Chapter 9

NANG umuwi si Jethro sa condominium ay lasing na lasing siya. Si Lorenzo na nga ang nag-drive ng kotse para sa kanya. Sa kabilang banda naman ay hinihintay siya ni Pzalm.

Tinulungan ni Lorenzo na maka-akyat si Jethro kung saan nandoon ang unit ni Jethro. Pagbukas ni Pzalm ng pinto ay gulat na gulat siya sa nakita.

"H-Hala, anong nangyari? Halika dito, i-upo mo siya dyan sa sofa at ikukuha ko siya ng bimpo at tubig," nagmadali si Pzalm na kunin iyon.

Pagbalik niya ay umupo siya sa tabi ni Jethro saka kinausap si Lorenzo tungkol sa nangyari sa kanyang fiancée.

"B-Bakit siya nagpakalasing?" nag-aalalang tanong ni Pzalm kay Lorenzo.

"May party kasi iyong isa sa mga kaibigan namin kaya napasugod kami doon. Dapat talaga, kami lang na dalawa ang mag-iinom kaso dumayo pa kami sa kabilang bar dahil may party nga," pagsisinungaling ni Lorenzo.

Ang totoo naman kasi, nagpakalasing talaga si Jethro dahil gusto niyang hindi maisip na si Sven pa rin ang mahal ni Pzalm hanggang ngayon.

"A-Ah, sige. Ako na ang bahala sa kanya. Salamat sa paghatidkay Jethro. Pahinga ka na rin at alam kong hinahanap ka na ni Ivy ngayon," sabi ni Pzalm habang pinupunasan ng bimpo ang kanyang fiancée.

Tumango naman si Lorenzo at ngumiti kay Pzalm saka umalis.

Pagka-alis ni Lorenzo ay tahimik na tiningnan ni Pzalm si Jethro. Sa limang taon nila, ngayon lang napagmasdan ni Pzalm ng ganito si Jethro.

They are best friends before, pero hindi niya napapansin ang mga detalye sa mukha o katawan ni Jethro. Ang tanging napapansin lang niya ay ang dimples nito kapag nakangiti.

Hindi niya napansin na may nunal pala ito sa cheeks, wala ring bakas ng pimples ang mukha niya. Sa kamay naman, mahaba pala ang arms nito at maputi. Napangiti tuloy si Pzalm dahil dito.

Habang pinupunasan niya si Jethro ng bimpo ay nagising ito. Agad na ngumiti ito kay Pzalm dahil sa labis na kalasingan saka nagsalita.

"W-Why?" tanong bigla ni Jethro at amoy na amoy ni Pzalm ang alak na ininom niya.

"What? Do you need anything, babe?" tanong ni Pzalm, tinigil muna nito ang pagpupunas ng bimpo kay Jethro.

"W-Why do you love, me?"

Dahil doon ay napa-ayos ng upo si Pzalm saka tiningnang maigi si Jethro. Naguguluhan siya sa tanong pero sinagot pa rin niya ito.

"I love you because you love me. Mahal natin ang isa't isa, Jethro," mahinang sagot ni Pzalm at ngumiti ito sa kanyang fiancée.

"I-Is that it? Mahal mo ko kasi mahal kita? P-Paano kung hindi kita mahal? Hindi mo rin ako mahal?" tanong ni Jethro na ikinagulat ni Pzalm pero hindi niya pinahalata.

"H-Hindi naman ganoon, noon pa lang naman mahal na natin ang isa't isa. Simula noong highschool tayo, di ba? Tanda mo pa ba 'yon?" pilit na binago ni Pzalm ang topic dahil hindi niya kaya ang mga sinabi ni Jethro sa kanya.

"Oo naman, mahal na mahal kita. Simula noon, hanggang ngayon ay mahal kita. Pero, bakit?"

"Bakit ano, Jethro?" tanong ni Pzalm na naguguluhan.

"Bakit na kay Sven ka pa rin? Ilang taon na ang nakalipas, pero siya pa rin. Hindi ka pa tapos sa kanya, Pzalm."

