Chapter 12
TAHIMIK na pumasok sina Jethro at Pzalm sa loob ng kotse. Ramdam na ramdam ni Pzalm ang tension na namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit na nag-iingay si Angelo sa likod ay nabibingi siya sa katahimikan ni Jethro. Alam niya na isang pag-aaway ang naghihintay sa kanila mamaya kapag umuwi na sila sa condominium.
"I-uuwi lang natin si Angelo tapos deretso na tayo sa condominium. We have so much to talk about," sabi ni Jethro kay Pzalm, ang tingin nito ay parang nakakatakot.
"Y-Yes, I know," mahinang sagot naman ni Pzalm.
Tumingin si Jethro sa rear-view mirror at saka kinausap ang kapatid niya.
"Angelo, take a bath later okay? Naglaro ka nang naglaro sa playground," utos ni Jethro sa kanyang kapatid.
"Yes. I'll take a bath later," sagot ni Angelo na hindi natingin sa kanyang kapatid. Naka-focus lang ito sa kanyang toy truck na hawak.
Pagdating nila sa bahay ay agad na binaba ni jethro ang kapatid. Halos hindi na nga niya pinansin ang kasanbahay nila sa sobrang pagmamadali. Pumasok siya sa kotse at nagpaharurot. Nabalot ng takot si Pzalm dahil dito.
Binato ni Jethro ang kanyang gamit sa sofa, huminga siya nang malalim at saka hinarap si Pzalm. Kitang-kita ang galit sa mga mata niya.
"S-Sorry, si KC naman ang inaalala ko kaya pinapasok ko na sila sa school. Para naman iyon sa bata-" natigil sa pagsasalita si Pzalm.
"At sa tingin mo, maniniwala ako sa sinasabi mo sa akin ngayon? Dinahilan mo pa ang walang malay na bata para lang makasama mo ang ex-boyfriend mo?" galit na sabi ni Jethro.
"Jethro, please. Let us move on from the past. Alam kong ex-boyfriend ko na siya pero hanggang doon na lang naman 'yon. Hindi ko naman na siya mahal-" natigil na naman si Pzalm dahil sumagot si Jethro sa kanya.
"The hell! Parehas nating alam ang sagot, Pzalm. Hindi ka pa tapos sa pagmamahal sa Sven na 'yan. We can't move on from the past kung ikaw mismo ay hindi pa tapos sa kanya."
Napa-upo na lang si Pzalm sa sofa at doon umiyak. Hindi niya alam kung paano ba mawawala sa isip ni Jethro ang mga nasasabi niya ngayon.
"W-What do you want me to do?" nauutal na tanong niya dahil sa kanyang labis na pag-iyak.
"Actually, hindi ko rin alam. Ano bang magagawa ko, Pzalm? I thought, wala na ako sa shadow ng magaling mong ex-boyfriend. Pero, tangina. Bumalik siya. Wow, just wow!" sigaw ni Jethro.
"K-Kahit naman nandyan siya, hindi na siya ang kasama ko. Ikaw na 'yon eh, ikaw na Jet. Please, huwag na nating gawing komplikado ang lahat. Mahal kita at mahal mo ako. Doon na lang tayo mag-focus," pagmamakaawa ni Pzalm sa kanya.
"How can we focus? Paano ko matatanggap na ang limang taong ginugol ko ay mawawala lang na parang bula dahil sa isang pagbabalik lang? Sige nga, sabihin mo sa akin!" galit na sagot ni Jethro.
"He was my past. Iyon na iyon. Wala na," halos lumuhod na si Pzalm sa harapan niya.
Tumalikod si Jethero sa kanya at pinagsusuntok ang pader. Kinagulat iyon ni Pzalm dahil ngayon lang niya makitang magwala si Jethro nang ganoon.
Papakalmahin sana ni Pzalm si Jethro pero noong haharap na si Jethro sa kanya ay aambaan sana niya ito ng sampal pero agad niyang pinigilan ang kanyang sarili.
Na-alarma naman si Pzalm dahil sa limang taon nila ni Jethro ay ngayon lang iyon nagawa ng nobyo niya sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung magagalit ba siya o maaawa.
"H-Hindi ko kayang dumaplis ang kamay ko sa maganda mong pisngi kahit sobrang sakit ng ginagawa mo sa akin araw-araw. Mahal na mahal kita, Pzalm. Hindi ko kaya, huwag na huwag mo akong iiwan," pagmamakaawa na ngayon ni Jethro na siya naman ang halos lumuhod ngayon sa harapan ni Pzalm at naiyak na.
Inalalayan ni Pzalm sa pagtayo si Jethro, pina-upo niya ito sa sofa bago kumuha ng dalawang baso ng tubig. Ininom niya ang isa sa kitchen at iyong isa naman ay binigay niya kay Jethro.
Nang makatapos na uminom at kumalma na sila parehas ay saka naman nagsalita si Jethro. Umupo na si Pzalm sa tabi niya pero tulala pa rin ito dahil sa nangyari.
"P-Pzalm, I'm sorry. H-Hindi ko na alam ang ginagawa ko kanina dahil sa pag-aalala ko," sabi ni Jethro habang inuubos ang tubig.
Mahinang natawa si Pzalm bago niya hinarap si Jethro at sinagot.
"Sana nga, tinuloy mo na ang pag-sampal sa akin, e. Abuso man sa tingin ng iba, para sa akin ay ginigising mo lang ako sa katotohanan noon. Gusto ko nang makalaya sa kanya, Jet," pag-amin ni Pzalm.
"Nagsisi ka ba na sinagot mo ako five years ago noong una mo siyang makita ulit?" lakas-loob niyang tinanong iyon kahit na alam niyang masakit ang sagot.
"H-Hindi, pero gusto kong malinawan sa mga bagay na gusto kong itanong noon pero hindi ko na naitanong sa kanya," pag-amin ni Pzalm.
"K-Kapag ba pinayagan kita ngayon na kausapin mo siya, mamahalin mo na ako ng buo?" tanong ni Jethro, may pag-aalinlangan pa rin siya pero willing siyang ibigay iyon kay Pzalm.
"Tigilan mo na nga ako sa mga ganyan mo. Mahal kita, Jet. Alam mo 'yan," naiinis pa kunwari si Pzalm pero alam naman niya ang pinupunto ni Jethro sa kanya.
"Huwag ka na magtago sa akin, alam ko naman ang totoo at ayos lang. Huwag mo na ako protektahan, lalo lang akong nasasaktan kapag dine-deny mong mahal mo pa rin siya eh," sagot ni Jethro.
"Papayag ka ba talaga na kausapin ko siya for closure? Hindi ka magagalit?" tanong ni Pzalm.
"Masakit para sakin na ngayon mo pa lang siya gagawin pero okay lang. Mas okay na gawin mo na 'to bago tayo ikasal kaysa hindi mo totally ginawa," sagot naman ni Jethro na pilit na ngumiti.
"Sige, one of these days ay kakausapin ko siya. S-Salamat at sorry sa lahat, Jethro," ngumiti si Pzalm at lumapit kay Jethro. Niyakap nila ang isa't isa pagkatapos.
After dinner ay nag-paalam si Jethro na lalabas siya. Hindi na niya pinaalam pa kung saan siya pupunta pero ang totoo ay lulunukin niya lang ang lahat ng pinag-usapan nila ngayon.
He needs time to think at hindi rin niya alam kung kaya niyang titigan pa ngayong gabi si Pzalm. Ang gusto na lang niya ngayon ay ang maging mapag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top