Chapter 6

 PAGKATAPOS magbayad ay nagmadali si Sven sa paglalakad niya at taking-taka si Raven dahil doon.

"Bakit, pare? Anong problema mo? Huwag mo namang bilisan," sabi ni Raven na halos hindi na siya marinig ni Sven dahil sa pagmamadali nito.

Pumasok na sa grocery store si Sven at kumuha ng cart doon. Hindi pa rin niya pinapansin si Raven nang bigla na lang siyang pinatigil nito para kausapin.

"Huy, ayos ka lang ba? Ano bang meron? Kanina ka pa ah, pinapagod mo na ako," reklamo ni Raven.

"May listahan ka ba? Akin na, para mabili na natin lahat at mabalikan na natin ang anak ko doon," sabi naman ni Sven.

"H-Ha? Bibilisan? May paligsahan ba?" tanong pa rin ni Raaven na wala pa ring kaalam-alam sa mga nangyayari.

Pumunta si Sven sa isang side ng grocery store kung saan walang tao parang walang makakarinig sa usapan nila.

"Ano ba kasi 'yon?" bulong ni Raven.

"M-may anak na ba si Pzalm?" biglang tanong ni Sven.

"H-Ha? Bakit naman natanong mo 'yan?" gulat na sagot ni Raven sa kaibigan.

"N-Nakita ko sila sa kid's place kanina. May kasamang bata, tapos hinalikan niya yung lalaki sa pisngi," pag-amin ni Sven.

"H-Ha? Bakit hindi ko naman nakita kanin 'yon? Baka naman na malikmata ka lang kasi iniisip mo siya?"

"Hindi, siya talaga 'yon. Alam kong ilang taon na akong nawala pero pagdating kay Pzalm, kahit nakatalikod siya, alam kong siya 'yon," pagpipilit ni Sven.

"Ah, bakit? Mahal mo pa ba? Well, alam ko kasi ay engaged na siya, pero hindi ko nalaman kung buntis siya. Wala namang nabalita na ganoon sa akin," kwento ni Raven.

Halos hindi makapagsalita si Sven dahil sa nalaman. Alam naman niya sa sarili na nakamove-on na siya sa ex-girlfriend niya pero hindi niya maintindihan kung bakit may kirot sa puso niya noong nalaman niyang engaged na ito.

"Engaged? Wow, congratulations to her,' may lungkot sa tono ng pagsasalita niya at kinuha na ang cart sabay lakad. Hinabol naman siya ni Raven para kausapin.

"Hala, nagseselos ka ba? Hindi ba't ikaw naman ang may dahilan kung bakit wala na kayo ngayon? Ginagago mo siya," sabi ni Raven na walang takot.

"Tigilan mo na nga, bilhin na natin ang dapat bilhin para maka-alis na tayo dito," sagot naman ni Sven.

"Hindi pare, eh. Dapat harapin mo 'yan, lalo na ngayong nandito ka sa Pilipinas at sure na makikita mo ulit siya. Dapat, i-solve mo 'yan," payo ni Raven.

Doon na niya naisip ang pagkakamali niya kay Pzalm noon, kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya iyon nakakalimutan. Kapag binabalikan niya, iba iyong sakit na dulot.

"Ikaw?! Bakit ka nandito?!" gulat na sabi ni Sven.

"Aba, hindi ko alam sayo. Ako ang hinila mo kagabi ah? Nakita ko na lang, hinahalikan mo na ako. Lasing na rin ako noon kaya bumigay na ako, malay ko ba kung nagkamali ka pala ng babaeng dinampot!" sagot naman ni Kiera Amore nang pasigaw.

Halos gusto na lang ni Sven na lamunin siya ng lupa para mawala na siya. Hindi niya akalain na sa isang pagkakamali lang, magbabago ang buhay niya.

Iniwan niya si Pzalm nang walang paliwanag. Sumama siya kay Kiera Amore sa Switzerland dahil kailangan, nabuntis niya ito nang hindi sinasadya. Magagalit kasi ang parents nito sa kanya kapag hindi niya ginampanan ang pagiging ama niya sa bata.

