FLASHBACK #3: Peace Be With You, Please Be With Me

Walang rehearsals si Gelo sa studio kaya sumaglit na naman siya sa Playful Dreams. Naabutan niyang busy na naman si Anya sa pag-aayos ng mga laruan sa estante bago ito magbukás. He can really see the sincere enthusiasm within her. Hindi niya kayang ilayo rito ang passion nito sa pagpapasaya ng mga bata.

Kumatok siya ng tatlong beses ngunit hindi siya nito pinagbuksan. Paniguradong malakas na naman ang speakers sa loob kaya hindi nito marinig ang pagkatok niya mula sa labas. He decided to call her, hindi rin ito sumagot. Baka nailapag na naman nito sa mesa ang phone.

All he had to do is to wait patiently. Habang naghihintay, nakita niyang may babaeng umaaligid at nagtatago sa hindi kalayuan. Nakapwesto ito sa likod ng malaking puno at kakaiba ang nakikita niyang ekspresyon sa mga mata nito habang nakatuon sa kinaroroonan niya. That woman seemed familiar. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ito. May isang beses na sigurong nakasalubong niya ito at hindi iyon maituturing na coincidence. Suspicious.

Nagkunwari na lamang si Gelo na hindi niya napansin ang nagtatagong middle aged woman. Sumandal siya sa pinto sa loob ng tatlong minuto.

Sa kabilang banda, ch-in-eck ni Anya ang phone niya para tumingin ng oras. Nakita niyang may missed call si Gelo. Bigla niyang naalala na ngayon pala ang araw na sinabi nitong bibisita, before doing his errands. Hindi niya narinig ang pag-ring ng phone dahil sa lakas ng speakers. Nakasanayan niyang makinig ng radyo kapag Linggo dahil puro throwback songs ang gusto niyang marinig.

"Baka nandyan na siya," excited niyang sambit at nang buksan ang pinto, bumulaga nga si Gelo na nawalan ng balanse at natumba. Nahigaan siya nito!

"Aray!" Napangiwi si Anya habang mas dinadama ang kabigatan ng binata. She couldn't move. Naramdaman niyang nagkagalos siya sa siko.

Gelo on the other hand tried his best to get up easily. Iginulong niya ang sarili paharap kay Anya at eksaktong nagtama ang paningin nilang dalawa nang makapihit na siya nang paharap. He beamed for a while.

"Ang ganda," was the only words he could say while looking at her.

"Huh?" Umiwas ng tingin si Anya at agad na tumayo. Hindi niya alintana ang ingay ng speakers at ang sakit ng katawan niya dahil sa pagkakabalagbag kani-kanina lamang.

"Maganda 'yong music. Upbeat." Pagak na tumawa si Gelo at pinagpag ang sarili nang makatayo na rin.

"Iyan ba? Hindi ko alam 'yong title niyan. Radyo 'yan, eh." Napakamot-ulo si Anya. Nag-assume pa naman siya na siya ang tinutukoy ni Gelo na maganda. Na-hopia siya ro'n.

"Huwag kang magsasalita, okay?"

Pinakatandaan ni Gelo ang lyrics na narinig. Gano'n din naman ang method ni Anya para malaman ang title ng kantang gusto nitong malaman, kaya nga pati ang kanta ng grupo nila ay natunton nito nang walang kahirap-hirap.

"Your kiss is on my list. Because your kiss, your kiss-I can't resist," banggit ni Gelo sa eksaktong lyrics na narinig niya, while staring at Anya, as if he's implying something else.

Napadilat tuloy ang mga mata ni Anya at napaatras. Is Gelo trying to tease her?

Umiling si Gelo nang putulin niya ang eye contact nilang dalawa. Agad din niyang s-in-earch sa YouTube ang kantang naririnig hanggang ngayon.

"Ah. Alam ko na ang title." Nagpakawala ng nakakalokong ngiti si Gelo at saglit na sumulyap sa labas. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala na ro'n ang babaeng creep. Ilang saglit pa ay isinara niya ang pinto at binuksan naman ang ilang bintana.

"Bakit mo sinara?" Nagkunwaring clueless si Anya. Pero kaya ba niyang lokohin ang sarili na gusto niya itong thrill na nadarama ngayon? Pareho silang conservative at kahit kailan, hindi naman sila naging gano'n ka-intimate sa isa't isa. Bukod pa ro'n hindi naman sila palaging nagkikita dahil pareho silang busy. Pwede na nga silang ituring na LDR couple na parang hindi.

Kumunot ang noo ni Gelo at natawa lang kay Anya.

"Anong iniisip mo dyan? Ikaw huh? Linggo na Linggo at ang aga pa," Gelo teased. Hangga't sa naisip niyang sabayan ang naririnig niyang awitin sa radyo.

"Because your kiss, your kiss is on my list!"

