Chapter 49

NAGISING sila Pzalm, KC at Sven na magkakatabi. Nauna si Sven na bumangon dahil natulog ulit ang dalawa.

Dahil sa sobrang saya ni Sveb ay pinicture-an niya ang dalawa sa kanyanh cellphone. Alam niyang maiinis na naman si Pzalm sa kanya pero ayos lang.

"Breakfast is ready! Wake up and get up!" excited na sabi ni Sven sa kanila.

Nagpa-room service na lang si Sven dahil nga late na gumising iyong dalawa. May mga nagpaalam na rin na guests.

Pupungas-pungas pa sina Pzalm at KC. Napangiti sila nang makita na nakangiti si Sven sa kanila.

"Good morning," maikling bati ni Pzalm sa asawa.

"Good morning, Daddy! Good morning Mama!" bati rin ni KC sa dalawa, hinalikan at yakap niya ang mga ito.

"Good morning my queen and princess. We all need to get up because we are going home na later," sabi ni Sven at inayos na niya ang breakfast nilang tatlo.

"Umalis na ba ang ibang guests?" tanong ni Pzalm pagkatapos umupo sa dining area ng kwarto nila.

"Yeah, nagpaalam na ang iba sa kanila kasi may mga pupuntahan at aasikasuhin pa raw," sagot naman ni Sven pagkatapos ay naglagay ng hotdog sa plato ni Pzalm.

"Sina Leigh at Adelia?" tanong ni Pzalm habang pinapainom ng tubig si KC.

"Leigh is with Raven, mukhang seryoso na sila sa relasyon nila. Si Adelia, may pasok na raw ang mga anak kaya kailangan nang umalis," sagot naman ni Pzalm pagkatapos ay tumayo para magtimpla ng kape.

"Ang sarap sa pakiramdam 'no? Maayos na ang lahat. Simula ngayon, wala nang masasaktan kahit na sino man," seryosong sabi ni Pzalm, napangiti na lang siya sa thought na 'yon.

"Yes. Hindi man natin akalain na dito tayo dadalhin, masaya pa rin ako na ito ang nangyari sa atin. Everyone is free to love. Wala nang nakakulong sa pag-ibig ng kung sino," sagot naman ni Sven.

Pagkatapos nila kumain ay nagligpit na sila. Habang nakatayo silang dalawa sa may sink ay nagsalita si Pzalm sa likod ni Sven.

"And we will live and love. Thank you, Dy!" nakangiting sabi ni Pzalm, nagulat naman si Sven sa tinawag sa kanya ni Pzalm.

"Dy? Hindi na ba baby?" tanong ni Sven.

"Nope, hindi na baby because you'll be the dad of my kids. Okay?" sabi ni Pzalm at hinawakan niya ang kamay ni Sven.

"Oh, no. Don't tell me-" natigil si Sven sa pagsasalita dahil tumayo si Pzalm at pumunta sa comfort room.

Pagbalik ni Pzalm, dala-dala na niya ang pregnancy test. Maingat na hinawakan at tiningnan 'yon ni Sven.

"How many weeks, my love?" excited na tanong ni Sven sa asawa.

"Seven weeks na raw sabi noong nagpa-check up ako. Buti may isa pa akong pregnancy test kit sa bahay at nag-test ulit ako kahapon," masayang sagot ni Pzalm.

"Ang galing ah, galing din naman ako sa comfort room kanina pero bakit hindi ko 'to nakita?" nagtatakang tanong ni Sven, kita pa rin ang tuwa sa mga mata niya.

"Magaling kasi ako magtago. Sige na, maliligo muna kami ni KC ah. Ikaw na muna ang bahalang mag-ligpit dyan," paki-usap ni Pzalm at binuhat na si KC papunta sa comfort room.

"Hindi ba ko pwedeng sumama?" asar ni Sven sa asawa.

Natigil naman si Pzalm noong narinig niya ang sinabi ng asawa, tiningnan niya ito nang masama pagkatapos ay naglakad na ulit. Natawa na lang si Sven dahil doon.

Noong ligo na sila at ayos na, they checked out from the room. Noong una ay ayaw pa ni KC pero nangako na lang si Sven sa anak na babalik na lang ulit sila doon sa hotel.

"Promise, daddy?" KC asked him.

"Promise!" sabay na sabi ni Pzalm at Sven.

Bago umuwi ay nag-grocery muna sila. Naglaro ulit sila sa mall, this time ay arcade naman ang natipuhan nilang puntahan.

Parang bumalik sa pagka-bata sina Sven at Pzalm. Magkakatabi silang naglaro sa claw machines.

Inis na inis si Pzalm kay Sven dahil nakakuha siya ng teddy bear. Samantalang si Pzalm ay hirap na hirap dahil hindi naman on point ang panungkit niya.

"Wala! Madaya kang nilalang! Nakakainis, ah!" asar na sabi ni Pzalm.

"Hala, paano naman ako naging madaya aber? Kung madaya ako, edi sana eh binasag ko na 'tong claw machine at pinagkukuha ko ang mga laruan dito," ngumiti si Sven nang pilyo.

"Eh basta, madaya ka! Wala kang kakainin mamaya pag-uwi natin!" inis na sagot ni Pzalm.

"Eh kung ikaw na lang ang kainin-" hindi na natapos ni Sven ang sinasabi dahil kinuha agad ni Pzalm si KC at tinakpan ang tenga nito.

"Siraulo ka! Baka marinig ka noong bata!" tarantang sabi niya, niyakap pa niyang mahigpit si KC.

"Hindi mo ba alam na hindi naman nakakaintindi ng tagalog si KC? Kahit yata ano pa ang sabihin ko dito, hindi niya mage-gets," natatawang sagot ni Sven at bumalik na sa claw machine.

"Kahit na! Ang baliw mo, huwag na huwag mong gagawin 'yan sa magiging anak natin ah!" inis pa rin si Pzalm sa asawa.

"Mama and Daddy, what is happening?" gulong-gulo na si KC sa dalawa dahil nga hindi naman niya naiintindihan ang sinasabi ng dalawa.

"We are just playing, baby. C'mon, let's play more," sabi na lang ni Pzalm at nilibot sa ibang gaming machine si KC.

"Mama, I thought you were mad," may lungkot sa boses ni KC.

"No, anak. Your dad is teasing me that's why I acted like that awhile ago," seryosong sabi ni Pzalm. Tiningnan niyang mabuti si KC.

Bigla namang may dumaan na babae sa harapan nila, may hawak itong baby kaya lumiwabag ang mata ni KC.

"A baby! It's so cute, Mama Pzalm!" tuwang-tuwa na sabi ni KC.

"Yeah. What if you'll have your baby brother or sister soon? Is that okay with you?" tanong ni Pzalm, seryoso siyang naghintay sa sagot ni KC.

"Of course, it is okay. I want a baby brother!" sabi ni KC, excited na excited ang bata.

"Okay. Pray to God that you'll have a baby brother soon, okay? I'll pray about it too," masayang sabi ni Pzalm.

Tumingin siya sa kanyang tyan habang nakangiti at hinimas-himas ito. Masaya siya na gusto pala ni KC na magkaroon na ng kapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top