"Halika na nga, kung anu-ano pang sinasabi mo dyan eh baka hinihintay na tayo ni KC doon," sagot niya, pilit na binubura sa isipan ang naalala.

Nagsalita pa si Raven pero hindi na iyon malinaw sa panrinig ni Sven. Kumuha na lang siya nang kumuha ng nakikita niya sa daan, basta alam nilang kailangan ni KC iyon ay kinukuha niya.

"Hoy, ang dami niyan ah, hati na tayo dyan!" sabi nni Raven dahil sa dami nang binili ni Sven.

"Oo, hati naman tayo dahil para sa anak ko ang mga binibili ko, seryosong sagot ni Sven.

Nang matapos nila ang pagbili ng grocery at ang mga kailangan ng mag-ama sa bahay ay binalikan na nila sa kid's place si KC.

Gulat na gulat si Sven nang makita na wala ang anak sa palaruan. Agad niyang tinawag sa labas si Raven para sabihin na nawawala ang kanyang anak.

"Raven, nakita mo ba sa labas si KC?" nag-aalalang tanong niya.

"H-Hindi, hindi mo ba nakita sa loob? Tingnan mo pa, baka hindi mo lang napansin gawa ng madami kasing bata sa loob?" sagot naman ni Raven.

Hindi na nagsayang ng oras si Sven at pumasok ulit sa palaruan para hanapin ang kanyang anak. Nang hindi talaga niya mahanap ay tuluyan nang gumuho ang mundo niya. Parang may mabigat na dumagan sa puso niya, sobrang sakit dahil sa kaba.

"Wala, wala talaga si KC sa loob!" sigaw ni Sven na nagpa-panic na.

Agad na tumulong si Raven sa pamamagitan ng pagtatanong sa cashier at sa mga taong nadaan doon. Pinakita niya ang picture ni KC sa lahat ng taong makasalubong niya.

Nang bumalik si Sven sa labas para tanungin ang kaibigan kung nakita na niya ang anak sumenyas ito na wala pa rin siyang nakikita. Lalong hindi napalagay si Sven, lumuhod na siya sa harapan ng mga tao at umiiyak habang hawak-hawaka ang kanyang ulo.

"Pare, chill lang. Mahahanap din natin ang anak mo. Huwag kang mag-alala," pagpapakalma ni Raven sa kaibigan.

"Pare, ganoon na ba ako kawalang-kwenta? Nawala ang anak ko dahil sa kapabayaan ko?" tanong ni Sven, naiyak pa rin siya ngayon at naka-upo sa sahig ng mall.

Hindi na nakasagot si Raven dahil hindi niya rin alam kung ano pang salita ang kailangan na marinig ng kaibigan niya ngayon. Alam niyang hindi pa siya nagiging tatay kaya wala siyang karapatan magsalita. Hindi niya pwedeng pakalmahin na lang ang kaibigan dahil anak iyong nawawala, hindi naman kung anong bagay lang.

Ilang minuto pa ay narinig nila ang isang sigaw mula sa isang bata. Nakita nila si KC na may dala-dalang ice cream.

"Daddy!" lumapit agad si KC kay Sven.

Nang makita niya ang anak ay labis ang ngiti sa labi niya, hindi niya rin naiwasan na hindi umiyak dahil sa tuwa at nawalan ng kaba ang puso niya.

"Anak, where did you go?" tanong ni Sven habang hinahawi ang buhok ng anak.

"We bought ice cream, daddy! W-Why are you crying?" sabi naman ni KC.

"We? Who's with you? Well, I'm crying because I thought I lost you," sagot naman ni Sven pakatapos ay hinalikan sa noo ang anak.

Ilang minuto pa ay dumating na ang kalaro ni KC. Agad niyang tinawag ito na kinagulat naman ni Sven.

"Angelo!" sigaw ni KC.

Ang batang kalaro ni KC ay ang batang kasama ni Pzalm at noong lalaki. Nasa likod din ng bata sina Pzalm at Jethro kaya nagulat rin si Pzalm noong nakita niya si Sven.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top