Eleven

Sa kabilang dako, si Gelo naman ay nagmamadaling sumakay sa nakaabang na tinted car. Bago pa man tuluyang makalayo, tumingin siya pabalik sa Playful Dreams at nangakong hindi na muling ilalagay sa panganib si Anya. Kung kailangang brasuhin ang mga hindi kilalang kaaway, gagawin niya pa rin basta sa mapayapang paraan.

"Salamat, Akira," sabi ni Gelo sa kanyang kasama sabay hinga nang malalim.

"No worries, bro. Gano'n talaga, lie-low muna," tugon ni Akira habang pinapataas ang volume ng radyo upang makalimutan ang nangyari kanina lang saka sinulyapan si Gelo. Ngunit ilang saglit pa ay tila may naamoy siya sa loob ng sasakyan na hindi kaaya-aya.

"Bro? Anong nangyari? Parang amoy basura ka. Literal," mapang-uyam na puna ni Akira habang umiiling.

"Uhm- kumarambola ako sa basurahan. Iyon ba 'yong sinasabi niyang napatawad niya ako at wala siyang hinanakit? Grabe," frustrated na sagot ni Gelo saka naghalungkat ng pabango sa bag. "Pasensiya na, Aki."

"Well, hayaan mo na. Naiintindihan ko naman siya," sagot pa ni Akira.

Matapos mag-spray ng pabango, biglang kinapa ni Gelo ang bulsa ng pantalon. Then, he realized that his wallet went missing.

"Hay naku!"

Kumunot ang noo ni Aki at pinakatitigan si Gelo sa rear view mirror ng kotse. "Anyare?"

"Nawawala ang wallet ko," tugon ni Gelo. "Baka nahulog ko kung saan."

"Baka nando'n sa shop ni Anya. Kung tama ako, eh 'di magkakaroon ka na ng dahilan para mabalikan 'yon doon." Patawa-tawa na lang si Akira.


***


Samantala, sa loob ng Playful Dreams, nanatiling tahimik si Anya habang nililinis ang mga kalat sa bodega. She sorted all things-until she sort all of her own thoughts too. Pinili niya ang dapat itapon na mga gamit at pilit na binabalik sa kaayusan ang lahat. Ngunit sa kabila ng ginagawa niyang pag-abala sa sarili, hindi pa rin siya mapakali. Iniisip niya kung paano maiiwasan ang muling pagkakahuli ni Arturo tungkol kay Gelo. She wanted to be proud that she's Gelo's ex, pero hindi niya naman masisi ang disappointment ni Arturo. Ngayon niya lang din naramdaman na talagang concerned sa kanya ang kapatid.

Habang nag-aayos, naalala niya ang mga masasayang araw nila ni Gelo. Ang mga simpleng sandali ng tawanan at kuwentuhan, ang mga plano nila para sa hinaharap na ngayon ay tila lumabo dahil sa differences nilang dalawa at sa mga bagay na wala naman silang kontrol at hindi nila kasalanan.

Naiiling niyang kinaladkad ang panibagong garbage bags para ilagay sa likod, sa bandang exit door kung saan niya pinagtabuyan si Gelo. Parang binagyo ang area dahil kalat-kalat na ang mga basura. Napaisip tuloy siya sa sandaling iyon. Baka na-offend si Gelo sa ginawa niyang pagtulak kanina. Bigla tuloy niyang binitawan ang hawak na garbage bag.

"Tawagan ko kaya siya?" Mabilis na kinapa niya sa bulsa ang phone ngunit agad naman siyang sinampal ng matinding realization kaya ibinalik niya ang phone sa bulsa at inayos na lang ang mga basura. Bago niya mailagay lahat ng bagay, tumambad sa kanya ang nabulok na mansanas at puno ng uod. Bigla siyang naduwal sa nakita kaya mabilis niyang ginawa ang pagliligpit. Hangga't sa nakita niya ang isang black wallet na obviously, hindi siya o si Arturo ang nagmamay-ari.

"Wala namang dumaraan na customer sa exit na 'to. So imposibleng customer ang may'ari." Wala siyang choice kundi buksan ang wallet at i-check ang mga laman sa loob. Surprisingly, Gelo's IDs and cards are stored inside, at may pera pang laman sa loob.

"Nahulog 'to nang itulak ko siya," she assumed with a sudden guilt. "Kasalanan ko ang nangyari. Paano kung nag-aalala na pala siya sa paghahanap? Mabuti pang tawagan ko na lang siya."

Muli niya sanang kukunin ang phone ngunit bigla na naman siyang natauhan.

"Kasasabi niya lang na wala siyang phone after noong insidente. Baka nag-iba na rin siya ng number. Itu-turn over ko na lang 'to kay Shantel. Bahala na siya," paismid niyang sambit sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top