Chapter 13

AGAD na kinuha ni Pzalm ang number ni Sven sa tulog ng kaibigan nitong si Raven. Gulat na gulat ang mag-kaibigan dahil sa ginawa ni Pzalm pero makipagkita pa rin si Sven sa kanya.

"Sa tingin mo, anong sasabihing importante sa akin ni Pzalm?" tanong ni Sven sa kaibigan habang nasa kotse silang dalawa.

"Baka aminin na niya na mahal na mahal ka pa rin niya ngayon. Malay mo lang," pang-aasar ni Raven sa kaibigan.

"Tanga! Bakit ba kita naging kaibigan? Minsan, nagtataka rin ako sa sarili ko," sagot ni Sven.

"Wala, pogi ako, e."

Tiningnan nang masama ni Sven ang kaibigan at sinenyasan na lang niya ito na mag-drive na lang at bilisan. Pinapapunta siya ni Pzalm sa isang restaurant na malapit kung saan nakatayo ang school nina Pzalm at Jethro.

Pagpasok ni Sven ay nakita niyang nandoon na si Pzalm. Naka-upo habang nainom ng iced tea. Dahil todo silip pa rin si Raven sa window ay sinenyasan ito na umalis muna at pumunta kung saan.

"Wala akong pera," basa ni Sven sa galaw ng bibig ni Raven.

"Neknek mo, mas wala akong pera kaysa sa iyo!" sagot naman ni Sven pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya.

Agad na inayos ni Sven ang sarili bago tuluyang humarap kay Pzalm. Ngumiti naman si Pzalm nang makita niya si Sven at kumaway ito.

"K-Kanina ka pa ba dyan? Sorry, I'm late. Ang abgal kasi ni Raven magpatakbo ng sasakyan," palusot pa niya, ang totoo naman ay kinakabahan siya kaya hindi agad siya nakapaghanda.

"Hindi naman, kakadating ko lang rin. Iced tea pa nga lang nao-order ko, e," sagot niya sabay inom sa baso ng iced tea.

Nang maka-upo na si Sven ay agad na tiningnan niya ang menu. He ordered shrimp pasta and iced tea. Pzalm ordered chicken lasagna. Pagkakuha ng waiter sa order nila at sa menu ay awkward silence na naman ang namagitan sa kanila.

"B-Bakit mo pala ako gustong makausap?" basag ni Sven sa nakakabinging katahimikan.

"Ah, may gusto lang kasi akong itanong sayo. Sasagutin mo 'to ha kahit na sobrang tagal na nitong mga tanong na 'to.

Agad na nagtaka si Sven. Kitang-kita iyon sa mukha niya, kinalma muna niya ang utak bago muling nagsalita.

"A-Alam naman 'to ni Jethro, ano? Nagpaalam ka naman sa kanya, di ba?" paninigurado niya para walang gulo.

"Oo naman, actually siya nga ang may gusto na makausap kita, e," sagot ni Pzalm, lalo namang nagtaka si Sven dahil doon.

"Bakit? Dahil ba doon sa pagpapa-laro m okay KC sa playground ng school niyo? Nag-away ba kayo? Naku, pasensya ka na. Gusto mo bang-" natigil si Sven sa sinasabi dahils umagot agad si Pzalm.

"Hindi naman dahil doon, hindi rin naman siya nagalit sa akin," pagsisinungaling ni PZalm.

"So, bakit?"

"G-Gusto ko lang sana itanong 'yong dati? Kung bakit mo ako iniwan na lang? Alam kong super late na, pero may nagpayo kasi sa akin na gawin ko na 'to ngayon bago ako magpakasal kay Jethro," nahihiya si Pzalm pero natanong pa rin naman niya iyon kay Sven.

"Ah, closure. Kailangan pa rin pala natin ng closure. Remember noong birthday ni Raven? Nagpaalam ako sa'yo noon na mag-iinom kami," panimula ng kwento niya.

"Oo, naalala ko nga. After iyon ng birthday niya, naging cold na ang treatment mo sa akin kinabukasan," sagotni Pzalm.

