Chapter 32
NANG makauwi na si Pzalm, naalala niya ang pag-uusap nila ni Sven tungkol sa problema ng PFB Express. Agad niyang pinuntahan si Jethro para tanungin kung ano ang problema na 'yon.
"Angelo, wash up na ha? I'll check Kuya Jethro upstairs," sabi ni Pzalm pagkatapos ay ngumiti kay Angelo.
Niyaya naman si Angelo ng kasambahay nila para maligo na. Tumaas na si Pzalm sa kwarto ni Jethro, kumatok muna siya bago pumasok.
"Babe, nandyan ka na pala. Kamusta ang amusement park date niyo ng mga bata?" tanong ni Jethro na nakangiti at nakahiga sa kanyang kama.
"A-Ayos naman, ikaw ba? I mean, okay naman ang therapy kanina?" pag-aalala ni Pzalm.
"Oo, sabi ng therapist I did well today daw. Itanong mo pa sa nurse ko," nakangiting sabi ni Jethro, confident siya na okay ang performance niya sa therapy.
"Sige, itatanong ko mamaya. Lagot ka sa akin kapag hindi ah," loko ni Pzalm at tumawa pa siyang konti.
"Okay ako. Okay na ako. Hmm, may gusto nga pala akong sabihin sa'yo babe," sabi ni Jethro na nakangiti pero halatang nahihiya siya kay Pzalm.
"Ano 'yon?" tanong ni Pzalm habang pume-pwesto ng higa para makahiga sa tabi ni Jethro.
"Hmm, pwede ba nating ire-schedule ang kasal? Alam mo naman, hindi ko pa kaya maglakad. Gusto ko sana, nakakalakad na ako kapag nasa altar na tayo, e."
"A-Ah, 'yon ba? Oo naman, pwedeng-pwede. Once you get better, saka na lang tayo magpakasal. Okay?" nakangiting sabi ni Pzalm.
"Thank you, magpapagaling lang ako ha. Tapos, pwede na tayong ikasal. Ayaw ko lang kasi nan aka-wheel chair ako sa araw na 'yon," nahihiya pa rin si Jethro pero nakangiti siya.
"Pwede ako naman ang magtanong sayo, babe?" tanong na ikinagulat ni Jethro.
"Oh, ano 'yon?" tanong ni Jethro pagkatapos ay umayos siya ng upo sa kama.
"Naka-usap ko kasi si Sven," sabi ni Pzalm sabay hawak sa kamay ni Jethro.
"And? What happened? Kukunin ka na ba niya sa akin?" biro ni Jethro pero may sakit na bibnigay iyon sa kanilang dalawa.
"Hindi 'yon ah, baliw ka talaga 'no?" naasar si Pzalm, kitang-kita 'yon sa expression ng mukha niya.
"Eh kung hindi 'yon, ano?" nagtatakang sabi ni Jethro.
"May problema daw kasi sa PFB Express noong araw na naaksidente ka? Nagka-usap daw kayo bago nangyari 'yong aksidente," sabi ni Pzalm at na-alerto naman si Jethro.
"S-Sinabi ba niya kung ano ang pinag-usapan naming that day?" kinakabahan si Jethro.
"Hindi nga eh, ano ba 'yon? Problema daw sa PFB Express, eh bakit hindi ko alam? I mean, kahit naman na-ayos niyo 'yon eh dapat alam ko pa rin di ba?" naguguluhan na tanong ni Pzalm.
"A-Actually, it wasn't a problem sa PFB Express. Tinawagan ko siya that day para-" natigil si Jethro sa pagsasalita nang sumagot si Pzalm.
"Don't tell me, ako pa rin ang pinag-aawayan niyong dalawa?" tanong ni Pzalm, halata sa boses niya ang inis.
"H-Hindi naman kami nag-away, nag-usap lang kami tungkol sa'yo," paglilinaw ni Jethro para hindi magalit si Pzalm sa kanya.
"A-Anong pinag-usapan niyo? B-Bakit niyo ako pinag-usapan?" tanong ni Pzalm, naguguluhan pa rin sa ginawa ng kanyang fiancée.
"K-Kahit di ko 'yata sabihin, sigurado naman na akong alam mo na kung bakit. I-I just asked him kung mahal ka pa rin niya at kung itutuloy pa rin niya ang pagmamahal na 'yon kahit nandito na ako," may lungkot sa boses ni Jethro noong kini-kwento niya 'yon.
"B-Bakit mo naman ginawa 'yon? I mean, dapat di mo na siya tinanong o kinausap. Di ba, nag-usap na tayo sa ospital tungkol dyan?" sabi naman ni Pzalm, hindi siya palagay sa ginawa ni Jethro.
"I asked him because I want to know and weigh things, Pzalm. K-Kung itutuloy ko pa ba ang pagmamahal ko sa'yo o ipapaubaya na kita sa kanya," sagot ni Jethro, hindi siya makatingin kay PZalm dahil sa sobrang hiya.
"B-Bakit? May plano kang magpaubaya? Really?" hindi makapaniwala si Pzalm sa sinasabi ngayon ni Jethro.
"Noon, noong araw na 'yon. Pero noong nakausap na kita sa ospital. Nawala na ang mga iniisip kong 'yon. I think, I already moved on from that. Tinanggap ko na ang mga dapat tanggapin," nakangiti ng konti si Jethro at hinawakan na ang kamay ni Pzalm.
"Huwag mo na isipin 'yon ha? Sayo ako ikakasal, wala nang iba pa. Ikaw pa rin ang pinipili ko. Sana alam mo na 'yon. Ikaw na hanggang dulo, Jet," niyakap naman ni Pzalm si Jethro.
"T-Thank you for staying with me, kahit ganito na ang sitwasyon ko. Nandito ka pa rin sa tabi ko. Hindi ko na nga alam kung paano ka papasalamatan," nahihiyang sabi ni Jethro.
"Alam mo kung paano mo ko mapapasalamatan?"
"Paano?" nagtataka naman si Jethro.
"Yakapin mo na lang ako tapos huwag mo na isipin si Sven. Ikaw ang pipiliin ko lagi. Okay?" nakangiting sabi ni Pzalm pagkatapos niyakap niya si Jethro, yumakap naman siya pabalik kay Pzalm.
"K-Kahit na first love mo siya?"
"Oo, kahit pang ilan pa si Sven sa buhay ko. Si Jethro Capili na ang pinipili ko," she kissed him on the cheek.
"Bagay pala sa surname ko. Kapili-pili pala ako," pagloloko ni Jethro.
"Oo, ikaw lang naman ang walang tiwala sa sarili mo. Kapili-pili ka. At pinipili na kita," sagot naman ni Pzalm habang nakangiti.
"H-Hindi ka naman niya niligawan doon sa amusement park?" pang=aasar ni Jethro.
"Loko ka talaga 'no? Hindi nga! Nandoon lang ako para sa mga bata, hindi para sa kanya," sagot naman ni Jethro.
"Sige ha. Babe, mag-shower ka na, ang baho na, e."
Hinampas naman ni Pzalm si Jethro pagkatapos ay tumayo na para mag-shower. Pinatanong ni Pzalm ang gamit niya sa kama. Noong pumasok siya sa comfort room, biglang nalaglag mula sa bag niya ang picture nilang tatlo ni KC at Sven.
Dinampot 'yon ni Jethro mula sa kanyang bag saka na tiningnang mabuti. Dahil doon, malinaw na kay Jethro na tama ang desisyon na pipiliin niya. Hindi niya alam kung bakit pero noong nakita niya ang itsura ni Pzalm doon sa picture, napangiti siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top