Chapter 42

NANG umuwi si Jethro ay tulog na si Pzalm. Naglinis muna siya ng kanyang katawan bago tuluyang humiga sa tabi ni Pzalm.

Habang nakahiga si Jethro ay tinitingnan niya ang kanyang mahal. Mahahalata mo na kagagaling lang talaga niya sa iyak.

Kinumutan ng ayos ni Jethro si Pzalm at saka niyakap ito. Humalik pa siya sa noo, bago tuluyang pumikit.

Bakit mahal na mahal pa rin kita kahit ilang beses mo na akong nasaktan?

Naglalakad sila Pzalm at Jethro. Masaya silang tinitingnan ang langit, hindi alam ni Pzalm kung nasaan na sila.

"Babe, ang ganda ng langit 'no? It's so peaceful," sabi ni Jethro at inakbayan si Pzalm.

"It is. Sana pati ang buhay, peaceful din katulad ng langit ngayon."

"Pzalm, gusto ko na magpaubaya. So our loves will be peaceful. Hindi ko na kaya 'yong sakit. Sobra na rito," sabi ni Jethro sabay hawak sa kanyang puso.

"Kapag ba ni-let go mo na ko, sasaya ka? Kapag ba nawala ako, okay lang sayo?" tanong ni Pzalm, naiiyak na siya.

"Masakit, oo. Pero, mas masakit kung ipagpapatuloy ko pa na mahalin ka kahit alam ko na hindi mo ko mahal," naiiyak na rin si Jethro.

"Sorry sa lahat, Jethro. Hindi ko alam kung deserving pa ba akong mapatawad mo. Well, alam ko namang hindi pero sorry pa rin sa mga ginawa ko."

"Mahal na mahal kita at kahit ano yatang masakit ang gawin mo sa akin ay tatanggapin ko. Hindi ko kayang magtanim ng galit sayo."

"Salamat sa pagmamahal mo, Jethro. Sorry kung hindi ko nasukliang mabuti ang pagmamahal mo sa akin," malungkot na sabi ni Pzalm.

"I am thankful that you tried loving me. Para sa akin, ayos na 'yon. Talagang hindi ka para sa akin, e. So tatanggapin ko na pagkatalo ko."

Nagising si Pzalm sa panaginip niyang 'yon. She was crying when she woke up. Agad na tiningnan niya ang paligid, she checked kung nandoon pa si Jethro sa tabi niya.

Niyakap niya itong mahigpit hanggang sa magising na rin si Jethro. Umayos ito nang upo at saka nagsalita.

"B-Bakit ka naiyak? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"H-Hindi mo naman ako iiwan di ba? I mean, sa panaginip ko kasi ay nagpaalam ka sa akin. Nagpapaubaya ka na, sabi mo. Hindi naman totoo 'yon di ba?" may takot sa boses ni Pzalm.

"H-Hindi totoo 'yon. Nandito ako sa tabi mo di ba? Panaginip lang 'yon, huwag kang mag-alala," sabi ni Jethro at niyakap na niya nang mahigpit si Pzalm.

"Natatakot ako sa panagip ko. Parang totoo, ang bigat sa pakiramdam," natatakot pa rin si Pzalm.

"Huwag ka nang matakot. Matulog na ulit tayo, yayakapin na lang kita para hindi ka na matakot," sabi ni Jethro at ginawa nga niya iyon.

Dahil nga nagising na si Pzalm, hindi na natuloy ang kanyang pagtulog. Hinintay niya lang na makatulog si Jethro bago bumangon. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang panaginip na 'yon. 

Nag-jogging muna siya para ma-clear ang mind niya. She bought breakfast too at nagluto siya. Pinipilit niyang maging masaya at normal ang lahat para hindi na makadagdag pa iyon sa sakit na nararamdaman nila ni Jethro ngayon.

Pumasok na siya sa kwarto nila at ginising na niya si Jethro. Nag-aalala pa rin si Jethro paggising niya.

"Ano? Okay ka na ba?" tanong ni Jethro at hinawakan ang kamay ni Pzalm.

"Okay na ako. Halika na, kain na muna tayo. Madami akong niluto sa baba," sabi naman ni Pzalm, pinilit niyang ngumiti.

Tumango si Jethro at ngumiti, pagkatapos ay tumayo na siya mula sa kama. On teh way pa lang pababa ay amoy na amoy na ni Jethro ang mga niluto ni Pzalm. Hindi tuloy niya naiwasang hindi ngumiti.

"Uy, parang I'll have a good breakfast, ah. Ang sarap ng amoy," excited na sabi ni Jethro.

"Oo, nag-jogging kasi ako kaninang umaga. Tapos, naisip kong bumili na sa grocery," nakangiting sabi ni Pzalm at umupo na sila ni Jethro sa dining area.

May sausage, egg, hotdog and pancake. Nagtimpla na rin ng kape si Pzalm para sa kanilang dalawa. Parehas silang nakangiti, pagkatapos noon ay nagdasal na si Pzalm para magpasalamat sa pagkain nila.

Nang kumakain na sila ay biglang nagtanong si Jethro. Para na rin siguro mapanatag ang loob ni Pzalm sa panaginip niya kagabi.

"Saan mo gustong pumunta bago tayo ikasal? Do you have something in mind?" pagkatapos ay kumain siya ng pancake.

"Lalabas tayo bago ang kasal natin? Hindi ba delikado 'yon? I mean, sabi ng mga matatanda, bawal raw 'yon eh. Baka may mangyaring masama roon sa couple. Pwede naman sigurong pagkatapos na lang?"sagot naman ni Pzalm, umiinom siya ng kape ngayon.

"Ang tanda na natin para maniwala sa mga pamahiin ng mga matatanda, no. I just want to be with you for the last time. I mean, iyong hindi pa tayo mag-asawa. Alam ko kasi, pagkatapos ng kasal natin ay magiging busy na tayo pareho. Matatagalan na naman tayo bago sundan iyong trip natin sa Ilocos," sagot ni Jethro.

"Well, tama ka naman. Miss ko na nga 'yong ganung moments. Siguro, two weeks before ng kasal natin? Kung a week before kasi, masyado na tayong busy noon," sagot ni Pzalm habang nilalagyan ng syrup ang pancake niya.

"Sige. I'll book for us, may gusto ka bang puntahan?" tanong ni Jethro.

"Ikaw na ang bahala. Alam ko naman na it will be remarkable kahit saan. Okay na ako, basta ikaw ang kasama ko. Okay?" nakangiting sabi ni Pzalm.

"Sige, i-surprise na lang siguro kita kung saan tayo pupunta. Dalhin mo ang camera mo, ha."

"Of course, I'll take pictures para remembrance."

Hinawakan ni Jethro ang kamay ni Pzalm, pinipigilan niyang umiyak at ngiti na lang ang ginawa niya.

"Thank you for staying this long with me. Promise, I'll stay with you kahit na ano pa ang mangyari. Okay? 'Yong nasa panaginip mo, di totoo iyon. Always remember, hindi naman totoo ang mga panaginip. Madalas, kabaliktaran pa 'yong mangyayari," Jethro reassured Pzalm about it.

"I think, ako ang dapat magpasalamat. Kagabi, ayaw mo na pero nandito ka pa rin sa akin. You're still here with me. Kaya pangako, nandito lang ako para sa iyo hanggang dulo."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top