Halos hindi nakagalaw si Pzalm noon, agad siyang tumayo at pumunta sa comfort room. Nilapag niya ang bowl of water at bimpo sa sink at doon na tahimik na umiyak.

Hindi niya sukat akalain na sa limang taon nila, iyon pala ang iniisip ni Jethro. Ngayon niya lang nalaman na nasasaktan pala ito lagi dahil sa kanya.

Gaano na katagal niyang iniisip iyon? Bakit hindi ko nakita na ganoon na pala ang nararamdaman niya? Ang tanga-tanga ko, wala akong kwenta.

Nang matapos na siyang umiyak ay agad na siyang bumalik sa sala para tingnan si Jethro, niligpit na rin niya ang bowl at bimpo na ginamit niya. Tahimik na natutulog na si Jethro sa sofa kaya tiningnan niya ulit ito nang malapitan.

I'm sorry, my love. I'm sorry if you felt that way. Hindi ko alam, hindi ko naramdaman na nasasaktan ka na pala. Ganoon ka ba kagaling magtago? From now on, I won't let you feel the pain. I love you.

She kissed his forehead. Dahil nga hindi naman niya kayang buhatin si Jethro papunta sa kwarto ay naglatag na lang siya ng kutson sa sala para kahit papaano ay magkasama pa rin sila ni Jethro.

That night, she cried silently again dahil baka marinig siya ni Jethro at magising ito. Inisip niya kung gaano kalalim na ang sugat na tinatago ni Jethro sa loob ng ilang taon.

She keeps on saying "Sorry Jethro" pero walang nakakarinig noon. Hanggang sa nakatulog na siya sa sobrang pag-iyak.

Pagkagising ni Jethro kinabukasan, nakita niya na nakahiga si Pzalm sa sahig at kutson at kumot lang ang meron ito. Agad siyang napabalikwas dahil na-realize niyang nasa sala silang dalawa ngayon.

Ginising niya si Pzalm para tanungin kung bakit doon sila naulog kagabi. Dahil sa gulat ay napabalikwas rin si Pzalm at ang unang ginawa nito ay tiningnan si Jethro kung ayos ba ang pakiramdam nito.

"Babe, why are we sleeping here? Okay ka lang ba dyan?"

"Good morning Jet, okay ka na? Lasing na lasing ka kagabi ah," she smiled as if hindi siya umiyak kagabi.

"I'm sorry babe, hindi ko sinasadyang malasing. B-Bakit nga pala dyan ka na natulog? Dapat, ginising mo ko para nakalipat tayong dalawa sa kwarto," sabi ni Jethro na nahihiya kay Pzalm dahil sa sobrang kalasingan.

"Hindi mo na nga kinaya to the point na nakatulog ka na sa sofa. Okay lang, babe. I enjoyed sleeping here," sagot ni Pzalm at tumayo na.

Nagluto siya ng breakfast para sa kanilang dalawa. Bacon and eggs, bread and coffee. Nagulat tuloy si Jethro dahil doon.

"H-Hala, nilutuan mo ko ng breakfast? Hindi mo naman ginagawa 'yan sa akin sa limang taon natin ah," kinikilig siya pero nalilito rin sa kinikilos ni Pzalm.

"Sa limang taon din natin, ngayon lang kita nakitang lasing na lasing. Baka kapag nagluto ka ngayon, masunog pa kaya ako na lang ang magluluto for us. Kaya ko naman," sagot ni Pzalm sabay ngiti.

They ate breakfast together at binalikan din nila ang ligawan stage nila noon. Kitang-kita ni Pzalm kung gaano kasaya si Jethro sa tuwing sila ang topic nilang dalawa.

"Mahal na mahal mo ako, 'no? Darating kaya iyong araw na titigil ka sa pagmamahal mo sa akin, Jet?" biglang natanong ni Pzalm, kaya naman inubo si Jethro at muntik na nitong mabuga ang kape na iniinom.

Nang maayos na niya ang kanyang sarili ay saka siya sumagot kay Pzalm.

"Sa tingin ko, titigil lang ako sa pagmamahal sa'yo kapag sinabi mo sa akin mismo na itigil ko na 'to."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top