Saka lamang natauhan si Anya nang marinig ang pag-awit ni Gelo hahang nagpipigil ng halakhak. Ipinakita rin nito ang phone.

"Kiss On My List by Daryl Hall & John Oates. Iyan ang title."

"Ah." Parang nakaramdam ng kahihiyan si Anya nang sandaling iyon. Pineke niya ang pagtawa at dumistansya na lamang.

"Ang mabuti pa, manood tayo ng misa. Maaga pa, may live stream pa 'yan sa online. Para hindi ka nag-iisip ng kung ano," suggest ni Gelo at in-off ang radyo. Pinatapos niya muna ang kanta bago iyon gawin.

Anya agreed. Nag-stream nga sila ng live Sunday mass ng isang cathedral at sumusunod din sila sa dapat gawin kahit nanonood lamang. At sumapit na ang pagbibigay ng peace sa isa't isa, na agad namang ginawa nilang dalawa.

"Peace be with you," sabi ni Anya.

"Peace be with you," tugon ni Gelo.

Nang matapos ang streaming ng mass, napagpasyahan nilang mag-usap ulit. Pero hindi agad nagsalita si Gelo. He was just a amazed while looking at Anya. She's obviously feel at ease as long as she's with him. Parang sa part na 'yon, panalo na kaagad siya.

"Anya?"

"Bakit? Okay ka lang?"

"Sabihin mo nga ulit ang 'peace be with you?'"

"Huh? Okay." Napangiwi si Anya bago sabihin ang phrase na iyon.

"Peace be with you, Gelo."

"Please be with me."

Nagtawanan silang dalawa na parang mga batang may mababaw na kaligayahan.

"Ang witty mo do'n," hirit ni Anya.

"Nagiging witty ang tao kapag nagmamahal." Lumapit nang maigi si Gelo at hinawakan ang kamay ni Anya.

"Thank you, Anya."

"Mas dapat akong magpasalamat." Umabot na yata sa tainga ang ngiti ni Anya at siya ang lumapit kay Gelo para yakapin ito kahit saglit lang.

"Gelo?"

"Ano 'yon?" masuyong tanong naman ni Gelo.

"Kung hindi ka naging idol, may iba ka pa bang gusto? I mean, sa career. Sigurado ka na ba na gusto mo talaga na maging performer?" Hinarap ni Anya si Gelo at tiningala ito nang bahagya, just exactly when she stopped hugging him.

"Siguro mag-aaral ng business related course? Magiging corporate employee? Hindi ko rin sure," matapat namang sagot ni Gelo. "Pero kahit ano pa ang mangyari sa'kin, okay pa rin basta makilala lang kita. Kahit ano pa ang maging profession ko."

Gelo let out an admiring smile as he slowly gazed at Anya. "Ikaw ba? Ano pa bang ibang pangarap mo bukod sa akin?"

Naningkit ang mga mata ni Anya saka umiling. "Napaka-assuming mo. Ikaw? Pangarap ko talaga?"

"Sabagay. Naabot mo na ako, hindi na pala ako kasama sa pangarap mo ngayon," Gelo smirked.

"Okay, sige. Honestly, hindi ko alam. Pero gaya mo, basta kasama kita, okay na okay pa rin naman ako. Pero, paano kaya kung hindi tayo 'yong magkatuluyan, ano? Kasi, ako-ang gusto ko talaga, 'date to marry'. Kung hindi naman mapupunta sa kasalan, ano pang point nitong ginagawa natin? Basta gano'n naman talaga ang gusto ko," straightforward na sagot ni Anya saka biglang napatakip din ng bibig, upon realizing the intent of her words.

"Wait, don't get me wrong. Hindi ako nagpapahiwatig na gusto kong maikasal sa'yo or what. Sa ngayon okay pa naman ako sa ganito," Anya quickly clarified. Baka kasi kapag hindi naman tugma sa gusto niyang marinig ang sasabihin ni Gelo, tiyak lang agad ang kanyang pagkadismaya.

"When the right time comes, pakakasalan kita." Gelo gently patted her head. The glisten within his eyes are more visible. "Pangako."

"Sure na ba 'yan?" Napayuko si Anya para itago ang kilig na naramdaman sa sandaling iyon. Pati pagngiti ay pinipigilan niya rin.

"Yup. Wala nang bawian." Gelo beamed once more.

"Okay. Kapag hindi natuloy 'yon, baka papasok na lang ako ng kumbento," biro na lang ni Anya at sa wakas, napangiti na rin siya at iniangat ang tingin kay Gelo.

"Hindi ka papasok ng kumbento kaya naman, hintayin mo ako, please?" pakiusap ni Gelo.

"Kahit gaano pa katagal."

Love is the only thing they know at that moment. Batid nilang walang makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa. Little did they know, that was just an aspiration.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top