Chapter 4
NAKAUWI na sina Sven at KC sa Pilipinas, may tatlong araw na rin ang nakakalipas. They are staying here now sa bahay ni Raven, isa sa mga kaibigan ni Sven.
"Pasensya ka na talaga, Raven, hindi ko na kasi talaga alam kung saan kami uuwi ni KC. Hahanap naman ako ng trabaho dito, huwag ka mag-alala. Salamat," sabi ni Sven habang nagtitimpla ng kape.
"Ayos lang, kahit kalian naman ay pwede kayo dito ni KC. Isa pa, wala naman akong kasama kaya tiyak na maaaliw talaga ako sa anak mo," sagot naman ni Raven then he tapped Sven's back at umupo na sa may dining area.
Nang makatimpla na ng sarili niyang kape, umupo na rin siya sa tabi ni Raven saka nagsalita.
"Oo nga pala, kalian ka mamimili ng mga grocery? Sasama sana ako, para naman makatulong dito sa bahay mo pare. Sakto, may pera pa naman akong naipon sa Switzerland," sabi niya pagkatapos ay humigop ng kape.
"Ah, oo nga. Hindi pa nga pala ako nakakapamili. Sige, samahan mo ako mamaya para mabilhan din natin ng mga pagkain at laruan si KC," sabi ni Raven.
"Oo nga eh, gusto na agad makalabas noong bata. Nung nasa Switzerland kasi kami, lagi siyang pinagbibigyan ni Kiera. Naiinis nga ako dahil mukhang na-spoiled siya ng nanay niya," sabi naman ni Sven.
"Kita ko nga na medyo spoiled at maldita ang anak mo, pero hayaan mo na Ganyan naman talaga sa umpisa ang mga bata, matututo rin 'yan dito sa Pilipinas," sabi naman ni Raven na kumuha ng pandesal sa plastic at kinain ito.
"Sa tingin mo pare, kaya ko na buhaying mag-isa si KC? Iniisip ko pa lang kasi, napapanghinaan na ako ng loob, lalo na at hindi naman siya malapit sa akin simula noon," pag-aalala ni Sven.
"Hindi naman kayo iiwan ni Kiera Amore nang ganyan kung wala siyang tiwala na kakayanin mong mag-isa. Nagkausap ba kayo bago siya mawala?" sabi ni Raven.
"Oo, pero nag-away kami noon. Pagbalik ko sa kwarto niya, naiyak na si Mamita dahil patay na si Kiera. Ni ayaw akong palapitin kay Kiera noong mga oras na iyon. Nakalapit lang ako noong buhat ko na si KC," malungkot na kwento niya.
"Ano bang bilin niya sayo? Anong pinag-awayan niyo?" tanong naman ni Raven na para bang interesado talaga niyang malaman ang sinabi ni Kiera sa asawa.
"Tanggap na ni Kiera Amore na mawawala na siya kaya nagalit ako sa kanya noon. Sabi ko, hindi ko naman kaya mag-isa na palakihin si KC. Pero, pinipilit niya ako na kaya ko raw, sinabi niya pa nga na mag-asawa ulit ako kung kinakailangan," sagot pa ni Sven.
"I admire her for the bravery, mahal na mahal ka ni Kiera Amore kung ganoon. Masakit magpaubaya sa isang tao na hindi pa niya kilala. Masakit tanggapin na talo ka na kahit gusto mong lumaban," sabi naman ni Raven.
"Kailan ka pa naging deep? Teka nga lang, titingnan ko kung gising na si KC para makakain na siya at makaligo. Tapusin mo na 'yang kape mo, huwag ka sanang mag-palpitate dahil sa mga sinasabi mo," sasar pa ni Sven pagkatapos ay tumayo na at dinala ang kape niya sa kwarto nila ng anak na si KC.
Pagpasok niya sa kwarto ay tulog pa ang kanyang anak. Nilagay niya ang kape sa side table at tumabi sa anak. Inayos niya ang kumot nito kaya nagising ang bata.
"Oh sorry, go back to sleep my princess. We will go to the mall today," sabi ni Sven then he smiled at his daughter.
"Mall? Really Daddy Sven?" may excitement sa tono ng bata.
"Yes, I'll buy you food and toys. I know you miss those moments, anak. Now, go to sleep first then I'll wake you up later," sabi niya at hinalikan sa noo ang anak.
"No, I'm okay. I slept last night already, daddy," sabi naman ni KC.
"But you need to sleep more-"
"No, I'm fine. Now, let's go to the mall daddy! I want to buy so many toys!" bumaba sa kama si Kc at para bang nagmamakaawa sa Daddy Sven niya na pumunta na sila sa mall.
"Okay, we will wash up first then wait for Tito Raven. Okay?" sabi naman ni Sven.
Binuhat niya ang anak at pinapunta na sa comfort room Inayos na niya ang mga kailangan ng bata bago tuluyang lumabas ng CR. Gusto sana ni KC na si Sven ang magpaligo sa kanya pero ayaw ni Sven dahil hindi naman siya maalam.
Sumilip si KC sa kanyang ama habang nakasuot ng tuwalya.
"Daddy, help me. Please?" hiling ng anak.
"Anak, you are a big girl already. You can do that," sagot ni Sven pagkatapos ay ngumiti sa anak.
"No, daddy. I need help. If only Mommy Kiera is here, she will wash me up," naiinis na sabi ni KC.
Para namang may mabigat na bagay ang dumagan sa puso ni Sven. Lalo niyang naiisip na hindi niya nga yata talaga kakayanin ang anak dahil laging si Mommy Kiera ang hanap ni KC.
"Kira Cyrille," may awtoridad na tawag niya sa anak.
Tiningnan lang siya ni KC nang masama. Bumalik na ang anak sa loob ng comfort room at naligo na mag-isa.
How can I tell you that Kiera Amore will not come back? God, please send my wife back. I can't live my life without her.
Bago pa matapos si KC sa paliligo ay inubos na niya ang kanyang kape. Tapos na rin siyang maghanap ng trabaho online. Wala siyang makita na pwede sa kanya, puro pangbabae kasi ang mga trabaho na nakikita niya.
Lumabas na siya ng kwarto at doon, nakita niya si Raven nan aka-upo sa sofa.
"Oh, bakit nakabusangot ang mukha mo?" tanong ni Raven.
"Nagmaldita na naman si KC tapos hindi pa ako makahanap ng trabaho online. Ano pang silbi ko nito?" naiinis na pahayag niya.
"Ah, sige. Tutulungan kitang mabawasan ang isa sa problema mo," nakangiting sagot ni Raven.
"Paano?" nagtataka namang tanong ni Sven.
"Mag-apply ka sa PFB Express. Courier company 'yon," nakangiting sabi ni Raven.
"Sige, paano ako makaka-apply?" nabibigyan na ng pag-asa si Sven.
"Itanong mo kay Pzalm Franzenne."
"No, don't tell me si Begasin may ari niyan?"
"Oo, siya nga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top