Chapter 15

MAAGANG nagising si Jethro dahil sobra siyang excited ngayong araw. Sobrang tagal na kasi noong huling nangyari ito sa kanila. Sa pagkaka-alala niya, three years ago na yata.

"Hindi nga, ayaw ko din talaga kasi gusto ko masunod yung gusto niya. Iyon any ang makasal muna bago may mangyari," bulong ni Jethro sa cellphone, kausap niya si Lorenzo ngayon.

"Saludo rin naman ako sayo. Loyal na tapos nagre-resist sa temptation. Kung iba 'yan, hindi na ginalang ang kagustuhan ng babae, sagot naman ni Lorenzo sa kabilang linya.

"Parang ikaw? Haynaku, kung pwede ko nga lang i-kwento kay Ivy ang-" natigil siya sa pagsasalita dahil sumagot na si Lorenzo sa kanya.

"Naku, huwag mo na nga ko idamay dyan. Good boy na 'to. Anyways, enjoy ka na dyan. May aasikasuhin pa ko, e."

Binaba na ni Jethro ang cellphone niya, pagkatapos ay naghilamos at toothbrush na.

Pagbalik niya sa kama ay kitang-kita pa rin na tulog na tulog si Pzalm. He kissed her forehead, dahil doon ay nagising ang kanyang nobya.

"H-Hmm, good morning babe. How was your sleep, huh?" bati ni Jethro sa kanya.

"It's a good one. O-Okay din ba ang tulog mo?" tanong naman ni Pzalm.

"Of course, I had a good sleep. You, sleeping right next to me is the best thing ever!" sabi ni Jethro habang nakangiti.

Ngumiti naman pabalik si Pzalm at tumayo na. She went to the bathroon para ayusin ang sarili bago kumain.

Pagbalik ay umupo na siya sa tabi ni Jethro doon sa may table kung saan may pagkain nang nakahanda.

"H-Hindi na ba tayo bababa, babe?" tanong ni Pzalm, antok pa ang kanyang boses.

"Hindi na, dito na lang tayo kumain. Ayaw ko naman na habang nakain tayo ay may ibang natingin sa iyo," sagot ni Jethro sabay ngiting pilyo.

"Hala, ano daw? As if, hindi maganda ko, ah. Loko ka talaga, kumain ka na nga," alok ni Pzalm at binigyan si Jethro ng scrambled egg sa plato.

"Bakit? Ang ganda mo kaya, baka mamaya niyan, maagaw ka nila sa akin kahit na tinitingnan ka lang naman nila," sagot ulit ni Jethro pagkatapos ay sumubo ng scrambled egg. Natawa na lang si Pzalm at kumain.

Pagkatapos noon ay nag-ayos na sila. Sabi kasi ng front desk ay nandito na raw ang van na inarkila nila para makapamasyal.

"Are you ready, babe?" tanong ni Pzalm.

"Always, as long as I'm with you," sagot ni Jethro sabay ngiti at hawak sa kamay ni Pzalm.

Ang una nilang pinuntahan ay ang Bangui Windmills. Pagbaba pa lang nila ng van ay ramdam na nila ang hampas ng hangin sa kanilang mga mukha.

May mga turista sa paligid pero konti lang. Hinawakan ni Jethro ang kamay ni Pzalm habang naglalakad. Pinababa rin nila ang driver ng van para naman may mag-picture sa kanilang dalawa.

Nagpapicture sila habang nakatalikod. Kita ang isang na-ikot na windmill sa picture.

Meron din naman 'yong magkaharap silang dalawa at masayang-masaya na nagtititigan.

"Sir, yakapin niyo naman si Ma'am," utos ng driver na nakuha ng picture sa kanila.

Iyon naman agad ang ginawa ni Jethro. Nakangiti silang dalawa sa picture, kita na ngayon ang maraming windmills sa likod nila.

Pagkatapos noon, bumili sila ng keychains at iba pang pasalubong. Mura lang kasi kaya dinamihan na ni Pzalm ang kuha.

Pagbalik sa van ay kita mong sobrang saya ni Jethro. Nilabas niya agad ang kanyang cellphone para tingnan ang bawat picture nila. Dahil doon, kilig na kilig siya.

"Baka naman matunaw na ako niyan sa kakatitig mo sa picture ko," biro ni Pzalm sa kanyang nobyo.

"Hindi ka matutunaw, nasa puso kita e," banat naman ni Jethro sabay hinawakan niya sa kamay si Pzalm.

