PINAGPALA
Marami kang pinapasan sa buhay
Minsan ninanais mo nang humimlay
Hindi mabilang na mga gawain sa bahay
Kahit pa man na 'di ka pa isang nanay.
Nang titigan mo sa salamin ang sarili
Pag-iimbot—sadyang hindi maikukubli
Mga katangiang sa iyo ay wala
Pakiramdam mo'y iniwan ka ng madla.
Nangyaring nadapa ka sa pasilyo ng paaralan
Akala mo'y may isang guwapong sasalo, at ika'y tutulungan
Ngunit panunukso lamang ang inabot mo
Dahil sa Wattpad lang pala ang mga nababasa mo.
Kaibigan, sulyapang muli ang iyong sarili
'Di ba't ikaw ay maganda at nakabibighani?
Hindi hamak na matalino ka pa at talentado
Hiling kong 'di ka sasaktan ng lalaking tarantado.
Malas—iyan ang hinuha mo minsan sa iyong katauhan
'Di mo ba alam na ika'y tulad ng ulang sa tagtuyot ay inaasam?
Magagalak kang lubos sa mga pighating iyong naranasan
Sapagkat ang Diyos ang gagawad ng ligayang walang hanggan.
***
"Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit."
-Mateo 5:3
Alay kay ALIENRAIN_18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top