Chapter 46
UMUWI na sila sa bahay nina Pzalm. Habang nasa byahe ay iyak nang iyak si Pzalm kahit na naririnig pa siya nila Sven ay wala siyang pakialam.
"Tita, pwede ko po bang iwan muna si KC sa inyo? Kailangan ko lang pong kausapin nang masinsinan si Pzalm," sabi ni Sven at tumango naman ang Mommy ni Pzalm.
Si KC lang ang binaba kina Pzalm, ayaw pa kasing tumigil sa pag-iyak si Pzalm. Ni ayaw niyang alisin ang mermaid gown niya at make-up. Wala namang magawa si Sven kaya hinayaan na lang niya ito hanggang sa kumalma.
"KC, we will be back. Okay? You'll stay here first," sabi ni Sven sa anak at tahimik lang si KC na tumango.
Hindi na nakapagpaalam si KC kay Pzalm dahil wala talaga itong ginawa kundi umiyak.
Nang si Sven na lang at Pzalm ang natira sa kotse ay saka lang siya nagsalita. Hindi naman niya kayang makita na umiiyak lang ang mahal niya sa isang tabi.
"May gusto ka bang puntahan? Sabihin mo lang, dadalhin kita roon," pilit na ngumiti si Sven para gumaan ang lahat.
"K-Kapag ba dinala mo ako kay Jethro, matutuloy ang kasal namin? G-Gusto ko lang kasi malinawan sa lahat," sabi ni Pzalm habang hawak-hawak ang tissue at pinunas ito sa luha niya.
"S-Sige, pipilitin ko siyang makipag-usap sa'yo, pero hindi iyon ngayon. Matagal pa. Fresh pa kasi ang sugat, hindi pa pwede. At saka, sure ako na hindi pa kayo handang dalawa. We'll do that kapag ready na kayo parehas," sabi ni Sven habang nagda-drive.
"Pwede ba akong magtanong?"
"Go on and ask me. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo."
"B-Bakit ka pumayag sa gusto niya? Alam mo naman na maraming maaapektuhan. B-Bakit ginawa niyo sa akin 'to?" may sama ng loob sa mga salita ni Pzalm.
"Kung hindi niya gawin 'yon, nakakulong ka sa pagmamahal niya habambuhay. Pzalm, pinapalaya ka na nya. Hindi ba 'yon naman dapat?" sagot ni Sven.
"Hindi ko akalain na ito ang gagawin niya. Sa last two weeks namin, hindi niya pinaramdam sa akin na iiwan niya ako sa huli," malungkot na sagot ni Pzalm.
"Tinawagan niya ako last month. Kinausap niya ako, humiling siya sa akin na gusto ka niyang makasama hanggang sa huli bago ka niya ibalik sa akin. Noong una, ayaw ko nang tanggapin iyong sinasabi niya pero pinilit niya talaga. Alam daw niyang tayo talaga ang para sa isa't isa," sagot ni Sven.
"Paano naman niya nalaman 'yon? Hindi naman niya alam ang-" natigil si Pzalm dahil sumagot agad si Sven.
"Alam niya, ramdam niya. He's happy that you're trying your best not to show that you love him less. Tinago niya lahat ng sakit dahil mahal na mahal ka niya," sabi ni Sven.
Dahil doon, lalong umiyak si Pzalm. Hindi na niya alam ang mararamdaman. Gusto niyang magalit sa sarili pero wala na rin naman siyang magagawa. Si Jethro na ang nagdesisyon para sa ikakabuti nilang tatlo.
"Sorry. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Sobrang sakit, maraming tanong sa isip ko na siya lang ang makakasagot," sabi ni Pzalm.
Ngumiti lang si Sven, pagkatapos ay may kinuha sa likod at binigay iyon agad kay Pzalm.
"Oh, sa oras na handa ka na raw. Panuodin mo raw 'yan. Nandyan ang lahat ng sagot sa tanong mo. Kung hindi ako nagkakamali, he made a video about it," sabi ni Sven, kinuha naman iyon ni Pzalm.
"Salamat, Sven. Maintindihan mo sana na hindi ko pa kaya ngayon ang lahat. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. Hindi ko talaga kasi ine-expect na mangyayari 'to sa ating tatlo," sabi ni Pzalm, kalmado na siya ng konti.
"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Alam ko rin kung anong sitwasyon natin ngayon. Lahat naman tayo ay nasaktan sa desisyon niya. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako para sayo," nakangiting sabi ni Sven at hinawakan niya ang kamay ni Pzalm.
"Gago si Jethro, ang ganda ng damit ko ngayon tapos nasira lang ang lahat pati ang make-up ko dahil sa kaka-iyak ko. Isang bagsakan 'yong sakit, e. Sobrang galing niya talaga!" naiinis pero natatawa na lang si Pzalm sa nangyayari.
"Ang akala kasi niya, itutuloy mo ang kasal kahit na ako ang groom. Kaya nga naka-tuxedo rin ako ngayon. In case na matuloy daw ang kasal, kailangan ko daw mag-ayos," sagot naman ni Sven, natatawa sa thought na matutuloy ang kasal na 'yon.
"Akala ko rin naman ikakasal ako ngayon. Magic ang lahat, e. Gusto ko na lang maglaho na parang bula kung pwede lang," sabi ni Pzalm, iiyak na naman nang maalala ang nangyari kanina.
"Oh, huwag ka nang umiyak. Saan mo na lang gustong pumunta? Huwag lang kay Jethro," sabi ni Sven.
Hindi naman sumagot si Pzalm, kaya si Sven din ang sumagot ng kanyang sariling tanong.
"Hmm, ice cream ulit tayo? Tulad noong sa Switzerland?" tanong ni Sven pagkatapos ay pilit na ngumiti para itago ang sakit na nararamdaman niya para kay Pzalm.
"Paano tayo kakain ng ice cream kung ganito ang suot natin? Baka akalain ng mga tao, bagong kasal tayo," sabi ni Pzalm.
"It's either uuwi muna tayo sa inyo o magda-drive thru tayo. Pili ka na lang habang nagda-drive pa ako," ngumiti ulit si Sven.
Napagpasyahan nila na umuwi muna pagkatapos ay nagpalit sila ng damit. Si Sven, sa loob na lang ng kotse niya nagpalit ng damit dahil nandoon naman na lahat ng gamit niya.
Buti na lang at pinayagan sila ng parents ni Pzalm na umalis muna para makalanghap ng hangin sa labas.
"Oh, Sven. Ikaw muna ang bahala sa anak ko. Saka na kami mag-uusap at alam kong masakit pa para sa kanya. Ayaw na naming dumagdag pa kaya ikaw muna ang bahala ha?" sabi ng Daddy ni Pzalm.
"Opo, Tito. Salamat po sa pag-unawa kay Pzalm. Sana talaga ay maging okay siya. Ako po muna ang bahala sa kanya," nakangiting sagot ni Sven.
Sinama na rin nila si KC para kumain ng ice cream. Niyakap kasi agad ni KC si Pzalm pag-uwi nila at doon lang natauhan si Pzalm at napangiti kahit konti.
Alam ni Sven na hindi madali, pero gagawin niya ang lahat para maging okay si Pzalm. Hindi man ngayon, pero alam niyang darating ang panahon na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top