Chapter 25
PAGKATAPOS na mag-donate ni Pzalm ay hinanap niya agad si Leigh. Dahil hindi niya makita ito, sinamahan muna niya si Sven papunta kay KC. Gusto rin kasi niya 'tong makita.
Nang dumating sila, tulog si KC. Nakakalat naman ang mga krayola at drawing pad na bigay ng lolo at lola niya sa kanya kaya niligpit iyon ni Sven.
"P-Paano bilang anak si KC, Sven?" tanong niya.
"She's sweet pero kapag tinopak 'yan, sobrang maldita niya," natawang saglit si Sven sa kanyang sinabi.
"Hard to handle?" tanong ulit niya.
"If I'll think that way, yes. Pero mahal ko ang anak ko kaya no ang sagot ko," sabi ni Sven.
"Hindi pa rin niya alam na hindi na babalik si Kiera?"
" Oo. Minsan, naiyak na lang siya kasi hinahanap si Kiera Amore. Hindi ko na nga alam ang sasabihin ko," dagdag pa niya.
Nalungkot si Pzalm para sa bata. Alam niya rin naman kung gaano kahirap mawalan ng taong mahal mo.
"I'll approve your application pag-uwi ko para maka-start ka na next week. Is that okay with you?" sabi ni Pzalm na nakangiti.
Gusto man yakapin ni Sven si Pzalm ay hindi niya magawa. Nilahad na lang niya ang kamay at kinuha naman 'yon ni Pzalm para makapag-shake hands sila.
"Thank you for the approved application at sa pagtulong kay KC. Malaking bagay iyon," nakangiting sagot ni Sven.
"Para sa anak mo. You know how much I love kids. Nakita ko pa lang siya noong una, ang gaan na ng pakirandam ko sa kanya," nakangiti si Pzalm habang tinitingnan si KC.
"I can't wait to see you as a mother. S-Sa anak niyo ni Jethro," nauutal na sabi ni Sven, parang hindi niya tanggap ang huling sinabi.
"I hope I'll be a good mother someday. Iniisip ko pa lang, kinakabahan na ko sa maraming bagay," sabi ni Pzalm.
Sasagot sana si Sven pero nagising si KC. Kinukusot pa nito ang mga mata nang makita niya si Pzalm.
"Tita, where is Angelo?" may excitement na tanong ni KC.
"He's at home. Don't worry, I'll bring him here soon," sabi ni Pzalm at nakangiti. Inayos niya ang buhok ng bata.
"No. I mean, you need to be discharged first before you'll see Angelo," may diin na sabi ni Sven at tumingin siya kay Pzalm.
"Dad!" inis na sabi ni KC.
"Kira Cyrille. You're here because you have dengue. Angelo can wait," sabi ni Sven sa anak, napasimangot tuloy si KC.
"Yes, your dad is right KC. Angelo wiill play with you when you're not sick at all," nakangiting sabi ni Pzalm.
"He'll wait for me, right? I'll be okay soon. Tell Angelo to wait for me," may lungkot sa mga mata ni KC pero sinusubukan pa rin niyang ngumiti.
"I'll tell him that. Now, you need to rest more."
"KC, you need to thank Tita Pzalm. Okay? She donated blood for you so you'll get well," sabi ni Sven sa anak.
"Thank you, Tita Pzalm. I love you!" sabi ni KC at humalik sa cheeks ni Pzalm, masaya naman niyang tinanggap ang halik ng bata.
Masaya si Sven na makita na okay si Pzalm at ang anak niya. Ang dami niyang naiisip pero pinipigilan niya ang mga iyon dahil alam naman niya na magkaiba sila nang nararamdaman.
Ilang minuto pa ay nagpaalam na si Pzalm kay KC. May lungkot na
naramdaman si Sven pero hindi niya iyon pinahalata.
"Ihatid na kita sa labas," alok ni Sven at tumango na lang si Pzalm bilang tugon.
Habang naglalakad si Pzalm ay bigla siyang niyakap ni Sven mula sa likod.
"S-Sven, ano ba? Bitawan mo na 'ko," utos ni Pzalm.
"Hayaan mo lang ako. Ngayon lang, gusto kong may sumalo sa akin kasi hirap na hirap na ako ngayon," halata ang pagod sa boses niya.
Hinayaan nga lang ni Pzalm si Sven nang ilang minuto. Nakapikit lang si Sven na nakayakap sa likod niya. Hindi naman kasi niya mapakita sa anak na hirap na siyang mag-isa.
"Salamat sa lahat, Pzalm. Kahit hindi mo na sabihin na mahal mo ako, ayos lang sa akin. Ang importante ngayon, may paki ka sa akin," sabi ni Sven, hindi naman sumagot si Pzalm at bigla na lang kumalas sa yakap ni Sven sa kanya.
Ni hindi na niya nilingon si Sven dahil sa kaba na nararamdaman niya. Nakita naman niya na nag-uusap sina Leigh at Raven sa labas kaya agad siyang lumapit sa kanila.
"T-Tara na, umuwi na tayo. Baka hinihintay na tayo ni Jethro, e," yaya niya kay Leigh kaya nagpaalam na ito kay Raven.
Nang mapansin ni Leigh na hindi okay ang pakiramdam ni Pzalm ay tinanong niya ito kung ano ang problema.
"H-Hindi ba okay ang blood donation process mo? A-Akala ko, okay naman? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Leigh habang nagda-drive siya.
"W-Wala, gusto ko na lang magpahinga. B-Baka gawa 'to noong nawalang dugo sa akin," pagsisinungaling ni Pzalm, tumango-tango naman si Leigh.
Nang makabalik siya sa condominium ay hindi niya maalis sa isip ang sinabi ni Sven sa kanya kanina. Paulit-ulit ang boses n Sven sa isip niya.
Salamat sa lahat, Pzalm. Kahit hindi mo na sabihin na mahal mo ako, ayos lang sa akin. Ang importante ngayon, may paki ka sa akin.
May kung ano siyang nararamdaman kapag naiisip niya 'yon. It was fulfilling to hear pero iniisip niya rin kung ano ang magiging epekto noon sa relasyon nila ni Jethro. Isa pa, hindi niya pa nasasabi sa fiancée kung ano ang ginawa niya sa ospital.
Hindi niya alam kung bakit kahit alam niya na mag-aaway sila ni Jethro ay ginawa pa rin niyang tulungan si KC. Nananalangin na lang siya na maintindihan siya ni Jethro. Ang tinulungan niya ay ang bata at hindi ang ama nito.
Ilang minuto pa, kinuha na niya ang mga application para i-approved ang kay Sven. Malaking desisyon ang ginawa niya, lalo na at kasama rin naman si Jethro sa pagpapatayo ng PFB express. Kung tutuusin, dapat ay alam muna ni Jethro iyon pero itatago niya para kay KC.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top