Chapter 45
TWO weeks after ng Quezon escapade nila ay araw na ng kasal nila Jethro at Pzalm. Halos one week na silang di nagkikita. Si Pzalm ay nasa condominium habang si Jethro naman ay nagse-stay sa bahay nila.
Excited na gumising at naghanda si Pzalm dahil ito na ang araw na hinihintay niya. Halos hindi nga siya makatulog kagabi dahil kabado at excited siya. Ang mga make-up artist ay dumating na rin para ayusan siya.
Nakahanda na ang mermaid wedding gown ni Pzalm. Kulay puti ito at sobrang ganda.
"Ang ganda mo na po Ma'am Franzenne, mas gaganda pa po kayo mamaya kapag naayusan. Congratulations po and best wishes sa kasal ninyo, Ma'am!" sabi noong make-up artist.
"Bolera ka, ate ha. Pero, salamat! Sobrang saya ko today kasi ikakasal na ako," sabi ni Pzalm.
Nag-umpisa na ang pagme-make up sa kanya. May mga nagte-take rin ng video at picture para sa behind the scenes ng mga nangyayari.
Habang abala siya sa ginagawa ay kausap din niya si Jethro sa phone. Kabado kasi siya kaya she needs someone to calm her down.
"Calm down, babe. Everything will be alright. Smile, sige ka. Makikita sa photo and video coverage 'yang nerbyos mo."
"Naman kasi! Bakit hindi tayo pwedeng magkita? Pumunta ka na dito! Please?"
"Babe, sabi sa pamahiin ng mga matatanda di ba-"
"Hindi ka naman naniniwala dyan ah? Suddenly, naniniwala ka na ngayon? What happened?" nagtatakang tanong ni Pzalm.
"Pinilit lang ako ng parents ko. But, promise. Everything will be fine. Just smile, okay? See you later! Mag-aayos na 'ko kasi ikakasal din po ako."
"Do you want me to call your parents? Para lang masabi ko kung-"
"Hindi na. Saka, busy din sila 'no. Kitakits na lang sa simbahan mamaya. Relax, okay? Relax."
Kahit may pangamba siyang nararamdaman ay iyon pa rin ang ginawa niya dahil 'yon ang sabi ni Jethro.
Hindi na niya na-contact sina Leigh at Adelia dahil sa sobrang busy niya. Nakita na lang ni Pzalm na marami ng congratulations at best wishes na text sa phone niya.
To: Jethro
Babe, saan ka na? On the way na kami, ha. Kasama mo na ba sila Tita? Reply ka kapag di ka na busy. I miss you. I want to see you na! :)
From: Jethro
Yeah. On the way na kami. I love you. I really do. See you later! ❤️
To: Jethro
I love you too, Mr. Capili! ❤️
Binaba na niya ang phone at nag-focus na siya sa byahe. Habang nasa byahe si Pzalm, hindi niya naiwasan na hindi maisip ang mag-ama. Si Sven at KC.
Sorry if I'm doing this. I just felt that this is the right thing to do.
I'll surely miss the two of you, but I have to fulfill my duty as a wife. This is reality.
Wala pa ang family ni Jethro sa simbahan, nauna si Pzalm at ang pamilya niya pero hindi pa pwedeng pumasok sa loob.
"Nasaan na ba si Jethro? Ang tagal naman noon," sabi ng Mommy ni Pzalm.
"On the way na raw po, e. Baka na-traffic lang ng konti, Mommy. Hintayin na lang natin siya," sagot ni Pzalm pero kabado na siya.
"Dapat nauuna siya dito, e."
Trenta minutos na ang nakalipas pero wala pa rin si Jethro. Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Pzalm pero pinanghahawakan niya ang pangako ni Jethro sa kanya.
Jethro, where are you this time?
She flooded him with so many text messages pero hindi ito nasagot sa kanya. Kabado na tuloy siya dahil baka may nangyaring masama kay Jethro.
Ilang minuto ang nakalipas, may isang black na kotse ang pumarada sa harap ng simbahan. Nagkaroon ng sigla sa mga mata ni Pzalm nang makita niya 'yon.
Umayos na silang lahat dahil inaasahan nilang ito na ang groom na hinihintay nila.
"Si Jethro ba 'yan? Bakit bagong kotse? Hindi ko alam 'yan ah," sabi ng Daddy ni Pzalm. Masaya pa siya dahil bago ang kotse ng kanyang son in-law.
"Baka bagong bili, hindi ko rin alam 'yan," sagot ni Pzalm.
Nang lumabas ang driver ng kotse ay gulat na gulat ang lahat. Hindi si Jethro ang lumabas mula roon kundi si Sven.
Halos parang binuhusan ng malamig na tubig si Pzalm nang makita si Sven na naka-white tuxedo.
Binuksan ni Sven ang pinto sa shotgun seat at nilabas noon si KC. Tahimik lang ang bata at gulong-gulo sa nangyayari.
"P-Pzalm, Jethro told me to do this. I-I'm sorry," sambit ni Sven habang papalapit sila sa bride.
Napa-upo na lang bigla si Pzalm dahil sa gulat. Hindi niya alam kung ano ang tamang sasabihin o gagawin.
"D-Don't tell me, hindi siya darating? He promised me that he'll be here now," nauutal na sabi ni Pzalm dahil hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
"Sorry to say but yes, hindi na daw siya dadating. Pina-uwi niya ako sa Philippines last week and-" natigil si Sven sa pagsasalita dahil sumagot si Pzalm.
"No! Hindi pwede! He can't do this to me! Bakit? Bakit ngayon pa?! Nangako siya eh. Bakit ngayon niya lang sasabihin 'to?! Bihis na ang lahat, ayos na ang lahat! Bakit ngayon pa?!" sigaw ni Pzalm.
Dahil sa gulo na nangyayari, pina-uwi na ng parents ni Pzalm ang mga tao. They were all shocked of what happened. Ang iba pa nga ay nakuha ng picture ni Pzalm habang naiyak. Mga taong walang puso at patawad.
"S-Sven, bakit niya 'to ginawa? Hindi ko maintindihan. Ayos naman na kami. Alam ko 'yon."
"Jethro knows that you don't love him that much. Sa totoo lang, nagulat din ako noong kinausap niya ako at sinabi niyang magpapaubaya na siya."
Habang naka-upo sa sahig ay niyakap ni Sven si Pzalm. Iyak pa rin ito nang iyak. Pati si KC ay naki-yakap na rin kahit hindi naman niya naiintindihan ang mga nangyayari.
Sa di kalayuan, nakasilip si Jethro sa kanila. Umiiyak din siya habang tinitingnan sa malayo kung ano na ang nangyari kina Pzalm at Sven.
I know that it will hurt a lot right now, but all I want is your real happiness. Si Sven lang ang makakapagbigay noon, hindi ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top