Chapter 39

HINDI na nakatiis pa si Pzalm. After a week noong pag-uusap nilang magka-kaibigan, napagpasyahan niya na pumunta na ng Switzerland. Nagpatulong siya kay Raven para malaman niya kung nasaan ang tinitirhan ni Sven sa Switzerland.

Wala si Jethro noon, nasa isang meeting sa Batangas kaya naisip niya na pumunta na sa Switzerland. Isa pa, magaling naman na si Jethro kaya hindi na siya kailangan nito.

I'm sorry, Jethro. Hindi ko alam, pero gusto ko talagang puntahan si KC doon.

Habang nasa byahe si Pzalm ay iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ng bata kapag nakita siya nito. Hindi rin kasi siya nagsabi kay Sven na bibisita siya.

Gustuhin man ni Raven na sumama siya sa Switzerland ay hindi pwede dahil may inaasikaso siya sa Pilipinas. Sa social media na lang siya nakikibalita kung nasaan na si Pzalm.

"Hello. Nandyan ka na ba?" sabi ni Raven over the phone.

"Yeah, malapit na. Naglalakad na ako, Room 606 right?" sagot naman ni Pzalm.

"Yeah. I hope nandyan sila, baka mamaya kasi lumabas sila or something. Good luck," sabi ni Raven.

"Thank you," sabi naman ni Pzalm at binaba na niya ang tawag.

Naglakad na siya at hinanap ang Room 606, tumuloy daw kasi muna ang mag-ama sa isang hotel. Hindi rin alam ni Raven kung bakit eh may bahay naman si Sven at Kiera noong nabubuhay pa 'to.

Nang makita na niya ang Room 606 ay nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago kumatok sa pinto. Nang kumatok na siya, pinagbuksan siya ni Sven. Nagulat silang dalawa dahil naka-boxer shorts lang naman si Sven noong nakita niya.

"Oh, wait. Wait lang!" sabi ni Sven, sinara ulit nito ang pinto.

Ilang minuto pa ang hinintay niya pagkatapos ay pinagbuksan na siya ni Sven. Naglagay pala ito ng t-shirt at nagbago ng pambabang suot, nahiya siguro kay Pzalm.

"P-Pzalm, w-why are you here?" nauutal na tanong ni Sven.

"A-Ah, di ba nangako ako kay KC? Ito na, pumunta na ako," nauutal din na sagot ni Pzalm.

"Totoo pala talaga. Halika, pasok ka!" yaya ni Sven at pinadaan si Pzalm papunta sa loob ng hotel room.

Umupo muna siya sa sofa at inayos ni Sven ang gamit niya. Hinanap naman niya kaagad si Kc pag-upo niya doon.

"Nasa loob ba si KC? G-Gusto ko na siyang makita, e. Ayos lang ba?" sabi niya kay Sven.

"Oo, pwede naman. Kaso, tulog pa siya ngayon. Panay nuod kasi ng Cocomelon kagabi. Pero, magigising din 'yan mamaya," nakangiting sagot ni Sven.

"S-Sven, bakit nga pala kayo nandito? I mean, ilang buwan ka nang wala sa Pilipinas. H-Hindi na ba kayo titira sa bahay niyo ni Keira Amore noon?" sabi ni Pzalm.

"Ah, iyon ba? Wala na 'yon, e. Pinabenta sa akin ng parents ni Keira, gusto pa nga nilang kunin si KC sa akin pero hindi ako pumayag. Buti na lang din, ayaw akong iwan ng anak ko," nakangiti si Sven pero kita ang lungkot sa mga mata niya.

"So, bakit hindi ka umuwi sa Pilipinas ulit?" tanong ulit ni Pzalm.

"Tapos, ano? Guguluhin ko na naman kayong lahat doon? Tama na, ayaw ko na. Pabigat na rin ako kay Raven. I think," natatawa siya sa thought na 'yon.

Nagtimpla ng kape si Sven para sa kanilang dalawa ni Pzalm at saka umupo sa sofa, sa tabi ni Pzalm. Nakangiting tinanggap naman 'yon ni Pzalm.

"You can find work naman, di ba? I mean, kahit hindi na sa PFB Express. Sa iba na lang," sabi ni Pzalm then she sipped coffee.

"Yes, I can. Kaso, ayos naman na kami ni KC dito. I have work here."

"You have work here? Ano?" tanong naman ni Pzalm.

"Nakakatawa man pero I'm a nursery school teacher here. Doon din napasok si KC. I just miss your school, kaya pumasok ako doon and nag-work," nakangiting sabi ni Sven at uminom siya ng kape.

"Oh really? That's good. I'm happy for you. I remember, you always dreamed of being a teacher. Lalo na sa mga ka-edad ni KC, gustong-gusto mo sa mga bata," sagot ni Pzalm, pero gulat pa rin siya sa sinabi ni Sven. Hindi niya lang pinahalata iyon.

"Y-Yeah, I'm glad na nagamit ko na siya ngayon," sagot naman ni Sven.

Ilang minuto pa pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na si KC mula sa kwarto. Kusot-kusot pa nito ang mata kaya hindi agad niya nakita si Pzalm nan aka-upo sa sofa.

"Yes, my baby? I do have a surprise for you. Open your eyes," sabi ni Sven, binuhat niya ang anak papunta sa sofa at umupo sila doon.

"What is it, Daddy?" tanong ni KC at bigla niyang nakita si Pzalm na nakatingin sa kanya at nakangiti habang hawak nito ang kape niya.

"Who's that? Do you still know her?" tanong ni Sven habang nakangiti.

"Tita Pzalm? Is this Tita Pzalm?" sagot ni KC, pero nakangiti na ito at sinisiguro lang kung tama siya.

"Yes, baby. It's Tita Pzalm. She's here, remember her promise before?" sagot naman ni Sven, tumingin siya kay Pzalm at ngumiti pagkatapos ay bumalik din agad ang tingin sa kanyang anak.

"Oh, am I not dreaming Daddy? Is she really here?" tanong ulit ni KC, hindi makapaniwala.

"Yes baby, you can hug and kiss her so that you can confirm it yourself," sabi ni Sven.

Iyon naman ang ginawa ni KC, she hugged and kissed Pzalm. Sobrang saya ni KC, halos umiyak na siya sa sobrang tuwa.

Nang kumalma na ang bata ay agad na binuksan ni Pzalm ang maleta niya. Tumambad sa bata ang isang baby doll na binili ni Pzalm sa Pilipinas at may gummy bears din.

"This is for you. I bought that in the Philippines. I hope you like it," sabi ni Pzalm nang binigay niya ang laruan at gummy bears kay KC.

"I don't like it. I love it Tita Pzalm!" nakangiting sagot ni KC pagkatapos ay binuksan ang box ng baby doll at kumain na rin siya noong gummy bears.

Sobrang saya naman ni Sven habang nakatingin doon sa dalawa. It was a perfect moment for him, kahit alam niyang mahirap ang sitwasyon. Masaya siya na nandito si Pzalm ngayon kasama sila. Masaya siya na kahit anong mangyari, naiisip pa rin sila ni Pzalm at binibigyan sila ngimportansya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top