Dumaan sila sa Fort Ilocandia pero hindi sila bumaba. Tiningnan lang nila ito nang malapitan.

"Dati, sa book ko lang nakikita ito. Tuwing nilalagay ang Fort Ilocandia sa mga school books," sabi ni Jethro.

"Oo nga, ako rin. Ang ganda at ang laki pala talaga. Kung malawak na sa labas pa lang, sure ako na malawak din sa loob niyan," sabi naman ni Pzalm.

Ilang minuto pa nilang inikot ang Fort Ilocandia gamit ang van ay napagpasyahan na nila na iba naman ang puntahan.

Pumunta sila sa Paoay Church, may mga turista din silang nakita doon pero hindi nahiya si Jethro. Hinila niya si Pzalm para samahan siyang pumasok sa loob.

It looks abandoned sa labas pero kapag pumasok ka na sa loob ay buhay na buhay ang simbahan. May mga nagdadasal na sa loob nang pumasok sila.

They lighted candles first then prayed before checking the whole church. Umupo sila sa pew at tiningnan ang kanilant kapaligiran.

"Ang ganda pala talaga dito. Sa videos ko lang 'to napapanuod noon e. Iba pala ang feeling kapag ikaw na misno ang nakaranas," sabi ni Pzalm.

"Ang ganda kung dito kita pakasalan, 'no? Sa tingin mo, pakasal na kaya tayo dito tapos pag-uwi natin sa Manila, misis na kita," sagot ni Jethro na may pilyong ngiti.

Hinampas naman siya ni Pzalm.

"Aray ko naman! Ang sweet mo talaga babe, 'no? Kahit kailan, ang sakit eh. Iyan talaga ang lambing mo 'no? Ang sakit, e," sagot ni Jethro habang hawak 'yong parte kung saan hinampas siya ni Pzalm.

"Alam mo naman kasing hindi pwede, niloloko mo pa 'ko. Iyan tuloy napala mo," sagot naman ni Pzalm at lumuhod na at nagdasal.

For remembrance, nag-selfie silang dalawa habang naka-upo pagkatapos nilang magdasal. Pinicturan din ni Jethro ang paligid, lalo na ang board kung saan nakalagay ang history ng Paoay Church.

Paglabas nila, merong nagtitinda ny pinakbet pizza. Agad bumili si Pzalm dahil alam niyang hindi nakain ng pinakbet si Jethro.

"Eh, ayaw ko nga kumain niyan. Hindi ma-" natigil si Jethro nang magsalita si Pzalm.

"Masarap 'yan. Try mo lang kasi!" pilit ni Pzalm.

Wala nang nagawa si Jethro dahil sa hiya kundi piliting kainin ang pinakbet pizza. Natatawa tuloy ang nagtitinda at ang mga nakapaligid sa kanila.

Pumunta pa sila sa Batac, Ilocos Norte kung  saan ginagawa ang famous Empanada. Ito ang Batac Riverside Empanadahan kung saan nagtitinda ng empanada at miki. Bumili sila doon, para may kainin bago bumalik sa hotel.

Amoy na amoy nila ang mga ginagawang empanada doon. Iyon tuloy ang nag-udyok sa kanila na bumili ng marami. Tuwang-tuwa tuloy ang ale na pinagbilhan nila.

"Baka naman sumakit ang tyan mo niyan," sabi ni Jethro.

"Ang sarap kaya ng empanada, lalo na kung sa Ilocos gawa. Hindi yata ako magsasawa kahit ilan ang bilhin ko," sagot naman ni Pzalm.

"Ay, opo. Masarap po talaga ang empanada ng Ilocos," sabi ng nagtitinda.

Bumili sila ng limang empanada at dalawang miki. Kinain nila 'yon habang nasa byahe. Binigyan din nila ang driver.

Pagbalik nila sa hotel ay nakangiti silang bumaba mula sa van.

"Salamat po Ma'am and Sir, bukas po ulit," paalam ng driver bago sumakay ulit sa van.

"Salamat, Kuya. Oo, bukas ulit. Maraming salamat!" sabi ni Jethro.

Hawak niya ang kamay ni Pzalm nang batiin ulit sila ng hotel staff. Nakangiti silang sumakay sa elevator para bumalik sa room nila.

"It was a great day, babe. Thank you so much," sabi ni Jethro.

"Yes. Thank you for today, babe," nakangiting sagot naman ni Pzalm.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top