si Gelo na papalayo. Abala ito sa pag-check ng phone at nakita niyang may sinagot itong tawag. It seems urgent, dahil matapos itong makipag-usap ay nagmadali ito at mabilis na tumakbo.

Itinabing niya ang kurtina at isinara nang maigi ang bintana. Parang sumakay siya sa roller coaster dahil sa dami ng nangyari kanina. It was a total chaos!

Pero ang mas iniisip niya ay kapakanan pa rin ni Gelo.

"Paano kung nagdadalang-tao nga ako tapos pinanagutan niya talaga? Unfair naman sa kanya 'yon dahil hindi naman siya ang ama. Saka, bakit niya kaya ginawa 'yon?" Nagpagulong-gulong siya sa kama sa kakaisip ng posibleng kasagutan.

Napabalikwas siya nang marinig ang pag-ring ng kanyang phone. As usual, si Rhadson na naman ang tumatawag sa kanya.

"Hi Anya. Sorry sa istorbo," panimula ni Rhadson.

"H-hello," alanganing bati ni Anya sa kausap.

"I finally got an info about Gelo. Sorry for sticking my nose," sabi ni Rhadson. "It's just that I found something odd about him. Idol din pala siya."

"Odd? Anong ibig mong sabihin? Saka bakit mo naman s-in-earch ang tungkol sa kanya? For what?" Biglang nakaramdam ng kaba si Anya dahil sa tono ng pananalita ni Rhadson.

"Well, marami namang maganda akong nalaman. May iilang hindi. Pero I won't judge. I think he's a nice guy."

"Ano ba 'yang mga nalalaman mo?"

"It also concerns you. Hindi mo pa ba alam?"

"Huh?"

"Anya. Meet me tomorrow or kapag may free time ka. I'll discuss it with you."

"Pwede bang sa susunod na araw na lang? After three days?" tanong pa ni Anya.

"Sure, kahit kailan."


***


Gaya ng napag-usapan, nakipagkita nga si Anya kay Rhadson sa isang cafeteria para pag-usapan ang tungkol kay Gelo.

"People took pictures of him, while meeting you," saad ni Rhadson habang pinapakita ang isang X post. "At hindi maganda ang tingin ng mga tao rito. To be exact, hindi maganda ang tingin ng ibang tao sa'yo."

Nagpakawala ng buntonghininga si Anya dahil sa totoo lang, ngayon niya lang nalaman ang tungkol sa ganitong rumor at wala naman siyang nakikitang mali, dahil hindi naman malisyoso ang litrato. It's just her and Gelo, walking in the park.

"As far as I know, hindi tayo katulad sa ibang bansa na bawal makipag-date ang isang artist sa hindi artist," giit ni Anya.

"But have you read their comments about you? Pinalalabas nila na ikaw ang sisira sa career niya. May nagsasabing casted siya sa isang TV project pero hindi natuloy dahil sa'yo. All those mean remarks came from Anti Gelo fans. He was planned for a loveteam project, but you ruined it. That's what they say," maingat na paglalahad ni Rhadson. "Hindi siya bearable na basahin, huwag mo nang basahin pa."

"Ano?" Bagot na nagpakawala na naman ng hangin si Anya. "Ano bang purpose ng pagsasabi mo tungkol sa bagay na 'to kung ayaw mo naman palang ipabasa sa'kin lahat?"

"I'm just saying it because I'm concerned. Clearly, magkaiba ang mundo ninyong dalawa. Stressful ang show business industry, Anya. At bilang kaibigan mo, I will do everything to protect you. Since you also protected me back then."

"Salamat, Rhadson." Halos kumawala na ang luha sa mata ni Anya, pero nagawa naman niyang pigilin iyon. Ayaw niyang kaawaan siya ni Rhadson sa mga sandaling ito.

"Gelo probably hid this. Baka dahil ayaw niyang maapektuhan ka. It's a good initiative from him though," turan pa ni Rhadson. "But you know, I still commend that man."

"Mabuting tao si Gelo. Kung ano mang negative comments tungkol sa kanya, hindi 'yon totoo."

"I know, Anya." Rhadson flaunted an assuring smile.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top