Chapter 27
PAGKATAPOS na makausap si Pzalm ay agad na tinawagan ni Jethro si Lorenzo. Dali-dali niya itong niyaya na uminom, kahit nagtataka si Lorenzo ay pumayag pa rin siya sa gusto ni Jethro.
"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo, pare? Mahirap 'yan ah," sabi ni Lorenzo sabay inom ng alak mula doon sa shot glass.
"Oo, para kay Pzalm, gagawin ko naman ang lahat. Mahal na mahal ko kaya 'yon," sagot naman ni Jethro.
"Haynaku, iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal 'no? Madalas, ginagawa tayong tanga ng pag-ibig. Wala eh, mahal natin eh. Hindi tayo hihingi ng kapalit," sabi ni Lorenzo.
Napa-isip bigla si Jethro sa sinabi ng kaibigan. Kapag ba nagmahal ka, pwedeng walang kapalit? Syempre, gusto din natin minsan na ma-reciprocate ang pagmamahal na binibigay natin sa kanila.
"Noong minahal ko si Pzalm, lagi kong hinihiling na mahalin niya rin ako pabalik. Halos sa araw-araw na kasama ko siya, iyon na lang hinihiling ko sa Diyos," sabi ni Jethro.
"Ginawa naman niya, naging kayo na after so long. Mahal ka naman ni Pzalm, pero hindi nga lang niya kayang ibigay sa'yo isang parte ng puso niya, kay Sven iyon eh," sabi naman ni Lorenzo.
Tumango-tango si Jethro bilang tugon, pero hindi niya matanggap iyon sa loob-loob niya. Gusto niya, kung gaano niya kamahal si Pzalm ay ganoon din ang pagmamahal ng fiancée niya sa kanya.
"What if, yayain ko na siyang magka-baby kami? After all, ikakasal din naman kami. Isa pa, parang normal lang naman ang magka-anak bago ang kasal, hindi ba?" tanong ni Jethro sa kaibigan.
"Naku, alam mo naman na hindi ganoon ang gusto ni Pzalm. She believes in marriage first bago ang baby," sabi naman ni Lorenzo habang hawak ang shot glass.
"Isa na nga yata akong baliw para isipin na 'yon ang sagot sa pagmamahal na hinahanap ko. Kung naririnig lang ako ni Pzalm ngayon, nakipaghiwalay na 'yon kung malaman niya na ganito na ang mindset ko," sabi ni Jethro.
"B-Bakit kasi hindi ka na lang magpa-ubaya? Pwede naman, kung kita mo talaga sa mga mata niya na doon siya masaya eh. Mahirap ipilit kung alam mo sa sarili mo na hindi talaga ikaw ang mahal," sabi ni Lorenzo.
"Niloloko mo ba ako? Nag-ipon ako ng pagmamahal. Hinintay ko na sa akin na ang atensyon niya, tapos bibitawan ko lang at magpapaubaya? Torture naman'yata sakin 'yon?" sagot ni Jethro.
"Hindi ba mas torture sa sarili mo iyong alam mong iba ang mahal niya pero pinipilit mo ang sarili mo na ikaw 'yon at kaya mong pantayan ang pagmamahal na 'yon?" sabi ni Lorenzo.
"Kaibigan pa ba kita o kaaway na? Grabe ka sa akin ah, inaano ba kita dyan? May problem ba kayo ni Ivy at-" natigil si Jethro sa pagsasalita nang sumagot si Lorenzo.
"Wala, wala kaming problema. Uminom na nga lang tayo para kahit paano ay mapawi 'yang iniisip mo. Aagahan ko ulit umuwi, ikaw na ang mag-drive sa sarili mo pa-uwi," sabi ni Lorenzo.
"Sige."
Sa kabilang banda, nag-iinom naman sina Raven at Sven sa isang bar din. Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina.
"Eh ano bang gusto niyang iparating? Ang labo niya pare," sabi ni Raven.
"Pinapapunta niya siguro ako doon para ipakita sa akin na siya ang panalo. Ang kapal ng mukha niya," sabi ni Sven.
"Ang tanong, pupunta ka ba?" sabi ni Raven pagkatapos maglagay ng alak sa kanyang baso.
"H-Hindi ko alam, gusto kong makita si Pzalm sa kasal niya pero hindi ko rin naman gustong masaktan ang puso ko. Para ko lang pinatay ang sarili ko noon," sabi ni Sven.
"Ipaubaya mo na kaya? Pwede naman, kung iisipin mo kasi.. Wala ka naman na talaga sa kwento nila, tapos na 'yong sayo. Bumalik ka na lang dahil sinabi ni Kiera Amore pero hindi mo naman intensyon na balikan siya, hindi ba?" suggestion ni Raven.
"H-Hindi ka ba naniniwala sa mga dahilan? May dahilan kung bakit ako bumalik. May dahilan kung bakit lagi kaming pinagtatagpo ulit," sabi ni Sven na confident pa.
"May dahilan ba talaga o ikaw na lang mismo ang nagawa noon sa isip mo? Sven, alam ko naman na mahal mo si Pzalm. Sinusuportahan naman kita dyan, kaso okay na kasi sila noong dumating ka. Ginulo mo lang isip ni Pzalm sa pagbalik mo, iyon ang totoo."
Napa-isip si Sven sa sinabi ng kaibigan. Naisip niyang baka isip na nga lang niya talaga ang nagsasabi sa kanya na mahal niya si Pzalm dahil siya ang nakikita niya ngayon. Baka dumating ang araw na ma-realize niyang hindi naman niya talaga mahal 'to.
"Eh, anong gagawin ko para malaman ko kung mahal ko pa siya?" tanong ni Sven.
"Kung ako ang tatanungin mo, halikan mo o yakapin. Doon mo malalaman kung mahal mo pa siya o mahal ka pa niya. Ramdam mo 'yon sa body movements niya,e. Testing mo lang," sabi ni Raven.
"Paano ko naman magagawa 'yon eh halos ayaw na nga niya akong makasama? Niloloko mo yata ako, e," naiinis pang sabi ni Sven.
"Lagi naman na kayong magkikita sa PFB Express hindi ba? Doon mo kausapin. Maiintindihan naman siguro ni Pzalm na kailangan mo lang patunayan sa sarili mo kung mahal mo pa siya o hindi na," sabi ni Raven.
Naisip niya tuloy iyong nangyari sa ospital. Doon niya lang nayakap nang matagal si Pzalm, hindi naman iyon sapat na basehan para malaman 'yon. Isa pa, walang reaksyon si Pzalm doon sa yakap niya noon.
"Ewan ko pero sige, susubukan ko."
Gabi na noon at nagluto na si Pzalm ng dinner nila ni Jethro. Kahit alam niyang uumagahin na ito ng uwi, hindi pa rin niya kinalimutan na paglutuan ito ng pagkain. Iyon din kasi ang pambawi niya sa mahabang araw nito sa trabaho. Hindi na rin kasi sila nag-aabot sa school o sa PFB Express eh kaya gusto niya na itong gabi na 'to ay maging para sa kanila.
Habang nanunuod siya ng TV, biglang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang natawag ang Papa ni Jethro. Nagtataka siya dahil hindi naman siya malapit dito masyado, so bakit tatawag sa kanya sa ganitong oras?
"Yes po, Tito Javier?" tanong niya.
"Si Jethro, Pzalm. Naaksidente. Pumunta ka na dito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top