Forty - Finale

Naguguluhan si Anya at hindi makapaniwala. Inakala niya na maaaring si Rhadson pa nga ang nagpadala nito sa kanya noon. "Ang ibig mong sabihin, ikaw ang nagpadala nito? Kaya pala nagkamali 'yung delivery? Naitago ko pa ang box nito."

Tumango si Gelo. "Oo. Dapat ito sana ang magiging espesyal na regalo ko sa'yo. Pero dahil sa mga nangyari, hindi ko na naibigay nang maayos at hindi na kita na-inform na naiwan ko ang box nito. Gusto ko sanang mag-surprise ka, pero hindi ko na nagawa."

Ngunit hindi lang iyon ang nagpabigat sa dibdib ni Anya. "Gelo, lahat ba ng 'to... lahat ng ginagawa mo, may kinalaman sa pagkatalo ko? Iyong tungkol sa trabaho, yung tungkol sa lahat ng pagkakamali ko?"

"Hindi, Anya," tugon ni Gelo, malumanay. "Wala sa mga pangarap ko ang masaktan ka ulit. Pero sa totoo lang, ikaw ang dahilan kung bakit ko ginagawa lahat ng ito. Kung papipiliin, gusto ko na sana maayos ang lahat. Ang gusto ko lang din, ay 'yong pagkakataon na sana, magka-ayos tayo."

Napaupo rin sa bench si Anya. "Gelo, hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Kasi, kung totoo ang lahat ng sinasabi mo, bakit mo ako iniwan noon? Bakit hindi ka lumaban?"

"Nagkamali ako," sagot ni Gelo, dahan-dahan niyang iniabot ang kamay kay Anya. "Hindi ko alam kung paano. Pero hindi ko na kayang mangyari ulit 'yon. Hindi na kita iiwan ulit, Anya. And just like this lego that will be reunited to where it really belongs, I'm so glad that I'm finally here with you, to where I truly belong."

Tahimik si Anya, ang mata niya ay nakatutok na lang sa lego. She couldn't stare at Gelo in a proper way. The tension was overflowing. Pero sa kabila ng lahat, nararamdaman niyang may katotohanan ang bawat salita.

"Bakit mo ginawa 'yon Gelo? Bakit mo pinili na hindi magsabi ng totoo sa'kin? Iyong heroic act mo bago mangyari 'yong pag-kidnap, bakit hindi mo sinabi? Bakit iniwan mo lang ako no'n?"

"Tinutukan ko ang mga bagay na akala ko ang pinakamahalaga sa buhay ko," sagot ni Gelo na may himig ng pagsisisi. "Pero kung may isang bagay na natutunan ko mula sa lahat ng nangyari, 'yon ay hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko. Kung magsisimula tayo ulit, handa akong lumaban para di na mangyari ulit ang pagkakawalay natin."

Tahimik na nakatingin si Anya kay Gelo. Hindi niya kayang magdesisyon agad. Ngunit may naiwan na pag-asa sa kanyang puso, isang pag-asang kayang burahin ang lahat ng sakit at pagkatalo na naranasan nila noon. Hindi na niya kayang itanggi na si Gelo lang ang nagpabagabag nang ganito sa kanyang damdamin.

"I don't know if I can go back to how things were," sabi ni Anya, pero tumingin siya kay Gelo. "Pero siguro, pwede nga nating subukan."

Dahil doon, hindi na itinago ni Gelo ang ngiti na matagal na niyang pinipigilan. He moved closer and held Anya's hands for a while. "Salamat, Anya."

Kahit hindi pa nila alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap, nagkaroon sila ng pag-asa na muling magsimula. What matters is right now is the love they had.

Habang tumatagal ang kanilang katahimikan, nagpasya si Gelo na maging tapat kay Anya tungkol sa isang bagay na matagal na niyang itinatagong desisyon, about the US project.

"Anya," simula niya. "May isang bagay pa akong kailangang sabihin sa'yo. May pagkakataon akong magtulungan sa isang malaking proyekto sa US. Isang music show na malaking opportunity para sa karera ko."

Nagulat si Anya sa narinig. "US? Gelo, anong ibig mong sabihin? Puwede kang lumipad papuntang America? Hindi ba't naroon na rin kayo dati? That was also your dream!"

Ikinagulat ni Gelo ang reaksyon ni Anya. He expected her to be disappointed but Anya seemed to be cheering and hopeful for his endeavors.

