Chapter 24

DALAWANG buwan rin ang dumaan, kahit na alam ni Pzalm na nag-apply si Sven sa PFB Express ay hindi pa rin niya ito pinansin.

"Have you heard what happened to KC?" tanong ni Leigh habang nagso-scroll sa Facebook.

"KC? Sinong KC?" nalilito naman si Pzalm dahil doon.

"KC Monfero. Anak ni Sven," sagot ni Leigh na labis kinagulat ni Pzalm dahil hindi na niya alam ang nangyari doon sa mag-ama.

"A-Anong meron?" tanong niya na nauutal pa.

"Kulang sa dugo iyong bata. Teka, ano bang blood type mo?" tanong ni Leigh na nagbabakasakali na mag-match iyon kay KC.

"AB. Why?" tanong niya.

"Sakto! AB din si KC. Are you willing to donate blood?" excited na tanong ni Leigh.

"N-No. I'll donate cash na lang. May details ba?" sagot ni Pzalm.

"Meron naman, kaso hindi ba mas okay kung mag-donate ka rin ng blood? Iyon naman ang mas kailangan ng bata, meron ka naman. Bakit hindi mo tulungan?" sagot ni Leigh.

"Gusto mo bang magalit na naman si Jethro sa akin? Alam mo naman-" natigil si Pzalm dahil sumagot agad su Leigh sa kanya.

"Bakit? Kay Sven ka ba magdo-donate? Hindi naman di ba? Sa bata, huwag mo isipin kung sino ang tatay niya," may diin na sabi ni Leigh.

Umalis na lang si Pzalm doon sa sala at pumunta sa kwarto. Doon niya inisip kung tutulungan ba niya si KC o hindi. Naiinis siya dahil sa tuwing iisipin niya si KC ay nakikita niya na nakangiti ang bata sa kanya.

Haynaku, bakit? Ilang buwan na kitang iniiwasan pero laging anak mo ang nagiging dahilan kung bakit lagi tayong pinagtatagpo. You know how much I love kids! Kung hindi lang dahil kay KC, hindi kita tutulungan.

Tumayo na siya at inayos ang sarili. Kinuha niya ang mga importanteng documento na dadalhin sa ospital para ma-check talaga na compatible sila ni KC. Paglabas niya ay inis niyang niyaya ang kaibigang si Leigh.

"Halika na, pumunta na tayo sa ospital. Gusto mong tulungan ko 'yong bata, di ba?" matapang na sabi ni Pzalm.

"Yes! Buti naman at naisip mo na 'yan. Halika na, ako ang magda-drive para sa'yo," sabi ni Leigh.

"O-Okay, tara na."

Habang nasa byahe sila ay hindi mapakali si Pzalm dahil iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Sven kung tutulong siya sa anak nito. Kahit sabihin pa ni Leigh na huwag niyang isipin 'to ay hindi niya maiwasan.

"Sure ka na dito ah?" tanong ni Leigh.

"Gaga ka, ikaw ang dahilan kung bakit ako pupunta doon ngayon. Ano ba 'yan, nababaliw na yata ako. Hindi ko na dapat sila isipin, kaso naaawa naman ako roon sa bata," sabi ni Pzalm at halata ang inis niya sa kanyang sarili.

"Huwag mo na akong sisihin, nandito na kaya pangatawanan mo ang desisyon mo. Isipin mo na lang 'yong bata. Pwede naman na roon ka lang magpakita ng concern at hindi roon sa tatay," sabi ni Leigh.

"Ewan ko na. Bahala na mamaya," sagot naman ni Pzalm.

Pagdating naman nila sa ospital ay agad tinawagan ni Pzalm si Raven para sabihin na tutulong sila sa bata. Gulat man ay bumaba pa rin si Raven para salubungin sila. Pagbaba ni Raven ay nagtama agad ang mata nila ni Leigh, tumango siya sa kanila.

"Pzalm, are you sure about this?" tanong ni Raven. 

"Yes. Halika na para matapos na 'to. Thanks, Raven."

Pumunta sila sa section ng ospital kung saan nagpapakuha ng mga dugo angtao. Nakita nila si Sven doon na nakabantay. Noong una ay hindi pansin ni Sven na si Pzalm pala ang palapit sa kanya.

"S-Sven, pre. May tutulong daw kay KC," sabi ni Raven habang nakangiti.

"S-Sino daw?" tanong naman ni Sven.

"Si P-Pzalm," sagot ni Raven at pinalapit na nito sina Leigh sa kinatatayuan niya.

 Kaya naman sobrang gulat na gulat si Sven dahil matagal din niyang hindi nakikita si Pzalm. Pinipigilan niya ang sarili na huwag yakapin o kung ano mang physical na contact ang mangyari dahil alam niya na kapag ginawa niya iyon. He will totally break down. 

Tinulungan ni Raven si Pzalm na makapagpasa ng requirements. Kinausap muna siya ng mga doktor at tiningnan kung kakayanin ng health status niya na magbigay ng blood sa bata. Habang naghihintay sa result ay kinausap niya muna si Sven.

"S-Sven, kamusta si KC? Pasensya ka na, ngayon ko lang kasi nalaman na need niya ng dugo. Kailan pa?" tanong ni Pzalm, pinipilit niyang hindi maging awkward ang sitwasyon nila.

"Last week, nilagnat siya tapos nanghina na. Dengue na pala," sagot ni Sven habang nakatingin doon sa mga taong nagbibigay ng dugo kung kani-kanino.

"May nag-donate na ba ng dugo sa mga kakilala mo?" tanong ni Pzalm.

"Yeah, meron naman na. Nagpadala na rin ng pera ang grandparents niya. Panggastos sa ospital at kung saan-saan," sagot ni Sven, pinipigilan niya ang umiyak.

"First time niya bang magka-dengue? I mean, hindi ba niya 'to naranasan noong buhay pa si Kiera?" tanong ulit ni Pzalm.

"H-Hindi pa, kaya parang mawawalan na ko ng bait sa sobrang shocked sa mga nangyayari. Kung nandito lang si Kiera Amore, alam niya ang gagawin sa anak namin. She knows everything about KC. Kulang na lang ay tawagin ko siyang superwoman sa sobrang galing niya mag-alaga," sabi naman ni Sven at nasaktan ng konti si Pzalm dahil doon.

Hindi na sumagot si Pzalm dahil tinawag na siya noong kukuha ng dugo para kay KC. Buti na lang, match naman sila ni KC. Humiga na siya sa hospital bed habang si Sven naman ay naghihintay sa kanya sa labas.

This is for you and for your child. Hindi ko hahayaan na mawala sayo ang anak mo dahil alam ko kung gaano mo kamahal si KC. Siya na lang ang meron ka ngayon at alam kong hindi mo kakayanin kapag nawala pati siya sa iyo.

Akala ko, hindi ka na darating. Noong una pa lang, naisip na kitang lapitan pero nahihiya ako dahil alam kong iniiwasan mo pa rin ako. Dalawang buwan  ka nang walang paramdam sa akin. Salamat dahil ikaw mismo ang lumapit para tumulong sa anak ko.

Pagtapos makuhanan ng dugo ni Pzalm, tumingin siya kay Sven at binitawan ang salitang matagal na niyang hinihintay.

"I will check your application sa PFB Express. Kailangan mo ng trabaho para kay KC. Sorry kung ngayon ko lang ia-approve 'yon."





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top