Chapter 29

ILANG linggo rin na pabalik-balik si Pzalm sa ospital. Sa ikatlong linggo, umuwi na sila at sa bahay na lang mag-undergo ng physical therapy.

"N-Nasaan si Miss Begasin?" tanong ni Sven sa isa sa mga staff ng PFB Express Batangas branch.

"Nag-file po ng leave, Sir. Hindi po muna siya magvi-visit sa kahit anong branch kasi kailangan po siya ni Mr. Capili."

"A-Ah, ganoon ba? I see. Sige, salamat," may lungkot sa boses ni Sven.

Wala tuloy siyang magawa. Gusto man niya na kausapin si Pzalm ay alam naman niya na kailangan ni Jethro si Pzalm ngayon.

Ginawa na lang niyang busy ang sarili maghapon para hindi niya maisip si Pzalm.  Bago umuwi, dumaan muna siya ng drive-thru para bilhan ng snack si KC.

Nang pumasok siya sa bahay, nanunuod si KC sa sala at nandoon si Auntie Nelma. Hindi naman niya pinabantayan ang kanyang anak kaya gulat na gulat siya.

"Auntie, nasaan po si Raven?" tanong niya.

"Naku, matatagalan daw umuwi kaya tinawagan ako para bantayan si KC," sagot naman ni Auntie Nelma.

Nang magtama ang mga mata ni KC at Sven ay excited ang bata na pumunta sa kanyang ama. She was smiling widely.

"Daddy! Daddy! How's your work today?" tanong ni KC.

"I'm so tired, anak. Can you give Daddy a kiss?" lambing ni Sven sa anak.

"Of course, Daddy! I love you so much!" sagot ni KC at inulan niya ang kanyang ama ng mga halik.

"I have a surprise for you. Can you close your eyes first? Please?"

Kahit ayaw ni KC ay ginawa pa rin ng bata dahil surprise pa rin iyon. Nakangiti lang si Sven habang tinitingnan ang kanyang anak.

"Surprise!" sabi niya habang nakangiti, binuksan ni KC ang kanyang mga mata at tuwang-tuwa siya sa nakita.

May burger and fries na hawak si Sven at happy meal. Agad na naupo si KC sa sofa para ibigay sa kanya ni Daddy Sven ang pagkain na dala-dala.

"Auntie Nelma, good girl po ba si KC kanina?" tanong ni Sven na pinapatagal pa ang pagbibigay ng surprise sa kanyang anak.

"Yes, Daddy! I'm a good girl!" sabi naman ni KC.

"Are you Auntie Nelma?" tanong naman ni Sven na para bang may pagkakataon pa para bawiin sa anak ang prize nito.

"Oo naman, good girl si KC kanina. Natulog 'yan kanina," nakangiting sabi ni Auntie Nelma.

Napatingin naman si Sven sa anak saka napangiti. Binigay na niya ang prize ng anak. Sobrang saya naman ni KC na tinanggap 'yon.

"There's more. KC and Daddy will go to an amusement park. Okay?" sabi ni Sven, kaya excited na nagtatalon si KC sa sofa.

"When?" tanong ng kanyang anak.

"Probably this weekend. So, you have to be a good girl. Okay? Daddy and KC will have some time together," sabi ni Sven, niyakap naman siya ng anak niya dahil doon.

"Yes, Daddy. KC will be a good girl. I love you so much!" hinalik-halikan naman niya ang kanyang ama at tuwang-tuwa si Sven noon.

"I'll just wash up. We'll go to the mall later and buy some groceries," sabi ni Sven at hinalikan sa noo si KC at saka binaba sa sofa ang anak.

Nang matapos nang maligo ay umalis na sila. Hindi naman sumama si Auntie Nelma dahil wala raw magbabantay ng bahay nila. Hihintayin na lang daw niya ang pagbabalik ng mag-ama bago umuwi sa bahay niya.

"Daddy, I want candies and chips. Can we buy those?" sabi ni KC habang nasa kotse pa lang sila.

"Just a few, okay? We will not buy that much because  it isn't healthy," sabi ni Sven at ngumiti sa anak.

"Okay, Daddy! I will have few chips and candies!" excited na sabi ni KC.

Nang makapasok na sa loob ng mall si KC ay naglilikot na ito sa sobrang saya.

"KC, be careful. I thought, you'll be a good girl? Sige, I will not buy chocolate candies and-" natigil si Sven sa pagsasalita dahil sumagot agad si KC.

"Yes, Daddy. Sorry, I forgot!" sabi ni KC na nagpapa-cute pa sa kanyang ama para hindi siya masyadong pagalitan nito.

Humawak na lang siya sa Daddy Sven niya at bumili muna sila ng meat. Pagkatapos naman noon, dumaan sila sa fruit section ng grocery at bumili. Si KC ang pinapili ni Sven dahil alam niyang mahilig talaga 'to sa prutas.

Habang nabili ng prutas, may nakitang pamilyar na mukha si KC. Agad niya itong tinawag at nilapitan.

"Tita Pzalm? Tita Pzalm!" tumakbo si KC at kinagulat iyon ni Sven dahil nawala sa tabi niya si KC.

Ngumiti si Pzalm at bumaba para magka-level na sila ni KC ngayon. Inayos-ayos nito ang buhok ng bata bago magsalita.

"KC, what are you doing here? Where's your Daddy Sven?" tanong ni Pzalm, nakita naman niyang papalapit na si Sven sa kanila.

"Tita Pzalm, where is Angelo?" tanong ni KC.

"He's at home with Tito Jethro," sagot naman si Pzalm habang nakangiti pa rin.

"When will I see him? I want to play with him soon!" excited na sagot ni KC.

"Soon, Tito Jethro just needs to rest more because he's sick," sagot ni Pzalm.

Tumingin naman si KC sa kanyang ama at naalala nito ang pangako na aalis sila sa weekend at pupunta sa amusement park.

"Daddy, can we invite Tita Pzalm to go with us?" tanong ng anak.

"Where, KC?" tanong naman ni Sven at bumaba para maging ka-level ang kanyang anak.

"You told me that we will go to the amusment park this weekend, right? Tita Pzalm, can you go with us?" sabi ni KC na tuwang-tuwa.

"Kindly invite Angelo too. I want to see and play with him!" dagdag pa ng bata.

"No, I mean.. Tita Pzalm is so busy, she can't go with us. Maybe next time, anak. Okay?" sabi naman ni Sven para hindi na umasa pa ang bata kay Pzalm.

"But Daddy, we will be sad if it's just the two of us!" sabi ni KC na para bang naiinis na.

"Then, we will call Tito Raven to come with us," sagot naman ni Sven habang nakangiti para hindi masyadong topakin ang kanyang anak.

"No, it's fine. I'll be available this weekend for KC. Just text me what time it is para on time akong makapunta, Sven."

Nakangiti si Pzalm na nakatingin kay KC, hindi naman mapigilan ni KC ang kasiyahan dahil sa sinabi ni Pzalm.

"Are you sure?" tanong ni Sven na kinakabahan.

"Yes, I am. I'll ask Tito Jethro if Angelo can come with us. Okay?" sabi naman ni Pzalm na nakatingin kay KC at hinawakan nitong maigi ang buhok ng bata.

"Yehey! Thank you, Tita Pzalm. I love you!" nakangiting sabi ni KC at niyakap nito si Pzalm.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top