Chapter 16
KINAGABIHAN ay mabilis lang din silang kumain ng dinner sa restaurant ng hotel. Pagod na kasi sila kaya gusto nang humilata mg mga katawan sa kama.
Pagbalik ng kwarto ay humiga agad si Pzalm sa kama, nakapag-shower naman na siya bago mag-dinner kanina kaya ayos lang iyon. Hindi na nga lang niya nahintay si Jethro at nakatulog na.
"Goodnight babe, I love you so much," bulong ni Jethro kay Pzalm pagkatapos ay humiga na.
Kinabukasan, pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay sinundo naman agad sila noong van na sumundo rin sa kanila kahapon.
Tuwang-tuwa na naman sila dahil it is a day worth to remember na naman.
"Saan tayo ngayon, babe?" tanong ni Jethro.
"Pagudpud Beach saka Vigan City," nakangiting sagot ni Pzalm.
Parang bata na naman sa sobrang excited si Jethro. Magkatabi sila ngayon sa loob ng van, hinawakan na naman niya ang kamay ni Pzalm habang nasa byahe sila.
Pagbaba sa Pagudpud Beach ay manghang-mangha silang dalawa sa nakita. Powdered like crystal ang itsura ng sand.
Hindi na sumama pa ang driver dahil ayaw naman daw nitong ma-istorbo ang private moment noong dalawa.
Buti na lang rin at hindi masyadong maulan kaya feel na feel nila ang pagpunta doon. Si Jethro ay umupo pa doon kahit na malalagyan ng sand ang kanyang beach shorts.
"Pzalm, umupo ka na. Dito ka sa tabi ko," utos ni Jethro. Nag-aalinlangan si Pzalm noong una dahil pajama lang ang suot niya sa pang ibaba at sure siya na madudumihan iyon.
"Huwag mo kong babasain ah," mahigpit na utos niya, tumango naman si Jethro bilang tugon.
They are both wearing the "I ❤️ ILOCOS" shirt na binili nila kahapon sa may Bangui Windmills.
Malapit sila sa dalampasigan. Kung pwede nga lang ay basain na nang tuluyan ni Jethro si Pzalm pero alam niyang magagalit ito.
"B-bakit ang tahimik mo? Anong iniisip mo, babe?" tanong ni Jethro sa nobya.
"Wala naman, gusto ko lang namnamin 'tong katahimikan habang nandito pa tayo sa Pagudpud, kapag kasi nasa Manila na tayo, iba na naman ang ingay na maririnig natin," sabi ni Pzalm.
"Ganoon talaga ang buhay, kailangan natin mag-trabaho para magandang future ang mabigay natin sa isa't isa. Sure naman ako, kahit paano ay na-refresh na tayo. Kaya kaya na natin lumaban ulit," sagot ni Jethro.
"Jethro, I want to take this opportunity para pasaamatan ka. Hindi ko pa yata nagagawa iyon ulit," sabi ni Pzalm at hinawakan ang kamay ni Jethro.
"You don't have to thank me. Ikaw ang dapat pasalamatan ko dahil binigay mo ang oras na 'to para sa ating dalawa lang," sagot ni Jethro pagkatapos ay tumingin sa dalampasigan.
"No, I thank you for being so patient with me from the beginning up to now. Hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang lakas mo para harapin ako lagi na may saya sa iyong mga labi. I know, those five years were so painful to you but-" matigil si Pzalm sa pagsasalita dahil sumagot si Jethro.
"It was painful, yes. But, the pain you're giving me were all worth to take. Alam mo 'yon? Yung kahit ang sakit-sakit na sa pakiramdam, ang sarap pa rin kasi galing 'yon sa taong mahal mo?" sabi ni Jethro.
"Ang swerte-swerte ko naman, merong nagmamahal sa akin nang walang kapalit," sabi ni Pzalm na ngayon ay nakatingin sa dalampasigan.
"Talaga! Ang swerte mo kasi nag-iisa lang ako. You should take me with you always. Rare na ang ganitong type ng love na ino-offer, 'no," biro ni Jethro na natawa sa sarili niyang joke.
"Sige na nga, I'm taking you with all my life. I love you, Jethro. Sobrang thank you," sabi ni Pzalm at niyakap si Jethro.
"Halika na nga, kumain na tayo. Baka mamaya eh mag-iyakan pa tayo dito eh," sabi ni Jethro na kinuha na ang kamay ni Pzalm at tinulungan itong tumayo.
Nilinis muna nila ang mga sarili bago pumunta sa van para kunin ang kanilang wallet at para tawagin na din ang driver ng van para kumain.
Buti na lang at pwedeng kumain sa mga restaurant hotels doon kahit hindi ka doon naka-check in.
Pina-upo ni Jethro si Pzalm bago siya umupo pagkatapos ay binigay ni Jethro ang menu sa nobya para makapamili na ito. They ordered the famous Ilocos bagnet and chopsuey.
Hindi tuloy mapigilan ng mga waitress na hindi sila mapansin. Ang gentleman kasi ng gestures ni Jethro kay Pzalm.
"Ang sweet naman ni Sir kay Ma'am, gusto niyo po ban g picture? Willing po ako Ma'am, ang ganda niyo po tingnan, e. Ang sweet niyo po," kilig na sabi ng isang waitress.
