Chapter 50
BUMALIK na muna sila sa Switzerland. Balak ni Sven na doon muna si Pzalm bago manganak. Babalik na lang sila ulit sa Pilipinas pagkatapos makapahinga nang ayos ni Pzalm.
"I'm glad, you are happy Pzalm. Paki-bantayan na lang ang anak ko para sa akin ha? Pinapaubaya ko na si KC at Sven sa'yo. Alam ko, aalagaan mo sila nang mabuti," sabi ni Keira Amore habang naglalakad sila ni Pzalm.
"Keira, salamat sa tiwala mo sa akin. Salamat sa pagtanggap ng lahat. Hindi ko rin magagawa 'to kung hindi dahil sa'yo," nakangiting sabi naman ni Pzalm.
Niyakap nila ang isa't isa saka sila nag-iyakan.
"Kilalanin mo ang anak ko para sa akin, i-kwento mo na lang sa puntod ko kapag napabisita kayo sa Switzerland ulit," sabi naman ni Keira Amore.
Ngumiti si Pzalm at tumango bilang tugon. Napatingin siya sa kanyang tyan saka bumalik ng tingin kay Keira Amore.
"Pwede ba kong magtanong?"
"Oo naman, ano 'yon?" nakangiti si Keira Amore pero nagtataka.
"Ayos lang ba sa iyo na magkaroon na ng kapatid si KC? M-May anak na kasi kami ni-" natigil siya nang tumawa si Keira Amore pero mahina lang.
"Ano ka ba? Syempre naman! Asawa mo na si Sven. Isa pa, alam ko ring sabik na sila ni KC na magkaroon na kayo ng baby," masayang sagot ni Keira Amore.
"Hindi ka galit sa akin?" tanong ni Pzalm.
"Hindi 'no. Masaya pa nga ako dahil pinasaya mo ang pamilya ko. I should be thankful for what you've done. Hindi ako nagkamali na ipaubaya sila sa'yo, Pzalm."
Dahil sa sobrang saya ay umiyak na si Pzalm at niyakap si Keira Amore. Niyakap naman siya pabalik nito at saka pinunasan ang luha ni Pzalm.
"Huwag ka nang umiyak. Hindi makakabuti sa buntis 'yan. Ingatan mo ang sarili mo at ang anak mo. Patuloy akong magbabantay sa inyo," nakangiting sabi ni Keira Amore.
Nagising na si Pzalm na may luha sa kanyang mga mata. Masayang-masaya siya dahil sa panaginip niya.
Nang gumising si Sven ay kinausap agad niya ito at sinabihan tungkol kay Keira Amore.
"Daddy, napanaginipan ko si Keira," nakangiti si Pzalm.
"Oh, anong sabi niya?" tanong naman ni Sven.
"Wala naman, masaya siya na ayos na ang lahat. Alam mo ba? Tinanong ko siya kung okay lang sa kanya na magka-anak na tayo at king hindi siya galit sa akin?" sabi ni Pzalm.
"Oh, anong sagot niya?" tanong ulit ni Sven habang nagkakape.
"Ang sabi niya, oo daw. Masaya siyang magpapaubaya sa mga naiwan niya sa mundo. Haynaku, ang bait talaga ng dati mong asawa 'no?" nakangiti si Pzalm habang nagke-kwento.
"Mabait talaga si Keira Amore noon pa lang, minahal ko siya dahil doon. Sayang lang, hindi nagtagal ang pagmamahalan naming dalawa," sagot ni Sven.
"G-Gusto kong puntahan si Keira Amore sa puntod niya. Ayos lang ba?" tanong ni Pzalm, tumango naman at ngumiti si Sven.
Gusto nilang i-surprise si KC kaya hindi nila sinabi kung saan sila directly na pupunta.
"Daddy, tell me.. Where are we going?" KC asked.
"It's a surprise. You'll surely love it there. Okay? Sit back and relax, baby."
Iyon naman ang ginawa ni KC. Una, bumili sila ng bulaklak para sa puntod ni KC.
"Oh, flowers!" tuwang sabi ni KC.
"Do you love it, anak?" tanong ni Pzalm.
"Yes, Mama! I love it!" masayang sagot ni KC.
Ilang minuto pa ay malapit na sila sa sementeryo. Natanaw nila na may dalawang tao na nakatayo sa may puntod ni Keira Amore.
Noong bumaba na sila sa kotse at lumapit na sila. Naging malinaw na sa kanila na ang mga taong iyon ay mga magulang ni Keira Amore.
"Ay hello po. KC, go to Mamita and Dada," sabi ni Sven, excited naman na pumunta si KC sa grand parents niya.
"How are you apo ko? I missed you so much! You are getting taller now," sabi ni Mamita.
"I'm good, Mamita. I missed you too!" KC gave her grandparents a kiss.
"Are you happy, apo ko? Is everything okay with you?" tanong naman ni Dada sa kanyang apo.
"Yes! Mama Pzalm takes good care of me every time. She really loves me, Dada. I hope Mommy Keira knows that," sagot ni KC.
Nalungkot naman ang lahat dahil sa sinabi ni KC. Lumapit na sina Sven at Pzalm sa puntod ni Keira Amore.
"Pasensya na po, Mamita and Dada kung hindi ko na po kayo nasabihan tungkol sa kasal ko sa Pilipinas," sabi ni Sven sa kanila.
"It's fine, wala naman nang kaso sa amin iyon. Buhay mo 'yan. Isa pa, iyon din naman ang gusto ni Keira Amore na gawin mo, hindi ba?" sabi ni Mamita at ngumiti.
"Basta okay at masaya naman si KC sa inyo, walang problema. Alagaan niyo lang ang apo namin at ang magiging mga anak niyo, ayos na kami," sagot naman ni Dada.
Inutusan naman ni Sven si KC na ilagay na ang flowers sa puntod ni Keira Amore.
"Mommy Keira, this is for you. Thank you for always looking after us. I know, you're happy now. I will always love you, okay? I'll never forget you as my mother, eventhough Mama Pzalm is right here now," sabi ni KC.
"Narinig mo 'yon anak? Mahal na mahal ka ng anak mo. She will never forget you. Naalala ko, gusto mong kalimutan ka ng anak mo. She will never do that, Keira," sabi ng Mommy ni Keira.
"Nandito lang ako para gabayan at mahalin ang anak mo, Keira Amore but I will never take your seat. Sa puso ng anak mo, ikaw at ikaw lang ang nanay niya," sabi naman ni Pzalm.
"Keira Amore, thank you for letting me love again. I'll always be thankful to you. Hindi mo kami pinabayaan ng anak mo. I will always carry you in my heart, okay? I love you," sabi naman ni Sven.
Pagkatapos noon, doon na rin nila naisipan na mag-lunch. Nag-take pa sila ng pictures. Masaya si Pzalm dahil kahit paano ay parang tanggap na siya ng mga magulang ni Keira Amore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top