Chapter 10
DUMAAN ang ilang araw at naisipan ni Raven na i-treat si KC sa isang pizzeria. Nalaman kasi niya na mahilig sa pasta at pizza si KC at wala naman silang ginagawa kaya niyaya niya ang ma-ama na lumabas.
"Hati na lang tayo sa bayad, pre. Nakakahiya na, pinag-grocery mo na kami last time," sabi ni Sven sa kaibigan.
"Simple lang naman ang problema mo, edi huwag kang kumain para hindi ka ma-guilty sa panlilibre ko sa inyo. After all, si KC lang naman ang gusto kong i-libre dito," pang-aasar ni Raven sa kanya.
Hindi na lang nagsalita si Sven dahil ayaw din naman niyang marinig ng anak niya na nakikipagtalo siya. Nang makadating na sa pizzeria ay excited na bumaba sa kotse si KC.
"Pasta and pizza day! Yehey!" masayang sabi ni KC.
"Yes, baby. We will eat pizza today. Say thank you to Tito Raven because he will treat us," utos ni Sven sa anak pagkatapos ay ngumiti.
"Thank you, Tito Raven. I like pasta and pizza!" sabi ni KC at hinalikan agad niya ang kanyang Tito Raven sa cheeks dahil kay Raven siya nagpakalong.
"You are welcome, my KC! Just be a good girl so I will treat you always. Okay?" kondisyon ni Raven kay KC.
"Halika na nga, pumasok na tayo sa loob. Nagseselos na ako sa inyo dito," inis na sabi ni Sven sa kaibigan at pinapasok na ito sa loob.
Ang inorder nilang pizza ay Hawaiian. Buti na lang at nakain naman silang lahat noon kaya hindi na kailangan pang mag-away kung ano ang o-orderin na pizza nila. They ordered two round pizzas at tuwang-tuwa si KC dahil doon.
Pagkatapos kumain ng pizza ay nagpahinga muna silang tatlo. Nagyaya pa nga si KC sa mall pero hindi na siya pinagbigyan ni Sven dahil baka kung ano naman ang ipabili nito sa kanya.
Mahirap ang sitwasyon niya ngayon dahil hindi pa naman siya nakakahanap ng trabaho at konti na lang ang naipon nilang pera ni Kiera Amore. Kahit gusto niyang i-spoil ang kanyang anak, hindi niya ito magawa.
Habang nagda-drive ay napadaan sila sa isang playground na malapit sa isang school. Agad na lumiwanag ang mukha ni KC nang makita niya iyon kaya tinanong niya si Sven kung pwede ba siyang maglaro doon.
"Daddy, can I play there? Please?" pagmamakaawa ni KC, sinamahan pa niya ito ng mala-puppy eyes para payagan siya ng kanyang ama.
"No, baby. We can't play there," sagot ng ama kaya napasimangot na naman si KC kay Sven.
Dahil alam niyang iiyak na naman ang kanyang anak ay pinaki=usapan niya si Raven na ibalik ang kotse malapit sa nasabing playground.
"Are you sure that you want to play at the playground, my princess?" tanong ni Sven sa anak.
"Y-Yes, daddy," sagot ni KC na nagpupunas pa ng kanyang luha,
"Okay, I will ask them if they will allow us to play. Is that okay with you?" sabi ni Sven sabay ngiti, lumiwanag naman ulit ang mukha ng bata dahil may pag-asa pang makalaro siya doon sa playground.
"Okay, daddy. Thank you so much!" niyakap ni KC ang kanyang ama at hinalikan sa pisngi at labi.
Bumaba na si Sven ng kotse para magtanong sa guard. Samantalang nag-park naman si Raven ng kotse habang naghihintay ng signal mula sa kaibigan. Focused rin si KC sa pagtingin doon sa usapan ng guard at ng kanyang ama.
"Boss, baka naman pwedeng makalaro dyan ang anak ko. Kahit ten minutes lang, naiyak kasi kapag hindi ko pinagbigyan. Ayaw ko namang umiyak ang bata dahil sa isang maliit na bagay," sabi ni Sven, nagmamakaawa na siya sa guard ngayon.
"Naiintindihan ko naman kayo Sir, kaso ang pwede lang maglaro dyan ay ang mga studyante dito sa school. Wala naman po tayo sa park eh. Pasensya na po, baka mapagalitan din ako ng boss ko kung pumayag ako sa inyo," sagot naman noong guard.
"Boss, alam kong tatay ka rin. Naiintindihan mo ako, kamamatay lang ng asawa ko at hindi ko alam kung paanong pag-aalaga ang gagawin ko sa bata. Ito lang ang isa sa mga alam kong magpapasaya sa kanya," sagot naman ni Sven na pinilipilit pa rin ang guard.
"Condolences Sir pero hindi talaga-" natigil ang guard dahil may babaeng nagsalita.
"K-Kuya, ano pong meron? Sino po 'yan?" sabi noong babae.
Nang tingnan ni Sven kung sino ang nagsasalita ay gulat na gulat siya dahil si Pzalm iyon.
"Ah, Ma'am Franzenne, gusto po kasi niyang paglaruin ang anak niya sa playground natin. Eh, hindi naman po nag-aaral ang anak niya dito kaya hindi ko po pinayagan kaso nagpupumilit pa po siya eh," sagot noong guard na mistulang proud na proud sa ginawa niya.
Nang mapansin na si Sven pala ang kausap ng guard ay ngumiti si Pzalm. Nag-wave pa 'to kay Sven kaya nagtaka ang guard.
"Kuya, kilala ko siya. Kaibigan ko 'yan. Payagan mo na maglaro ang anak niya. Ako ang bahala sa'yo," sabi ni Pzalm sabay ngiti.
"P-Po? P-Pero Ma'am Franzenne, magagalit po si Sir Jethro sa akin kapag nalaman na naglaro po ang anak niya dito," pilit naman ng guard.
"Ano bang sabi ko sa iyo? Papasukin mo sila at ako ang bahalang kumausap kay Sir Jethro mo. Wala ka bang tiwala sa akin, Kuya?" may pananakot na tonong sagot ni Pzalm.
"M-Meron po, Ma'am. Sabi ko nga, payag na po ako at kayo na po bahala sa akin," sagot ng guard at binuksan na niya ang gate ng school.
Agad na pinuntahan ni Sven ang anak kung saan nakaparada ang kotse ni Raven. Masaya niyang binalita sa anak na pumayag ang guard sa request niya.
"Let's go, you can play but only for thirty minutes. Okay?" kondisyon na sabi ng ama.
"Yes. Thank you daddy!" masayang hawak-hawak ni KC ang kamay ni Sven at pumunta na sila sa loob.
Naiwan si Raven sa kotse dahil wala raw naman siyang gagawin doon. Binuksan na lang niya ang radio para kahit paano ay malibang habang naghihintay sa mag-ama.
Sven is just acting okay but deep inside, he is not. Alam niya kasi na nagkaroon siya ng utang na loob sa taong sinaktan niya noon. Sa isip niya, hindi niya deserve ang mapagbigyan ngayon dahil sa sobrang sakit ng ginawa niya noon kay Pzalm.
Ngunit para sa anak, lulunukin niya ang lahat ng kahihiyan. Gagawin niya ang lahat para sumaya lang si KC. Hindi niya muna iisipin ang nangyari noon. Ang tanging gagawin niya lang ngayon ay ang magpasalamat kay Pzalm dahil sa kabaitan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top