Chapter 31
HINDI pa sila umuwi noon. Naglaro pa kung saan-saan sina Angelo at KC. Umupo muna sa bench sina Pzalm at sven, kita naman nila ang mga bata kaya nababantayan pa rin nila ang mga ito.
"Salamat talaga, sobrang saya ni KC. Ngayon ko na lang ulit nakita iyong ganyang ngiti niya," sabi ni Sven nang makaupo sila ni Pzalm.
"She misses her mother, I think. Kaya ganyan, kita mo naman kung gaano siya kasaya noong binilhan ko siya ng softdrink," sabi niya sabay ngiti na nakatingin sa mga bata.
"Well, yeah. Spoiled kasi si KC kay Kiera Amore kaya ganyan siya pagdating sa'yo. Maybe she sees you like a mother," sabi ni Sven, hindi na niya napansin ang sinabi niya.
Napatingin naman kaagad si Pzalm at doon lang na-realize ni Sven na mali pala ang sinabi niya. Noong mga oras na 'yon, gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya.
"Sorry, hindi ko naman sinasabing maging nanay ka ng anak ko. It's just that, nakikita ka niya as one. Sana gets mo 'yon at hindi mo namis-interpret," tumingin na lang sa malayo si Sven para hindi na magtagpo ang mga mata nila.
"N-Naiintindihan ko naman, nabigla lang siguro ako. Well, I can be a spoiler, iyon din naman ang ginagawa k okay Angelo, kaya pinag-aawayan naming 'yon ni Jethro minsan," natatawa si Pzalm habang inaalala kung paano magalit si Jethro sa tuwing sini-spoil nito ang kapatid.
"Speaking of Jethro, kamusta na pala siya? B-Buti pumayag na sumama ka samin. At saka, si Angelo pa. H-Hindi na ba siya galit sa akin?" sabi ni Sven.
"Ah, ayos naman na siya. Physical therapy na lang sa bahay ang ginagawa namin para makalakad na siya nang maayos ulit," sabi ni Pzalm, medyo malungkot ang boses niya dahil naalala na naman niya ang nangyari kay Jethro.
"Good for him. Iyon din yata ang araw na nag-usap kami sa restaurant, e. Nabalitaan ko na lang na naaksidente siya kinagabihan," sabi ni Sven, wala siyang kaalam-alam na hindi pala iyon sinabi ni jethro sa kanyang fiancée.
"N-Nag-usap kayo noong gabi na naaksidente siya? Bakit? Anong pinag-usapan niyo? Hindi ko alam 'yon ah," sabi ni Pzalm, nagulat naman si Sven at parang nagsisi n asana ay hindi na siya nagsalita pa.
"A-Ah, wala naman. May tinanong lang siya tungkol sa PFB Express noon. May problema rin kasi sa sa branch naming noon kaya kailangan naming magkita," pagsisinungaling ni Sven.
"Oh? Kung may problema, sana alam ko rin. I mean, sana sinabi mo rin sakin para nagawan ko ng paraan," nag-aalala na si Pzalm dahil hindi niya alam kung ano ang problemang tinutukoy ni Sven.
"Hayaan mo na. Naayos naman naman ni Jethro na kaming dalawa lang, e. Halika na muna, sundan na natin ang mga bata," sabi ni Sven, he faked his smile.
Kahit naguguluhan pa rin si Pzalm sa sinabi ni Sven ay tumayo na ito para puntahan na ang mga bata. Nakita nilang busy pa rin maglaro ang mga bata pero noong nakita ni KC ang kanyang ama ay lumapit ito sa kanya.
"Daddy, can we go there? Please?" sabi ni KC at tinuro ang isang photobooth sa di kalayuan.
"Anak, we already got our pictures awhile ago. That's enough," sabi ni Sven dahil gusto na rin niyang umuwi.
"Daddy, please? After this, we can go home. I want a picture with you and Tita Pzalm," sabi ni KC, excited ang bata.
Tiningnan naman ni Sven si Pzalm at para bang tinatanong niya kung papayagan ba niya ang kanyang anak o hindi.
Dahil hindi maka-decide si Sven, nagssalita na si Pzalm. Bumaba ito para maging ka-level niya si Angelo at si KC.
"Okay, we can go there. After this, we'll go home. Okay?" sabi ni Pzalm habang nakangiti.
"Yes, Tita Pzalm! Let's go!" excited na sabi ni KC.
Hinawakan naman ni Pzalm si Angelo at KC sa tig-isa nitong kamay at masayang nagpunta doon sa photobooth. Dahil madaming nakapila, tumayo muna sila doon.
Si Sven, nasa likod lang nila at hindi mapakali dahil sa nasabi niya kay Pzalm kanina. Ang dami tuloy na tanong ang napasok sa isip niya.
"Huy, okay ka lang ba? Ang sabi ko, tara na sa loob. Tayo na ang kasunod," sabi ni Pzalm.
"H-Hindi ba pwedeng kayo na lang?" nauutal pa na sabi ni Sven.
"Ano ka ba naman? Gusto mo na naman bang magwala ang anak mo dahil hindi nasunod ang gusto? Halika na," pilit ni Pzalm sa kanya.
Wala na siyang nagawa. Sumama na siya kay Pzalm, naghihintay naman sa loob ang mga bata. Sobrang saya ni KC at Angelo nang makita na papalapit na sila.
Dahil sa iniisip niya, hindi tuloy siya makapag-focus sa picture. Pansin iyon ni KC at Pzalm kaya tinawag nila ang atensyon ni Sven.
"Daddy, smile!" nakangiti na sabi ni KC.
"Ngumiti ka na, mamaya mo na isipin kung ano man ang iniisip mo," bulong ni Pzalm sa tabi ni Sven.
Sinubukan ni Sven na hindi na ipahalata sa kanila na may malalim siyang iniisip. May picture silang dalawa ni Pzalm, meron din 'yong tatlo sila ni KC at meron din 'yong apat sila kasama si Angelo.
Nang matapos ay lumabas na sila doon sa photobooth. Pinunasan naman agad ng yaya ni Angelo ang bata nang makita na pawisan ito.
"Okay, baby. Say goodbye to them na, we will go home already," sabi ni Sven kay KC.
"Bye, Angelo! See you soon, okay?" nakangiting sabi ni KC kay Angelo.
"See you, KC. We'll play more next time!" sagot naman ni Angelo.
"Sven, salamat. Sana masaya si KC ngayong araw," sabi ni Pzalm habang nakangiti.
"Oo naman, talagang masaya ang anak ko. Sana, napasaya ka rin namin. Alam kong stressed ka na sa maraming bagay," sabi naman ni Sven, nahihiya pa rin siya kay Pzalm pero pinipilit niyang hindi iyon ipakita.
"Thank you, Tita Pzalm. See you again, soon. I love you so much!" sabi naman ni KC at pinaulanan niya ng halik sa cheeks si Pzalm.
Masaya si Pzalm at Sven na umuwi. It was a refreshment for them. Nakita ni Pzalm kung paano alagaan ni Sven ang anak niya at nakita naman ni Sven kung gaano kamahal ni Pzalm si KC. Sapat na iyon para sa kanila.
Naiisip tuloy nila ngayon, ayos naman pala na maging magkaibigan sila kahit papaano. Hindi man sila ang magkatuluyan sa huli, at least maging parte sila ng buhay ng isa't isa. Kuntento na sila parehas doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top