Chapter 7

NANGINIG ang buong katawan ni Pzalm nang makita niya ang kanyang ex-boyfriend. Lumunok siya para gisingin ang sarili dahil baka mapansin din siya ni Jethro. She forced to smile then welcomed him in a greeting.

"Oh, ikaw pala 'yan, S-Sven. Kamusta ka na? Well, I heard that you went back here a few days ago. Tama ba?" sabi ni Pzalm, trying not to sound that awkward.

"Y-Yes, kamamatay lang kasi ng asawa ko last week. We have to move back here for a fresh start," sabi ni Sven pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang anak.

"Oh, yeah. I heard that too. Condolences to your family," sabi ni Pzalm.

"God bless you, hindi kasi pwedeng magpa-salamat," sagot naman ni Sven.

Ngumiti si Pzalm at tiningnan ang anak ni Sven, halata niya na ang mga mata nito at labi ay nakuha sa ama niya. Ang sakit ng puso niya noong ma-realize na kaharap niya ngayon ang dahilan kung bakit nawala si Sven sa piling niya.

"I-I guess, this beautiful girl here is your daughter. Ang kulit niya, sinundan kami ni Angelo kanina kaya wala na akong nagawa kundi isama siya," nakangiting sabi ni Pzalm.

"Naku, pasensya ka na sa anak ko. Hindi pa kasi alam ang mga lugar dito kaya excited pa at kung kani-kanino nasama. Buti na nga lang at sa iyo pala sumama," sagot naman ni Sven na nahihiya sa ginawa ng kanyang anak.

"Naku, ayos lang. Next time, ipaalaga mo na sa nanny kasi mukhang mahihirapan ka at makulit na," sabi naman ni Pzalm.

"Oo nga, anyways, magkano nga pala ang binili niyo na ice cream? Para bayaran ko," Sven offered.

"Naku, huwag na. Take it as my gift sa pagbabalik mo dito sa Pilipinas. Anyway, we got to go. Ingat kayo, Sven. See you around," sabi ni Pzalm at ngumiti ulit.

Si Angelo at KC naman ay nag-wave good bye na sa isa't isa. Naiwan sina Sven at Raven na tulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Nang nahimasmasan ay hinarap na niya ulit ang anak, lumuhod siya para magkalebel sila at saka siya nagsalita.

"My baby, don't ever do that again. What if they are bad people? I can never lose you, KC. Never," may pag-aalala niyang pinagsabihan ang anak.

"But daddy, Angelo is kind. He gave me this," sabi ni KC at tumingin sa tinutukoy niya, isa itong bracelet pagkatapos ay bumalik ang tingin sa daddy niya at ngumiti.

"Kira Cyrille, most of those kind people are the bad ones. They are masked with kindness only to deceive you in the end," pangaral ni Sven sa anak.

"Really, daddy? So, Tito Raven is just pretending to be kind? Is that it?" tanong ng anak ni Sven sa kanya.

Dahil dito, pinandilitan ni Raven ang kaibigan para sabihin ni Sven sa anak na hindi naman magkatulad iyon ng aitwasyon.

"Oh, no. What I mean is, we don't know who's Angelo, right? Tito Raven was a friend of Daddy Sven a long time ago. So, I trust him so much."

"I know Angelo-" hindi na nakapagsalita ang bata dahil sumagot agad si Sven sa kanya.

"We got to go, KC. Soon, you'll realize what I'm saying. Okay? Let's go home."

His father looked at his only child with a hint of concern and then Sven kissed her forehead after. Napasimangot naman si KC dahil sa sinabi ng ama.

Kinuha na nila ang lahat ng pinamili at nilagay sa kotse. Pagkatapos ay binuhat na ni Sven ang anak papasok sa loob. Si KC naman ay inuubos pa rin ang ice cream na binili ni Pzalm para sa kanya.

Si Pzalm at Jethro naman ay nakasakay ngayon sa kotse, tahimik lang ang dalawa habang si Angelo ay naglalaro ng kanyang toy truck.

"S-Saan mo gustong kumain? Mas okay yata kung sa McDonald's na lang kasi kasama natin si Angelo," sabi ni Pzalm.

"Sige, drive-thru na lang siguro tayo, 'no?" sagot naman ni Jethro sa kanya.

Ngumiti si Pzalm at tumango, nanahimik na lang ulit sila pagkatapos noon. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya na nagkita sila ni Sven kanina.

Nang makarating na sila sa McDonald's drive thru ay nag-order na lang sila ng chicken burger at softdrinks tapos kay Angelo naman ay one piece chicken. Habang nakatigil para kumain ay kinausap siya ni Jethro.

"Kanina ka pa tahimik ah. Bakit? May gumugulo ba sa isip mo?" tanong niya habang nanguya ng chicken burger.

"W-Wala. May iniisip lang ako tungkol sa PFB Express. Alam mo naman na ang daming work load noon," pagsisinungaling naman ni Pzalm.

"Ah, oo nga. Pag-uwi natin, balik trabaho na naman tayo. Kapatid ko na nga lang ang pahinga natin. Haynaku, salamat talaga kasi dumating ka sa buhay ko. Simula noong dumating ka kasi, mas napalapit ako kay Angelo," sabi ni Jethro sabay ngiti kay Pzalm.

"Ang suplado mo naman kasi noon sa kapatid mo. Well, alam ko naman na malaki ang gap niyo sa isa't isa pero dapat may bonding pa rin kayo kahit paano," sabi naman ni Pzalm tapos uminom ng softdrinks.

"Ay, oo nga pala. Matagal mo na bang alam na uuwi si Sven sa Pilipinas?" tanong ni JEthro na nagpatigil sa mundo ni Pzalm.

Halos isang minuto rin siyang nag-isip ng isasagot sa kanyang fiancée.

"Sinabi lang sa akin noong isang araw ni Leigh. Biglaan nga, kasi namatay daw iyong asawa niya," mahinang sagot ni Pzalm pero sapat na para marinig ni Jethro.

"Ah, hindi ka naman magba-back out sa kasal di ba?" seryoso ang tono ni Jethro kaya nagulat si Pzalm.

"W-Why would I do that? Ikaw, kung anu-ano iniisip mo ah!" sagot ni Pzalm sabay hampas kay Jethro sa braso.

"Uy, joke lang naman 'yon. Alam kong moved on ka na sa first love mo. Huwag ka na mang hampas kasi masakit eh!" sabi naman ni Jethro habang nakangiti kay Pzalm.

"Tigilan mo ko ah, ang tanda na natin para sa selos effect na 'yan. I already said yes to your marriage proposal. I think, that's enough proof para malaman mong mahal kita."

Those are only words. Alam ko, noong nakita mo siya kanina ay siya pa rin ang mahal mo. Pero hindi mo na pwedeng gawin iyon kasi nandito na ako.

"Oo nga naman, enough proof na nga 'yon. I love you," pagsisinungaling ni Jethro.

"I love you, too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top