Bago pa mag-umpisa ng kwento si Sven ay dumating na ang order nila. Nagsimula nang mag-kwento si Sven.

"Nakilala ko si Kiera Amore that night," pag-amin ni Sven.

"And? Nagustuhan mo siya at nakalimutan mo na ako?" tanong ni Pzalm, pero ngayon ay nasasaktan na siya sa posibleng sagot.

Uminom si Sven ng iced tea bago sumagot kay Pzalm.

"No. I know, it's too late to tell you this pero dahil closure naman ang hanap nating dalawa. It's better to say it now than never," sabi ni Sven at patuloy lang na nakinig si Pzalm.

"Akala ko, ikaw si Kiera Amore. Alam niya 'yon, nagkagulatan kami kinabukasan pagkagising namin. It was a shitty situation for me. Alam ko, hindi ganoon ang pagkakakilala mo sa akin, kaya pinili ko na lang na lumayo sa iyo," pagpapatuloy pa niya.

"Pero sana, sinabi mo pa rin sa akin," naiiyak na sagot ni Pzalm pero pilit na ankain pa rin ng lasagna.

"Ang bullshit ng dahilan ano? Iniwan kita kasi hindi ko alam ang sasabihin ko noon. Alam ko namang kahit anong paliwanag eh hindi sapat. Kaya kahit gago na ang tingin mo sa akin noon, okay lang. Tinanggap ko pa rin. Deserve ko naman kasi, kagaguhan talaga ang nangyari sa akin noon," sabi ni Sven.

"Gumuho ang mundo ko noon, ilang taon nating binuo ang mga sarili natin tapos sa isang iglap masisira lang pala. Sobrang sakit," naiyak na sabi ni Pzalm.

"I'm sorry for the pain, Pzalm. Kahit naman ako, nasaktan din. Nasa isip ko na ikaw na ang makakasama ko sa habang-buhay. Noong nanganak nga si Kiera Amore, inisip ko na ikaw siya para mawala man lang ng konti 'yong sakit, pero hindi pa rin, e."

"Alam ba ni Kiera Amore ang tungkol sa akin?" may kuryusidad na tanong niya.

"She knows everything about you. Noong umpisa nang pagiging mag-asawa namin, araw-araw kong pinaparamdam sa kanya na hindi siya ang mahal ko. Ang bullshit ko sa part na iyon, pero hindi ko rin naman pwedeng lokohin ang sarili ko at ipakita sa kanya na mahal ko siya kahit hindi naman talaga," malungkot na sagot ni Sven.

"Natutunan mo naman ba siyang mahalin bago siya mawala?"

"Limang taon na kami noong tinanggap ko na hindi ikaw ang para sa akin. Natutunan ko rin siyang mahalin, kaya sising-sisi ako noong nawala siya. Sana kasi, minahal ko na siya noong okay pa siya. Sana naibigay ko ang pagmamahal na dapat para sa kanya."

Tinapos muna nila ang pagkain at baka hindi na sila makahinga kung tapusin nila nang dere-deretso ang pag-uusap nila. Nang makabayad na silang dalawa ng bill ay nagsalita na ulit si Pzalm.

"May gusto lang sana akong hilingin? Please?"

"Ano 'yon? Anything, ibibigay ko sa'yo," nakangiting sagot pa ni Sven.

"Kung sakali man na magkita tayo sa daan, kunwari hindi mo na lang ako kilala. Gusto ko nang kalimutan ang lahat, gusto kong magsimula ulit na kasama si Jethro," hiling ni Pzalm.

"O-Okay, wala namang problema. Naiintindihan ko, alam ko na nahihirapan din kayo sa biglang pagdating ko sa buhay niyo. Saka, nagpapasalamat ako kay Jethro dahil sinagip ka niya mula sa isang shitty na relasyon. Best wishes na lang sa kasal niyo. Mag-iingat ka, Pzalm."

Ngumiti si Pzalm at tumango. Pagkatapos noon ay tumayo na siya at iniwan si Sven na mag-isa sa restaurant. Tinanggap na ni Sven na hindi na niya pwedeng pasukin pa ang buhay ni Pzalm kahit kalian.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top