Ngumiti naman si Jethro sa waitress at binigay ang kanyang cellphone. May picture sila na sila lang dalawa at may picture sila kasama noong driver ng van for remembrance daw sabi ni Pzalm.
Sarap na sarap sila sa in-order, sobrang saya nga ni Pzalm dahil may halo-halo pala doon sa restaurant kaya nag-order din sila nang tig-isa.
Sobrang saya rin ng driver ng van dahil ngayon lang daw may nag-sama sa kanya sa lunch. Madalas daw, tubig lang ang lunch niya o di kaya naman ay nilulutuan siya ng kanyang asawa para may baon na.
Nang magbayad na sila sa kinain ay masaya silang binati ng paalam noong mga waitress sa restaurant. Dahil nahihiya ay tanging ngiti na lang ang nabigay nila sa kanila.
Busog na busog silang tatlo pagpasok sa van. Nang okay na ang pakiramdam ay sinabihan nila ang driver na sa Vigan City naman ang punta nila.
Tatlong oras din ang nialkbay nila papunta sa Vigan. Nakatulog na nga sina Jethro at Pzalm, ginising na lang sila ng driver noong malapit na. Nasa Calle Crisologo sila.
Dahil hapon na sila nakadating, ang ganda na tingnan ng Vigan dahil ang dami nang tao. Buti na lang ay may kalesa pa na pwedeng sakyan. Umarkila sila ng isa habang ang driver naman ng van ay binigyan nila ng pambili ng pansalubong sa mga anak. Halos maiyak ang driver ng van sa sobrang bait noong dalawa.
Takot noong una si Pzalm sa kabayo pero noong makasakay na sila ay nakalma niya na rin ang sarili. Kinuha niya ang cellphone ni Jethro at siya ang nag-take ng picture nilang dalawa. Doon lang napansin ni Pzalm ang mga mata ni Jethro na sobrang saya.
Sikreto niyang pinicturan si Jethro habang nakatingin sa kabayo at doon sa mga taong naglalakad. Agad na iniba ni Pzalm ang anggulo kung saan nakatapat ang camera ng phone para hindi siya mahuli ni Jethro. Kinikwento naman ng history ng Vigan ang nag-papatakbo ng kalesa.
Habang nasa kalesa ay niyakap at hinalik-halikan naman ni Jethro ang noo ni Pzalm, nakayakap ang nobya niya sa kanya habang tinitingnan din ang daan. Natigil sila kapag may gusto silang bilhin o tingnang mabuti.
Nang mag-6pm na ay niyaya na nila ang driver na kumain sa BarTech. Isa siyang bar sa Vigan kung saan sa kalye nakalagay ang tables and chairs. May buffet din na nakahelera, kaya ang saya-saya ng mga tao tuwing sasapit na ang gabi.
May singers din sa nasabing bar na kung saan pwede kang mag-request ng song. Mostly, acoustic ang mga bandang natugtog doon. Kaya most of the time, lovers ang bisita nila.
Tumugtog na ang band at ang unang tinugtog nila ay Passenger Seat, sunod naman ay Terrified. Nagsasaya ang lahat habang ang dalawa ay tahimik lang na nakikinig. Ang huling kanta ay ang kinalungkot ng lahat. Ang kantang Paubaya ni Moira Dela Torre.
"Sino na dyan ang mga nag-paubaya? Sakit, 'no guys?" sabi ng vocalist ng banda, kaya naghiyawan naman ang lahat dahil doon.
"Ganoon talaga, minsan. Kailangan ka lang pero hindi ikaw ang mahal. This is Paubaya."
Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya
Halos maiyak na si Jethro dahil sa kanyang napakinggan, halos sapul na sapul ang bawat linya ng kanta ni Moira sa kanya. Kahit gusto niyang patigilin ang vocalist ng banda ay hindi niya magawa.
Hindi na lang niya pinansin ang nararamdaman, bagkus ay umorder na lang siya ng beer para mawala sa isip niya ang lahat. Hindi naman siya pinagbawalan nin Pzalm dahil nasa trip sila ngayon at ang gusto lang nila ay i-enjoy lang ang moment na ito.
Nang matapos na silang kumain ng dinner sa BarTech ay nagyaya na si Jethro na umuwi. Ayaw pa ni Pzalm pero dahil naka-inom na si Jethro ay sinunod na lang niya ito. Pagdating nila sa hotel ay muntikan pang tulungan ng driver si Jethro, pero sinabi naman niya na huwag na mag-alala dahil kaya naman niya.
Nang makapasok sa kwarto ay sinalpak ni Jethro ang sarili sa kama habang nakanta ng Paubaya ni Moira.
"At kung masaya ka sa piling niya. Hindi ko na pipilit pa. Ang tanging hiling ko lang sakanya. 'Wag kang paluhain at alagaan ka niya."
Nang ma-realize ni Pzalm na iyon pa rin ang iniisip ni Jethro ay hindi niya naiwasan na maiyak nang tahimik. Hindi naman kasi siya pwedeng umiyak ng malakas dahil madaming magugulo kapag ginawa niya iyon. Nang kumalma na siya, niyakap niya si Jethro nang mahigpit.
"Sorry, Jethro. I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top