Chapter 41

EXCITED na sumakay si Pzalm sa kotse ni Leigh, pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit niya sa likod. Pero, nagulat siya nang makita ang itsura ni Leigh na parang takot at hindi mapalagay. Umupo siya sa shotgun seat at saka nagsalita.

"Para namang nakakita ka ng multo ah. Anong nangyari? Haynaku, ang sarap sa feeling na-" natigil siya sa pagsasalita nang biglang magsalita si Jethro sa likod.

"Akala ko, noong umalis na sila ay wala na akong kaagaw sa iyo. Meron pa rin pala. Hindi mo rin sila natiis, pumunta ka pa sa Switzerland para sa kanila?" inis na sabi ni Jethro.

"Ah, Jet. I will explain later. Okay? Please-"

"Are you really sure that I'll listen to your explanation? Leigh, drive. Kailangan na naming mag-usap ni Pzalm right away."

Noong nasa byahe silang tatlo, parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Pzalm. Sa ganoong klase ng boses ni Jethro, alam niya na sobrang galit ito at hindi mapapaki-usapan.

"Bakit mo naman kasi sinabi agad? Nakakainis ka. Anong nangyari at sumama siya?" bulong ni Pzalm pagbaba nila ng kotse.

"Noong susunduin na kita, bigla siyang umuwi galing doon sa trip. Tapos, nagtataka na siya kung bakit ako nandito sa bahay niyo. Pinahanap ka sa buong bahay, eh wala ka. Iyon, naninigas na ako."

Napasapo na lang sa kanyang noo si Pzalm. She knows that she really is in trouble now. Napa-upo na lang siya sa sofa habang hinihintay si Jethro na makuha ang gamit niya.

"Umuwi ka na, baka madamay ka pa mamaya kapag nag-away kaming dalawa," utos niya kay Leigh.

"Are you sure? Okay ka lang ba rito?" may pag-aalalang sabi ni Leigh sa kaibigan.

"Oo, okay na ako dito. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Okay? Ingat ka pag-uwi. Salamat sa pagsundo sa akin," nakangiting sabi ni Pzalm.

Kahit ayaw ni Leigh ay umalis na rin siya. Sunod namang pumasok sa bahay si Jethro, binaba ng mga kasambahay ang gamit ni Pzalm at tahimik lang na pumanhik si Jethro sa taas.

Dahil takot pa siya sa kanyang fiancée, hindi muna siya sumunod dahil gusto niya munang magpalimig ng ulo si Jethro. Kaso lang, bumaba ulit si Jethro para kaunin siya sa sala.

"Ano? Wala ka talagang balak na pumanhik sa itaas para ipaliwanag sa akin ang mga ginawa mo? Saan mo ba gustong mag-usap? Dito pa? Kung saan rinig ka ng lahat ng kasambahay?" galit na sabi ni Jethro.

"Eh kasi, galit ka pa. Gusto ko muna sana na palamigin muna ulo mo bago ako pumanhik sa taas," paliwanag ni Pzalm, takot na takot siya.

"Mas lalo akong magagalit kung hindi ka agad magpaliwanag. Halika na," sabi ni Jethro at hinawakan ang kamay ni Pzalm saka sila pumanik sa taas.

Tahimik na umupo si Pzalm sa kama at si Jethro ay nakatayo lang sa may pinto. Tinitingnan niya lang ang galaw ni Pzalm.

"Pwede ka nang magsalita. Makikinig lang ako rito," utos niya, may diin sa bawat salita kaya alam ni Pzalm na galit na galit pa rin siya.

"Kasi, alam ko naman na magagalit ka sa akin at hindi mo ko papayagang makita si KC kaya hindi ko na sinabi. Alam ko namang mali ako pero may nagpipilit sa loob ko na puntahan si KC," paliwanag ni Pzalm.

"Alam mo, hindi ko na alam. Hindi na nga rin ako sigurado kung mahal mo pa rin ako. Pzalm, ano na ba tayo? Paki-linaw naman sa akin kasi naguguluhan na rin ako, e."

"Last naman na 'yon, Jet. Hindi na ako babalik doon. Promise. Hindi na rin ako magtatago sayo ng kahit ano kahit kalian. Patawarin mo lang ako ngayon," nagsimula nang lumuhod si Pzalm sa harapan ni Jethro.

"Sabi mo lang 'yan pero gagawin mo pa rin iyon kapag may pagkakataon ka. Pzalm, ano bang gusto mo? Gusto mo na ba akong magpaubaya? Sabihin mo lang, kasi gagawin ko naman agad eh. Hindi 'yong ganito, nagsisinungaling ka na sa akin dahil sa pagmamahal mo sa kanya," ang lahat ng salita noon ay malinaw kay Pzalm.

"I really don't know what to do. Ano na ba ang tama Jethro? Kapag may ginawa kasi ako, may masasaktan. Ayaw ko noon," malungkot na sagot ni Pzalm.

"Piliin mo na akong saktan, kasi ayaw ko na. Pagod na ako sa mga nangyayari. Kahit saan naman kasi tingnan, talo pa rin ako, e."

"No. Hindi ako papayag. Walang aalis, walang mang-iiwan. If you want, umalis tayo dito at magpakalayo-layo. Try nating magsimula ulit. Okay ka naman na di ba?" suhestiyon ni Pzalm, nakaluhod pa rin siya sa harapan ni Jethro.

"Hindi na, niloloko na lang natin ang mga sarili natin kapag ginawa pa natin iyon. Saka, tumayo ka nga dyan. Huwag mo kong luluhudan dahil hindi naman dapat. Babae ka, hindi mo dapat ginagawa 'yan," sabi ni Jethro at tinulungan na makatayo si Pzalm mula sa pagkakaluhod.

Inupo naman ni Jethro si Pzalm sa kama at tumabi na siya dito. Niyakap niya si Pzalm at yumakap naman pabalik ito sa kanya habang naiyak pa rin ito.

"Sabihin mo na lang kung kalian mo ko hihiwalayan ah? Para ma-ready ko ang sarili ko. Promise, kapag sinabi mo sa akin.. Uuwi agad si Sven dito para sa'yo," may lungkot sa boses ni Jethro.

"No. Ayaw ko. Dito lang ako sa tabi mo. Walang masasaktan. We will stay like this. Okay? Hindi na, hindi na ako gagawa ng bagay na nakakasakit sayo. I'm really sorry."

"Sa tingin mo ba, sa ginagawa natin ngayon eh hindi masakit para sa akin 'to? Actually, mas masakit nga 'to kumpara sa dati. Anyways, aalis muna ako para makapag-pahangin. Sana pagbalik ko, okay ka na. Mag-iisip isip rin ako," mapait ang ngiti ni Sven pero sinubukan pa rin niyang alalahanin si Pzalm.

Hindi na pinigilan ni Pzalm si Jethro dahil alam niyang kailangan ng fiancée niya iyon. Kahit siya rin naman, kailangan niya ring iiyak lahat ng luha.

"Babalik ka pa di ba? Hindi mo naman ako tatakasan?" tanong ni Pzalm, nag-aalala.

"Iyong sakit, tatakasan ko lang pansamantala. Pero, hindi ikaw. Magpahinga ka muna, babalik na lang ako mamaya."

Nakita na lang niya na pinaandar ni Jethro ang sasakyan nito. Humiga na lang siya at umiyak pagkatapos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top