Tumango si Gelo, ngunit hindi niya maiwasang mag-alinlangan. "Oo, pero tatlong buwan nga lang, sa Los Angeles. Hindi ko alam kung anong epekto nito sa atin, pero gusto ko lang sanang maging tapat sa'yo. Hindi ko kayang palampasin, pero... hindi ko rin alam kung paano natin tatawirin ang lahat kung magkakalayo tayo ulit."

Tahimik na tumingin si Anya kay Gelo. Alam niyang mahalaga kay Gelo ang oportunidad, ngunit kahit papaano, nakakaramdam siya ng lungkot sa gano'ng setup. But she trusted him more than anyone else. Kailangan niyang intindihin na ang minahal niyang lalaki ay may gano'ng music and acting career na pinagsasabay.

"Gelo, alam kong kaya ko," sagot ni Anya. "Go to LA, show them who you are!"

Kahit masigla na ang kanyang boses, hindi niya maiwasang mapaluha. Though it was tears of joy, the idea of Gelo being away from her made her lonely. Pero alam niyang kailangan na niyang ilaban ang pagmamahalan nila. Malinaw ang intensyon ni Gelo. After all what they've been through, alam niyang hindi na niya ito kayang pakawalan pa.

Pinunasan ni Gelo ang luha ni Anya. "Saglit lang naman ang tatlong buwan."

Tumango-tango si Anya. "I know."

Nagngitian sila ni Gelo at marahan nitong ipinatong ang kamay sa kanyang balikat. "Anya, hindi kita iiwan. Hindi na. Kung magkalayo tayo, at least magiging tapat tayo sa isa't isa at magkakaroon tayo ng oras para mag-isip.."

Kahit hindi pa sigurado, napagdesisyunan nilang magkakaroon pa ng pagkakataon. Even though they are far apart, their hearts remain connected and they are already inseparable.

Sa ilang saglit pa, inilapit ni Gelo ang kanyang sarili kay Anya. He gazed at her with a calculated look, but in a tensed demeanor. "Can I kiss you?"

Hindi na sumagot si Anya. She just kissed the man she adored, with an evident respect and longing.

***

Ang isang taon pagkatapos ng kanilang madamdaming desisyon na magpatuloy, at nagbunga ng magagandang bagay. Naging matagumpay ang karera ni Gelo sa acting field, at isa sa mga pinakamahalagang sandali ng kanyang buhay ay nang tanggapin niya ang "Best Actor Award" sa isang prestihiyosong award show.

Sa harap ng entablado, habang hawak ang trophy, hindi niya napigilang magpasalamat sa mga tao na naging bahagi ng kanyang tagumpay.

"Una sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa family ko, sa buong team ko, at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin," simula ni Gelo, ang boses ay puno ng pagpapakumbaba. "Gusto ko ring magpasalamat sa mga kasamahan ko sa BGYO—Akira, JL, Mikki, at Nate. Sila ang naging lakas ko sa bawat laban sa industriya na ito. Hindi ko ito magagawa nang wala kayo."

Nag-abot siya ng isang malalim na buntong hininga bago siya nagpatuloy. "At syempre, gusto ko ring pasalamatan ang isa sa pinakamahalaga sa buhay ko— si Anya. Maraming salamat. Hindi ko alam kung paano ko aabot sa mga tagumpay na ito kung hindi kita nakilala, na patuloy na nagbigay sa akin ng lakas, pagmamahal, at suporta. At ngayon, gusto ko na ring i-annouce na... magpapakasal na kami."

Ang mga salitang iyon ay nagdulot ng malalaking palakpakan mula sa mga nanonood. Habang dinadama ang moment sa ibinigay na standing ovation, iginala ni Gelo sa audience ang tingin kung saan matiyagang nanonood si Anya. Mabilis nilang nahanap ang isa't isa.

"Bakit mo sinabi 'yon? Secret nga lang dapat," kunwaring himutok ni Anya pagkatapos ng awarding at nakasakay sila sa iisang van para makauwi.

"So they will know how proud I am that I'm going to marry you," masuyong sambit ni Gelo at hinawakan ang kamay ni Anya. Pinagmamasdan niya ang engagement ring na ibinigay niya rito, eksaktong pagbalik niya galing US.

"This time, hindi ka na makakalayo sa'kin. Even if you disguise yourself like what you did before," halakhak ni Gelo.

Anya beamed and laughed. On the other hand, her toy shop, "Playful Dreams," which had long been closed due to financial problems, has been revived. Ang mga bagong ideya ni Anya para sa mga laruan at pangarap ng mga bata ay muling nagbigay ng pag-asa sa community.

Their love grew stronger as a result, which started when they discussed how they would move forward together.



Wakas.

Michielokim

12/10/24

11:53 AM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top