Nine
Matagal na rin simula nang huli silang nagkita ni Gelo, at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa siyang nagdadalawang-isip bago pihitin ang door knob.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Anya nanng bahagyang binubuksan ang pinto, sapat lamang upang makita si Gelo na matiyagang naghihintay sa labas.
“Narinig ko from Shantel ang nangyari sa'yo. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang,” sagot ni Gelo na may halong pag-aalala ang kanyang tinig. It really sounded like he's really sincere—just like before.
“Ayos lang ako. Buhay na buhay,” maikling tugon ni Anya. “Pero bakit kailangan mo pang pumunta dito? Alam mo namang wala na tayong dapat pag-usapan pa, 'di ba?”
“Alam ko,” sagot ni Gelo habang nagkakamot ng ulo. “Pero hindi ko mapigilang mag-alala bilang kaibigan p dati mong boyfriend? Puwede ba tayong mag-usap sandali?”
Nagdalawang-isip si Anya, pero alam niyang hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan ng biglang pagdalaw ni Gelo. Kaya't binuksan niya nang bahagya ang pinto at pinapasok na ang binata. She also thought that this is a good timing for them to have a proper closure. Isasantabi niya muna ang sama ng loob dahil kahit papaano, gusto rin niyang malaman ang side ni Gelo. She felt that it's still necessary to hear his explanation.
Tahimik sa paligid, at tanging tunog ng maalikabok elisi na electric fan sa loob ang maririnig. Si Gelo na ang unang bumasag ng katahimikan.
“Kumusta ka na?” muling tanong ni Gelo. “Ang daming balita, and I came here to apologize too. Hindi ako nakipag-break nang personal.”
Napaismid si Anya saka sumimsim ng kape. Batid niya na anumang minuto, babagsak na ang luha mula sa mga mata niya.
“Ikaw pala talaga ‘yong nakipag-break? Akala ko nawala lang ang phone mo, or na-hack ka,” malungkot na sambit ni Anya. “Pero sabagay, kung talagang hindi mo naman ginusto ‘yon, lilinawin mo sana, eh. Magpapaliwanag ka pa sana kahit hindi ko nire-request.”
“Napakarami kasing nangyari noong nakaraang mga buwan. Particularly sa career ko,” pag-amin ni Gelo. “Saka wala na akong mukhang maihaharap no'n. Lalo na't ikaw ang tina-target ng mga taong mapanira. At gusto lang kitang protektahan.”
“Kaya mo ako tinatago? Sabagay. Alam ko na rin naman ang consequences ng pakikipag-date sa tulad mo. Pero sana kahit sa huling sandali, nakipagkita ka man lang. Nag-alala ako sa'yo that time. Iyong biglang akala ko, napahamak ka na, tapos out of nowhere, bigla kang makikipag-break?” Naging garalgal ang boses ni Anya at napaluha na nga siya sa sandaling iyon.
“Masyadong naging magulo. Ang hirap i-explain, lalo na kung ‘yong attacker na ‘yon, hindi ko pa rin nahahanap,” sabi pa ni Gelo.
“You mean, may nangyari talaga no'ng hinanap kita tapos bigla na lang akong nakatanggap ng message?” Nabuo muli ang kaba sa puso ni Anya habang tinitingnan si Gelo at alam niya na hindi ito magsisinungaling sa gano’ng kaseryosong bagay.
“Gano’n na nga. After that, hindi na ako allowed na gumamit ng phone ko kaya hindi ako nakapag-text. Hindi rin ako makalabas ng dorm, alam mo naman, for security purposes. Pero hindi ako tumigil na hanapin kung sino ‘yon. Mas kailangan ko lang mag-focus sa mga bagay-bagay,” kalmadong paglalahad ni Gelo. “Anya, gusto ko rin na bigyan ka ng paalala na lagi kang mag-ingat. I think, ito na rin ang huling beses na makikipagkita ako sa'yo at hindi na kita guguluhin. I know na naging masama na ang tingin mo sa'kin, dahil na-ghost kita.”
Anya smiled a bit. Ramdam naman niya ang sinseridad sa mga sinabi ni Gelo. Kanya-kanya na sila ng pinagdaraanan at wala pa siya sa mood na usisain ang nangyari rito. Siguro, mas maigi na respetuhin na lang niya ang confidentiality ng kinakaharap nitong problema na hina-handle na rin ng management.
“Okay. Napatawad na kita. Pwede pa rin tayong maging magkaibigan.” Hindi na nagpatumpik-tumpik si Anya na sabihin ang talagang laman ng kanyang puso.
“Thanks, Anya. It means a lot to me,” nakangiting sagot ni Gelo saka ibinaling ang tingin sa pader kung saan nakapaskil ang poster ng BGYO. Napansin niya na among five members, may frog sticker na nakatakip sa kanyang larawan at sa mukha pa talaga iyon nilagay. Napabunghalit tuloy siya ng tawa.
“Ang cute ko naman d'yan. Kulay green na ang face ko,” puna ni Gelo.
Napasunod na lang din ng tingin si Anya sa tinutukoy ng kanyang ex.
“Naku. Wala lang ‘yan. May bata kasi rito na nagpunta tapos naglalaro sila. Hindi ko napansin na nalagyan nila ng stickers.” Na-activate ang defensive mode ni Anya. Tumayo pa siya para lang takpan ang poster at hindi na pagtawanan pa ni Gelo.
“Hindi ako ang nagtakip niyan pramis! Saka totoo ang sinabi ko, na hindi talaga ako nagalit sa'yo!” sabi pa ni Anya habang naririnig ang dagundong sa kanyang puso.
“Okay. Sabi mo, eh. Kung ano naman ang sinabi mo, ‘yon ang paniniwalaan ko.” Napangiti si Gelo at iginala na lang ang tingin sa paligid. Napansin niya ang lego house na naka-display, which also made his heart flutter. Siguro, may pagtataka si Anya noong makita nito ang laruan na siya pala ang bumili at balak niya sanang iregalo rito. Kusa siyang napangiti.
Ibinalik ni Anya ang tingin kay Gelo at tumindi lang ang dagundong ng puso niya sa nakikita niyang pagngiti nito. Mas lalong naningkit ang mga mata nito at lumalim pa ang biloy sa pisngi. She missed what she's seeing right now. Nothing has changed.
Ngunit napapitlag siya sa narinig niyang pag-ring ng kanyang phone. It's her younger brother again. Nang hindi niya sagutin ang tawag, nagpadala naman ito ng message.
“Ate, pabukas ng pinto, may dala akong gamit. Saka may naiwan pala ako dyan. Lapit na ako.”
“Umalis ka na!” natatarantang utos niya kay Gelo na halatang nagulat sa pagbulalas niya.
Tumayo naman si Gelo. He also started wondering why Anya suddenly became anxious. “Bakit? May problema?”
“Oo. Malaki.” Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Anya at niyakag si Gelo papunta sa storage room ng Playful Dreams. Puro tambak na karton at lumang furnitures ang naroon at mapupuno na rin sa alikabok ang ilan sa mga gamit.
“Dito ka muna! Hindi ka pwedeng makita ng kapatid ko!”
Iniwan nga ni Anya si Gelo, temporarily. Then, mas dumoble ang pagkataranta ni Anya nang makitang sa pagbukas ng entrance door, bumungad na sa kanya si Arturo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top