Chapter 47
ONE month after what happened, napagpasyahan na ni Pzalm na panuorin ang video na ginawa ni Jethro para sa kanya.
Noong una, gusto ni Sven na samahan siya sa panunuod pero pinilit niya na siya na lang mag-isa. Nirespeto naman 'yon ni Sven.
Bago niya i-play ang video sa laptop niya ay huminga muna siyang malalim.
Ito na 'to, wala nang atrasan.
Umupo si Pzalm sa kama, katabi niya ang dalawang boxes ng tissue. Alam niya kasing babaha ng luha mamaya.
"Haynaku, Jet. Ano ka ba? Bakit ginawa mo 'to sakin? Di pa rin ako makapaniwala eh!" sabi niya sa hangin.
Nag-play na ang video. Naka-upo si Jethro sa kama, hindi pa siya okay ng mga panahon na 'yon dahil hirap pa siyang gumalaw.
"Hey babe. Well, sa oras na mapanuod mo 'to, hindi na siguro tayo. Paano ko ba sisimulan 'tong video? Hindi ko rin alam."
Tumingin si Jethro sa picturr na hawak niya. Ito 'yong picture kung saan pumunta sina Pzalm, Sven at KC sa amusement park.
Doon pa lang, nagsimula nang pumatak ang luha ni Pzalm. Alam niya na napakasakit kay Jethro noon kahit na paghawak lang 'yon.
"Today, I saw this picture. Iba ang ngiti mo dito, babe. Alam mo 'yon? Totoong masaya ka sa picture na ito."
Umubo si Jethro at saka bumalik sa pagsasalita niya.
"I never thought that this day will actually come. Maniwala ka man o hindi, wala sa plano ko ang gawin 'to."
"Seeing you smiling in this picture is really the answer. Noon, nilalaban ko pa ang pagmamahal ko para sa'yo. But today, hindi na."
"Ang mga susunod na mangyayari sa relasyon natin ay pagpapanggap ko na lamang. Una, ayaw kitang masaktan. Pangalawa, kahit alam ko sa sarili ko na hindi ka na akin.. Gusto ko, akin ka pa rin."
"Pasensya ka na sa pagiging selfish ko. Ayaw ko lang muna na makuha ka ng iba, I will keep you as long as I can, because I really love you."
Nagsimula nang pumatak ang luha ni Jethro kaya ganoon rin si Pzalm habang nanunuod siya.
"Wala eh, hindi ka talaga para sa akin. Masaya ka man pero may mas masaya ka pa, e. Si Sven iyon at hindi ako. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon."
"Don't worry, hati pa rin tayo sa lahat. Meron ka pa ring parte sa PFB Express at sa nursery school. Nasa sa iyo na lang kung tatanggapin mo pa 'to."
"Mahal na mahal kita, Pzalm. Pasensya ka na kung pinipili ko na magpaubaya. Pinpili ko 'to kasi gusto na kitang maging malaya at totoong saya na ang mapapakita mo sa iba."
Doon na natapos ang video. Pinatay na ni Jethro ang phone niya. Nakita na lang ni Pzalm na naluha na talaga siya.
I really don't know if I should thank you or not.
Pagkatapos niyang mpanuod ang video. Niyaya na niya si Sven na pumunta sa condominium o bahay ni Jethro dahil ngayon na rin niya naisipan na kailangan na nilang magharap ni Jethro.
Napag-alamanan nila na sa condominium naglalagi si Jethro ngayon kaya doon agad sila dumeretso.
Kabado si Pzalm pero pinipilit niyang magpakatatag. Ayaw niya rin na awayin si Jethro, gusto lang niya kausapin 'to.
Nang pumanhik na sila sa floor kung nasaan si Jethro ay naghawak kamay na sila.
"Kaya mo 'yan, nandito ako para sayo ha?" sabi ni Sveb kay Pzalm. Ngiti lang ang naiganti ni Pzalm sa kanya.
Kumatok na sila sa pinto at nagdoor-bell. Tumambad sa kanila si Jethro, bagong gupit na ito at fresh na fresh.
"P-Pzalm, naparito ka.. Bakit?" bungad ni Jethro sa kanila.
Naki-usap si Pzalm kay Sven na sana ay pabayaan muna silang mag-usap na dalawa. Pumayag naman si Sven at pumunta na lang sa first floor ng condominium para doon maghintay.
Pina-upo ni Jethro si Pzalm sa sofa. Parehas silang nanginginig sa kaba. Hindi nila alam kung ano ang dapat sabihin sa isa't isa.
"Napanuod ko na ang video at naliwanagan na ko makalipas ang isang buwan. Hindi ko magawang magalit sa iyo dahil sa huli ay pinili mo pa rin ang kasiyahan ko," sabi ni Pzalm.
"Of course, your happiness is my happiness. I'll choose it over mine," nakayukong sagot ni Jethro.
Dahil doon ay hinawakan ni Pzalm ang kamay ni Jethro bago siya tuluyang magsalita.
"Jethro, please. Ipangako mo sa akin na simula ngayon, pipiliin mo na 'yong magiging kasiyahan mo. If kasiyahan ko pa rin kasi ang pipiliin mo, ibigsabihin hindi ka pa rin nakaka-let go," sagot ni Pzalm.
"One month pa lang naman, letting go is a process. Hayaan mo lang ako na namnamin 'yong sakit hanggang sa mawala na lahat. Okay?" sabi ni Jethro at hinawakan din niya ang kamay ni Pzalm.
"Hindi mo naman ako itataboy sa buhay mo di ba?" tanong ni Pzalm.
"Hindi, pero sa ngayon.. Ayaw ko muna ng mga bagay na nagpapa-alala sa atin," pag-amin ni Jethro na sinang-ayunan ni Pzalm.
"Naiintindihan ko. Hihintayin ko na lang siguro 'yong araw na okay ka na. I'm also in the process of letting you go," sagot ni Pzalm.
Tumayo si Jethro at kinuha na 'yong mga paper bag na nakakalat sa condominium niya. Mga gamit ni Pzalm iyon.
"Oh, ito na 'yong mga gamit mo sa bahay at dito sa condo. Niligpit ko na 'yan a week ago. Kung may kulang pa, sabihan mo lang ako," sabi ni Jethro.
"Thank you. I'll miss you and this place. Our memories-" natigil si Pzalm dahil sumagot ulit si Jethro.
"Make new memories with the one you really love. Dito lang ako, I'll be happy cheering you from afar," ngumiti si Jethro.
Humirit ng isang mahigpit na yakap si Pzalm kay Jethro at pinagbigyan niya naman ito.
Binalik din ni Pzalm ang engagement ring nila ni Jethro. Noong una ay ayaw tanggapin iyon ni Jethro pero nagpumilit si Pzalm kaya wala na siyang nagawa.
Pag-alis ni Pzalm, tinapon niya ang engagement ring sa basurahan kahit na napakamahal pa nito. It was still a memory of her na ayaw niya nang alalahanin pa.
Nakita na lang niya ang sarili na naka-upo sa sofa, may beer sa table, lasing at mag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top