Chapter 36

AFTER a week, nagkita sina Pzalm, Adelia at Leigh sa isang restaurant to catch up. Pinag-uusapan nila ngayon ang ginawa ni KC a week ago.

"Oh my gosh, totoo ba?! Sabi ko na eh, may milagrong mangyayari noong araw na 'yon!" sabi ni Leigh.

"Gaga ka talaga, paano mo nasasabi 'yan eh alam mo naman na masasaktan si Jethro?" sagot naman ni Adelia.

"You know, gusto ko naman si Jethro for her. Kaso lang, iba si Sven eh. Kung inabutan mo lang siya," sabi ni Leigh.

Si Adelia kasi, hindi na niya personal na nakasama si Sven dahil noong bagong lipat siya ay wala na si Sven sa school na iyon.

"Haynaku, mag-away ba? Kayo talaga!" inis na sabi ni Pzalm.

"Eh, anong gagawin mo ngayon niyan? You'll ignore KC?" tanong ni Adelia.

"Iyon na nga ang iniisip ko. Pwede ko kayang iwasan si KC?" sabi ni Pzalm.

"Pwede, pero kaya mo ba?" tanong naman ni Adelia.

"For me, hindi mo dapat isama si KC sa iiwasan. Bata 'yon e, wala siyang kinalaman kung tutuusin. Saka, Mommy Kiera naman ang lumabas sa panaginip di ba? Ibigsabihin, ginusto ni Kiera na sabihin sa anak niya 'yon," sabi ni Leigh habang nakain ng fruit salad.

"Jethro will be sad about this. Iisipin na naman niya 'to," may lungkot sa boses na sabi ni Pzalm.

"Bakit? May balak ka bang sabihin sa kanya 'to? I mean, kung alam mo naman na masasaktan siya, bakit sasabihin mo pa?" sagot ni Leigh.

"Really, Leigh? Syempre, sasabihin niya 'yon because Jethro is her fiancée! Honesty, Leigh. Honesty!" sagot ni Adelia.

"Iyan, kaya kayo nasasaktan because of that honesty shit. Kaya ako, hindi na lang ako nagpapahuli sa boys ko edi everybody happy. Ganoon lang!" sabi ni Leigh habang nainom ng iced tea.

Ewan ko sa inyo. Sa inyo yata ako mababaliw, hindi kay KC.

Pagka-uwi ni Pzalm ay nakita niyang inaalalayan ng home nurse si Jethro para makalakad. Sinusubukan nitong makatayo mag-isa sa gaby ng home nurse.

"Jethro, are you okay?" nagmamadali si Pzalm na magpunta kay Jethro.

"O-Oo naman, look at me. I can walk already!" nakangiting sabi ni Jethro, tinulungan naman siya naman ni Pzalm.

"Very good. Mukhang mabibigyan ko ng bonus ang physical therapist mo ah? Magaling siya, napakabilis ng improvement mo," sagot naman ni Pzalm habang nakangiti.

"Ginagalingan ko para sa kasal natin, okay na okay na ako. Di ba?" excited na sabi ni Jethro.

"O-Oo naman, I can't wait to see you stand there while waiting for me," nakangiting sagot ni Pzalm pero sa loob-loob niya, naalala niya ang ginawa ni KC na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang fiancée.

"Kaya nagpapalakas na ako, para maayos ako sa kasal natin. I think, I can do it," excited na sabi ni Jethro, parang bata.

"Oh sige, I'll wash up muna and then aalis ulit ako," sabi ni Pzalm.

"S-Saan ka pupunta?" tanong ni Jethro.

"S-Sa grocery lang, wala na tayong food dito eh. I have to buy your medicine too," nakangiting sabi ni Pzalm at hinalikan sa labi si Jethro bago umupo ulit ito sa wheelchair.

Pumunta na sa comfort room si Pzalm at si Jethro naman ay bumalik na sa kwarto para magpahinga. Mamaya kasi ay darating na ulit ang physical therapist niya para tingnan siya ulit nito.

Habang nasa loob ng comfort room si Pzalm, isip siya nang isip tungkol kay KC. Sasabihin ba niya 'yon kay Jethro? Sa isip niya, baka mag-away na naman sila at makasama ito lalo kay Jethro. Baka mamaya hindi pa gumaling agad 'yon.

Nang makapagbihis at ayos na siya ay nakita niya sa may terrace si Jethro kaya nilapitan niya ito bago tuluyang umalis. Naka-upo si Jethro sa wheelchair niya habang nalanghap ng sariwang hangin.

"Bakit ka nandito? Gusto mong ipasok na kita sa loob?" tanong ni Pzalm.

"H-Hindi muna, gusto ko dito. May hangin, hindi katulad sa loob, nakakulong ako."

Nalungkot si Pzalm dahil sa sinabi ni Jethro. Nami-miss na siguro nito ang mga gawain sa labas.

"Soon, magagawa mo na ulit ang mga dati mong ginagawa okay? Focus ka sa pagpapa-galing mo para ikasal na rin tayo. Okay?" sagot ni Pzalm at hinalikan si Jethro sa kanyang noo.

Ngumiti naman si Jethro bilang tugon.

"Thank you for not giving up on me. Salamat dahil kahit nasuko na ako sa sarili ko, nandyan ka to support me," sagot naman ni Jethro.

Nang makapasok na si Pzalm sa mall ay huminga siyang malalim. Alam niya na kailangan niyang mag-focus sa pag-aalaga kay Jethro. Hindi na muna niya iisipin si Sven o si KC.

Doon sa meat section ng grocery store, may narinig siyang boses ng bata. Nang tingnan niya 'yon ay gulat na gulat siya. Si KC, kasama si Sven at Hannah na nabili din.

Halos gusto na niyang magpakain sa lupa dahil kakahiling lang niya na huwag sana niyang makita 'yong bata, tapos ito ang amngyayari ngayon? Kasama pa nito si Hannah.

Lord, ano bang gusto Mong gawinsa akin? Hindi naman ako masama ah. Sobrang bait ko nga, bakit ang bigat-bigat na?

Agad-agad siyang lumiko para hindi siya makita ni KC pero huli na pala ang lahat dahil tinawag na siya ng bata.

"Tita Pzalm? Is that you? Tita Pzalm!" sigaw ng bata.

Dumeretso lang siya sa paglalakad, dala-dala ang push cart niya. Narinig naman niyang tumakbo ang bata pero hindi pa rin niya ito pinapansin dahil ayaw niya ng gulo.

"Ouch!" sigaw ng bata, rinig iyon ni Pzalm.

Agad siyang napatingin sa bata at tumakbo si Pzalm noong nakita na nadapa si KC. Umiiyak na ang bata kaya pinatahan niya ito. Noong mga oras na 'yon, gusto niyang batukan ang kanyang sarili kasi alam niyang kasalanan niya kung bakit nadapa si KC.

"The pain will go away, KC. The pain will go away," yakap-yakap niya ang bata.

Dumating na si Sven sa harap nila at alalang-alala rin ito sa kanyang anak.

"K-KC, what happened?!" sabi ni Sven.

Nakita na lang nila ang sarili na yakap-yakap nila pareho si KC dahil sa sobrang pag-aalala. Nasaktan naman si Hannah nang makita niya ito. May binili kasi siya sa make up section ng grocery store kaya hindi niya agad nakita ang mag-ama.  


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top